LOGINKinabukasan ng umaga.Nagtago si Yana sa mga anino habang binabantayan ang pasukan ng courtyard house ng pamilya Chi.Makalipas ang ilang sandali, lumabas ang isang lalaking humigit-kumulang 1.78 metro ang taas. Nakayuko ang kanyang likod at nakasuot siya ng mahabang damit. Naglakad siya patungo sa botika.Ang lalaking iyon ay si Mute, ang katulong ni Arrianne. Ang tunay niyang pangalan ay Wilson.Dalawampu't walong taong gulang si Wilson. Patay na ang kanyang ama at wala siyang ibang kamag-anak. Halos limang taon na siyang nagtatrabaho para sa pamilya Chi at itinuturing na isang tapat na katulong."Xavier, papunta na sa iyo ang target. Papunta na sa iyo ang target," mahinang sabi ni Yana sa kanyang collar mic."Natanggap ko. Natanggap ko," sagot ni Xavier.Tumawid si Mute sa pangunahing kalsada, pumasok sa Huimin Pharmacy, at iniabot ang reseta sa doktor na naghahanda ng gamot.Itinaas ni Mute ang tatlong daliri, ibig sabihin ay tatlong dose ng gamot ang gusto niya."Tatlong dose ng
Mula sa impormasyong ibinigay sa kanya ni Dos, nalaman din ni Anton ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya Chi. Bagama't sa China sila naninirahan ay may lahi silang Pinoy.Babaero si Alex at nagkaroon ng tatlong asawa.Kahit na monogamous ang sistema ng kasal sa China, dahil hindi legal na kasal ang dalawa sa kanya, wala ring magawa ang batas laban sa kanya. Bukod pa roon, likas na walang pakialam si Alex sa mga batas at namumuhay ayon sa sarili niyang kagustuhan. Kahit batikusin man ng mga tao ang kanyang pamumuhay, hindi niya iyon kailanman pinansin.Tatlo ang kanyang asawa, at lahat sila ay magkakasamang nakatira sa iisang bahay.Ang unang asawa niya ay si Isabel, 53 taong gulang. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si Aivan, 29 taong gulang, at isang anak na babae, si Alexa, 24 taong gulang.Ang ikalawang asawa niya ay si Felicity, na namatay sa isang aksidente sa trapiko noong nakaraang taon. Nagkaroon din sila ng isang anak na lalaki at isang anak na babae. Ang panganay na lal
Sa bawat isang daang babae, siyamnapu't siyam ang mahilig sa halik; ang natitirang isa ay hindi talaga nagmamahal sa lalaking kasama niya.Ang konklusyon: kapag tunay na mahal ng isang babae ang isang lalaki, hindi niya kaiinisan ang isang maalab na halik.Awkward man ang halik ni Marionne, malambot at mamasa-masa naman ang kanyang mga labi. Sa kanyang mga kilos na bahagyang nangangapa, ramdam ni Anton ang matinding damdamin at pagmamahal na nagmumula sa kanya.Tumugon si Anton sa halik niya, at kapwa sila nagpalitan ng maalab na halik.Sa simula, si Marionne ang nanguna, ngunit hindi nagtagal ay siya rin ang naging sunod sa halik ni Anton. Lutang ang isip ni Marionne habang sunod-sunod na alaala ang bumalik sa kanyang isipan.Naalala niya ang unang pagkikita nila—mula sa pagkamuhi niya rito, hanggang sa unti-unti niya itong tanggapin, hanggang sa magsimula siyang magmalasakit dito, at sa huli ay tuluyan siyang mahulog nang walang pag-asang makaalpas sa pagmamahal dito.Mahigit kalaha
Pagkatapos mag-almusal, mabilis na lumapit si Abigaile kay Ryu.“Ryu, narinig kong ang galing-galing mo raw kagabi! Mag-transform ka nga at ipakita mo sa akin kung ano talaga ang itsura mo kapag nagbabago ka ng anyo. Gusto kong makita kung gaano ka talaga kagaling!”Patuloy lamang sa pagnguya ng sariwang karne ng baka si Ryu, na para bang hindi man lang narinig ang sinabi ni Abigaile.“Ang yabang mo na, ha? Akala mo kung sino ka na?” Nainis si Abigaile. Hinawakan niya si Ryu sa magkabilang tenga at inangat ito. “Bilisan mo! Mag-transform ka at ipakita mo sa akin!”Nakaangat sa ere, galit na umungol si Ryu kay Abigaile. Kahit anong maliit na hayop ay magagalit kapag ginugulo habang masarap na kumakain.Ngunit kahit naiinis na ito, wala pa ring anumang reaksiyon si Ryu. Kung hindi dahil sa mga pangyayaring naganap kagabi, sino ba ang maniniwalang totoo talaga ang lahat ng iyon?Kahit sina Lord Kyo at Camille ay may pagdududa pa rin.Talaga bang kayang mag-transform ng munting puting aso
Nakaramdam ng kakaibang kiliti sa puso si Marionne. Sa pagkakaalala niya, ito ang unang pagkakataong hinawakan siya ni Anton sa kamay at siya mismo ang nagyayang maglakad sila! Pagkatapos ng hapunan, talagang magandang oras iyon para mamasyal. Sa paligid ng subdivision, may maliliit na grupo ng mga taong naglalakad—mga magkasintahan, matatandang mag-asawa, at mga batang naglalaro ng skateboard. Lahat ay nag-e-enjoy sa kanilang oras ng pagpapahinga pagkatapos ng hapunan. Hinawakan ni Anton ang kamay ni Marionne at magkasama silang naglakad na parang isang tunay na mag-asawa patungo sa central square. “Paano kung manood tayo ng sine ngayong gabi?” Iminungkahi iyon ni Anton nang makita niya ang mga magkasintahang magkahawak-kamay na pumapasok sa mall. Malapit lang kasi sa syudad ang village na iyon. “Pangako, hindi kita gagalawin,” mabilis niyang dagdag nang mapansing nag-aalangan pa rin si Marionne. Dati na niyang niyaya si Marionne na manood ng sine, pero ang sagot nito ay h
Kinabukasan ng umaga, lumabas si Anton para bumili ng almusal. Pagpasok pa lang niya sa ward, narinig na niya ang masayang boses ni Angel.Binuksan niya ang pinto at nakita niyang gising na si Pia. Magkatabi ang magkapatid at masayang nagkukuwentuhan.“Gising ka na?” Lumapit si Anton at napatingin sa mukha ni Pia.Ngumiti ito sa kanya at nahirapang magsalita. “Pumasa ba ako sa loyalty test mo?”“Pumasa ka nang lubusan. Isang daang puntos.” Lumapit si Anton sa tabi ng kama, yumuko, at seryosong sinabi, “Maraming-maraming salamat. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko alam kung ano ang maaaring nangyari kay Marionne.”“Hindi mo ba dapat munang aliwin ang nasugatan bago mo banggitin ang asawa mo?” kunwaring nagtatampo si Pia.“Kung nakakapagtampo ka pa, ibig sabihin, wala namang malubhang problema.” Iniabot ni Anton ang almusal kay Angel. “Mula ngayon, ipagkakatiwala ko na sa iyo bilang nakatatandang kapatid ang pagpapakain sa kanya ng lugaw. Sadyang ipinagawa kong malabnaw para madali niyan
Paglabas ni Anton mula sa coffee shop, muling bumigat ang kanyang pakiramdam. Isa-isang bumalik sa kanyang isip ang mga alaala. Hindi niya inakalang matapos ang mahigit isang taon ay ganoon pa rin kalinaw ang lahat. Akala niya ay nakalimutan na niya ang mga iyon, ngunit napagtanto niyang itinago la
Lumaki ang mga mata ni Alissa sa pagkagulat. Kilala niya si Marionne Villamor— presidente ito ng VGC, ang magiging susunod na CEO, at napakaraming tao ang pilit na nagpapapansin dito ngunit ni hindi nito pinapansin. Hindi niya inaasahang kilala pala nito ang simpleng construction worket na ito at t
Samantala, sa loob ng isang pribadong kwarto.Iba't ibang klase ng putahe ang nakahain sa hapag. May fresh tuna, malalaking lobsters, at kung ano-ano pa.“Sigurado akong hindi mo pa natitikman ang mga ito. Bukod sa mahal na ay de kalidad pa ang mga sangkap na ginamit!” Mabilis na sumandok ng pagkai
Bumalik si Anton sa barracks pagkatapos ng trabaho at kaagad na nagtungo sa banyo. Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas siya na aakalain mong ibang tao.Kung kanina ay gusot-gusot ang suot niya at parang walang ligo, ngayon ay nakasuot na siya ng mamahaling polo at pantalon. Pinaresan niya pa ito







