LOGINHindi nakatulog si Ethan buong gabi. Paulit-ulit niyang tinitigan ang litrato ng death certificate ng kanyang ama habang nakaupo sa madilim na opisina. Sa loob ng dalawampung taon, iisa lamang ang katotohanang pinaniwalaan niya. Nagpakamatay si Leonardo Cervantes. Iyon ang nakasulat sa opisyal na report. nIyon ang sinabi ng mga pulis. Iyon ang pinaniwalaan ng buong mundo. Ngunit ngayon...May isang hindi kilalang tao na nagsasabing kasinungalingan ang lahat.Your father was murdered.Parang paulit-ulit na umuukit ang mga salitang iyon sa isip niya. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata. Galit. Pagkalito. Takot. Lahat iyon ay nagsasama-sama sa kanyang dibdib. At higit sa lahat...Pagdududa. Dahil kung totoo iyon...Ano pa ang mga bagay na mali niyang pinaniwalaan buong buhay niya?Bigla siyang tumayo."Find the sender."Malamig ang boses niya. Agad tumango ang tauhan niyang nasa kabilang linya."Yes, sir."Pagkaputol ng tawag ay muli niyang tinitigan ang dokumento. At sa unang pagkakataon
Tahimik ang buong bahay matapos ang tawag ni Helena. Ngunit hindi iyon ang tahimik na nagbibigay ng kapayapaan. Kundi iyong klase ng katahimikan na parang may paparating na bagyo.Nakatayo si Xavian sa terrace habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang mga huling sinabi ni Helena."We've been looking at the wrong enemy."Sa loob ng maraming linggo, inakala nilang si Victor Avanzado ang sentro ng lahat. Ang dahilan ng galit ni Ethan. Ang dahilan ng paghihiganti. Ang dahilan ng panganib na bumabalot sa pamilya nila. Pero paano kung mali sila? Paano kung may mas malalim na ugat ang lahat? At paano kung mismong pamilya nila ang may kasalanan?"Xavian."Napalingon siya. Nakatayo si Astrid sa may pintuan ng terrace. Tahimik itong lumapit. Hindi na ito nagtatanong kung okay lang siya. Hindi na rin ito nagpapanggap na wala itong pakialam. Dahil sa puntong ito, pareho na nilang alam ang katotohanan. Kasama nila ang i
Hindi naging tahimik ang mga sumunod na araw sa Avanzado Estate. Sa kabila ng mahigpit na seguridad.Sa kabila ng mga bantay. Sa kabila ng mga taong nakapaligid para protektahan sila. Hindi pa rin mawala ang pakiramdam ni Astrid na may paparating na bagyo. Parang may kung anong naghihintay sa dilim.At anumang oras...Maaaring sumabog ang lahat.Ngunit sa gitna ng kaguluhang iyon, may isang bagay na pilit niyang pinanghahawakan. Si Ashton. Dahil habang tumatawa ang anak niya. Habang masaya ito.Habang normal pa rin ang mundo nito. Kaya pa niyang lumaban."Mama!"Napakurap siya. Mabilis na tumakbo si Ashton papunta sa kanya mula sa sala. May hawak itong papel. At mukhang sobrang excited."Look!"Agad niya iyong tinanggap. At nang mabasa niya ang laman...Bahagya siyang napangiti.Family Day ProgramNanlaki ang mga mata ni Ashton."We have family day this Friday!"Masayang-masaya ang bata. Parang nanalo sa raffle.At agad nitong idinagdag—"Mom and dad need to come!"Nanigas si Astrid. Li
Hindi na pinag-isipan pa ni Xavian ang desisyon. Matapos ang nangyari sa school ni Ashton...Matapos ang pagtatangkang lapitan ng tauhan ni Ethan Cervantes ang anak nila...Isa lang ang malinaw sa isip niya. Hindi na ligtas sina Astrid at Ashton sa bahay na tinitirhan nila ngayon. At wala siyang balak hintaying may mas masamang mangyari bago kumilos."No."Agad na tumanggi si Astrid nang marinig ang plano nito. Nakatayo silang dalawa sa sala habang abala si Ashton sa panonood ng cartoons. Hindi nito naririnig ang usapan. At mabuti na rin iyon. Dahil ayaw nilang maramdaman ng bata ang takot na unti-unting bumabalot sa kanilang lahat."Astrid—""No, Xavian."Napapikit siya. Dahil alam niyang matigas ang ulo ng babae. At alam din niyang hindi ito basta-basta magpapasunod. Katulad noon. Katulad pa rin ngayon.Ngunit sa pagkakataong ito...Hindi siya susuko."Someone approached our son."Mababa ang boses niya. Diretso. Walang paligoy-ligoy.Agad natahimik si Astrid. Dahil alam nitong tama siy
Hindi nakatulog si Astrid nang gabing iyon. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang larawan ng bahay nila. Ang litrato na ipinadala mula sa hindi kilalang numero. At higit sa lahat...Ang katotohanang may taong matagal nang nagmamasid sa kanila. Sa anak niya. Kay Ashton.Mahigpit niyang niyakap ang kumot habang nakahiga sa kama. Sa kabilang kuwarto ay mahimbing na natutulog ang bata. Walang kamalay-malay. Walang ideya sa panganib na unti-unting lumalapit. At iyon mismo ang kinatatakutan niya. Dahil kung may mangyari kay Ashton...Hindi niya alam kung paano niya kakayanin.Kinabukasan. Mas maaga kaysa karaniwan ay dumating ang security team ni Xavian. May dalawang sasakyang nakaabang sa labas ng bahay. May mga tauhang nakabantay. At may bagong protocol para sa pagpasok at paglabas.Tahimik na pinagmamasdan iyon ni Ashton mula sa bintana. Parang curious. Parang nagtataka."Mama."Napalingon si Astrid."Why are there so many people outside?"Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano ipapa
Hindi si Ashton ang tunay na target. Paulit-ulit na binasa ni Victor Avanzado ang nakasulat sa maliit na card na kasama ng anonymous package. Tahimik ang buong opisina. Maging ang kanyang executive assistant ay hindi nangahas magsalita.Nakatitig lamang si Victor sa mga litrato na nakakalat sa ibabaw ng mesa. Mga litrato nina Astrid at Xavian. Magkasama. Magkatabi. May ilang kuha habang hawak ni Xavian ang kamay ni Astrid. May ilan namang kuha habang magkasama silang naglalakad kasama si Ashton. At bagama't walang anumang eskandalo sa mga larawang iyon...May kakaibang pakiramdam na bumalot kay Victor. Dahil hindi normal ang pagpapadala ng ganitong klase ng mensahe. Lalo na sa gitna ng custody case.Dahan-dahan niyang kinuha ang card. Muli. At binasa ang nakasulat. Hindi si Ashton ang tunay na target. Unti-unting kumunot ang noo niya. Dahil sa unang pagkakataon matapos ang maraming linggo...May pakiramdam siyang may mas malaking bagay na nangyayari. At hindi niya iyon gusto.Samantala.
Mabigat ang umaga. Hindi dahil sa panahon. Hindi dahil sa ulan na bahagya pa ring bumabagsak sa labas. Kundi dahil sa araw na iyon magsisimula ang emergency custody evaluation. At kahit anong pilit ni Astrid na maging kalmado...Hindi niya mapigilan ang kaba.Tahimik siyang nakatayo sa kusina habang
Hindi agad binuksan nina Astrid at Xavian ang flash drive na ibinigay ni Helena. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa courthouse, pareho silang pagod. Pisikal.Emosyonal. Mental. At sa totoo lang...Pareho silang natatakot sa kung ano pa ang maaaring malaman nila. Dahil sa mga nakaraang linggo, tila b
Dumating ang araw ng unang mediation hearing nang mas mabilis kaysa sa inaasahan nina Astrid at Xavian.At habang papalapit ang oras ng pagpunta nila sa courthouse...mas lalo lamang bumibigat ang pakiramdam ni Astrid.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan si Ashton na abalang
Hindi naging mapayapa ang sumunod na mga araw. Matapos ang biglaang pagdating ni Victor Avanzado, tila may mabigat na ulap na nakabitin sa ibabaw ng bahay nina Astrid. Wala nang ibang ginawa si Astrid kundi isipin ang mga sinabi ng matanda. "My grandson has been hidden long enough." Paulit-ulit







