แชร์

Chapter 4

ผู้เขียน: mischievous12ose
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-05-15 00:35:29

“Ate umuwi kana muna…”

Nakakunot ang noo ni Cressia habang kausap si neneng sa telepono. Ilang beses na daw itong tumatawag kaya pumasok si cressia sa staff room para sagutin ito.

“Ate Cressia, si Cristoff kasi…”

“Neneng, anong nangyari sa anak ko?” Nabalutan ng pag-aalala ang puso ni Cressia nang marinig niya ang pangalan ng anak. Mahigpit na nakahawak siya sa kaniyag telepono. “Sagutin mo ako, neneng… anong nangyari sa anak ko?”

“Nadapa po siya, nagkaroon siya ng sugat sa noo,” sagot ng nasa kabillang linya. “Umuwi ka muna dito, ate.”

“Uuwi na ako…” sagot ni Cressia saka pinatay ang tawag.

Daling kinuha ni Cressia ang bag niya na nasa baba ng kaniyang mesa. Lumabas siya sa staff room, egsakto rin na nakasalubong niya ang manager ng restaurant.

“Anong nangyayari?” tanong ni Emilia.

“Ma’am, kailangan kong umuwi, ang anak ko nadapa, nagkasugat ang noo,” sagot ni Cressia. “Baka kailangan niyang dalhin sa hospital…” Puno ng pag-aalala na sabi.

Cressia was been traumatized what happened to her father. Iyong pakiramdam na takot na takot siya sa tuwing may kahit kunting sinat lamang ang anak niya. Hindi niya ito pinapalampas, ito pa kaya na may sugat ito sa noo.

“Mag-half day lang ako, ma’am, kailangan na kailangan kong umuwi para sa anak ko,” pagmamakaawa ni Cressia habang may namumuo na mga luha sa mga mata.

Buti’t mabait at naunawaan siya palagi ng manager. “Sige-sige… mag-ingat ka pag-uwi,” ani Emilia.

Nagmamadali na umalis si Cressia sa harapan at lakad-takbo ang ginawa palabas ng restaurant. Napansin pa niya na nakasunod ang mga mat ani Damon sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin. Dere-deretso siyang lumabas. Pagdating niya sa tapat ng kalsada sumakay agad siya ng tricycle at nagpahatid sa kanilang barangay. Pagdating niya binayaran niya agad ang driver na hindi na niya kinuha ang sukli niya dahil sa pagmamadali.

Tinakbo ni Cressia ang patungo sa kaniyang bahay. “Neneng… Cristoff anak!” sigaw niya nang papasok na siya sa loob ng kabahayan. Naabutan niya ang anak niya sa sala umiiyak, gaanon din ang nagbabantay nito na parang maiiyak na rin habang pinapatahan ang bata.

Unang napansin ni Cressia ang sugat sa gilid ng noo ng anak na may benda. Dali siyang lumapit sa anak, at sinuri ang noo nito.

“Sorry ate Cressia, hindi ko napansin na lumabas siya,” ani Neneng.

“Dalhin natin siya sa hospital!” Agad binuhat ni Cressia ang anak nang hawiin niya ang benda nito at nakitang nagdurugo parin ang sugat nito. “Kumuha ka nang jacket niya, neneng, sa blue na drawer, bilisan mo!” Umuna na siyang lumabas ng bahay habang karga ang anak. “Sumunod ka agad sa amin!” dagdag sigaw niya. Umuna na siyang naglakad papunta sa kalsada at agad na pumara ng tricycle. May huminto sa kanyang tapat, pumasok agad siya, egsakto naman ang pagdating ni Neneng. Sumakay rin agad ito.

“Ihatid n’yo po kami sa Emergency hospital, manong… bilisan n’yo po!”

Pinaharurot ng driver ang tricycle. Medyo may kalapitan lamang ang hosoital kaya mabilis lang silang dumating. Binayaran agad ni Cressia ang driver saka patakbo na ipinasok ang buhat-buhat na anak habang nakasunod si Neneng sa kaniya.

“D-dok, ang anak ko may sugat sa noo!” sigaw ni Cressia habang nasa loob na siya ng hospital. “tulong! Tulungan ninyo kami!”

“Anong nangyari, maa’am?” tanong ng nurse na lumapit sa kanila.

“Ang anak ko nurse, may sugat sa noo…”

Sunuri ng nurse ang sugat ni Cristoff na natatakpan pa rin ng benda. Buhat-buhat parin ni Cressia ang anak.

“Kalma lang kayo, ma’am. I garrantee na minor injury lang ito,” bulalas ng nurse habang sinusuri nito ang sugat ng bata.

“Hindi, ipapa-CT scan ko ang anako ko para sigurado akong walang mangyayaring masama sa kaniya, nurse…” giit ni Cressia.

“Okay ma’am, linisan muna natin ang sugat,” sagot nito. “sumunod kayo sa akin…” dagdag nito.

Sumunod si Cressia papunta sa outpatient department, pinaupo siya ng nurse sa isang upuan habang pinaupo niya si Cristoff sa kaniyang kandungan. Nilinisan ng nurse ang sugat ng bata sa noo pagkatapos nilagyan ng malinis na binda.

“Gasgas lang sa balat ang naging sugat ng anak mo, ma’am, hindi naman ito Malala, pwede na po kayong makauwi,” ani ng nurse.

Umiling-iling si Cressia. “Hindi puwede, nurse, baka may mamuo na sugat sa ulo niya. Ipapa-CT scan ko siya,” pasya niya. Hindi niya iuuwi ang anak hanggat masigurado niya na safe ito.

“Sige po, kung iyan ang gusto mo, ipapa-CT scan natin ang anak mo,” sagot ng nurse. “I’’ll tell the doctor about the CT scan request, iwan ko muna kayo dito,” dagdag ng nurse.

Umalis ang nurse sa harapan ng mag-ina. Lumapit naman si Neneng sa mga ito. Dumako ang paningin ni Cressia dito. KItang-kita sa reaksyon nito ang takot at pag-aalala para sa bata. Agad naman itinuon ni Cressia ang pansin sa anak.

“Ate Cressia, I’m sorry hindi ko nabantayan ng maigi si Cristoff.”

Hindi sumagot si Cressia. Hindi rin naman niya sinisisi si Neneng sa nangyari sa anak niya. Alam rin niyang hindi nito ginusto ang nangyari kay Cristoff.

BINIGYAN ng CT-scan request si Cressia. Inasikaso agad niya ito, pagkatapos dinala si Cristoff sa CT scan room. Nilagay ang bata sa CT scan bed, buti’t hindi rin ito naglilikot. Matapos ipa-CT scan ang bata kumuha si Cressia ng private room para sa hospital sila mamalagi ng isang araw hanggat makuha niya ang result ng CT scan. Wala siang balak umuwi. Hindi baling maubos ang ipon niya wala lang mangyaring masama sa anak niya.

Nakaupo sa plastic na upuan ni Cressia habang pinapatulog ang anak sa hospital bed. Nakatitig siya dito habang nakapikit ang mga mata ng anak. Naalala niya ang kaniyang ama na Nawala sa kaniya. Hindi niya hahayaan na magyari ulit.

“Ate Cressia, gutom na ako…”

Lumingon si Cressia kay Neneng na nasa likuran niya nang marinig niya ang sinabi nito.  Tumayo siya. Nilapitan niya ang bag niyang nasa center table. Kumuha siya ng five hundred sa wallet niya at inabot niya ito kay neneng.

“Takot po akong tumawid ng kalye sa gabi, ate,” ani Neneng.

“Ako na lamang ang bibili,” presenta ni Cressia sabay baba ng kamay niya. Lumingon siya sa anak. “Bantayan mong maigi si Cristoff.”

“Opo, ate.”

Lumabas si Cressia ng kwarto. Deretso siyang lumabas ng hospital at nagtungo sa isang karenderya nasa tapat lamang ng hospital. Bumili siya ng sinigang na pork, tortang talong at kanin. Nakalagay ito sa container, hindi kasi puwede ang cellophane sa loob ng hospital. Dala-dala ni Cresia ang tatlong container habang bumabalik sa kwarto ng anak. Nang nasa tapat na siya ng pintuan, pumasok agad siya. Nahihirapan siya sa dala, buti’t bukas ang pinto.

“Kailangan kong pumasok sa opisina, may kailangan pa akong tapusin.”

Napatindig ng tuwid si Cressia nang marinig ang boses ng lalaking nakahiga sa hospital bed. Kumunot ang noo niya habang nakapako ang kaniyang paningin sa pasyente. Nagpipiglas ito na bumangon habang pinipigilan siya ng isang babae.

“Hindi ako papaya na maaapektuhan ng sakit na ito ang buhay ko! So, please Divine… hayaan mo akong makaalis dito at magtrabaho. Familial early-onset dementia won’t rule my life!”

Halata sa naging reaksyon ng hitsura ni Cressia na nabigla sa nalaman. Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng pintuan habang nakikinig sa kay Damon at ng fiance nito na si Divine.

“No! Please, huwag na matigas ang ulo, love… baka mag-colapse ka na naman…” ani Divine.

“Excuse me.”

Napalingon si Cressia sa boses ng lalaki na nagmula sa likuran. She paled nang matanto kung sino ito. Ganoon din ang lalaki, halata ang gulat nang makita siya.

“You again, waiter!” bulyaw ni Divine.

Bumalik ang paningin sa dalawang nasa loob ng kuwarto. “Pasensya na, nagkamali ako ng pasok na kwarto,” nakayuko na sabi nito saka nagmadaling umalis sa kaniyang kinatatayuan.Deretsong pumasok si Cressia sa sunod na kwarto, ang kanilang hospital room.

“Sa dami-daming kwarto na mapasukan ko, bakit doon pa?” Nais nang kastiguhin ni Cressia ang sarili.

“Ate Cressia, bakit? May sinabi ka?” tanong ni Neneng habang nakatingin sa tinutukoy na bagong pasok sa kuwarto.

“Wala, kumain kana,” sagot ni Cressia. Nilapag niya ang kaniyang mga pinamili na pagkain sa mesa.  

Sumunod rin si Neneng. Umuna siyang kumain kay Cressia, habang ito’y iniisip pa rin ang nalaman at kung paano niya maitago ang tungkol kay Cristoff. Natatakot siya na baka makita ni Dave ang anak at magtagpo ang kanilang ng landas ng ama nito.

“Ikaw ate Cressia, kumain kana rin,” yaya ni Neneng.

 “Mamaya na ako, Neneng, mauna kana muna,” sagot ni Cressia na halatang may malalim na iniisip.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • SOLD TO DAMON MORETTI   Chapter 8

    “Your son is safe. Wala akong nakitang abnormalidad sa result ng CT scan. Asikasuhin mo na ang bill ninyo para makauwi na kayo.”Nakahinga ng maluwag si Cressia sa naging resulta ng CT scan. “Maraming salamat, dok.” Nakahinga siya ng maluwag sa tinuran ng doktor habang hawak niya CT-scan result.“Kailangan ko ng umalis, Mrs. meron pang naghihintay na pasyente sa akin,” paalam ng doktor. Umalis ito sa harapan ni Cressia at lumabas ng silid.Lumapit si Cressia sa kanyang anak na nasa gitna ng hospital bed nakaupo. Masaya niya itong niyakap sa resulta ng CT-scan. Malaki ang pasasalamat niya sa poongmaykapal dahil ligtas ang kanyang Cristoff.“Uuwi na po ba tayo, mama?” tanong ng bata.Tumango si Crissia sa anak. “Oo anak, makakauwi na tayo, babayaran lamang ni mama ang bill natin tapos pagbalik ko uuwi na tayo,” sagot niya saka bumitaw dito.Lumapit si neneng sa mag-ina. “Ako na po bahalang magbantay kay Cristoff, ate. Magbayad kana ng bill para makauwi na tayo,” presenta ng dalagita.N

  • SOLD TO DAMON MORETTI   Chapter 7

    Nagising si Cressia. Nakatulog pala siya habang nakalapat ang ulo niya sa kama. Sinuri niya ang kanyang anak, tulog pa rin ito. Mula sa pagkaupo sa plastic na upuan, tumayo siya at nilapitan ang bag niya na nakalapag sa mesa na nasa gitna ng silid. Kinuha niya ang cellphone na nasa loob ng bag at tumingin sa oras. Alas dose na ng umaga. Bigla niya naisip si Mr. Moretti.Ibinalik ni Cressia ang cellphone sa loob ng bag, humakbang siya palapit ng pintuan at lumabas roon. Nasa harapan siya ng pintuan kung naruruon si Damon, nagdadalawang-isip siya na pumasok.“Iche-check mo lang naman siya, Cressia…” bulong niya sa kaniyang sarili. Bumuntonghininga siya bago humawak sa doorknob at pinihit ito saka tinulak upang buksan.Dere-deretsong pumasok si Cressia sa loob ng silid ng hindi man lang nagpaalam sa kung sino ang nasa loob. Natayo na lamang ng matuwid si Cressia habang sinisira ang pintuan nang makita si Damon na naghuhubad ng damit pan-itaas. Nakatayo ito habang nakatalikod sa babae.“Wh

  • SOLD TO DAMON MORETTI   Chapter 6

    Cressia was sitting on a sofa, inside of Mr. Moretti’s hospital’s room. Habang nakahiga si Damon sa kama. Halos kalahating oras na rin na naghari ang katahimikan. Pasalin-salin ang paningin ni Cressia sa pintuan at sa lalaking binabantayan niya.“Do you want to leave?” tanong ni Damon na kinabasag ng namuo na katahimikan. “Napansin ko na palagi kang nakatingin sa pintuan, if you’re not comfortable with me, maaari ka nang lumabas.”“No, Mr. Moretti, hinihintay ko lang si Dave, sabi niya babalik siya agad,” casual na sagot ni Cressia.“Hindi siya babalik ngayon, bukas ng maaga pa siya babalik,” anito.Hindi makapaniwala si Cressia sa narinig mula kay Damon. Nagsinungaling si Dave sa kaniya, akala niya tutuparin nito na babalik ito agad.“You can sleep there on the sofa if you want,” dagdag nitong sabi.“Hindi. Ang sabi sa akin ni Dave babalik agad siya. At tyaka hindi ako pwede matulog dito.”“Why? Ayaw mo akong kasama matulog sa isang kwarto?” maaaninag ang inis sa boses ni Damon sa na

  • SOLD TO DAMON MORETTI   Chapter 5

    “Ate Cressia, kumain ka na.”Parang hangin lamang sa pandinig ni Cressia ang sinabi ni Neneng. Nakaupo siya sa plastic na upuan, hawak ang kamay ng anak na natutulog ngunit wala dito ang kaniyang isip. Hindi mawala sa kaniyang alimpatakan ang nalaman niya.Hindi na lamang muling inestorbo ni Neneng ang ate niya. Napansin rin niya na may iniisip itong malalim.May kumatok sa pintuan na kina-gulantang ni Cressia. Dali siyang tumayo at nilapitan ang pintuan. Napahinto rin si Neneng sa paglalakad papunta sa pintuan nang mapansin ang ate niya na parang takot na siya ang makabukas sa pintuan.Kumunot na lamang ang kaniyang noo.Nang buksan ni Cressia ang pintuan, at nakita kung sino ang nasa labas, mabilis pa sa kidlat na sinira ang pintuan. “A-anong kailangan mo? P-pasensya na kung pumasok ako sa kwarto ng amo mo, nagkamali lamang a-ako,” nanginginig ang boses niya habang kaharap si Dave.“Bakit namumutla ka, miss Montinola? May sakit kaba?” balik tanong ni Dave. Napansin nito na- parang na

  • SOLD TO DAMON MORETTI   Chapter 4

    “Ate umuwi kana muna…”Nakakunot ang noo ni Cressia habang kausap si neneng sa telepono. Ilang beses na daw itong tumatawag kaya pumasok si cressia sa staff room para sagutin ito.“Ate Cressia, si Cristoff kasi…”“Neneng, anong nangyari sa anak ko?” Nabalutan ng pag-aalala ang puso ni Cressia nang marinig niya ang pangalan ng anak. Mahigpit na nakahawak siya sa kaniyag telepono. “Sagutin mo ako, neneng… anong nangyari sa anak ko?”“Nadapa po siya, nagkaroon siya ng sugat sa noo,” sagot ng nasa kabillang linya. “Umuwi ka muna dito, ate.”“Uuwi na ako…” sagot ni Cressia saka pinatay ang tawag.Daling kinuha ni Cressia ang bag niya na nasa baba ng kaniyang mesa. Lumabas siya sa staff room, egsakto rin na nakasalubong niya ang manager ng restaurant.“Anong nangyayari?” tanong ni Emilia.“Ma’am, kailangan kong umuwi, ang anak ko nadapa, nagkasugat ang noo,” sagot ni Cressia. “Baka kailangan niyang dalhin sa hospital…” Puno ng pag-aalala na sabi.Cressia was been traumatized what happened t

  • SOLD TO DAMON MORETTI   Chapter 3

    “Ikaw na bahala sa anak ko. Huwag mo siyang palabasin hah,” paalala ni Cressia sa kapit-bahay na nagbabantay kay Cristoff kapag nasa trabaho siya.Nilingon ni Cressia ang anak niya na nakaupo sa kawayan na sahig habang naglalaro ng roblox. Napangiti na lamang siya dahil nagawa nitong dinosaur. Sa edad nitong three years old napakatalino.“Sige ate Cressia. Mag-ingat ka sa trabaho mo,” sagot ni nenengLumapit si Cressia kay Cristoff. “Anak, alis muna si mama ulit ah, trabaho muna si mama,” paalam niya dito.“Sige po mama, ingat ka po kayo,” sagot ng bata na abala sa paglalaro.Lumingon si Cressia kay neneng Sumenyas siya dito na aalis na siya. Tumango ito kaya siya tuluyan na lumabas ng bahay. Malalaking hakbang si Cressia habang palabas sa mga nagdidikitan na mga bahay. Nang makalabas na siya dumeretso siya sa gilid ng kalye para maghintay ng tricycle. Thirty minutes na lamang ma-la-late na siya. Buti’t nakasakay siya agad.Nang makarating na sa lobby ng restaurant kung saan nagtatrab

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status