MULA sa isang luxury car na Bentley Spur ay bumaba si Knives na punong-puno ng charisma. Bagay na bagay sa lalaki ang suot nitong Dormeuil Vanquish ll— a million dollar high-end suit. Walang hindi mapapatingin kay Knives Dawson ng mga sandaling iyon dahil napakalakas ng aura nito habang naglalakad papasok sa lobby ng Celestial Hotel. He was at the hotel because he had a meeting with Mr. Davis, one of their investors an they will discuss their company's new project.
"Mr. Dawson, I have chosen a condo for Ms. Aragon. It's in Manila and near the university where she studies so it's more convenient," saad ni Liam sa kanyang boss. Kasa-kasama siya ng kanyang boss kung saan man ito magpunta, dahil kahit wala ito sa trabaho ay marami pa rin itong inaasikaso. "Good," matipid namang sagot ni Knives. Bagaman sa papel lang sila kasal ni Lalaine Aragon ay ito pa rin ang babaeng gusto ng kanyang Lola Mathilde kaya naisip niyang i-compensate ito kahit papaano. Isa pa'y nakipag-sex siya sa ibang babae noong isang gabi kaya gusto niyang linisin ang konsensya sa pamamagitan ng pera. Besides, ang ganoong kaliit na halaga ay barya lang para sa kanya. Nang maisip ni Knives ang kanyang Lola Mathilde ay binalingan niya ang secretary. "Don't let Lola Mathilde know about the annulment," bilin niya rito. Mahina ang puso ng kanyang Lola Mathilde kaya iniiwasan niyang magalit ito sa kanya. Iyon din ang dahilan kung bakit pumayag siya sa kagustuhan nitong magpakasal sa babaeng hindi niya kilala. Natatakot siyang baka atakihin ito sa puso dahil sa matinding sama ng loob. Mabilis namang tumango ang secretary niya. "I understand, Mr. Dawson," sagot nito subalit mayamaya ay natigil ito sa paglalakad nang may pamilyar na babae siyang nakita papasok din sa lobby ng naturang hotel. 'Ano ang ginagawa n'ya rito?' tanong niya sa isipan na puno ng pagtataka. "What's the problem?" tanong ni Knives sa kanyang secretary nang makitang natigilan ito. "Mr. Dawson, Lalaine Aragon is the young girl in front of you." wika ni Liam. Isang beses lang niyang nakita ang babae nang utusan siya ng kanyang boss na kunin ang marriage certificate, subalit dahil matalas ang kanyang memorya na kailangan niya sa trabaho ay mabilis niya itong natandaan. Pinagmasdan naman ni Knives ang babaeng tinutukoy ng secretary niya. Nakasuot ito ng simpleng kulay pink na blouse at maong na pantalon. May sukbit rin itong bag pack sa likuran na tila ba papasok ito sa school. Napakabata pa rin nitong tingnan dahil sa maliit nitong mukha at balingkinitang katawan, na kung hindi tatanungin ang tunay na edad ay mapagkakamalan itong minor. Frankly speaking, iyon ang unang pagkakataon na nakita ni Knives ang mukha ng kanyang so-called wife. Because on the day they took their marriage certificate, he didn't look at the woman for even a second. Hindi niya maisip kung ano ang ipinakain nito sa kanyang Lola Mathilde at nagpumilit ang matanda na pakasalan niya ang babaeng ito. As Knives watched the woman, he couldn't understand why she seemed so familiar. He's a hundred percent sure that he has never seen the girl before and this is the first time. Mayamaya pa'y lumapit ang isang security guard kay Lalaine Aragon saka nagmamadaling umalis ang mga ito at sumakay sa elevator. Samantalang nagtataka naman si Liam kung paano napunta roon si Lalaine Aragon. Ang Celestial Hotel ay isang luxurious hotel sa Makati at pawang nasa high-society lang ang may access na makapasok doon. Paanong naroon ang tulad nito sa ganoong hotel? Si Knives naman ay hindi na pinagtuunan pa ng pansin kung bakit naroon ang babae at ipinagpatuloy ang matikas na paglalakad, subalit nang hindi sinasadyang narinig niya ang pag-uusap ng dalawang staff ng hotel kaya nilingon niya ito. Ang isa roon ay ang security guard na kasama ni Lalaine Aragon kanina lang. "Nakahanda na ba ang lahat ng hinihingi ni Mr. Scott?" tanong ng security guard sa waiter na may dalang cart na natatakpan ng puting tela. "Hindi ko talaga maintindihan ang trip ni Mr. Scott. Mukhang inosente pa ang babaeng iyon. Makayanan kaya niya ang trip ni Mr. Scott?" sagot naman ng waiter na hindi mawari kung nag-aalala o natatakot. "Shhh! Tumigil ka nga! Gawin mo na lang ang trabaho mo. Napakagalanteng magbayad ni Mr. Scott kaya hindi mo kailangang makonsensya. Kailangan mo rin ng pera 'di ba? Kahit mamatay ka kakatrabaho hindi ka makakahawak ng ganyan kalaking pera, tandaan mo 'yan." "Pero napakabata pa niya at mukhang inosente—" "Maraming babae ngayon na mukhang inosente lang sa panglabas na anyo, pero walang pinipili ang mga 'yan pagdating sa pera. Kasehodang ibenta ang sarili para mabili ang luho ay gagawin..." Matapos ang pag-uusap na iyon ay umalis na ang mga ito at naiwan naman si Knives na hindi malaman ang magiging reaksyon. "Mr. Dawson, gusto mo bang alamin ko kung si Ms. Lalaine Aragon ang tinutukoy nila?" tanong naman ni Liam sa kanyang boss. Dahil walang idea si Knives sa tunay na pagkatao ni Lalaine Aragon at hindi naman niya ito nagawang ipa-background check, kaya hindi niya alam kung anong klaseng babae ito. Naisip din niyang baka na-brainwash lang nito ang matanda kaya napapayag ito na magpakasal sila. "Go ahead!" malamig niyang utos sa kanyang secretary. Gusto niyang malaman kung ano ang motibo ng babae sa pagpunta nito sa hotel na iyon. Isa ba itong call girl? O baka naman nagpapanggap lang itong inosente pero nasa loob naman ang kulo? "Alright, Mr. Dawson." ——— Nagmamadali si Lalaine na sumunod sa security guard na sumundo sa kanya sa lobby ng naturang hotel, pero nagtaka siya dahil pagdating niya sa isang kwarto ay nawala na ito pagtapos nitong sabihin na naroon sa loob ang kanyang kapatid. Kahit nag-aatubili ay pinihit ni Lalaine ang doorknob, at kipkip ang kanyang bagpack ay pumasok siya sa loob ng malaking kwarto. Ngunit ipinagtaka ni Lalaine nang makitang walang katao-tao roon at napakatahimik ng paligid. Inilibot ni Lalaine ang paningin sa kabuohan ng kwarto. Kasinglaki iyon ng suite ni Knives, subalit ang interior design nito ay mas madilim. Pinghalong red at gold ang motif ng kwartong iyon kaya nasabi niyang mas madilim ito. Mayroong king size na kama at eleganteng chandelier sa pinakasentro, at three-seater sofa. "Luke! Nasaan ka? Nandito na si Ate Lalaine!" pagtawag ni Lalaine sa kanyang kapatid habang naglalakad-lakad sa loob ng silid. "Luke! Umuwi na tayo—" Naputol ang sana'y sasabihin ni Lalaine nang marinig niyang bumukas ang pinto, at mula sa kanyang likuran ay isang pamilyar na tinig ang nagsalita, "There you're, Lalaine..." TO BE CONTINUED.CHAPTER 55 – Whispers at the TableTahimik ang cafeteria pero buhay ang paligid. Maririnig ang tunog ng trays, ang pagbukas ng coffee machine, at ang mahihinang tawanan ng mga empleyado sa iba’t ibang mesa. Sa may bintana, nakaupo sina Elle at Nathan, parehong may tray sa harap. Salad at cake kay Elle, rice meal at fries kay Nathan.Habang kumakain sila, hindi napansin ni Elle ang isang pares ng mga matang nakatingin mula sa hallway. Si Knox iyon, nakatayo ilang metro ang layo, bahagyang natatakpan ng glass partition. Tahimik pero mabigat ang aura, nakatingin sa dalawa. Kumuyom ang kamao niya, ramdam ang init na gumagapang sa dibdib.Nakita niya kung paano tumawa si Elle sa biro ni Nathan. Isang magaan, natural na tawa, ibang-iba sa tipid na ngiti na madalas lang nitong ipakita sa dining table ng pamilya o sa opisina. At bawat segundo na nakikita niya iyon, parang tinutusok ang puso niya.Hindi niya alam kung anong mas masakit—ang makita ang asawa niyang ngumiti ng ganoon sa iba, o an
CHAPTER 54 – The Weight of SilenceMagkasunod lang halos dumating sina Elle at Knox sa opisina kinabukasan, pero nauna si Elle ng mga kinse minutos. Pagpasok niya sa executive floor, agad siyang bumati sa ilang staff at dumiretso sa cubicle niya. Tahimik lang siya, dala ang mabigat na dibdib mula pa kagabi.Maingat niyang inilapag ang tote bag sa gilid at agad binuksan ang laptop. May calendar invites na pumasok, ilang urgent emails na kailangan niyang sagutin, at tatlong tawag na nakalista para i-schedule. Nilabas niya rin ang notepad at sinulat ang to-do list tulad ng finalize minutes, review supplier contracts, prepare talking points para kay Knox, at coordinate sa HR tungkol sa gala guest list.Sinimulan niyang isa-isahin, mabilis ang kamay niya sa keyboard, steady ang mukha. Kahit mabigat ang dibdib, hindi siya puwedeng magpahuli. Kung secretary mode ang kailangan, secretary mode siya.Ilang sandali pa, bumukas ang elevator. Narinig niya ang pamilyar na yabag ng sapatos na mabili
CHAPTER 53 – Morning Porcelain Maaga pa, pero gising na ang buong bahay. Mula sa hallway, maririnig ang mahinang kaluskos ng mga kasambahay, ang pagtama ng porselana sa mesa, at ang malinis na tunog ng cutlery na inaayos sa dining hall. Sa master’s wing, halos sabay bumukas ang dalawang pinto. Lumabas si Elle, maaliwalas ang mukha pero may bahid ng puyat sa ilalim ng mata. Naka-white blouse siya at navy pencil skirt, malinis ang ponytail—corporate simple, walang sobra. Sa tapat, bumukas din ang pinto ng guest room. Lumitaw si Knox, naka-white shirt at charcoal slacks, may navy jacket sa braso. Crisp, calm, and cold. Nagkatinginan sila sa gitna ng corridor. Sandaling katahimikan. Tila parehong naghintay kung sino ang unang babati. “Good morning,” mahinang sabi ni Elle, pilit na steady ang tono. “Morning,” tipid na sagot ni Knox, halos walang emosyon, pero tumango ng konti bilang tugon. Kumirot ang dibdib ni Elle sa malamig na sagot nito pero pinilit niyang itago ang nararamd
CHAPTER 52 – "Shadows of Possession."Tahimik ang biyahe ng itim na SUV palabas ng Makati. Nakatitig si Knox sa city lights habang hawak ang whiskey tumbler na dala niya mula sa opisina. Nakakuyom ang panga, mabigat ang dibdib, at paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang eksena kanina. Si Elle, kasama ang bagong empleyado, at ang kabaitan nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakainis, ang ngiti ni Elle o ang pakiramdam na baka may ibang makakakita sa mga bagay na dapat siya lang ang may karapatan.Maya-maya, nilapag niya ang baso sa cupholder at kinuha ang telepono. Pinindot ang pangalan ng kaibigan.“Eros.” Mababa ang boses niya.Sa kabilang linya, rinig ang background noise ng hospital. “Knox? Gabi na ah. What’s wrong?”“Imperial Palace. Join me. I need a drink.”Tahimik si Eros ng ilang segundo bago sumagot. “Alright. Give me thirty minutes. I’ll be there.”---Pagdating nila sa Imperial Palace, sinalubong agad si Knox ng pamilyar na ambience, dim lights, jazz music sa b
CHAPTER 51 – “Shadows of Possession.”Alas-otso na ng gabi at tahimik na ang executive floor. Halos wala nang tao; patay na ang karamihan sa ilaw, tanging mga fluorescent sa hallway at ilang desk lamps na lang ang nagbibigay ng ilaw.Si Elle, nakaupo sa cubicle niya, tahimik na nag-aayos ng mga gamit pauwi. Nakalagay na sa shoulder bag ang ibang folders, pero nire-review pa niya ang notes para siguruhing wala siyang naiwan. Tahimik ang paligid, kaya’t rinig na rinig niya ang mahinang ugong ng aircon at tunog ng relo sa dingding.Bago pa siya makatayo, biglang umilaw ang maliit na pulang button sa intercom ng desk niya. Kasabay niyon, narinig niya ang malamig na tinig ni Knox.“Elle. Inside. Now.”Napatingin siya agad sa glass office nito. Mula roon, nakita niyang nakatayo si Knox, nakaharap sa kanya, ang dalawang kamay nasa bulsa ng pantalon. Malamig ang ekspresyon, walang kangiti-ngiti, at mabigat ang aura.Bahagya siyang kinabahan. Huminga nang malalim, mabilis na inayos ang mesa, a
CHAPTER 50 – The Jealous GlanceMainit ang hapon, at halos wala nang tao sa executive floor dahil karamihan ay nasa pantry para sa break. Nasa printing room si Elle, bitbit ang makapal na folders na kailangang i-photo copy para sa meeting mamaya.Inayos niya ang papel at sinimulang i-feed sa photocopy machine. Ilang minuto lang ang nakalipas nang biglang nag-red light ang panel. “Paper jam detected.” Napakagat siya ng labi, napatingin sa screen, saka dahan-dahang binuksan ang tray.“Great,” mahina niyang bulong, pilit inaayos ang nakastuck na papel. Pawis na pawis ang kamay niya habang maingat na hinihila ang piraso ng papel na naiipit sa loob.Habang abala siya, dumaan si Knox sa hallway, hawak ang phone at may kausap tungkol sa reports. Napahinto siya nang mapansin si Elle sa loob ng printing room. Nakakunot ang noo nito, tila nahihirapan sa machine. Saglit siyang nanood, pinigilan ang sarili na lapitan ito at sa halip ay akma na sana siyang tatawag ng technician.Pero bago pa siya