LOGINHindi nakaimik si Seraphina sa sinabi ni Ymilio. Mas bumibigat ang pakiramdam niya. Anumang oras ay tila bubuhos na ang kaniyang mga luha.
"If Roman's still alive, hinding hindi niya magugustuhan ang nangyayaring 'to."
Matapos nito ay iniwan ni Ymilio si Seraphina na mag-isa. Doon lamang bumuhos ang luha ni Seraphina at napakapit sa upuan. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang lahat.
***HINATID pauwi si Celeste n
Dahan-dahang tumayo si Celeste. Napansin niya na ang galaw ni Alejandro ay mabilis at malakas. Kaya't para sa kaniya ay kailangan niyang maging maliksi."May pagkakataon ka pa para bumawi," sabi ni Ravia sa kaniyang kaibigan.Seryoso ang mukha ni Celeste nang muli niyang hinanda ang sarili para sa laban. Samantala, napangiti naman nang nakakaloko si Alejandro dahil sa dedikasyon ng dalaga na matalo siya.Sumugod si Celeste at nagpaulan ng magkabilang suntok at sipa ngunit mabilis itong iniilagan ni Alejandro. Nang mapansin ni Celeste ang papasalubong nitong suntok ay muli siyang umiwas pailalim at umikot, habang nakalatag ang kaniyang isang paa. Dito ay napahiga sa sahig si Alejandro, ngunit agad din niyang inangat ang sarili gamit ang pwersa ng mga kamay niya sa sahig at ang pagtalon ng kaniyang mga paa."Nice try," saad ni Alejandro.Hindi pa tapos si Celeste, sa halip ay sinalubong niya ito ng sipa mula sa gilid, diretso sa sikmura nito. Sa lakas ay napada*ing si Alejandro at marah
Pumwesto sina Celeste, Ravia at Mavria sa dining table nang dumating na si Alejandro."Dad," sambit ni Ravia. Dahil dito ay napatingin si Celeste.Nakita nito ay ang matipunong lalaki na suot ay dark suit, may eyeglasses, at maayos na nakatali ang mahaba nitong buhok. May puti na rin ang buhok nito, maging ang trimmed nitong beard.At ang mas napansin ni Celeste ay ang asul nitong mga mata... gaya niya.Habang nakatitig dito si Celeste ay may kung ano'ng kakaiba siyang naramdaman. May lungkot, tuwa, pighati, at kung ano-ano pa.Nagtataka siya kung bakit ganito ang nararamdaman niya, ngunit iniisip niya rin na siguro ay sabik lamang siyang magkaroon ng ama."Dad, she's—""Celeste Montez," banggit ni Alejandro sa pangalan ni Celeste. Bagaman nagtaka kung paano nito nalaman ay tumayo siya, marahang nag-bow at kinamayan ito. "It's nice to meet you.""It's nice to meet you rin po, sir Laviente.""Let us all sit," awtoridad nitong sabi kaya't naupo silang lahat. Habang hinahainan sila ng mg
Nang sumapit ang gabi, kinakabahan na tinungo ni Celeste ang mansion ng mga Laviente. Nang makababa siya ng sasakyan ay muli niyang nasilayan ang ganda ng mala-palasyong mansion ng mga ito, ngunit hindi niya inaasahan na ang isa sa mga taong nakatira dito ay ang kumitil sa buhay ng kaniyang ama."Celeste," tawag ni Ravia at agad na lumapit dito. "Thankfully, nakarating ka na! Nasa loob sina Mommy and Daddy. Halika."Ngumiti lamang si Celeste at sinundan ang kaniyang kaibigan, papasok sa loob ng mansion.Bumungad sa kaniya ang magara at malaking chandelier. Hindi rin niya maiwasang tignan ang buong paligid dahil sa ganda at lawak nito.Nagtungo silang dalawa sa living area kung saan ay naghihintay ang ina ni Ravia.Nang makita ito ni Celeste ay dahan-dahan siyang napahinto upang titigan ang mukha at buong katawan ng taong kumitil sa buhay ng kaniyang ama.Ang taong nagsimula ng lahat ng gulo na ito."Mom, I would like you to meet my friend, Lesty," pakilala ni Ravia kay Celeste sa kani
THREE DAYS AFTER...Nasa pintuan si Ravia habang excited na makita ang pagdating ng kaniyang mga magulang. Sa kaniyang matagal na paghihintay ay dumating ang isang kulay puting Toyota Hiace at ang tatlong itim na ford raptor na kasunod nito.Sa pagbukas ng pinto ng sasakyan, bumaba sina Mavria at Alejandro."Mommy! Daddy!"Patakbong lumapit si Ravia sa kaniyang ina na parang bata na sabik na sabik silang makita."My little Mavria. I missed you so much!" sambit ni Mavria at hinalik-halikan ito sa pisngi."D-Dad..." sambit ni Ravia sa kaniyang ama na walang ginawa kundi ang tignan lamang siya. Gusto niya itong hawakan at yakapin, ngunit hindi niya magawa dahil sa takot dito."Love, your daughter wants a hug," sabi ni Mavria kay Alejandro, ngunit wala itong naging reaction."I'm tired. Let's go."Lumamya ang mukha ni Ravia sa cold expression ng kaniyang ama."Come on, sweety. Marami akong pasalubong para sa' yo," sabi na lamang ni Mavria upang pakalmahin ang loob ng kaniyang anak.Nagtun
Gustong umiyak ni Celeste ngunit pinipigilan niyang tumaas ang kaniyang emosyon."We'll continue our discussion later. You may all leave," utos ni Seraphina nang mapansin ang malamyang mukha ng kaniyang anak. "Now, care to explain?"Dito ay kusang lumuha si Celeste. Dama niya ang lungkot at lumbay na dala niya ng halos dalawang dekada."D-Dahil nalaman ko na siya ang pumatay sa Daddy ko," nauutal niyang sagot. "B-Buong buhay ko, punong puno ng kuryosidad ang isipan ko. Kung bakit hindi ko nakita nang personal ang Daddy, kung kasalanan ko po ba na nawala si Daddy kaya gan'yan ang pakikitungo ninyo sa 'kin, at kung bakit siya pinatay?"Hindi nakapagsalita si Seraphina, sa halip ay bigla niyang niyakap ang kaniyang anak. Hindi makapaniwala si Celeste sa naramdaman mula sa kaniyang ina."Alam kong nasaktan kita, anak, pero para din sa ikabubuti mo 'to..." sambit ni Seraphina. "Balang araw, maiiwan ka namin ng Daddy mo. Gusto kong maging independent ka, maging malakas... matapang."Humiwal
Hindi pa man tapos ang pagkain ng dalawa ay lihim ng niyaya ni Celeste si Ravia na umalis. Kahit na nagtataka ay sumunod na lamang si Ravia. Dama niya ang kaba dahil sa expression ng kaniyang kaibigan."Celeste, saan tayo pupunta? Bakit tayo umalis kaagad?" tanong ni Ravia. Mabilis nilang tinatahak ang daan habang hawak-hawak siya ni Celeste sa kamay."May sumusunod sa 'tin. Kailangan na kitang mauwi," sabi lamang ni Celeste. Dito ay mas nangibabaw na ang takot ni Ravia."H-Ha? Paano kung—""Hindi tayo mapapahamak. Sisiguraduhin ko 'yan sa 'yo," putol ni Celeste sa nag-uumapaw na takot ni Ravia.Tinungo nila ang parking area upang magpunta sa kotse ni Ravia. Ngunit habang abala nila itong tinatahak ay biglang lumitaw sa kanilang harapan ang lalaki... may dala na itong patal*m."At saan kayo pupunta?""C-Celeste..." natatakot na sambit ni Ravia habang nakakapit sa damit nito. Samantala, marahang tinulak ni Celeste ang kaibigan upang hindi ito matamaan."D'yan ka lang, Ravia."Hinarap n
Sinigurado kong hindi ako mag-aaksaya pa ng bala sa bawat makakatagpo kong kalaban. Hindi ko inaasahan na sa paglabas ng isang lalaking armado ay magsisimula na ang madugong labanan.Naka-focus ako sa bawat taong gusto akong salubungin. Hindi ako pwedeng mamatay dahil hinihintay ako ng dal
THIRD PERSON'S POINT OF VIEWSa patuloy na paghahanap ni Roman kay Mavria ay patuloy rin ang kaniyang pakikipagsagupaan sa mga tauhan nitong nais siyang kitilan ng buhay."Mavria!" sigaw ni Roman sa labis na galit. "Face me, you b*tch!""Oh... You're so sweet, Roman... malapi
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW"Then come to me, Roman Valezarte. Kill me."Dahil sa paghahamon ni Mavria ay agad namang kumilos si Roman upang mahanap ito. Sa kaniyang akmang pagliko ay sinalubong siya ng mga tauhan ni Mavria na nakakalat na sa buong building.Walang awa niya
"What happened?" tanong ni Roman nang maupo ako sa tapat niya. Seryoso siyang inaayos ang mahabang baril na hawak niya."In-explain ko na sa kaniya ang lahat. In-explain niya rin sa 'kin ang lahat, pero masyado na siyang nahibang kay Jasper," paliwanag ko habang nakatingin sa isang direksyon."But







