LOGINAria's point of view
"Aria Szarie! My God, look at yourself! You look like you just crawled out of a gutter! Kasama mo na naman ang asal-kalye mong mga kaibigan?" Huminga ako nang malalim at hindi pinansin ang matinis na boses ni Tita Victoria. Oops, no... my guardian. Kahit kailan talaga, ang aga-aga, ang sakit na sa tenga ng boses niya. Parang sirang plaka na paulit-ulit. I adjusted my leather jacket and wiped the smudge of eyeliner under my eye. I just got back, again from a wild night with Khara, Rheinn, and Ihmsol. My three biatches. Yung tatlong ‘yun? Asal-kalye kung asal-kalye, but they were the only ones who made me feel alive in this suffocating mansion. Sila lang ang totoo sa mundong puno ng plastik. "Office. Now. Your Tito is waiting," she hissed, her eyes scanning my ripped jeans with pure disgust. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang kanina pa ako tustado sa kinatatayuan ko. I rolled my eyes, my boots thudding against the expensive marble floor. Errr. Madumihan nga 'to mamaya. Masyadong nakakasilaw, nakakasuka. "Ano na naman ba ‘to? If it’s about the car I crashed last week, it was the brakes' fault, not mine." "It’s not just the car, Aria! It’s your attitude! Nakakahiya ka na, kailan ka ba titino? Huwag mong idamay ang pangalan namin sa dumi ng mga kaibigan mo!" Victoria’s voice rose, vibrating through the hallway. Grabe, ha! Kulang na lang ay lumabas yung ugat niya sa leeg sa sobrang galit. Huminto ako at hinarap siya. I stepped closer, forcing her to look up at me. My presence was casting a shadow over her, and for a second, I saw her flinch. "Don't you dare call them that," I hissed. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamao ko sa sobrang pikon. "Sina Khara, Rheinn, at Ihmsol? Sila lang ang totoo sa buhay ko. At least sila, hindi kasing peke ng mga alahas mo at ng ngiti mo tuwing may charity gala tayo. They have more class in their pinky fingers than you have in your entire body, Victoria." "How dare you—" "No, how dare you judge them when you’re the one selling me off like cattle?" I cut her off at sinamaan ko siya ng tingin, yung tingin na nagsasabing hindi ako magpapatalo sa kanya. "Kahit asal-kalye sila, they know how to be human. Unlike the monsters living in this house. Now, let’s go to the office. I want to see how much Tito thinks I’m worth today." Matapang na ang boses ko, pero sa loob-loob ko, parang may kung anong kumukurot sa dibdib ko. Guilty much. Wala akong choice, e. The moment I stepped into the mahogany-scented office, bigla akong kinilabutan sa lamig ng aircon na sumalubong sa mukha ko. Para akong pumasok sa loob ng isang freezer, o baka sa kabaong. My Tito was sitting behind the desk, looking like a judge ready to pass a death sentence. And sitting across from him was a man in a sharp, grey suit. Luigi. Tsk. Doon na ako nandidiri. He looked at me like I was a prize he just won at a crooked casino, yung tingin na parang hinuhubaran na ako sa isip niya. Feeling ko, dinadapuan ako ng libu-libong ipis sa balat sa dumi ng titig niya. It made my skin crawl. "Aria, sit down," Tito commanded. Ang boses niya, wala manlang kabuhay-buhay, parang hindi niya ako kadugo, ah. Baka sampid lang talaga ako sa pamilyang 'to. "We’ve finalized the merger. The Monteclaro and Zaldivar alliance starts with you. Your engagement to Luigi is official." Parang binuhusan ako ng kumukulong tubig. Namutla ako sandali bago uminit nang husto ang mukha ko dahil sa tindi ng galit. "Engagement? Are you out of your minds? Hindi ako piraso ng lupa na pwede niyo lang i-trade para lumaki ang business niyo!" "Aria, watch your tone!" sigaw ni Tita, habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Psshh. Kung nakakamatay lang ang boses niya, kanina pa ako tumalsik sa kabilang kwarto. "No, kayo ang tumingin sa inaasta niyo!" I slammed my hands on the desk, dahilan para yumanig ang mga mamahaling gamit sa ibabaw nito. "I won't do it. Hindi niyo ako pwedeng pilitin sa lalakeng 'to!" At itinuro ko si Luigi na mukhang sigbin. Kahit anong pilit ko, hindi ko talaga siya kayang puriin, naiinis ako sa pagmumukha niya, period. Luigi chuckled, leaning back in his chair as he scanned me from head to toe. "She has spirit, Victoria. I like that. Mas masarap lagpakan ang mga matitigas ang ulo." Napangiwi akong tumingin sa kanya, matching side-eye pa. Kadiri! Feeling niya naman ay papatulan ko siya. Over my dead body! "You are a Zaldivar! Act like it!" asik ni Tito, sabay hilot sa sentido at pikit-matang pagbuga ng hangin. ’Yung acting niya, ha, parang siya pa ’yung victim dito! "I’d rather be a nobody than be part of this sick transaction!" I screamed back, my voice cracking from the raw anger. Parang may nakabara na sa lalamunan ko sa sobrang galit. Napansin ko ang panginginig ng kamay ni Victoria, at ang panlalamig ng kanyang tingin na parang handa na akong lamunin nang buo. "You’re nothing but a burden we’ve carried since your parents died! Pinatira ka namin, pinakain, at binihisan... and this is how you repay us? Wala kang utang na loob!" "Utang na loob?" Tumawa ako, isang mapait na tawa na parang galing pa sa ilalim ng lupa. Nararamdaman ko na ’yung pait sa dila ko. "Para saan? For treating me like a stray dog you occasionally remember to feed? Fúck your merger and fúck this family!" Sa tindi ng galit ko, parang may biglang naputol sa loob ko. Gusto kong pagbabasagin ang lahat sa kwartong ito, pagtatanggalin ang mga mamahaling painting sa dingding at durugin ang bawat plorerang kristal na makita ko. But before I could move, naramdaman ko na ang marahas na pagbaon ng mga kuko ni Victoria sa braso ko. Imbes na bitawan ako matapos ang sigawan, she yanked me toward Luigi. I stumbled, my boots scuffing the floor as she literally threw me at him. Para akong basahan na ibinato sa harap ng isang hayop. "She’s yours for the night, Luigi," Victoria hissed, her voice trembling with suppressed rage. Jusme! Ramdam ko yung panlalamig ng sikmura ko sa narinig ko. Ibinigay niya ako nang gano'n-gano'n na lang? "Isama mo na siya. Sabi mo may party kayong pupuntahan? Take her. Please her, tame her, I don’t care. Just make sure she knows her place." "Victoria, wait—" Tito started to protest, pero isang matalim na tingin lang ang ipinukol ni Victoria at napatigil na siya. Sige, Tito, magpaka-tuta ka lang sa asawa mo habang ang pamangkin mo ay ipinamimigay na parang basura. "Hindi na natin siya kaya, Dante. She’s a headache. If Luigi wants to start the merger now, then he can start by taking his fiancée off our hands tonight." Luigi stood up slowly, a predatory glint in his eyes. Yung titig niya, parang gutom na hayop na nakakita na naman ng biktima. He grabbed my other arm, his grip just as tight, halos bumaon na yung mga daliri niya sa balat ko. "With pleasure. My friends are already waiting at the club. This outfit..." he scanned my leather jacket and ripped jeans, a smirk playing on his lips, "it’s a bit rough, but it fits the vibe of where we’re going. It makes you look... reachable." "Bitawan mo ako, sabi!" I thrashed, trying to pull away, gamit ang lahat ng lakas na meron ako, pero parang pader ang lalakeng 'to. He leaned in close, his breath smelling like expensive cigars and arrogance. Nakasusuka. Gusto ko siyang duraan sa mukha. "Be a good girl, Aria. Your mother—oops, your Tita just gave me permission. Huwag mo nang ipahiya ang sarili mo rito." Victoria looked at me one last time, no hint of regret in her eyes. Wala na. Literal na bato na 'yung puso niya. "Go. Don't come back until you've learned how to say yes to your future husband." Luigi didn't wait for my response. He practically dragged me out of the office and through the grand hallway. Ang sakit na ng braso ko, ha! ’Yung mga helper, umiiwas lang ng tingin na parang wala silang nakikita habang kinaladkad ako palabas patungo sa naghihintay na black SUV sa labas. "You think you won?" I spat at him as he shoved me into the backseat. Bago pa ako makahawak sa handle, narinig ko na ’yung nakakangilong tunog ng child-safety locks. Gagó ’to, ah! "I’ll make your life a living hell, Luigi." "I’m a gambler, sweetheart," he whispered, sliding in next to me at sumenyas sa driver na umabante na. Nararamdaman ko ’yung init ng katawan niya sa tabi ko at gusto ko ulit masuka ng paulit-ulit. "I love a high-stakes challenge. And tonight? I’m going to enjoy breaking you in front of everyone." Habang dahan-dahang lumalayo ang mansyon, parang tambol ang puso ko sa tindi ng kaba at survival instinct. My friends were out there somewhere, pero sa ngayon, mag-isa lang ako kasama ang halimaw na ’to. I needed a way out. I needed a distraction. Kahit ano, iligtas niyo lang ako rito! And as we pulled up to the neon-drenched entrance of the most exclusive club in the city, parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. I saw a familiar fleet of luxury cars. My eyes locked onto a sleek, obsidian-black sports car parked right at the VIP entrance. ’Yung kotseng wasak a week ago pero heto at mukhang bago na naman, o baka marami lang talaga siyang pambili. May isa pa akong nakita. The plate number was enough to make my breath hitch. Villarreal. Saint King was here too. And if I was going to burn my life down tonight, I might as well choose the man who would hold the match. Bahala na kung may demonyo rito. Mas pipiliin ko na ang apoy kaysa sa nakakadiring hawak ng lalakeng kasama ko ngayon.Aria's point of view Bumukas ang pinto ng storage room nang marahas, dahilan para mapatili kaming dalawa ni Ingrid habang hawak pa rin niya ’yung bote ng wine na parang handang makipag-upakan. Pero bago pa man niya maiwasiwas ’to, ang bumungad sa amin ay ang hingal at duguang porma ni Roigie, hawak ang kanyang baril habang sa likod niya ay makikita ang ilang tauhan ni Dax na abalang nagse-secure ng hallway."Labas. Ngayon na," maotoridad at gumaralgal na utos ni Roigie habang hinuhuli ang hininga niya.Hindi na kami nag-dalawang isip. Mabilis kaming tumayo ni Ingrid. Pagkalabas namin ng bodega, muntik na akong masuka sa amoy ng pulbura at kalawang. May ilang tauhan ni Luigi ang nakahandusay na sa sahig ng sala. Binalewala ’yon ni Roigie; hinawakan niya ako sa braso habang ang mga tauhan naman ni Dax ay pumalibot kay Ingrid para protektahan ito habang naglalakad kami patungo sa likod ng villa.Dinala nila kami sa may malawak na garden sa likod na
Aria's point of view Sa gitna ng nakatutulig na putukan sa labas at sa halos kawalan ng hangin dito sa loob ng reinforced storage room, kanina ko pang sinusubukan na pinapakalma ang sarili ko. Niyayakap ko pa rin ang mga tuhod ko habang si Ingrid naman ay panay ang pindot sa screen ng phone niya, nagbabakasakaling bumalik ang signal para matawagan muli ang asawa niya.Bakit ba umabot sa ganito?Sumasakit ang ulo ko kapag naaalala ko ang mga huling piraso ng alaala ko bago ako mapadpad sa sitwasyong ’to. Naalala ko si Tita Victoria. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman kong mag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng aking hita. Naligtas ko pala ’to nung tumakbo kami kanina. Agad ko itong hinugot at nasilaw sa liwanag nito. Isang pamilyar na pangalan ang nag-flash sa screen.Victoria Calling...Napatitig ako sa pangalan niya. Wow. Parang after a decade, nakatawag na rin siya sa wakas. Anong himala at naisipan nung baba
Aria's point of view Bago pa ako makasagot, naramdaman ko na lang ang malalaki at maiinit niyang kamay na humila sa akin patungo sa mas madilim na bahagi ng villa.Habang naririnig ko ang sunod-sunod na putukan at sigawan sa labas, para akong basang sisiw na sumusunod lang sa hila niya. Dinala niya ako sa isang makipot na daan sa ilalim ng hagdan, para siyang secret pantry o storage area na gawa sa reinforced concrete. Basta 'yun na 'yun. Pagkabukas niya ng pinto, laking gulat ko nang makita kong nandoon na rin si Ingrid, nakaupo sa sahig habang yakap-yakap ang mamahalin niyang unan mula sa guest room."Dito lang kayo. Huwag kayong lalabas kahit anong mangyari," maotoridad na bilin ni Roigie. Tsk. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin, puno pa 'yun ng warning at hindi madaling basahin ang emosyon, syempre nagiging robot na naman, e. Nag roll eyes na lang ako. 'Yun na ang way ko ng thankyou, sana tanggapin niya, marahas nalang niyang isina
Aria's point of view Bumagsak ang katahimikan sa sala. Ramdam ko ang biglang pagbaba ng temperatura ng paligid habang unti-unting rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Sinundan sila? At nasa labas pa talaga na? Napatingin ako kay Ingrid na ngayon ay napakapit na rin sa gilid ng sofa, bakas ang labis na pag-aalala sa mukha para sa ari-arian, at higit sa lahat, sa buhay naming lahat na nandito sa loob. Pero bago pa man ako tuluyang lamunin ng panic, isang malalim at sarkastikong tawa ang kumawala sa lalamunan ni Roigie. Inayos niya ang pagkakatayo niya, binalewala ang mga mantsa ng dugo sa kanyang damit, at lumingon sa assistant ni Dax nang may malamig at kalmadong ekspresyon. "Hayaan mo sila," utos niya, ang boses niya ay parang wala manlang bakas ng kahit na anong takot. "Hanggang gate lang sila. Don't underestimate the people of Dax and Leonhardt." Bahagyang natigilan ang assistant, na para bang natauhan sa narinig. "The perimeter of this resort village is heavily fortifie
Aria's point of view Hindi namin namalayan ang paglipas ng oras. Mula sa mga kwento tungkol sa mga naging escapades namin nung college, hanggang sa kung gaano ka-demanding ang buhay-may-asawa ni Ingrid, nagpatuloy lang ang agos ng usapan namin. Nakatulong din siguro na maliwanag ang paligid ng veranda dahil sa mga aesthetic na lamps na nakapalibot sa villa, kaya feeling namin ay pang-hapon pa lang ang level ng energy namin."Wait, 8:00 PM na?!" bulalas ni Ingrid nang silipin niya ang kanyang mamahaling wristwatch. "My God, Aria! Akala ko ala-singko pa lang. Ang bilis naman ng oras!"Napatingin din ako sa langit. Madilim na nga at ramdam na ramdam na ang malamig na simoy ng hangin galing sa dagat. "Oo nga. Sobrang na-hook na tayo sa kwentuhan, hindi na natin napansin ang paglubog ng araw."Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kawalan. Concern lang daw si Ingrid kaya siya napapunta rito, pinakiusapan daw siya ni Leonhardt na silipin ang vil
Aria's point of view "Lipat pala tayo sa veranda," aya ni Ingrid sabay tayo mula sa sofa habang bitbit ang kanyang luxury bag. Lumingon siya patungo sa kusina at medyo nilakasan ang boses. "Manang Elena! Padala na lang po ng mga finger foods at refreshments doon sa labas, salamat po!""Sige po, Ma'am Ingrid!" sagot naman agad ni Manang mula sa loob.Sumunod ako sa kanya palabas ng malaking sliding glass door patungo sa malawak na veranda ng villa. Ang ganda ng view dito, tanaw na tanaw ang asul na dagat at dinadaluyan ng malamig na hangin ang buong paligid. Humilig si Ingrid sa mamahaling outdoor chair habang ako naman ay naupo sa tapat niya, niyayakap ang sarili ko dahil medyo malamig ang simoy ng hangin galing sa baybayin."Grabe, Aria. Hindi ko inakalang pagbalik ko rito sa Pilipinas, makikita kita sa ganitong sitwasyon," panimula ni Ingrid, dahan-dahang tinatanggal ang kanyang sapatos para itampisaw ang paa sa hangin. "I mean, noong college,
Aria's point of view "Nyssa, let's go. Uuwi na tayo," mahinahong sabi ko habang inaalalayan si Nyssa na nanginginig pa rin. Gusto ko nang lumabas sa mausok at magulong lugar na 'to. "I'll take you home," singit ni Roigie. Hindi iyon tanong kundi isang de
Aria's point of view Napilitang umurong si Luigi. Kahit gaano pa katapang ang apog niya sa mansyon namin, wala siyang laban sa mga Villarreal. He looked at me with pure hatred, yung tingin na babayaran mo 'to mamaya, bago siya bumalik sa bar area, bagsak ang mga balikat na parang basan
Aria's point of view Malakas ang ulan. I was driving like a maniac, trying to outrun the suffocating feeling of being a Zaldivar. "Damn it!" I hissed, mas hinigpitan ko ang hawak sa steering wheel. Kasama ko lang sina Khara, Ihmsol, at Rheinn kanina, drinking our hearts out at a dive bar. Pe
Aria's point of view Sa gitna ng mahinang tugtog mula sa labas ng room, ang tanging maririnig ko na lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko at ang naghahabulang hininga namin ng stranger na kasama ko. Isang langhap ko pa lang sa pabango ng stranger na 'to na may halong amoy ng alak, alam kong







