로그인Aria's point of view
Nanatili akong nakaupo, nakatitig lang sa sahig habang hinihintay siyang bumalik. Nag-iisip ako okay? If may isip pa ba ako. Ano bang pumasok sa utak mo, Aria? sitas ko sa sarili ko. Twelve million? Pwede ka namang mag-beg kay Tita Victoria, eh. At least doon, pamilyar na 'yung sakit. Pero dito? Kay Roigie? Feeling ko pati kaluluwa ko, naisangla ko na sa isang taong hindi ko naman talaga kilala. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang mabibigat niyang hakbang, yung bawat tunog ng sapatos niya sa sahig, parang kabog sa dibdib ko. Bumalik siya bitbit ang isang maliit na first aid kit. Umupo siya sa tapat ko, yung sobrang lapit na halos magkadikit na ang mga tuhod namin. Haiisst, kailangan ba talagang ganito kalapit? Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa bango niya. "Tingin sa akin," utos niya. "Kaya ko na 'to," sagot ko, pero bago ko pa maagaw ang hawak niyang cotton ball na may antiseptic, hinuli na niya ang panga ko. Ang higpit ng hawak niya pero hindi masakit, yung tipong wala kang choice kundi sumunod. "Stay still, Aria." Ang lamig ng kamay niya, pero 'yung titig niya? Eme, nakakapaso! Parang may kung anong kuryenteng dumadaloy mula sa mga daliri niya papunta sa mukha ko. Habang dahan-dahan niyang dinadampi 'yung bulak sa kalmot malapit sa panga ko, napapikit ako sa hapdi. "Ssshh... dahan-dahan naman!" reklamo ko, halos maiyak na sa halo-halong emosyon. "I'm being careful," mahinahon niyang sagot. Akala ko ba playboy 'to? Bakit parang ang tila'y ng mga haplos niya ngayon? Huwag kang marupok, Aria. Trabaho lang 'to. Bayad-utang 'to. Don't let those dark eyes fool you. Pero teh, mahirap! Ang hirap hindi tumitig sa mahaba niyang pilik-mata. Nang matapos siya sa mukha ko, lumipat ang tingin niya sa braso ko. "Give me your arm." Inabot ko ang braso ko sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya habang seryoso niyang nililinis 'yung mga sugat na gawa ni Gracia. In fairness naman sa lalaking 'to, ang bango pa rin niya kahit nanggaling kami sa wrestling match. "Bakit hindi ka lumaban?" bigla niyang tanong habang naglalagay ng ointment. "Excuse me? Sinubukan ko, 'no! Pero paano ako lalaban, eh halos idagan mo na ang buong bigat mo sa akin kanina? I was trapped!" asik ko sa kanya. Ibinabalik ko na lang ang pagtataray ko para lang itago yung panginginig ng boses ko. "At saka, hello? Part 'to ng deal, 'di ba? The more realistic, the better." Huminto siya sa pagpahid at tumingin nang diretso sa mga mata ko. Bigla siyang lumapit, as in lapit talaga, dahilan para mapaatras ako nang kaunti at sumandig na sa headboard. "Realistic? Did it feel realistic for you?" Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang pisngi ko. Is he serious? 'Yung halikan namin kanina na akala mo wala nang bukas? Holycow, Aria. Huwag kang mamumula! Pigilan mo 'yan! "It was... acting. High-quality acting," pagtataray ko sabay marahas na bawi ng braso ko sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko dahil pakiramdam ko ay mababasa niya ang iniisip ko kung mananatili akong nakatitig sa kanya. "Tapos na, 'di ba? Let's go. I want to go home. Gusto ko nang maligo ng alcohol para mawala ang germs ng fiancé mo sa balat ko." Isang tipid na ngisi ang lumabas sa labi niya, yung ngising nagsasabing alam niyang apektado ako, yung ngising nakaka-asar pero nakaka-guwapo lalo. Tumayo siya nang dahan-dahan, ang tangkad niya talaga, meh! Para akong maliit na bata sa harap niya. Kinuha niya ang susi ng kotse niya sa ibabaw ng mesa. "Hahatid na kita." "I have my own car—" "Nakalimutan mo na bang binangga mo 'yon? It's being towed. Halika na." Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko, parang iniimbitahan ako sa isang bagay na alam kong pagsisisihan ko pero hindi ko matatanggihan. Wala akong nagawa kundi sumunod, parang asong napaamo ng isang boses lang. Paglabas namin ng room, ramdam ko ang malagkit na tingin ng mga tao. Siguro iniisip nila kung bakit ang gulo-gulo ng itsura ko habang kasama ang isang Roigie. Pogi, e. Well, let them talk. Sanay na ako sa chismis, pero iba ’tong ngayon, parang pati ako, nangingisda ng sagot kung bakit ako nakabuntot sa lalaking ’to. Sumakay kami sa bago niyang sasakyan, dahil nga wasak na ’yung isa sa galing ko mag-drive. Tahimik lang kami sa loob. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang tugtog sa radyo at ang ulan na tumitila na, sumasabay sa paghupa ng adrenaline ko. Pasimple akong tumingin sa kanya habang nagda-drive siya. Meh, pati ba naman side profile niya, pang-magazine? Sino ka ba talaga, Roigie Kade? Bakit parang pamilyar ’yung paraan ng paghawak niya sa manibela? Bakit parang may kung anong kurot sa puso ko tuwing tinitingnan ko siya, isang pamilyar na hapdi na hindi ko maipaliwanag? "Stop staring, Zaldivar. Baka lalo kang ma-in love," sabi niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. Ang yabang! Pero bakit ang sexy pakinggan? "Kapal! I'm just checking kung may dumi ka sa mukha!" bawi ko agad habang mabilis na humarap sa bintana. Urgh! Ang daldal mo kasi, Aria! Self-control naman, please! Sa isip lang madaldal, e. Nang makarating kami sa tapat ng mansyon namin, huminto ang kotse. Napatingin ako sa gate na parang bilangguan para sa akin. Biglang bumalik ’yung bigat sa dibdib ko, ’yung paalala na babalik na naman ako sa impiyernong sinusubukan kong tinatakasan. "We're here," sabi niya, ang boses niya ay parang humahaplos sa katahimikan ng gabi ko. "Thanks. For the first aid... and for clearing the debt," sabi ko habang nagmamadaling buksan ang pinto. Gusto ko nang lumayo bago pa ako tuluyang lamunin ng presensya niya. "Aria." Napatigil ako at lumingon sa kanya. "This isn't the last time we'll see each other," seryoso niyang sabi. Wala manlang halong biro? Hindi ko alam kung pananakot ba ’yon o pangako. Pero bago pa ako tuluyang mawalan ng bait, lumabas na ako ng kotse at mabilis na naglakad papasok sa gate. Hindi ko na siya nilingon, pero ramdam na ramdam ko ang titig niya sa likuran ko, parang sinusunog ang balat ko sa tindi, hanggang sa makapasok ako sa loob. "Mali ’to," bulong ko sa sarili ko habang nakasandal sa likod ng pinto ng kwarto ko, habol na ang hininga. Maling-mali na nakilala kita, Roigie Kade. Pero bakit sa kabila ng hapdi ng mga sugat ko, ’yung labi niya pa rin ang huling naaalala ko? Damn it. I'm in big trouble.Aria's point of view Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, agad na humawak si Luigi sa bewang ko, yung hawak na akala mo ay pagmamay-ari na niya ako. Jusme lang ha! Ramdam ko yung dumi ng palad niya kahit may tela pa ang damit ko. Gusto ko siyang sikuhin sa sikmura para mamilipit siya, pero kailangan kong maging mautak. Hindi pwedeng puro galit, Aria. Gamitin mo ang ganda mo. I scanned the entrance. At doon, hindi kalayuan... nakita ko na siya. Roigie Kade the great. Mahilig talaga siya sa ganitong mga party. Playboy nga talaga ang lolo mo. Kita mo kahit sa paganito o sa kalye nakikita ko talaga siya. He was leaning against the wall, lighting a cigarette. Ang cool-cool niya tignan, na parang sa kanya umiikot ang mundo. Kahit madilim at neon lights lang ang tumatama sa mukha niya, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga matang 'yon. Ang mga matang nagpabayad sa akin ng twelve millio
Aria's point of view "Aria Szarie! My God, look at yourself! You look like you just crawled out of a gutter! Kasama mo na naman ang asal-kalye mong mga kaibigan?" Huminga ako nang malalim at hindi pinansin ang matinis na boses ni Tita Victoria. Oops, no... my guardian. Kahit kailan talaga, ang aga-aga, ang sakit na sa tenga ng boses niya. Parang sirang plaka na paulit-ulit. I adjusted my leather jacket and wiped the smudge of eyeliner under my eye. I just got back, again from a wild night with Khara, Rheinn, and Ihmsol. My three biatches. Yung tatlong ‘yun? Asal-kalye kung asal-kalye, but they were the only ones who made me feel alive in this suffocating mansion. Sila lang ang totoo sa mundong puno ng plastik. "Office. Now. Your Tito is waiting," she hissed, her eyes scanning my ripped jeans with pure disgust. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang kanina pa ako tustado sa kinatatayuan ko. I rolled my eyes, my boots thudding against the expensive marble floor. Errr. Madum
Aria's point of view Nanatili akong nakaupo, nakatitig lang sa sahig habang hinihintay siyang bumalik. Nag-iisip ako okay? If may isip pa ba ako. Ano bang pumasok sa utak mo, Aria? sitas ko sa sarili ko. Twelve million? Pwede ka namang mag-beg kay Tita Victoria, eh. At least doon, pamilyar na 'yung sakit. Pero dito? Kay Roigie? Feeling ko pati kaluluwa ko, naisangla ko na sa isang taong hindi ko naman talaga kilala. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang mabibigat niyang hakbang, yung bawat tunog ng sapatos niya sa sahig, parang kabog sa dibdib ko. Bumalik siya bitbit ang isang maliit na first aid kit. Umupo siya sa tapat ko, yung sobrang lapit na halos magkadikit na ang mga tuhod namin. Haiisst, kailangan ba talagang ganito kalapit? Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa bango niya. "Tingin sa akin," utos niya. "Kaya ko na 'to," sagot ko, pero bago ko pa maagaw ang hawak niyang cotton ball na may antiseptic, hinuli na niya ang panga ko. Ang higpit ng hawak niya pero hindi masa
Aria's point of view Malakas ang ulan. I was driving like a maniac, trying to outrun the suffocating feeling of being a Zaldivar. "Damn it!" I hissed, mas hinigpitan ko ang hawak sa steering wheel. Kasama ko lang sina Khara, Ihmsol, at Rheinn kanina, drinking our hearts out at a dive bar. Pero ang kulit ni Tita Victoria, hindi tumitigil ang pagtawag niya, reminding me of the important meeting tomorrow. Another business deal kung saan ako na naman ang gagawing main course. As I took a sharp turn, my tires screeched against the wet asphalt. Biglang may lumabas na obsidian-black sports car mula sa kanto. My eyes widened. I slammed the brakes as hard as I could, pero huli na ang lahat. The sound of metal crunching against metal echoed sa tahimik na kalsada. My head hit the steering wheel, and for a second, everything went dark. Naririnig ko pa yung ugong sa tenga ko habang pilit kong iminumulat ang mga mata ko. Great, Aria. Just great. Another car for the graveyard. I groaned
Aria's point of view Sa gitna ng mahinang tugtog mula sa labas ng room, ang tanging maririnig ko na lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang naghahabulang hininga namin ng stranger na kasama ko. Isang langhap ko pa lang sa pabango ng stranger na 'to na may halong amoy ng alak, alam kong delikado na ako. Parang gayumang dahan-dahang sumisipsip sa katinuan ko.His hands were everywhere, sa bewang ko, sa batok ko, halos hindi na nga kami mapagitan sa sobrang lapit-dikit niya sa akin na para bang huling gabi na namin ito sa mundo. Ang bawat halik niya ay parang sa isang hayop na gutom na gutom. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'tong init na nararamdaman ko sa kanya, pero bawat dampi ng labi niya ay parang kuryenteng gumagapang sa balat ko.I arched my back as he groaned against my lips, his grip on my waist tightening until it almost hurt. Pero wala akong paki. Sumasabay lang ako sa bawat galaw niya. We were like two dying stars colliding.Pero sa gitna ng init na ‘yon, bigl







