แชร์

CHAPTER 280: “Where's My Daddy?”

ผู้เขียน: GennWrites
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-05 18:36:35

“IS HE my grandson?”

Blangko ang ekspresyon ni Keiko habang nakatingin kay Kennedy Dawson. Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi n'ya makakalimutan ang lahat ng ginawa nito para pahirapan siya. He was against her relationship with Knives before and now he expects her to introduce him to his grandchildren?

Naging matigas ang anyo ni Keiko habang nakatingin kay Kennedy Dawson. Hindi pa rin nagbabago ang matanda sa paningin ni Keiko. Maaaring kumulubot man ang mukha nito dahil sa katandaan, naroon pa rin ang pagiging tuso nito. And if he truly regretted what he had done to her before, she wasn't ready to forgive the old man yet.

“Grandson?” ani Keiko na blangko ang ekspresyon. “As far as I know, you didn't want me to be part of the Dawson family, so how did my children become your grandchildren?”

‘My children?’

Natigilan si Kennedy, saka muling tumingin sa batang nasa harapan niya, at ganoon na lang ang pangingislap ng kanyang mga mata nang makitang kambal pala ang kanyang apo na isa
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (60)
goodnovel comment avatar
Letty Tagacay Taguibe Bongcales
bkit wala n tapos n cguro story
goodnovel comment avatar
Ponyang Galan
update naman po...
goodnovel comment avatar
Sheila Diaz
update please ......
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 281: "He's Not Your Uncle.”

    “HINDI mo pa ba sinasabi sa mga bata ang totoo?”Marahang umiling si Keiko kay Lola Mathilde. “Hindi pa po, lola.”“Kung gano'n kailan? Hanggang ngayon, galit ka pa rin ba kay Knives?” tanong ni Lola Mathilde.Alam niya kung ano ang nangyari sa dalawa kung bakit naghiwalay ang mga ito. Galit na galit siya noon sa anak niyang si Kennedy nang malaman niya ang totoo. Sa katunayan, ipinahanap din niya si Lalaine sa kanyang mga tauhan pero katulad ni Knives ay hindi nito nakita ang babae.Nakita niya kung gaano nahirapan ang kanyang apo lalo't nakikita niya na mahal na mahal nito si Lalaine. Masakit sa kan'ya ang bagay na iyon pero wala rin naman siyang magawa para tulungan ito. Nasaksihan din niya kung paano ginawang motivation ni Knives ang sakit na iyon para ayusin ang sarili. Hanggang sa napagtagumpayan nito ang mga paghihirap na pinagdaan nito simula noong umalis ito sa poder ng ama.“Apo, alam kong hindi maganda ang pinagdaanan ninyo ni Knives. Matigas talaga ang ulo ng batang 'yon p

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-06
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 282: “Let's be friends.”

    “THAT handsome man is not your uncle, he's your daddy, Kaiser and Kaori...”Maang na napatingin si Knives kay Keiko at hindi n'ya alam kung nagkamali lang ba siya ng pandinig, pero nang masayang tumakbo sa kan'ya ang kanyang mga anak ay doon niya napagtanto na totoo ang kanyang naulinigan.“Daddy!” masayang bulalas ni Kaori at saka sabay na tumakbo ang dalawang paslit papalapit sa kan'ya at yumakap.“Daddy, saan ka po nagpunta? Bakit ngayon lang po namin ikaw nakita?” inosente namang tanong ni Kaiser na habang nakatingin sa kanyang mga mata.“We miss you so much, daddy! Super happy po kami dahil kasama ka na po namin!” masayang-masaya na hirit pa ni Kaori.Doon na tuluyang nag-sink in kay Knives ang nangyayari. Niyakap niya nang mahigpit ang mga anak kasabay ng pagtulo ng masaganang luha. Napakatagal niyang hinintay na makasama't mayakap ang kanyang mga anak at ngayong natupad na ay para siyang nananaginip.“I'm really sorry if you haven't been with daddy for a long time,” hinging-pau

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-06
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 283: “How is it wrong to admit that you love someone?”

    “CAN I dance with you, for the first and last time?” Pumailanlang na sa paligid ang malamyos na kanta pero si Keiko ay kunot-noo lang na nakatingin kay Knives. Kumabog din ang kanyang dibdib sa hindi niya malamang dahilan. Bakit naman siya kinabahan? Magsasayaw lang naman sila.“Please?” pakli pa ni Knives nang hindi sumagot ang babae at nakatingin lang sa kan'ya. “Don't worry, magsasayaw lang tayo. Wala 'tong ibang ibig sabihin,” dagdag pa niya.“S-Sure. Why not?” napapahiyang sagot naman ni Keiko saka inabot ang nanginginig na kamay sa lalaki at nakipag-daop palad. Muntik pang mapapiksi si Keiko nang maramdamang tila ba may munting boltahe ng kuryente ang gumapang sa kanyang palad nang magdampi ang kanilang mga balat.“Thank you...” ani Knives saka marahang inalalayan ang babae at dinala sa malaking espasyo ng balcony upang makakilos sila ng maayos.Marahan ding inalalayan ni Knives ang mga kamay nito na ilapat sa kanyang magkabilang balikat, at siya naman ay hinapit ito sa baling

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-07
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 284: “Even If You Kill Me.”

    “KUNG gano'n, ako ang piliin mo, Lalaine. Hiwalayan mo na siya at bumalik ka na sa'kin...”Hindi makapagsalita si Keiko ng mga sandaling iyon. Kung ganoon lang sana kadali lahat...pero hindi. Hindi ganoon kadali dahil mayroon siyang Seiichi na nagmamahal sa kan'ya at nagtitiwala. Malaking pagkakamali na nagpadala siya sa bugso ng damdamin at pumayag na halikan siya nito kaya naman labis niyang pinagsisisihan iyon. “L-Let's stop this nonsense, Knives. Aalis na ako,” sa halip at sagot ni Keiko saka astang tatalikod na subalit mahigpit siyang hinawakan ni Knives sa kanyang pulsuhan para pigilan.“Nonsense? Tell me Lalaine, wala lang ba sa'yo ang halik na 'yon?” tanong ni Knives sa babae na may bahid ng galit ang tinig.Mariing naikuyom ni Keiko ang kanyang kamao. Kilalang-kilala siya ni Knives kaya kahit magsinungaling pa siya ay alam niyang malalaman pa rin nitong hindi siya nagsasabi ng totoo.“O-Oo, wala lang 'yon!” sagot ni Keiko kahit alam niyang kasinungalingan iyon. “Gusto ko lan

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-09
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 285: “Revenge.”

    “HEY YOU!” nauutal na sabi nito dahil sa kalasingan saka dinuro siya. “W-What's your relationship with that bitch, Lalaine Aragon? I-I she your mistress?”Awtomatikong nagpanting ang tenga ni Kairi sa sinabi nito kaya sa inis niya ay nilapitan niya nito at mahigpit na hinawakan sa pulsuhan. “Who are you to talk to my sister like that, bitch?”Naningkit ang mata ni Olivia sa narinig. “You're her brother?” tanong ni Olivia saka nakakainsultong tumawa. “How did she have a brother? As far as I know, that woman is an orphan. Are you kidding me, huh?”Umigting ang mga panga ni Kairi sa narinig pero hindi n'ya magawang saktan ang babae. So for the first time, he regrets why he chose to be an attorney as a profession. Dahil kahit gustuhin man niyang manakit ng tao ay hindi n'ya p'wedeng gawin dahil alam niyang ang batas at sa oras na lumabag siya ay makakasira iyon ng reputasyon niya.“Stop this nonsense Ms. Whoever you are, or else...” nagtitimping babala ni Kairi.“Or else what?” natatawan

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-09
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 286: “Confusion.”

    “SO, paano? Gising na ba ang mga bata?” tanong ni Kairi sa kapatid pagkaalis na pagkaalis ni Mr. Dawson.Napabuntong-hininga si Keiko nang maalala na natutulog pa ang kambal sa master's bedroom. Ayaw naman niyang gisingin ang mga ito dahil mahimbing ang tulog ng dalawang bata.“They're still sleeping, Kuya Kairi,” ani Keiko. “Ayaw ko naman silang gisingin dahil mahimbing ang tulog ng dalawa,” dagdag pa niya saka humingang malalim.“In that case, just stay with the kids tonight. I'll just have the driver pick you up tomorrow morning,” suhestiyon ni Kairi na ikinakunot-noo ni Keiko.“B-But...Kuya Kairi—”“Don't wory, ako na ang bahalang magsabi kay Seiichi. I know he'll understand. Seiichi isn't so shallow-minded as to doubt you. He trusts you Keiko,” nakangiting sabi pa ni Kairi sa younger sister n'ya.Nakaramdam ng pagkakonsensya si Keiko lalo na nang maalala ang nang nangyari kanina sa kanilang dalawa ni Knives. May fiancé siya pero nagawa niyang makipaghalikan sa ibang lalaki.“I kn

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-10
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 287: “I'll Wait For You.”

    “I'M HERE to give you this. Alam kong namamaga ang kamay mo dahil kanina...”Nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi si Keiko nang ma-realize na nakatayo siya sa harapan ni Knives ng nakatapis lang ng tuwalya. Sa pagkataranta n'ya ay bigla niyang naisara ang pinto. ‘Ako ka ba naman, Keiko! Nakita na n'ya ang lahat sa'yo noon kaya bakit mahihiya ka pa?’ Nakagat ki Keiko ang pang-ibabang labi nang maiisip iyon. Well, iba noon dahil magkarelasyon sila kumpara ngayon na tapos na ang lahat sa kanila. Kaya bakit hindi siya mahihiya?“S-Sandali lang. Magbibihis lang ako,” saad ni Keiko nang muling sumilip sa nakasarang pinto.“It's okay. Just take your time,” sagot naman ni Knives na prenteng nakatayo lang ay nakasandal sa pader.Muling isinara ni Knives ang pinto at saka nagmamadaling nagbihis ng mga pamalit na ihinanda ni Nanay Delia para sa kan'ya. Mabilis ang kilos ni Keiko at nang lumabas siya ay suot na niya ang kulay blue na ternong pantulog na ayon kay Nanay Delia ay si Knives pa ang pum

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-11
  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 288: "Encounter.”

    “WHAT the fuck did you say?!”Hindi makapaniwala si Olivia sa narinig mula sa bruhang si Lalaine o Keiko, whatever the fuck her name is!“Olivia, watch your mouth. May mga batang nakakarinig at nandito tayo sa dinning table,” kalmado ngunit mariin na saway ni Lola Mathilde sa apong si Olivia.Nanahimik naman si Olivia pero ang nanlilisik niyang mga mata ay napako kay Keiko na noon ay patuloy lang sa pagkain na para bang walang nangyayari.Sa inis ni Olivia ay binalingan niya ang tiyuhin na noon ay tahimik lang habang ngumunguya. “Uncle Kennedy, please help me! I don't want to do what he says! I don't want dirty and disgusting children!” patuloy pa ring parereklamo ni Olivia sa matanda na tila kumukuha ng simpatya.Sabay na napatingin si Keiko at Knives kay Kennedy na noon ay kumakain. Maging si Lola Mathilde ay napako din ang paningin sa kanyang anak habang kumakain at naghihintay ng isasagot nito. Hindi pa sila nakakapag-usap ng kanyang anak pero base sa nakikita n'ya rito ay alam ni

    ปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-11

บทล่าสุด

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 9:

    KINABUKASAN, magkakaharap na dumulog sa dining table para sa breakfast sina Abby, ang best friend niya, si Tito Kenji at ang Kuya Kairi nito. Ang dalawang sobrang cute na anak ng kanyang best friend ay natutulog pa kaya hindi nila kasabay sa almusal na iyon.Hindi magawang tumingin ni Abby sa lalaki dahil hiyang-hiya pa rin siya kaya habang kumakain ay para siyang tangang nakayuko lang at halos dumikit na ang mukha sa plato.“Hija, what's wrong? Ayaw mo ba ng pagkain?” puna ni Kenji sa dalagang si Abby nang makita niyang nakayuko lang ito at tulala.Napilitang nag-angat ng tingin si Abby dahil sa sinabing iyon ng matanda. Ayaw niyang isipin nito na bastos siya o kaya naman ay nag-iinarte sa pagkain. “H-Hindi po, Tito Kenji. May naalala lang po ako,” sagot niya na may pilit na ngiti sa labi.“Tungkol ba kagabi? Don't worry, hindi naman big deal 'yun para kay Kairi. Right, son?” saad naman ni Kenji sabay tingin sa anak na tahimik lang na kumakain.Dahil sa narinig ay wala sa sariling

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 8

    “BRUHA... Grabe! Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko kanina. Kung p'wede lang akong magpalamon sa lupa, ginawa ko na.”Kasalukuyan nasa pool area si Abby at ang best friend niya dahil nagyaya itong mag-night swimming habang umiinom ng wine. Pinaunlakan naman niya ito pero hati pa rin ang isip niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyaring eksena kanina.Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa at Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos ng kagagahang ginawa niya? Paano niya ito haharapin pagkatapos ng lahat? “Don't mind him. Masungit lang talaga si Kuya Kairi pero mabait naman ang isang 'yun,” nakangiting sagot naman ng kaibigan niya habang tumitipa sa kaharap na laptop.Mangiyak-ngiyak naman si Abby sa narinig. “Paanong 'wag intindihin? Galit na galit s'ya sa'kin, bruh! Sinabihan ko siyang magnanakaw at maniac!” bulalas pa ni Abby napahawak sa kanyang noo na parang stress na stress.“Well kahit ako naman magagalit,” pagbibiro nam

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 7

    “WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 6

    “BRUH!”Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Abby papalapit sa kanyang best friend na si Keiko. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kakampi.“Bruh, how are you? Bakit gan'yan ang itsura mo?” nag-aalala namang tanong ng kanyang kaibigan habang kumot nakatingin sa kan'ya.Alam naman ni Abby kung ano ang tinutukoy nito. Malaki na kasi ang ipinagbago niya simula noong naghiwalay sila nito. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at nanlalalim at kanyang mga mata dahil may mga gabing nahihirapan siyang makatulog kapag naiisip niya ang kahayupan ni Henry.Nagbitiw sa pagkakayakap ang dalawa matapos ang ilang sandali. Matagal silang hindi nagkita kaya sobrang na-miss nila ang isa't-isa.Nang hindi sumagot si Abby sa tanong ng best friend niyang si Lalaine ay inakay siya nito paupo sa mahabang sofa at puno ng pag-aalalang pinagmasdan siya. Pero ang isip ni Abby ay kasalukuyang lumilipad sa kabuohan ng opisina ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na magigi

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 5

    “I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 4

    “MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 3:

    ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 2:

    “LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 1: "PROLOGUE.”

    •••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status