LOGINMadilim at tahimik ang gabi.Sa isang basement, nakatayo si Venom na nakasuot ng itim na balabal. Nakakatakot ang berdeng mga mata nito habang isa-isang tinitingnan ang mahigit tatlumpung lalaking nakasuot din ng itim.Karamihan sa mga ito ay walang anumang ekspresyon sa mukha, para bang mga zombie.Bigla, sinuntok ni Venom ang isa sa mga lalaking nakaitim sa mismong dibdib. Sa lakas ng suntok, tumilapon ang lalaki nang halos apat na metro.Si Ryan, na tinamaan ng suntok, ay maaaring patay na o malubhang nasugatan. Ngunit mabilis na bumangon ang lalaking nakaitim mula sa sahig na para bang walang nangyari. Wala man lang siyang bakas ng pinsala.Lihim na nagulat si Angel.Ang mga assassin na ito ay parang mga makinang pandigma. Hindi sila tila nakakaramdam ng sakit. Hindi niya maiwasang magtaka kung paano sila sinanay ng organisasyon.Tumango si Venom, tila nasiyahan sa nakita, bago tumalikod at umalis. Sinundan siya ni Angel palabas ng basement.Biglang tumunog ang telepono.Sinagot i
Galit na galit si Celine at halos masuka sa sobrang inis.Iisa lang ang nasa isip niya sa sandaling iyon: tuluyan niyang pilayin ang lalaking nangahas na hamakin siya.Biglang bumunot si Celine ng punyal at mabilis na sumugod kay Anton. Dahil napunit ang pantalon niya, hindi niya magawang gamitin nang maayos ang kanyang mga paa kaya mga kamay lamang ang ginamit niya sa pag-atake.Madaling naiwasan at napigilan ni Anton ang sunod-sunod at mabibilis na pag-atake ni Celine. Dalawang minuto na silang naglalaban, ngunit ni isang hibla ng buhok ni Anton ay hindi man lang niya nagawang mahawakan.“Kung hindi ka titigil, hindi na ako magpipigil,” malamig na babala ni Anton.“Tingnan natin kung ano ang gagawin mo kapag hindi ka na nagpipigil—”Hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang bigla siyang mabilis na sinipa ni Anton palayo.“Ayaw ko sanang manakit ng babae, pero pinilit mo ako,” singhal ni Anton.“Papatayin kita!” Mabilis na bumangon si Celine at agad na bumunot ng baril.Ngunit nang
Makalipas ang isa pang oras, kapwa halos wala nang lakas sina Anton at Alissa.Matagal bago nakabawi si Alissa. Hindi niya inakalang ganoon kalakas si Anton; halos maubos ang kanyang lakas.Hindi ba't ang sabi nila, ang kalabaw lang ang puwedeng mapagod sa labis na trabaho, pero hindi ang bukirin?Ang sarili niyang munting “bukirin” ay ilang ulit nang napagod sa kakaararo ng baliw na kalabaw na ito at parang malapit nang tuluyang bumigay.Hindi niya lang alam na noong nasa Beijing si Anton, muntik na itong mabaliw sa matagal na pagpipigil ng kanyang pagnanasa.Si Marionne ay babaeng maaari niyang lapitan ngunit hindi niya maaaring galawin nang basta-basta. Si Amanda naman ay isang babaeng hindi niya maaaring galawin o pag-isipan nang ganoon. At si Abigaile ay isang babaeng halos hindi niya makita, lalo nang hindi niya maaaring galawin. Halos mabaliw na ang isang masiglang binatang tulad niya.Noong una, balak ni Anton na puntahan si Maribel pagbalik niya upang mailabas ang lahat ng ka
Matagal-tagal na rin mula nang huli silang magkita, kaya napansin ni Anton na may pagbabago kay Alissa, bagama't hindi niya matukoy kung ano mismo iyon.Ang hindi nagbago ay ang likas nitong charm at kagandahan.“Alissa, ang tagal nating hindi nagkita. Mas nagiging kaakit-akit ka na talaga bilang babae,” natatawang sabi ni Anton habang bumababa ng sasakyan.“Ang tagal nating hindi nagkita, pero mas lalo ka namang nagiging makapal ang mukha,” balik ni Alissa sabay irap.“Saan tayo pupunta?” tanong ni Anton.“Hatid mo muna ako sa bahay. Kailangan kong pumunta sa presinto mamayang gabi.”“Kakagaling mo lang sa ospital, hindi pa lubusang gumagaling ang mga sugat mo, tapos nagmamadali ka nang bumalik sa presinto? Sobra ka talagang masipag,” inis na sabi ni Anton.“Wala akong pagpipilian. Nagsasagawa ng malaking operasyon ang Predators Organization sa Santa Catalina, at maraming pulis ang nasugatan. Kulang na kulang ang mga tauhan sa lungsod, kaya kailangan kong bumalik para tumulong,” sago
Ang unang pumasok ay isang binatang nasa dalawampu't apat na taong gulang. Gwapo siya, ngunit hindi iyong tipikal na mukhang artista o pretty boy. Matatalas ang kanyang mga facial features at may kakaibang misteryosong aura sa paligid niya.Sa likuran niya ay tatlong babae, at bawat isa ay may kani-kaniyang kakaibang ganda at charm.Kahit si Rosalie, na maituturing na school beauty, ay tila napapalingon at napapawalang-bisa ang kanyang ganda kapag ikinumpara sa tatlong babaeng ito.Ang mga bagong dating ay sina Anton, Marionne, Abigaile, at Andrea.“Leon, nandito ka rin pala?” kaswal na tanong ni Anton nang mapansin niya si Leon.Lahat ng iba ay magalang na tumatawag kay Leon bilang “Boss Leon,” ngunit hindi iyon ginagawa ni Anton. Palagi niya itong tinatawag sa pangalan nito. Hindi siya sanay gumamit ng salitang “Boss,” at sa totoo lang, para sa kanya, hindi karapat-dapat si Leon sa ganoong titulo.“Sir Anton, nandito ka rin pala,” magalang na sagot ni Leon. Wala man lang galit sa ka
“So, kilala mo pala ang walang kuwentang tulad ko?” malamig na tanong ni Leon habang nakatingin kay Ariel.Nanginig si Ariel at agad na sumagot, “Boss Leon, kung ikaw ang walang kuwenta, wala nang matinong tao sa buong provincial capital! Kilala ka ng lahat bilang isang makapangyarihang tao sa paligid ng airport!”“Dati rin akong isang maliit na siga. Pagpasok ko kanina, parang narinig kong sinabi mong walang magandang kinabukasan ang pagiging siga. Ibig bang sabihin, ayon sa iyo, wala rin akong silbi?” mapanuyang tanong ni Leon.Ang pagkagalit sa isang lider ng sindikato ay maaaring maging hatol ng kamatayan!Nanghina ang mga tuhod ni Ariel at napaluhod siya sa sahig. “Boss Leon, nagbibiro lang ako! Wala talaga akong masamang ibig sabihin. Hindi ko kayo nilalait, pangako!”Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Ariel, dahilan upang mabali at matanggal ang dalawa sa kanyang mga ngipin sa harapan.“Bwisit ka! Paano mo nagawang maliitin si Badong? Kapag hindi ka tumigil, ipapahi
Samantala, sa loob ng isang pribadong kwarto.Iba't ibang klase ng putahe ang nakahain sa hapag. May fresh tuna, malalaking lobsters, at kung ano-ano pa.“Sigurado akong hindi mo pa natitikman ang mga ito. Bukod sa mahal na ay de kalidad pa ang mga sangkap na ginamit!” Mabilis na sumandok ng pagkai
Bumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito
Paglabas ni Anton mula sa coffee shop, muling bumigat ang kanyang pakiramdam. Isa-isang bumalik sa kanyang isip ang mga alaala. Hindi niya inakalang matapos ang mahigit isang taon ay ganoon pa rin kalinaw ang lahat. Akala niya ay nakalimutan na niya ang mga iyon, ngunit napagtanto niyang itinago la
Lumaki ang mga mata ni Alissa sa pagkagulat. Kilala niya si Marionne Villamor— presidente ito ng VGC, ang magiging susunod na CEO, at napakaraming tao ang pilit na nagpapapansin dito ngunit ni hindi nito pinapansin. Hindi niya inaasahang kilala pala nito ang simpleng construction worket na ito at t







