Mag-log in“Ate Cressia, kumain ka na.”
Parang hangin lamang sa pandinig ni Cressia ang sinabi ni Neneng. Nakaupo siya sa plastic na upuan, hawak ang kamay ng anak na natutulog ngunit wala dito ang kaniyang isip. Hindi mawala sa kaniyang alimpatakan ang nalaman niya.
Hindi na lamang muling inestorbo ni Neneng ang ate niya. Napansin rin niya na may iniisip itong malalim.
May kumatok sa pintuan na kina-gulantang ni Cressia. Dali siyang tumayo at nilapitan ang pintuan. Napahinto rin si Neneng sa paglalakad papunta sa pintuan nang mapansin ang ate niya na parang takot na siya ang makabukas sa pintuan.Kumunot na lamang ang kaniyang noo.
Nang buksan ni Cressia ang pintuan, at nakita kung sino ang nasa labas, mabilis pa sa kidlat na sinira ang pintuan. “A-anong kailangan mo? P-pasensya na kung pumasok ako sa kwarto ng amo mo, nagkamali lamang a-ako,” nanginginig ang boses niya habang kaharap si Dave.
“Bakit namumutla ka, miss Montinola? May sakit kaba?” balik tanong ni Dave. Napansin nito na- parang natakot ito nang makita siya. “Sino ang na-hospital? Kailangan mo ba ng tulong ko?”
“Hindi na p-po, tinulungan ko lang rin ang kapitbahay ko,” pagsisinungaling ni Cressia. “Iyong anak kasi niya nahospital at wala siyang kamag-anak dito kaya tinulungan ko na lamang,” dagdag niya.
Tumango-tango si Dave, tanda na naniniwala siya sa tinuran ni Cressia.
“Bakit ka kumatok?” mahinahon ngunit may pag-iingat na tanong ni Cressia. “May kailangan ka ba sa akin?”
“Wala naman, kukumustahin lang sana kita,” sagot ni Dave.
“Ganun ba, mabuti naman ako,” sagot ng babae. “Si Mr. Moretti ba ay malubha ang sakit?” pag-iba niya ng paksa.
Gustong kastiguhin ni Cressia ang sarili sa naging tanong niya. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas loob para magtanong ng ganoon na bagay. Wala naman siyang karapatan.
“May sakit siya, minsan hindi niya maalala ang mga tao o mga pangyayari sa buhay niya,” sagot ni Dave. “Iyon ang naiintindihan ko sa sakit niya.”
“Marahil ang sakit niya ang dahilan kung bakit hindi niya ako naaalala,” bulalas ni Cressia.
“Nagkausap kayo?” tanong ni Dave.
Tumango lamang si Cressia.
“Doon ka rin pa ba nagtrabaho sa restaurant?” muling tanong ng lalaki.
Muling tumango si Cressia. “Nagkita kami kani-kanina lamang, nagkausap kami, hindi niya ako natatandaan,” sagot niya. “Mas mabuti na rin iyon.”
“Pwede ba akong humingi ng favor sayo Ms. Montinola?” tanong ni Dave.
Nagtagpo ang mga kilay ng babae. “A-ano iyon?”
“Puwede mo bang pakibantayan muna si Mr. Moretti? Umalis kasi ang maldita niyang fiancé. Kailangan kong kumuha ng mga gamit ng amo ko, bukas pa kami makakauwi,” anito.
“Sorry –”
“Please, Ms. Montinola… hindi ka naman niya kilala e,” pagmamakaawa nito.
Bukas-sira ang bibg ni Cressia. Hindi niya makatanggi, at mas lalong hindi niya kayang makasama ang ama ng anak niya kahit ilang minuto lamang.
“Please, Ms. Montinola…”
“Basta bumalik ka agad.”
“Of course, Ms. Montinola…” hindi maipinta ang tuwa ni Dave. “Sige na, pasok kana, babalikan kita maya-maya.”
Pinapasok muna ni Cressia ang lalaki saka siya pumasok sa loob ng silid. Hindi siya mapakali. Halos si neneng na ang nahihilo sa palakad-lakad ni Cressia sa espasyo ng kuwarto.
“Ate Cressia, may problem aba?” pag-aalala ng eighteen years old na dalagita.
“Wala, Neneng…” sagot ni Cressia. Lumapit siya kay Neneng. “Puwede mo bang bantayan si Cristoff? Sa kabilang kwarto lang muna ako.”
“Sige ate,” sagot ni Neneng.
Lumapit si Cressia sa anak na natutulog sa hospital bed. Hinawakan niya ang kamay nito sa hinalikan sa noo ang bata. “Anak, may gagawin lang ako hah, sasamahan ko lamang ang papa mo,” bulong niyang bulalas.
May muling kumatok sa pintuan. Alam na agad ni Cressia kung sino ito. “Ako na ang bubukas…” saad niya kay Neneng na umaksyon na lumapit sa pintuan. “Kapag may problema, puntahan mo na lamang ako sa kabilang kwarto.” Dagdag niya.
Tumango si Neneng. Humakbang papunta ng pintuan si Cressia, bumuntong-hininga muna siya bago binuksan ang pintuan. Hindi nga siya nagkamali. Nakangiti si Dave na naghihintay sa kanya sa labas ng pintuan.
“Pasensya na talaga, Ms. Montinola… babawi na lamang ako sayo sa susunod,” ani Dave.
Hindi kumibo si Cressia. Parang nawalan siya ng kakayahan na makapagsalita dahil sa lakas ng kabog ng kaniyang puso.
“Tara, ihahatid kita sa loob ng kwarto.” Tumalikod si Dave sa babae at siya ang nagbukas ng pintuan sa kwarto ni Mr. Moretti.
Nagdadalawang-isip na sumunod si Cressia sa lalaki. Parang may nagkakarera sa loob ng puso niya, ang lakas ng kabog nito. Nakatayo lamang siya sa labas ng kwarto na bukas ang pintuan habang nasa loob na si Dave. Muli itong lumabas, kinuha ang kamay niya at marahan siyang hinila sa loob ng kwarto.
“Mr. Moretti, nandito na po siya,” ani Dave na mas lalong nagpakaba sa dibdib ni Cressia. Nakahiga sa kama ang tinutukoy niya. Nakasira ang mga mat anito. “Siya na muna ang magbabantay sayo, babalik rin ako agad.”
“Umalis kana, Dave,” saad ng lalaki. Nanatili parin nakapikit ang mga mata nito.
Sumenyas si Dave kay Cressia na aalis na saka ito nagmamadaling lumabas ng silid. Hindi rin nakakibo ang babae, para siyang nakapako sa kinatatayuan habang nasa kay Mr. Moretti ang paningin. Binuksan nito ang paningin na lalong kinakaba ng kaniyang puso, sa lakas ng kaba, hindi siya magtataka kung nanginginig ang kaniyang tuhod.
Itinuon ni Damon ang paningin ni Damon sa babae na nakatayo sa kaniyang harapan. “You’re Ms. Montinola?” tanong niya. “Ikaw iyong waiter kanina rin sa restaurant.” Ngumiti siya sa babae.
Mas lalong hindi nakagalaw si Cressia dahil sa guwapo ng lalaking nakangiti sa kaniya. Napalunok siya habang bumababa ito sa kama at naglakad ito palapit sa kaniya. Tumayo ito sa kanyang harapan, bahagyang yumuko para magpantay ang kanilang mga mukha.
“D-damon, anong ginagawa mo?” utal-utal na tanong ni Cressia habang maagkatitig sila sa isa’t isa.
“You are really so familiar… your face, eyes, nose and the curve of your lips…” he murmured.
“A-anong pinagsasabi mo?”
Biglang hinuli ni Damon ang baywang ni Cressia. Napatili na lamang ito nang hilahin niya nito palapit sa kanyang katawan.
“Mr. M-moretti!”
“Even the size of your hips seems familiar,” he added. Hinaplos niya ang pisngi ni Cressia. “Even the smoothness of your skin.”
Itinulak ni Cressia ang lalaki. Napabitaw ito sa kanya. Tumalikod siya para sana lumabas ng silid ngunit hinawakan siya nito sa pulsunan.
“Please, don’t leave. I’m sorry… Mybe I’m just paranoid.”
Dumako ang paningin ni Cressia sa kamay na nakahawak sa kaniyang pulsunan. Binitiwan siya ng lalaki.
“Please… huwag kana umalis. I am comfortable being around with you,” Damon added.
“Hindi ako lalabas,” mahinahon na saad ni Cressia. “Basta huwag ka lang medyo malapit sa akin. Pumayag ako na magbantay sayo dahil naging kakilala ko rin si Dave. Gusto ko lang suklian ang nagawa niyang tulong sa akin.”
“I understand, you and him have special feelings for each other.” Tipid na ngumiti si Damon. “I don’t know why I feel sad.”
Umiling-iling si Cressia. “Wala kaming relasyon, mali ang iniisip mo.”
“Okay…” Tumalikod si Damon sa babae at bumalik sa kama. Umupo siya sa gilid nito habang nasa kay Cressia ang paningin.
“Narinig ko kanina na magre-resign ka na?” Tanong ni Alvie kay Cressia habang nakatayo sila sa gilid, naghihintay kung may tatawag sa kanila na costumer.“Oo. May iba na akong nahanap na work,” sagot ni Cressia. “May plano ka pala umalis, bakit hindi mo ako sinabihan?” malungkot nitong tanong. “Edi sana sumama ako sayong naghanap ng trabaho.”“Aksidente lang na nakahanap ako ng work,” pagpapaliwanag ni Cressia.“Ano iyon, nakasalubong mo lang sa daan ang bago mong work?” pagpapatawa naman ni AlvieNapangiti si Cressia. “Parang Ganun na nga.” Nawala ang ngiti niya nang bumukas ang pintuan ng restaurant at pumasok roon si Mr. Morreti. Hindi siya habang nakakunot ang noo ni Alvie na nakatingin sa kanya “Ikaw nalang mag-aasikaso ni Mr. Morrreti, Alvie hah.”“Bakit?” nakakunot ang noo ni Alvie. “Hindi naman kasama ang fiancé niya.”“Basta,” tipid na sagot ni Cressia.May tumatawag na costumer –daling lumapit si Cressia dito kaya walang nagawa si Alvie, ito na ang lumapit sa costumer na ba
Nakatitig si Cressia sa anak niyang mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Unti-unting lumiliit ang mundo nito at ng kanyang ama. Kung mangyari na magtagpo ang landas ng dalawa… dapat siya sa maaaring mangyari.“Anak, patawarin mo sana si mama kung nagsinungalin ako sayo,” pabulong niyang sabi habang hinahapuhap ang pisngi ni Cristoff. “Ipapakilala rin kita sa ama mo balang araw, anak.”Gumalaw ang anak at bigla na lamang itong nagising. Agad naman na ngumiti si Cressia dito habang nakatitig ito sa kanya na may nakakunot na noo.“Anong nangyari, anak? May masakit ba sayo? Sabihin mo kay mama,” pag-aalala ni Cressia. “Gabing-gabi na, hindi ka naman nagigising ng ganitong oras.”“Napanaginipan ko si papa, mama. Sabi niya ayaw niya sa akin, pangit daw po ako,” nangingiyak na saad ng bata.Niyakap ni Cressia ang anak. “Hindi anak, mahal ka ng papa mo, hindi totoo ang napanaginipan mo,” pagpapatahan niya dito. Hinapuhap niya ang likuran nito para patahanin.“Bakit hindi pa siya umuuwi? Hi
Kahit anong pilit ni Cressia… hindi na talaga siya pinapasok ng guard. Aalis na sana siya nang biglang may nasagasaan siyang isang lalaki. Napahawak ang lalaki sa kanyang baywang na kinalaki ng pasasalamat niya dahil hindi siya nito natumba. Ngunit nang napadungaw siya sa mukha ng lalaki –agad siyang dumestansya dito.“Ikaw iyong nagtatrabaho sa restaurant? What are you doing in my building?”Kumunot ang noo ni Cressia. Hindi siya makapaniwala na ang may-ari ng building na gusto niyang pasukan ay ang ama ng anak niya. Posible rin ito ang may-ari ng lupa na tinitirhan nila.“Ikaw ang may-ari ng building na ito?” hindi makapaniwala na tanong ni Cressia. “Ikaw rin ba ang may-ari ng skwarter na tinitirhan namin?”“Oh… you’re living in my land hah,” he smirked. “Nandito ka ba para magmakaawa na hindi ko kunin sa inyo ang lupa –na hindi ko kayo papaalisin?”“Please, Mr. Morreti, huwag mo kaming paalisin doon… maraming tao ang mawalan ng bahay kung papaalisin mo kami. Titira sila sa tabi ng
“Mama, sagutin mo naman ako,” pangungulit ni Cristoff.Ngumiti si Cressia sa anak. Nag-iisip siya kung ano ang isasagot niya. “May trabaho si papa sa malayo, anak,” sagot niya dito. “Huwag kang mag-alala balang-araw ipapakilala kita sa kaniya,” hindi nag-iisip niyang sabi. Nang mapagtanto ang sinabi, nais na niyang batukan ang sarili.“Saan po ba siya nagtatrabaho po?” usisa ni Cristoff.“Sa ibang bansa, malayo, anak,” sagot ng ina.“Ibig sabihin mayaman po si papa?”Tumango si Cressia. “Kumain kana, manunuod tayo ng tom and jerry pagkatapos,” pag-iba niya ng paksa.“Sana bumalik na si papa para hindi kana mahirapan magtrabaho, mama,” wika ng bata saka ulit binigyan ng pansin ang kanyang pagkain.Napatalikod si Cressia sa anak. Hindi niya napigilan ang mga luha niyang nagsilaglagan. Dali niya itong pinunasan gamit ang kanyang palad saka pilit na ngumiti bago siya muling humarap sa anak. Abala na ito sa pagkain.Matapos kumain ang anak, tulad ng sabi ni Cressia, nanuod sila ng tom and
“Your son is safe. Wala akong nakitang abnormalidad sa result ng CT scan. Asikasuhin mo na ang bill ninyo para makauwi na kayo.”Nakahinga ng maluwag si Cressia sa naging resulta ng CT scan. “Maraming salamat, dok.” Nakahinga siya ng maluwag sa tinuran ng doktor habang hawak niya CT-scan result.“Kailangan ko ng umalis, Mrs. meron pang naghihintay na pasyente sa akin,” paalam ng doktor. Umalis ito sa harapan ni Cressia at lumabas ng silid.Lumapit si Cressia sa kanyang anak na nasa gitna ng hospital bed nakaupo. Masaya niya itong niyakap sa resulta ng CT-scan. Malaki ang pasasalamat niya sa poongmaykapal dahil ligtas ang kanyang Cristoff.“Uuwi na po ba tayo, mama?” tanong ng bata.Tumango si Crissia sa anak. “Oo anak, makakauwi na tayo, babayaran lamang ni mama ang bill natin tapos pagbalik ko uuwi na tayo,” sagot niya saka bumitaw dito.Lumapit si neneng sa mag-ina. “Ako na po bahalang magbantay kay Cristoff, ate. Magbayad kana ng bill para makauwi na tayo,” presenta ng dalagita.N
Nagising si Cressia. Nakatulog pala siya habang nakalapat ang ulo niya sa kama. Sinuri niya ang kanyang anak, tulog pa rin ito. Mula sa pagkaupo sa plastic na upuan, tumayo siya at nilapitan ang bag niya na nakalapag sa mesa na nasa gitna ng silid. Kinuha niya ang cellphone na nasa loob ng bag at tumingin sa oras. Alas dose na ng umaga. Bigla niya naisip si Mr. Moretti.Ibinalik ni Cressia ang cellphone sa loob ng bag, humakbang siya palapit ng pintuan at lumabas roon. Nasa harapan siya ng pintuan kung naruruon si Damon, nagdadalawang-isip siya na pumasok.“Iche-check mo lang naman siya, Cressia…” bulong niya sa kaniyang sarili. Bumuntonghininga siya bago humawak sa doorknob at pinihit ito saka tinulak upang buksan.Dere-deretsong pumasok si Cressia sa loob ng silid ng hindi man lang nagpaalam sa kung sino ang nasa loob. Natayo na lamang ng matuwid si Cressia habang sinisira ang pintuan nang makita si Damon na naghuhubad ng damit pan-itaas. Nakatayo ito habang nakatalikod sa babae.“Wh







