共有

187

作者: Allecorianna
last update 公開日: 2026-11-02 12:50:19

MIRABELLA

Kinabukasan, nagpasya akong lumabas ng bahay. Ayokong manatili roon buong araw habang paulit-ulit na iniisip ang tungkol kay Adam at kay Nike. Alam kong hindi ko dapat pigilan si Daddy na makasama ang anak niya, pero hindi ko rin maikakaila na nasasaktan ako. Kaya naisip kong magpunta sa isang café na malayo sa lugar namin. Gusto kong makapaglibang kahit ilang oras lang at kahit paano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ko.

Hindi ko naman talaga alam kung ano ang gagawin ko roon. G
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Sa Bisig ni Byenan   227

    ADAMGabi na ako nakauwi mula sa pag-iinspeksyon sa mga condominium na kasalukuyang ginagawa ng kompanya. Ilang oras din akong naglibot sa iba't ibang palapag para tingnan ang progreso ng proyekto at siguraduhing maayos ang bawat detalye bago ang susunod naming pagpupulong. May ilang bagay pa akong kailangang asikasuhin sa opisina, pero ipinagpaliban ko muna iyon dahil gusto ko nang makauwi at makapagpahinga.Pagkapasok ko sa bahay, napansin kong bukas pa ang ilaw sa sala. Akala ko ay may naiwan lamang na ilaw ang kasambahay, ngunit nang tuluyan akong makapasok ay nakita ko si George na nakaupo sa sofa. Nakasuot siya ng simpleng damit at nakasandal sa sandalan habang tila malalim ang iniisip. Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto, agad siyang napatingin sa akin at tumayo."George? Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa nagpapahinga sa kuwarto mo?” tanong ko habang inilalapag ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng mesa."Adam, hinihintay kita."Napakunot ang noo ko. "May kailangan ka

  • Sa Bisig ni Byenan   226

    GEORGEHindi ko maiwasang maalala ang sinabi ni Tita Marla habang pauwi ako mula sa karinderya. Hindi ko inaasahang pupuntahan niya ako para ialok ang limang milyong piso kapalit ng paglayo ko kina Karen at Nike. Mas lalo akong nainis nang sabihin niyang wala akong kwenta at mananatili akong isang adik.Alam kong marami akong pagkakamali sa buhay. Hindi ko itinatanggi na ako mismo ang sumira sa magandang kinabukasan na mayroon ako noon. Pero hindi ibig sabihin na habamvuhay na akong mananatili sa ganoong sitwasyon. Gusto kong magbago at gusto kong patunayan na kaya ko pang maging mabuting tao.Higit sa lahat, gusto kong bumawi sa anak kong si Nike.Kaya matapos kong asikasuhin ang ilang bagay sa karinderya, nagpasya akong puntahan si Karen. Hindi ko na kayang maghintay pa. Alam kong magagalit siya kapag nakita niya ako, pero kailangan naming mag-usap. Hindi ko hahayaang habambuhay niyang ilayo sa akin ang sarili kong anak.PAGDATING ko sa bahay niya, agad akong kumatok. Ilang sandali

  • Sa Bisig ni Byenan   225

    GEORGE Masaya akong nag-aasikaso sa mga customer habang abala naman si Calix sa pagkuha ng mga order at paghahanda ng mga kailangan sa bawat mesa. Dalawampung taong gulang siya at anak ng isa sa mga kaibigan ko. Nang malaman ng ama niya na magbubukas ako ng karinderya, inirekomenda niya si Calix para tulungan ako. Mabait ang bata at masipag, kaya hindi ako nahirapang makasundo siya. Hindi ko inaasahang magiging ganito karami agad ang aming customer. Simula nang magbukas kami, halos hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong maupo nang matagal. Maraming estudyante mula sa kalapit na paaralan ang kumakain dito, pati na rin ang mga empleyado ng pabrikang ilang minuto lamang ang layo sa aming puwesto. “Kuya George, dalawang order po ng adobo at isang pritong isda sa mesa roon!” tawag ni Calix. “Sige, ihanda mo na. May kanin pa ba tayo?” “Meron pa po. Magluluto na rin ako ng panibago.” “Salamat. Pakitingnan na rin kung kailangan na nating magdagdag ng tubig sa mga baso ng customer.” Tum

  • Sa Bisig ni Byenan   224

    ADAM Abala kami ni George sa pag-aayos ng napili naming puwesto para sa bago niyang negosyo. Matapos naming tingnan ang ilang lugar, ito ang napili ko dahil maganda ang lokasyon. Malapit ito sa isang paaralan kaya maraming estudyanteng dumadaan. At hindi rin kalayuan ang ilang pabrika na may mga empleyadong maaaring maging suki niya. Hindi naman ganoon kalaki ang puwesto, pero sapat na iyon para sa isang maliit na karinderya. May espasyo para sa ilang mesa at upuan, may bahagi para sa pagluluto , may maliit na lugar din para sa mga gamit at paninda. Kailangan na lang naming ayusin ang ilang bahagi nito bago siya tuluyang makapagsimula. “Tingin mo, Adam, magiging maganda kaya ang takbo ng negosyo ko rito?” tanong ni George habang inaayos ang ilang gamit na ipinadala namin. “Maganda ang lokasyon. Maraming posibleng customer, lalo na kapag tanghalian. Pero nasa iyo pa rin kung paano mo patatakbuhin ang negosyo. Kailangan masarap at malinis ang pagkain mo, at dapat maayos ang pakikitun

  • Sa Bisig ni Byenan   223

    KARENHindi ko mapigilang mainis habang iniisip ang nangyari kagabi. Hindi ko inakalang magkikita sina Adam at George, at mas lalong hindi ko inakalang papayagan pa ni Adam na manatili sa bahay niya ang pinsan nito. Ang masama pa, hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nilang dalawa habang magkasama sila.Paano kung nabanggit ni George ang tungkol kay Nike? Paano kung sinabi nitong siya ang tunay na ama ng bata? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nalaman na ni Adam ang katotohanan.Hindi puwedeng mangyari iyon.“Putangina mo talaga, George! Salot ka talaga kahit kailan!”Hindi ko kayang mawala sa amin ni Nike ang buhay na mayroon kami ngayon. Sa loob ng mahabang panahon, sinikap kong makuha ang tiwala at pagmamahal ni Adam. Ngayong maayos na ang lahat at tinatanggap na niya si Nike bilang sarili niyang anak, hindi ko hahayaang sirain iyon ni George.Kaya naman naisip kong puntahan si Marla. Siya ang nagpasimula ng lahat ng ito. At siya rin ang taong maaaring makatulong sa ak

  • Sa Bisig ni Byenan   222

    MIRABELLA“Akala ko ba makikipagkita ka na kay Adam?”Napatingin ako kay Renzo na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang may binabasang ilang dokumento. Nasa sala kami noon at katatapos ko lang uminom ng tubig. Ilang araw na rin ang lumipas mula nang sabihin kong kailangan kong makipag-usap kay Adam, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawang ituloy iyon.“Hindi pa ako ready,” sagot ko.Ibinaba niya ang hawak na papel at tumingin sa akin. “May sinabi ba siya sa iyo? Nagbago ba ang isip mo?”Umiling ako. “Wala naman. Ako lang talaga ang nag-aalinlangang makipagkita sa kanya.”“Bakit? Akala ko ba gusto mo na ring ayusin ang lahat sa inyong dalawa?”“Gusto ko naman. Kailangan ko lang sigurong ihanda ang sarili ko. Hindi ganoon kadaling humarap sa kanya pagkatapos ng lahat ng nangyari.”Tumango si Renzo at hindi na agad nagsalita. Alam kong naiintindihan niya ang nararamdaman ko. Siya mismo ang nagsabi sa akin noon na bigyan ko pa ng pagkakataon si Adam dahil alam niyang mahal ko pa

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status