Share

Kabanata 34

Author: 4STARS
last update publish date: 2026-07-20 23:10:58
“Simula bukas, huwag ka ng sasabay pa sa ‘kin,” malamig at matalim na saad ni Christian sa kanyang asawa.

Sandaling natigilan si Sheila nang marinig ang sinabi sa kanyang ng asawa. Dahil dito, tuluyan na siyang naniwala sa sinabi ni Grace.

“Chris, ano ba nangyayari sa ‘yo?” usisa ni Sheila, nakataas ang kilay.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” balik-tanong ni Christian.

Sheila rolled her eyes and glared at her husband. "Seriously, Chris? Are you really going to play dumb now?" she asked, her voice lac
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
salamat bhe sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 69

    Dahil nakuha na ang damit na para sa kanya, hindi na nagtagal sa sala si Orlinda at umakyat na ng hagdan pabalik sa sariling silid-tulugan.Hindi na siya nagpaalam pa kay Evelyn na pabalik na rin sa kwarto nito.Isa-isa ring umalis ang iba pang miyembro ng pamilya.Si Angelo na naroon din ay nagdesisyon na ring bumalik sa kwarto. Sumabay na siya sa asawa niyang si Orlinda nang makita itong paalis.Pagpasok nilang mag-asawa sa kanilang kwarto, nagtanong si Orlinda.“Angelo, may problema ba sa hotel?” Agad na natigilan si Angelo nang marinig ang sinabi ng misis. Umikot siya para harapin ito.“Bakit mo naitanong?” balik-tanong niya, nakakunot ang noo.“Na-curious lang kasi ako… Kaya natanong ko,” sagot niya. “Kanina kasi—sa sala—napansin kong nakatitig ka kay Ate Grace. Kaya napaisip ako na baka may problema sa hotel,’’ dagdag niya.Natahimik si Angelo. Mariin itong nakatitig sa mukha ng asawa, binabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Binabasa niya kung may alam na ba si Orlinda, o baka n

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 68

    Ibang-iba ang pamilya ni Grace sa pamilya Tan.Sa kabila ng modernong panahon kung saan ang makalumang kultura o kagawian ay unti-unti ng nawawala at nakakalimutan, ang pamilya Tan ay nananatiling ipinagpapatuloy ang mga tradisyon nito na nagsimula pa noong unang panahon. Sa kabila ng mabilis na pag-angat ng teknolohiya at makabagong paniniwala ng mga tao, hindi binitawan ng pamilya Tan ang tradisyon na nagsimula sa mga ninuno nito at patuloy na ipinapasa sa sunod na henerasyon. Noong ikinasal siya kay Manuel, inakala niya na kagaya lamang ng ordinaryong Chinese family—gaya ng kanya–ang pamilya ng asawa. Katagalan ay doon niya napagtanto ang pagkakaiba. Sa mga unang buwan niya sa pamilya Tan ay naninibago pa siya. Dahil na rin siguro sa pamumuhay na kinasanayan niya. Lalo pa’t malayo ito sa kinagawiang buhay niya noong nag-aaral siya sa ibang bansa. Ibang-iba ang mundong kinasanayan niya—Bar hopping, araw-araw na night parties, cocktail party, late-night drinking sessions at maram

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 67

    ‘’Hindi si Sir Angelo ang nagkarga sa ‘yo, kundi si Sir Christian.‘’ Muling nanlaki ang mata ni Orlinda sa sinabing ito ni Maria. ‘’Aling Maria, sigurado ka ba na si Kuya Chris ang nagdala sa ‘kin sa kwarto namin ni Angelo?’’ aniya, hindi pa rin makapaniwala. “Oo naman. Matanda lang ako pero malinaw pa naman po mata ko, Miss,” sagot ng matanda.Lumapit ng husto si Maria sa kanya at naging mahina ang boses nito ng sabihing, “kung alam mo lang, Miss Linda. Alalang-alala sa ‘yo ang lahat kanina. Lalong-lalo na si Sir Christian.”Nabigla si Orlinda sa nalaman. Nanatili siyang tahimik at nakikinig sa kwento ng matanda.Nagpatuloy si Maria. “Pagbagsak mo sa sahig, si Sir Christian ang unang lumapit sa ‘yo at tiningnan kung ano nangyari sa ‘yo. Dahil ‘di ka magising kahit ilang beses ka niyang tawagin, kinarga ka ni Sir—bridal style pa! Nako. Nagmadali talaga siya. Pati nga si Sir Manuel nagmamadali.”Matapos mapakinggan ang kwento, napatanong siya.“Talaga bang nag-alala sa ‘kin sila Kuy

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 66

    ‘’Noel”“Hmm?”“May gusto sana akong itanong sa ‘yo.”“Tungkol saan naman?”Nagdalawang-isip pa si Grace na huwag na lamang ituloy ang pagtatanong niya pero hindi talaga siya mapakali at gusto nang masagot ang kuryosidad na kanina pa umiikot sa utak niya.“Pagod lang ba talaga si Linda kaya siya hinimatay… O may iba pang dahilan?” tanong niya, kita sa mukha niya ang kuryosidad.At kita na ito agad ni Manuel. Nahulaan niya na kung anong ibig sabihin ng misis.“Kung iniisip mong buntis si Linda, hindi ko masasabi,” diretsong sagot nito. “Mababa ang BP niya. Posibleng dehydration, pagod, o kaya biglaang pagbaba ng BP niya. At kagaya ng sinabi ko kanina, nangingitim ang paligid ng mata ni Linda, so it’s very likely that she collapsed due to sleep deprivation,’’ he explained.Tumango-tango si Grace pero sa kabila nito ay hindi pa rin siya kumsinsido sa sinabi ng asawa.‘’But there’s a possibility that she’s pregnant because she said she felt nauseous and—’’"That doesn’t mean she’s automat

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 65

    Umikot ang mata ni Christian sa sandaling buksan ang pinto.Ang misis niyang si Sheila ay relax na nakahiga sa malambot at mahabang sofa, may hawak na cellphone at mukhang aliw na aliw.Nang isara ang pintuan, bumangon si Sheila at naupo. Binitawan nito ang hawak na cellphone, inilapag sa kahoy na coffee table bago umusog para bigyang espasyo ang asawang si Christian para makaupo.Lumapit si Christian.‘’Kamusta na si Linda? Nagkamalay na ba siya?’’ usisa ni Sheila.Hindi umupo si Christian. Bagkus, nanatili siyang nakatayo habang isa-isang tinatanggal ang suot na necktie, relo at cufflinks.‘’Hindi pa,’’ sagot nito.‘’Gan’on ba…’’ ani Sheila, kagat-kagat ang labi. Nagsalita muli. ‘’Christ… May gusto sana akong itanong.’’‘’At ano naman ‘yon?’’ tanong ni Christian, walang ekspresyon ang mukha.Tumikhim muna si Sheila bago nagsalita. ‘’Hindi ba’t parang OA ang naging reaksyon mo kanina?’’‘’Saang parte naman ako naging OA, Sheila?’’ balik-tanong ni Christian, wala pa rin ekspresyon ang

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 64

    Biglang naging mabigat at tensyonado ang hangin sa loob ng silid.Si Angelo ang unang nagsalita. ‘’Maaari ka ng umalis, Kuya. Ako na ang bahala kay Linda,’’ sabi nito, hindi nililingon ang kapatid.Hindi agad sumagot si Christian o ang umalis.Hindi niya kasi maalis ang mata sa namumutlang kumpleksyon ng mukha ni Orlinda.Ilang minuto ang lumipas nang magsalita na si Christian. ‘’Angelo, nǐ nándào jiù bùnéng zuò yígè hǎo zhàngfū ma?’’ [‘’Angelo, hindi mo ba kayang maging mabuting asawa?’’]Natigilan si Angelo sa sinabi ng nakatatandang kapatid. Agad siyang napalingon kay Christian. ‘’Nǐ shénme yìsi, gē?’’ aniya, may halong inis ang tono. [‘’Anong ibig mong sabihin, Kuya?’’]‘’Bingi ka ba o talagang hirap ‘yang utak mong intindihin ang sinabi ko?” puno ng sarkasmo ang tono ni Christian.Walang ngisi o ngiti sa labi niya. Walang ekspresyon ang kanyang mukhang habang mariin ang pagtitig sa bunsong kapatid.Inalis ni Angelo ang tingin sa kanyang Kuya, naiirita. Nag-iwas siya ng tingin. “C

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 4

    ‘’Angelo…’’ mahinang tawag ni Orlinda sa asawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinulot ang business card sa carpet, nanginginig ang mga kamay. ‘’Bakit ba pilit mong pinapagawa ‘to sa ‘kin? Ano bang ginawa kong kasalanan?’’‘’Bakit?’’ Tumalim ang mga mata ni Angelo. ‘’Ahh… Akala mo siguro nagb

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 3

    ‘’Hindi mo dapat basta-basta sinasabi ng iba. Matuto kang tumanggi.’’Nag-angat ng ulo si Orlinda. Sumalubong sa kanya ang matalim na pagtitig sa kanya ni Christian.Bahagya siyang nagtaka dahil ito ang unang beses na sabihan siya ng ganoon ng bayaw.Bago pa man siya makasagot sa sinabi ni Christia

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 2

    Matapos ang matinding tensyon kanina sa hapag-kainan, si Orlinda ang naglilinis ng mga pinagkainan pagkatapos.Kahit pa tapos na ang nakaka-pressure na eksena kanina ay ramdam pa din niya ang bigat ng mga pangyayari.Habang kinukuskos ang espongha na hawak ay may pagkakataon na ito’y nadidiinan niy

  • Sa Bisig Ng Aking Bayaw   Kabanata 1

    ‘’Humanap ka ng ibang lalaking bubuntis sa ‘yo, Linda.’’Ang mga salitang sinabi ng mister niya ay parang isang malaking maso na pumukpok ng malakas direkta sa puso ni Orlinda nang umaga na ‘yon.Si Orlinda, na isang hamak na virgin, ay nasaktan at nagtaka sa sinabi ng asawa.‘’Se-seryoso ka ba sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status