Share

CHAPTER 2

Penulis: GennWrites
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-03 15:25:00

KALAUNAN, nalaman ni Lalaine na malaki ang pagtutol ni Knives Dawson sa kanilang kasal, at kaya lang ito pumayag na pakasalan siya ay dahil kay Lola Mathilde. Sinabi ng matanda na hindi nito ibibigay ang pamamahala ng kompanya kung hindi siya nito pakakasalan. Wala namang nagawa si Knives kundi pumayag sa kagustuhan ng matanda. Ngunit kahit alam niyang ganoon ang naging sitwasyon, lubos pa rin siyang nagpapasalamat kay Knives at kay Lola Mathilde dahil bago namayapa ang kanyang mahal na lola ay naibigay niya ang kahilingan nito.

Nang malaman ni Lalaine na bumalik na si Knives sa Pilipinas makalipas ang isang taong pangingibang bansa ay dali-dali niyang pinuntahan ito. Sinamantala ni Lalaine ang pagkakataon, tutal ay namayapa na ang kanyang lola at natupad na niya ang kahilingan nito ay sasabihin niyang magpa-file na siya ng annulment. Wala nang dahilan pa para ikulong niya ang sarili sa kasal na iyon lalo pa't alam niyang walang pagmamahal na namamagitan sa kanilang mag-asawa.

Subalit nang magpunta si Lalaine sa suite ni Knives Dawson ay nagulat siya nang bigla siya nitong hilahin patungo sa kama. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit dahil malakas ito ay wala siyang nagawa. Lango din ito sa alak kaya alam niyang wala ito sa wisyo ng gabing iyon. Hanggang sa nangyari na ang hindi niya inaasahan, kinuha nito ang kanyang pagkabirhen nang wala siyang kalaban-laban.

———

Samantala, nang matapos maligo ay lumabas si Knives sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi. Napakaganda ng hubog ng katawan ni Knives na aakalain mong isa itong modelo. Ang malapad na balikat nito at six-pack abs ay napakaperpekto na para bang ihinulma ito kay Apollo na sa isang Greek God.

Matamis ang ngiti sa labi ni Knives nang lumapit sa kama at sumampa, ngunit kaagad ding napalitan iyon nang hindi maipaliwanag na inis nang makitang wala na roon ang babae.

'Goddammit! Where did that bitch go?' inis niyang tanong sa isipan. Iiling-iling na umalis sa kama si Knives saka nagtungo sa malaking closet. Pasasaan ba't mahahanap at makikilala rin niya kung sino ang babaeng iyon. Siya si Knives Dawson at walang sinuman ang nakaliligtas sa kaniya.

Ilang sandali pa'y habang namimili siya ng isusuot sa araw na iyon at tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa side table. Mabilis naman niyang dinampot iyon at sinagot nang makitang ang secretary niya iyon na si Liam Miller.

"Yes?" aniya saka muling bumalik sa pagpili ng maisusuot sa malaking closet na puno ng mga mamahaling damit, sapatos, at accessories.

"Sir Knives, I found out that the person behind last night's incident was ordered by the Williams," saad ng secretary niya.

Ngumisi si Knives dahil sa narinig. Hindi na bago sa kaniya ang natuklasan. Since he's the most powerful and richest businessman in Luzon, he knows that his business competitors will do anything to destroy him.

"Before the end of the day, I want the Williams company to be mine," puno ng otoridad na utos ni Knives sa secretary.

"Alright, Mr. Dawson."

"And find out who was the bitch who entered my room last night," dagdag pa niya habang pinagmamasdan ang kulay pulang mantsa na naiwan sa bedsheet.

'You can't hide from me, woman! I will find out who you are!' nakangising saad ni Knives sa isipan habang pinagmamasdan ang imahe sa malaking salamin.

Sa kabilang linya naman at natigilan ang secretary na si Liam. Napakahigpit ng security sa hotel at hindi basta makakapasok ang hindi otorisado sa VIP room, kaya papaanong may nakalusot pa rin? "Okay, Mr. Dawson. May ipag-uutos pa ba kayo?"

"Call Lalaine Aragon and file an annulment," walang emosyong utos pa ni Knives.

———

Nang makababa ng taxi ay nag-decide so Lalaine na dumaan muna sa botika para bumili ng contraceptives. Natatakot siyang kung kailan wala ng bisa ang kasal nila ni Knives Dawson ay saka pa siya mabubuntis. Isa pa'y twenty years old pa lang siya at kasalukuyang nasa ikalawang taon sa kolehiyo. Marami pa siyang pangarap sa buhay na gustong matupad ay ayaw niyang masira iyon dahil sa isang gabing pagkakamali.

Nang makauwi ay sandali lang siyang nagpahinga bago nagpasyang mag-shower. Masakit pa rin ang buo niyang katawan, lalo na ang kanyang pagkababae. Nang maalala ni Lalaine ng namagitan sa kanila ni Knives ay nag-init ang kanyang pisngi sa labis na kahihiyan.

Hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend simula't sapul kaya hindi niya akalain na ganoon pala kasakit ang pakiramdam ng unang pakikipagtalik. Ang pakiramdam na tila napupunit ang iyong laman ay walang katumbas na kirot at hapdi. Naiisip pa lang niya ang tagpong iyon ay nanginginig na siya sa takot. Wala na siyang balak na maulit pa iyon dahil isa iyong malaking pagkakamali na habambuhay niyang pagsisihan.

Matapos maligo ay mabilis na nakatulog si Lalaine dahil sa pagod, subalit sa kalaliman ng gabi ay nagising siya nang maramdamang sumasakit ang kanyang puson. Tumingin siya sa kalendaryo, hindi pa naman iyon ang date ng kanyang menstruation kaya bakit iyon sumasakit?

Hanggang sa hindi na nakayanan pa ni Lalaine ang matinding pananakit ng puson kaya nagpasya siyang pumunta sa hospital. Mabuti na lang at hindi iyon kalayuan, halos thirty minutes lang ang nakalipas nang makarating siya sa emergency room.

Kaagad siyang sinuri ng lalaking doctor at ganoon na lang ang pangungunot ng noo nito nang pagmasdan ang information sheet ni Lalaine. "You're twenty years old at married ka na? Is this your first time?"

Nang ma-realized kung ano ang tinutukoy ng doctor ay namula sa labis na kahihiyan ang buong mukha ni Lalaine saka tumango bilang sagot.

"Nagdurugo ang pwerta mo dahil nagkaroon ito ng gasgas. Hindi naman ito malubha pero kailangang matingnan iyan sa surgery room," pagpapaliwanag ng doktor. "Miss magsabi ka lang kung may gumawa sa'yo ng hindi maganda. 'Wag kang matakot. Pwede tayong tumawag ng pulis para magsumbong," nag-aalala namang saad pa ng doktor sa dalaga. Batang-bata pa kasi ang tingin nito sa babae at mahirap paniwalaan na kasal na ito sa murang edad. Nag-aalala din itong baka nakaranas ang babae ng pang-aabuso at natatakot lang na magsabi.

"N-Nagsasabi po ako ng totoo, dok. A-Asawa ko po ang may gawa nito..." nauutal na sagot naman ni Lalaine.

Matamang pinagmasdan ng doktor si Lalaine na bakas ang pagdududa sa mukha. Tila rin marami pa itong gustong itanong subalit mayamaya'y tinawag ito ng isa sa mga nurse.

"Doc Smith, there's an emergency in bed number 5. Shot in the chest and in critical condition!"

Nakahinga ng maluwang si Lalaine nang umalis ang doktor, kaya naman mabilis siyang tumalilis palabas sa emergency room at nagpanggap lamang na isa siya sa mga kamag-anak ng pasyenteng na-admit doon nang tanungin siya ng guard. Pagkauwi ay dumaan muli sa pharmacy si Lalaine at bumili ng gamot para sa pananakit ng puson. Nang makauwi ay kaagad niya itong ininom at nagpasyang ipahinga na lang muna ang sarili sa araw na iyon.

Kinabukasan, nagising si Lalaine sa tawag sa kanyang cellphone kaya pupungas-pungas niya itong sinagot.

"Hello?"

"Anak, puntahan mo ang kapatid mo sa Celestial Hotel. Nagnakaw siya at ipapakulong ng may-ari!" saad ng kanyang mama sa kabilang linya.

TO BE CONTINUED.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (22)
goodnovel comment avatar
Lalaine Apilado
gustong gusto ko talaga
goodnovel comment avatar
Robelyn Fuentes Bojos
kasunod pls.
goodnovel comment avatar
Angelica Vasquez
exciting! parng priname up sya dto
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   HELLO READERS!

    Finally! Nakarating na rin tayo sa dulo ng nobela. Nagsimula kay Knives at Keiko, na nagtapos naman kay Knox at Elle. Maraming-maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Sa lahat ng nagbabasa, sa lahat ng sumusuporta, sa lahat ng naimbyerna, sa lahat ng nagalit, sa lahat ng napatawa, at sa lahat ng napaiyak. Naging bahagi po kayo ng kwentong ito at hindi ito mabubuo kung wala kayo. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyo. Sobrang grateful ko po sa inyo dahil kung wala kayo, wala ako... So paano? This is goodbye. TO GOD BE THE GLORY! Love, Genn Writes (⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠❤ PS: May iba pa po akong mga ongoing story, baka trip niyo. Iyon lang po, thank you ulit.

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 5: “UNTIL THE VOW'S TURN REAL.”

    BONUS EXTENDED EPILOGUE – “Ten Years After”---PAYAPA ang hapon sa Forbes Park residence ng mga Evans. Ang malawak na garden na dati’y puno ng laruan ng bata ay ngayon mas tahimik na—may basketball hoop sa gilid, may gazebo para sa mga family gatherings, at isang maliit na greenhouse na proyekto ni Elle.“Kuya! 'Wag mong kunin ‘yan!” sigaw ng isang dalagita na may mahabang buhok at matalim ang mata, habang hinahabol ang kuya niya na may hawak na tablet.“Eh ikaw kasi, pinapabasa mo pa kay Mommy yung secret diary mo!” sagot ng binatilyo, tumatawa habang mabilis na tumatakbo palayo.Kieran Evans, ngayon ay 16 years old, matangkad na at halos kasing-tangkad na ng ama niya, ay tipikal na teenager—mahilig sa gadgets, basketball, at laging nanunukso sa kapatid.Samantalang si Kira, ngayon ay 11 years old, ay halos kabaligtaran, bookworm, artistic, pero mabilis mag-init ang ulo kapag siya ay tinuya.“Kuya Kieran!” singhal ni Kira, sabay bato ng maliit na unan mula sa garden bench. Tumama it

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 5: “UNTIL THE VOW'S TURN REAL.”

    SPECIAL BONUS CHAPTER – “A New Promise” --- Ang araw ay sumilip nang banayad sa isang private resort sa Batangas kung saan gaganapin ang kasal nina Nathan Cruz at Sofia Ramirez. Hindi ito kasing engrande ng Evans wedding noon, pero mas pinili nilang maging intimate at elegant, surrounded only by family, close friends, and business partners. Nathan stood by the veranda ng villa, nakasuot ng crisp white shirt, habang nakatanaw sa dagat. His heart felt steady in a way it hadn’t in years. Tatlong taon na mula nang tuluyan siyang nag-move on kay Elle, at ngayon, sa wakas, ibang babae na ang nasa puso niya—si Sofia, a lawyer na nakilala niya sa isang charity event ng Eurydice Motors. Matalino, matapang, at kayang sabayan ang pace niya sa business at sa buhay. “Coffee?” Sofia’s voice came softly behind him. Nakasuot siya ng silk robe, buhok nakapusod, natural at glowing. Nathan turned, smiling faintly. “Good morning, my soon-to-be wife.” Sofia laughed, handing him a cup. “You st

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 5: "UNTIL THE VOW'S TURN REAL.”

    Epilogue – “A Love that Turned Real”---Makalipas ang tatlong taon....Mainit at maliwanag ang umaga sa Forbes Park residence ng pamilya Evans. Ang malawak na garden ay puno ng puting upuang nakaayos para sa isang simpleng family brunch, habang ang hangin ay may dalang amoy ng bagong gupit na damo. Sa gilid ng garden, makikita ang isang maliit na playground na pina-customize ni Knox mismo para sa kanyang mga anak.“Mommy! Tingnan mo ako!” sigaw ni Kieran, na ngayon ay malapit nang mag-six years old. Nakasakay siya sa maliit na swing, hawak-hawak ang lubid, habang pinapadyakan ang lupa nang malakas para tumaas ang lipad niya.Si Elle, nakasuot ng simpleng white summer dress, ay tumawa habang nakatayo malapit. “Careful lang, anak. Huwag masyadong mataas!”“Pero Mommy, malakas na ako! Six years old na ako soon!” tugon ni Kieran na may halong yabang at tuwa.Sa tabi ni Elle, si Knox ay nakasuot ng casual linen shirt at dark jeans, hawak-hawak ang isang maliit na batang babae, isang one-y

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 5: “UNTIL THE VOW'S TURN REAL.”

    CHAPTER 114 — The Grand Remarriage ---Three months passed faster than Elle expected. From the endless fittings, the countless meetings with planners, the stress of guest lists, hanggang sa paulit-ulit na rehearsals—lahat ay parang whirlwind. Pero ngayon, standing behind the grand wooden doors of the cathedral, Elle realized it was all worth it.The church was breathtaking. White roses lined the entire aisle, forming a sea of soft petals that seemed to glow under the chandeliers. The high ceilings were draped with subtle fabrics, accentuating the stained glass windows that cast colorful patterns on the marble floor. Every seat was filled—family, friends, shareholders, and people from the society pages.But Elle barely saw them. Ang nararamdaman lang niya ay ang bigat sa dibdib at ang panginginig ng kamay habang hawak ang bouquet.Beside her stood Kennedy Evans, Knox’s father, who had insisted na siya ang maghahatid sa altar. His hand was steady on her arm, his presence both formal an

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 5: “UNTIL THE VOW'S TURN REAL.”

    CHAPTER 113 – “Preparations”---Sunlight streamed gently through the tall windows ng condo ni Elle. Nasa dining table siya, nakasuot lang ng light silk blouse, habang pinapanood si Kieran na abala sa kanyang cereal. Knox sat across them, nakabukas ang laptop at may ilang papeles sa gilid.The headlines from last night’s announcement plastered the screens. “Knox Evans Confirms Secret Marriage and Heir.” “Evans Family Welcomes Elle Santos and Son, Kieran.” “Power Couple Steps Out of the Shadows.”Elle scrolled nervously sa phone niya. Social media was buzzing—some supportive, others skeptical. #EvansHeir was already trending.“Ang dami nilang sinasabi,” bulong niya, halos pabulong. “Some are happy for us, pero ang iba…”Knox reached over, covering her hand with his. “Let them talk. What matters is, we told the truth. Wala nang secrets.”“Pero paano kung…” She trailed off, biting her lip.He squeezed her hand gently. “Elle. Look at me.”She lifted her eyes to his steady gaze.“You’re my

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status