Share

Chapter 2

Author: Magzz23
last update Huling Na-update: 2024-04-02 15:36:15

Bea

“Nasaan na ba iyon?” Hinalughog ko na ang buong back pack ko upang mahanap lang ang passport ko.

Nakaupo ako sa maliit naming sala habang nakabalandra na sa center table ang lahat ng gamit ko. Kanina ko pa hinahanap ang passport ko at ngayon na kinakabahan na ako. Ang totoo niyan ay TNT na ako sa bansang ito dahil hindi na na-renew ang visa ko. Matapos ang pagdeklara ng kompanya ng bankruptcy, lahat ng ipon ko ay napunta na sa Pilipinas.

May sakit ang aking ama at nag-aaral pa ang aking mga kapatid. Ako na lang ang tanging inaasahan ng aking pamilya. Ako na rin ang nagtaguyod mula nang magkaroon ako ng magandang trabaho rito bilang project mechanical engineer.

I grew up without knowing my real father. He is Italian and that’s the reason why the company accepted me because I am half. Lahat ng features ng pagiging Italyana ay nakuha ko ayon iyon sa nanay ko. Hindi ko rin naabutan ang tatay ko at tanging lumang larawan na lang ang naiwan na nasa wallet ko ngayon.

Masama ang loob ko sa kaniya sa pag-iwan niya sa amin ng nanay ko pero minabuting isantabi ko na lang iyon. Maswerte naman ako sa pangalawang kinikilala kong tatay na nagpaaral sa akin at heto ako ngayon na kailangan bumawi sa sakripisyo niya. He was sick and need maintenance for medication.

“Maiz, ano ba ang hinahanap mo? Halika muna rito at mag-almusal bago ka man lang pumasok sa part-time job mo sa hotel,” yaya ng pinsan kong si Lizzie. Siya ang tanging kasama ko rito sa Italy. Nauna lang ako sa kaniya ng isang taon.  

“Later, sis. Hinahanap ko pa kasi ang passport ko. Nasaan na ba kasi iyon?” Nakabusangot na ako at humahaba na ang nguso ko sa kakahanap.

“Saan mo ba nilagay?” tanong niya habang inaayos ang mesa ng mga aalmusalin namin.

“Nandito lang naman iyon sa bag at hindi ko iyon tinatanggal. Ito lang kasi ang bag ko na madalas kong ginagamit. Badtrip naman, oh. Kung kailan expired na ang visa ko saka pa mawawala.” Iniisa-isa ko na ang lahat ng mga gamit ko pero wala akong nakitang passport.

“Baka naman naiwan mo sa kung saan. Isipin mo kasi at baka naman nasa tool box mo lang. Sa dami kasi ng mga raket mo, gurl, pati yata bote ng alak nasa bag mo na. Hindi ba nag-uwi ka pa rito ng walang lamang bote?”

“Yeah. ‘Coz it was nice and beautiful. Sayang naman kung itatapon lang sa bar kung hindi naman mapakinabangan. Pwede pa iyong paglagyan ng mga condiments dito.”

“Oo nga. Ginawa mo na junkshop itong mumunting apartment natin. Ay, wala pala akong nabiling palaman sa tinapay. Baba lang ako ha at bibili. Babalik din ako.”

Hindi ko siya pinansin at nasa paghahanap ng passport ang atensiyon ko. Maya-maya lang ay tumunog ang doorbell ng pinto at si Lizzie na ang nagbukas.

“Sino kaya ito? Maniningil na ba ito ng renta? Ang aga pa, ah.”

Naririnig ko na lang siyang nagsalita pero wala akong balak na tapunan man lang siya ng tingin. Kanina pa ako nag-iisip kung saan ko naiwan ang bag ko o marahil ay nahulog iyon sa kung saan. Shit! Paano na lang kung may taga-immigration na maaktuhan akong walang passport tapos expired pa ang visa? Deport ang aabutin ko nito.

“Maiza…”

“What?! Kinalkal ko pa pati notebook ko at mga tools sa center table at baka sakaling naipit lang.

“Maiza…” muling tawag ni Lizzie sa akin.

“Lizzie, ano ba? May ginagawa ako!” Bigla ko siyang nilingon. “Bakit ba tawag ka nang tawag sa—” Natigilan ako nang makita ko ang bulto ng lalaking kaunti na lang ay kasingtangkad na ng pinto namin. Naningkit din ang mga mata ko kung sino ito at marahan akong tumayo.

“H-Hinahanap ka niya, sis. K-Kakilala mo?” pagtataka ng pinsan ko na halos hindi na maalis-alis ang tingin sa gwapong mukha ng lalaki.

Umiling ako. “M-May I know your name, Sir? I mean you’re looking for me?” Kinakabahan na ako dahil sa tindig at pananamit pa naman niya ay parang taga-Immigration siya.

He was wearing his cotton-white shirt with a brown leather jacket on top. He paired it with denim pants and a pair of white shoes. Naka-brush up style ang blonde hair niya na nakayungyong ang dalawang kumpol na hibla sa noo. Bagong ahit pa na siyang nagpadagdag sa karisma niyang taglay, and God! Nangungusap ang mga mata niyang kulay abo, ang matatangos niyang ilong at ang mapupulang labi na tila nagpapaanyaya ng halik. Shit!

“Maiz, are you okay?”

“Huh?!” Tila nagbalik ako sa kasalukuyang mundo habang nakakatitig sa gwapong mukha ng lalaking ito. “O-Oo. I-Iniisip ko lang kasi kung saan ko siya nakita,” alibi ko.

“I owe you a tip two nights ago.”

My forehead furrowed when I remembered something that happened nights ago. “I-Ikaw iyon?!” gulat kong sabi.

“Yeah, I am. By the way…” Inilahad niya ang palad kay Lizzie. “I’m Alonzo and you are?”

“Ay, hehe. A-Ako pala si Lizzie. I mean…I’m Lizzie.” Tinanggap naman ng pinsan kong ito ang pakikipagkamay niya.

Nahalata ko kaagad ang pagpapa-cute ng pinsan ko sa nagpakilalang Alonzo na ito. Siya pala ang lalaking tinulungan ko noong isang gabi at hindi man lang ako binayaran ng tip. Hindi ko rin siya namukhaan dahil balbas sarado ito at heto ngayon na pinasukan ng liwanag ang utak at nag-shave. Infairness, may mukha ang isang ito. Ang lakas ng dating, ha. Pinagsamang Nick Bateman pero kasingtangkad ni Alan Ritchson. Halimaw sa tangkad ang isang ito.

“Have a seat, Sir Alonzo. Do you know my cousin, Maiza?” tanong ng pinsan niya na kulang na lang ay alalayan itong si Alonzo na maupo.

“Marunong magtagalog ang isang iyan, Lizzie. Huwag ka ng mag-aksaya ng kaka-english sa kaniya. Ano ba ang sadya mo at naparito ka? Sira na naman ba ang kotse mo? Palitan mo na kasi ng bago. At teka, paano mo pala natunton itong lugar namin?” pagtataka ko dahil sa kanto lang niya ako ibinaba noong isang gabi.

“Coz, I have this,” tugon niyang kinuha sa bulsa ng pantalon niya ang isang passport.

Nanlaki ang mga mata ko nang ipinakita niya sa akin ang kanina ko pa hinahanap na passport. “That’s mine!” Halos napatalon pa ako sa tuwa saka siya mabilis na nilapitan pero nang akma kong kukunin sana ang passport ko ay ibinalik niya ito sa bulsa niya.

“Let’s talk first.”

“Uhm, kasama ba ako sa pag-uusap niyo?”

“Liz, bumili ka ng palaman sa convenience store,” sabi ko dahil marahil ayaw na naman niyang lumabas ng bahay.

“P-Pero, Mai.” Pinandilatan ko siya kaya napilitan din siyang lumabas. “Sige na nga.”

Nang mawala na sa paningin namin ang pinsan ko ay noon lang ako nagtanong sa kaniya. “Naiwan ba sa kotse mo ang passport ko?” May tono ng boses ko ng bahagyang pagsusungit sa kaniya. Hindi magandang ugali ang pinakita niya sa akin noong isang gabi pero nagmagandang loob naman siyang isuli ang passport ko.

“It might be your bag was opened that night you rode with me.” Nakatingin siya sa nagkalat kong gamit sa sofa at center table.

“Sorry. Hinalungkat ko ang gamit ko kaya maraming kalat dito.” Mabilis ko namang inalis ang mga kalat ko at inilagay sa ibabaw ng center table. “Maupo ka na.”

“Thanks.”

“Kaya mo pala nalaman ang address ko dahil nasa sa iyo ang passport ko. Kung wala naman tayong dapat pag-usapan, maaari ko na bang makuha ito?”

“Maupo ka rito sa tabi ko,” utos niya.

Hindi ko alam pero may kung anong mahika yata ang mga salita niya at napasunod naman ako. “Anong pag-uusapan natin?” tanong ko nang makaupo na ako katabi niya.

“I will give you your passport. Here.” Ibinigay naman niya agad sa akin ang passport at kinuha ko kaagad. “TNT ka na pala. Your visa has been expired a month ago. So, you’re illegal here.”

“Isusumbong mo ba ako sa mga pulis o immigration?” Bigla akong kinabahan dahil nga sa bukod na nalaman niya ang kinaroroonan ko, alam niyang expired na ang passport ko. “A-Alonzo, tama? Uhm, pwede bang huwag mo na akong isumbong sa mga pulis? Magre-renew naman ako ng visa kaya lang ay hindi pa nga lang sapat ngayon ang ipon ko. You know, I have important things that need to do and I was struggle with financial stability as of this day. Don’t worry, bibigyan na lang kita ng free service maintenance.”

“Are you dealing with me for not telling the truth to the immigration officers?” seryoso niyang sabi. “You can be in jail, you know that?”

“I know. Kaya nga ako nakikiusap man lang na sana hindi mo ako isusuplong sa kanila. Hindi ba ako pwedeng makiusap.”

“You’re negotiating with the wrong person, Ms. Bea Maiza Alicante. I can put you in jail for dealing with me like that.”

“You’re not supposed to be someone who can do that or unless you’re a…” Natigilan ako. Pulis nga ba siya?

“Here’s the deal I want. I can renew your visa and pay you with enough amount. But there’s one thing you must do for me.”

“Ano?”

“Marry me.”

Napamaang ako sa sinabi niya. Hindi agad ako nakaimik ng ilang segundo. I tried to analyze what was his point of dealing with me to marry him.

“W-Wait. Are you here to tell me this damn shit? Okay ka lang sa alok mo? Yeah, of course. I need money to renew my visa, but to accept your offer, that’s a different story, Alonzo…”

“Alonzo Kerwin Montecarlos,” mariin siyang napatitig sa akin. “And that’s not also my point. I hope you will accept my offer to marry me and use my surname as a citizen of this country. I can process your visa and work here wherever and whatever you want. Unlimited.”

Sa tono pa lang ng pananalita at sa alok ni Alonzo, sinampal na ako ng kahirapan pero ganoon ba siya kaimpluwensiyang tao para lang maayos ang pananatili ko sa bansa gayong hindi nga niya kayang bumili ng bagong kotse.

“Anong kapalit? I mean, magiging asawa lang kita, and that’s it?”

“So, pumapayag ka na?”

“I am still thinking and asking you if that’s it, Alonzo.”

“I will explain the other details once you accept my offer. Don’t worry; it’s just a piece of paper, and we can file a divorce after months.”

“No marital sex, and don’t ever interfere with what I am doing,” bigla kong sabi sa kaniya. Mahirap na at baka bantay-salakay ang isang ito.  

“Of course, no romance. So, do you accept my offer?”

“Just make sure na hindi human trafficking itong ginagawa mo.”

Napangiti nga siya pero mukhang nang-aasar naman at may dinukot na naman sa bulsa niya. Kinuha niya ang kaniyang wallet at may isang card na ipinakita sa akin.

“Here. Siguro naman ay hindi mo ako pag-iisipan ng masama.”

My eyes widened when I saw his identification card as a licensed detective. “You’re a…”

“Yeah.” Muli rin niyang ibinalik sa wallet ang card na iyon at kumuha pa ng isa. “Here’s my calling card. Meet me this evening at my pad. I will discuss what you will do as my future wife.” He looked at his wristwatch. “I’m get going.” Kumilos na siya upang tumayo at tuluyang nagpaalam na rin.

Hindi ako makapaniwala na nagkita kaming muli ni Alonzo at heto ngayon na inalok ako ng kasal kapalit ng pananatili ko rito sa Italy. Ang totoo niyan, I doubt this offer. Instant asawa sa maikling panahon ng pagkakakilanlan namin pero iniisip ko rin ang advantage na ito kung sakaling magiging totoo. Then I tell my cousin about this matter. Gusto ko lang malaman kung tama ba ang magiging desisyon kong tanggapin ito.

Gulat na gulat naman ang pinsan ko sa alok ng binata pero sa huli ay napaisip rin naman siya na tanggapin ko na. Uso naman talaga ang arrange marriage sa bansang ito lalo na kung citizenship lang ang habol. Mahirap man na desisyon ito pero heto ako ngayon na tutungo sa pad ni Alonzo at kikitain siya. Gabayaan na sana ako ng maykapal sa gagawin ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 43

    BeaMainit pa rin ang balat ko nang nakayakap ako kay Alonzo, parehong pawis at pagod matapos ang pagniniig. The room was quiet, only our breaths filling the space. His hand lazily traced circles on my hip, at sa bawat dampi niya, parang gusto kong paniwalaan na wala nang ibang mundo kung ‘di kaming dalawa lang.“Hmm,” bulong niya, nakangisi habang hinahalikan ang gilid ng leeg ko. “I should tire you out more often.”I chuckled, swatting his chest lightly. “Arrogant.”But I smiled. Sa totoo lang, sa mga sandaling ganito, ang dali niyang mahalin. Na para bang lahat ng bigat na dala niya, lahat ng unos na hindi niya sinasabi, nawawala kapag magkasama kami.“Let’s get out of here,” he whispered, pressing another kiss on my forehead.“Where?” tanong ko sabay nakataas ang kilay.He smirked. “Somewhere in this place. Horses. Fresh air. Maybe some strawberries, kung swerte tayo.”Napatawa ako, half surprised. “Horses? Strawberries? Really? Kailan nagkaroon ng strawberries dito sa Tagaytay? H

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 42

    BeaTila huminto ang mundo ko nang marinig ang pangalang laman pa rin ng isipan ko. Ang boses na iyon ay malinaw, matalim na siyang saktong tumama sa pandinig ko. Sandaling tumigil ang lahat ng paghinga ko, parang gusto kong humakbang pababa at komprontahin sila pero mas nanaig ang pananatili ko sa kinatatayuan ko ngayon.Nagkubli ako sa parte ng hagdanan na hindi nila masyadong mahahalatang narito ako. Bahagya ko lang silang naaaninag subalit nararamdaman at nakikita ko pa rin ang bawat kilos nila. Relax lang si Winston pero dama ko ang tensiyon sa boses at kilos nila ni Alonzo.“Imelda Alicante,” Winston said, typing quickly, his voice sharp. “She’s not just meeting friends on weekends. Money is moving…”“Shit,” I whispered under my breath, hawak ko yung railing para hindi ako mawalan ng balanse habang unti-unting nanlalambot ang mga tuhod ko. My chest felt heavy, parang may mabigat na nakadapong sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong natakot at na-curious nang s

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 41

    AlonzoThe sun was already creeping through the villa’s tall windows when I finally opened my eyes. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko sa kakulangan ng tulog ng ilang gabing pinag-aaralan ko ang kasong kasalukuyan kong hinaharap. Naalala ko na lang na pasado alas-tres na ng madaling araw ako nakatulog matapos ang pagbubuklat ng mga file ni Lazzari sa study room. Sa isang leather chair na ako inabutan na parang binagsakan ng mundo.I was so desperate to know the truth and to keep my wife away from these demons. Gayunpaman, haharapin ko ito na hindi siya kasama at ilayo siya sa kapahamakan. Tinapunan ko ng tingin si Bea na mahimbing pa rin natutulog. Inilapit ko ang aking sarili sa kaniya saka mariing pinagmasdan ang maamo niyang mukha. I slowly kissed her forehead. Inihawi ko rin ang ilang hibla ng buhok niyang natatakpan ang kaniyang mata, and then I slightly smiled. Maya-maya pa ay kumilos na ako upang muling simulan ang araw na ito.Pasado alas-syete ng umaga ay nasa sala ako, hawak a

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 40

    AlonzoMatapos ang tawag na iyon mula kay Brandon, hindi na ako makatulog. Si Bea naman ay payapang natutulog na sa kuwarto pero ang diwa ko ay gising na gising. The moment I closed my eyes; the name echoed in my head like a curse—Leonardo Lazzari.I slipped quietly out of bed, careful not to wake her. She looked so peaceful, curled up against the pillows, unaware of the storm that was circling around her life. I pressed a kiss on her forehead before leaving the room.Nagtungo ako sa study room ng villa, binuksan ko ang aking black case. Inside were folders, maps, photographs, and a thick file I had guarded for years. The file I could never burn, no matter how much I wanted to.Leonardo Lazzari.The name was stamped in bold on the first page.A man who once walked Turin in luxury, respected in business, feared in silence. Pero sa likod ng maskara ng isang successful businessman, siya ang pinakamalaking demonyo sa Italy—drug trafficking, arms dealing, human smuggling. Lahat ng kasamaan

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 39

    BeaTahimik akong nakatanaw sa labas ng bintana habang umaakyat ang sasakyan sa mahabang kalsada. Malamig na ang simoy ng hangin kahit tanghali pa lang, at unti-unti nang lumalayo ang isip ko sa iniwang kaba. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang bigat sa dibdib ko. Hindi mawala sa isipan ko ang passbook na nakita ko sa bahay, ang SUV, at ang nanay ko.“Relax,” biglang sabi ni Alonzo, mababa at buo ang boses niya. “I can feel your heartbeat from here, Bea. Parang may hinahabol ka.”Napalingon ako sa kanya, halos magtama ang aming mga mata. “Paano mo nasabi?”Ngumisi siya ngunit tipid lang pero sapat para kumabog lalo ang dibdib ko. “Your hands…you’ve been gripping your bag like it’s your lifeline. Cara… non voglio che tu porti pesi che non sono tuoi (I don’t want you to carry burdens that aren’t yours).”Natigilan ako. Ang bawat salitang Italian na binigkas niya ay parang musika sa pandinig ko. Ang himig at accent niya ay parang bumabalik ako sa mga panahong nasa Italy pa ako bilang OFW.

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES: Alonzo Montecarlos   Chapter 38

    BeaInaayos ko ang lahat ng mga maiiwan ko rito sa bahay habang si Alonzo naman ay nagpaalam muna na may aasikasuhin. Hindi niya nabanggit kung ano ang bagay na gagawin niya at ayoko rin naman mag-usisa. Habang nagliligpit ako sa kwarto ng mga magulang ko, may nakita akong bagay na ipinagkunot-noo ko. Isang bank book na sa pagkakaalam ko ay hindi sa akin o sa kanila. Out of curiosity, I picked it and opened the thing. Bumungad sa akin ang laman ng mga halagang pumapasok sa bank book na iyon. Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kong nakapangalan ito sa nanay ko. Sa pagkakatanda ko ay wala akong pinagawang bank book para sa kaniya dahil ang lahat ng mga perang ipinapadala ko ay sa atm lang pumapasok.Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko at may halong pagdududa. Saan nakuha ng nanay itong bank book na ito? At sino ang nagpapasok ng pera rito?“Bea!” tawag ng nanay ko.Dali-dali kong ibinalik ito sa pinaglagyan na hindi mahalata ng nanay kong pinakialaman ko iyon.“Yes, ‘

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status