Home / Romance / Savage Command / Ch. 5: Villarreal

Share

Ch. 5: Villarreal

last update publish date: 2026-05-12 23:00:45

Aria's point of view

Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, agad na humawak si Luigi sa bewang ko, yung hawak na akala mo ay pagmamay-ari na niya ako. Jusme lang ha! Ramdam ko yung dumi ng palad niya kahit may tela pa ang damit ko. Gusto ko siyang sikuhin sa sikmura para mamilipit siya, pero kailangan kong maging mautak. Hindi pwedeng puro galit, Aria. Gamitin mo ang ganda mo.

I scanned the entrance. At doon, hindi kalayuan... nakita ko na siya.

Roigie Kade the great. Mahilig talaga siya sa ganitong mga party. Playboy nga talaga ang lolo mo. Kita mo kahit sa paganito o sa kalye nakikita ko talaga siya.

He was leaning against the wall, lighting a cigarette. Ang cool-cool niya tignan, na parang sa kanya umiikot ang mundo. Kahit madilim at neon lights lang ang tumatama sa mukha niya, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga matang 'yon. Ang mga matang nagpabayad sa akin ng twelve million sa paraang hinding-hindi ko malilimutan. Umiwas agad ako ng tingin. Baka mahuli niya pa akong nakatitig, isipin pa niya na-fall na ako sa kanya. No way!

Pagpasok pa lang namin sa loob ng club, ang malakas na bayo ng bass at ang neon lights na sumasayaw sa paligid ang sumalubong sa amin. Ramdam ko yung yanig ng sahig sa bawat step ko, pero hindi doon ang focus ko. My eyes were roaming, searching for a way out of Luigi’s disgusting grip.

At doon, sa pinaka-exclusive na VIP booth, nakita ko na agad ang target ko. A man who looked like he owned the entire world, sipping whiskey while girls swarmed around him. Saint King Villarreal. Hindi ko alam kung bakit, pero ang aura niya ay parang magnet na humihila sa akin. I didn't care who he was, ang alam ko lang, Villarreal ang dala niyang pangalan. At sapat na 'yon para mawasak ang plano nina Tita Victoria.

Isang maling galaw ko lang, siguradong sasabog ang lahat. Pero keri lang. I’d rather burn with a Villarreal than rot with a Monteclaro diba nga?

"Stay here, Luigi. I'll just get a drink," sabi ko, ang boses ko ay kasing lamig ng yelo at walang kaabog-abog na emosyon.

"I said stay—"

"Ano ba, Luigi? Fiancé lang kita, hindi mo ako pagmamay-ari. Don't be such a bore," I cut him off with a sharp side-eye na sapat na para mapa-atras siya. Nakakita ka na ba ng asong napagalitan? ’Yun ang hitsura niya. Nakakasuka.

I didn't head for the bar. Dire-diretso ako sa booth ni Saint King. Bahala na! I adjusted my leather jacket, letting it slip slightly off my shoulder, kailangan pasabog ang entrance, ’di ba? and wore my most dangerous smirk.

Nang makalapit ako, parang tumigil ang mundo ng mga tao sa paligid niya. I leaned in, my hands resting on the edge of his table, looking him straight in the eye. Grabe, meh! Ang lapit ko na sa kanya, at ramdam ko ’yung lakas ng presensya ni Saint King.

"I’ve heard so much about the Villarreals," panimula ko, my voice dripping with sweet and poison. "But they didn't mention na mas gwapo pala ang isa sa malapitan. I'm Aria. And I think... nababagot ako sa pwesto ko."

Saint King looked up, a slow, intrigued smile creeping onto his face. Yung tipong alam mong nakuha mo na ’yung kiliti niya. He was about to speak nang biglang may tumabi sa kanya. Isang lalaking pamilyar ang tindig, pamilyar ang bango, at mas pamilyar ang lamig ng tingin.

Roigie Kade. Na naman?! Kabute ba ’to? Saan ba ’to nanggagaling?! kakikita ko lang sa kanya sa labas, ah.

Napatigil ako. Sheezz. Kasama rin siya sa table na ’to? Pero bago pa ako makapag-react, dahan-dahang tumayo si Roigie. He looked at me with those lethal eyes, pero wala ng bakas ng pagkakakilala. Literal na parang hindi kami nag-meet, ah. He acted like the Twelve-Million-Crash and the wrestling match with his fiancée never happened.

Ang galing niya mag-acting, ha! Mas magaling pa sa akin. Nakakainis ’yung blankong tingin niya, na parang isa lang akong random na babaeng lumapit sa table nila para mag-papansin. Pero parang ganun na nga.

"And who is this lovely lady, Saint?" tanong ni Roigie, his voice smooth as silk. He extended his hand toward me. Jusmeh! Kung hindi ko lang alam na nanggaling kami sa gitna ng ulan nung unang kita, iisipin ko talagang first time niya akong nakita ngayon. Ang galing umarte, nakakainis! "I’m Roigie Kade. My brother, Saint King."

Brother? So? Magkapatid sila? Literal na gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Kaya pala parehong intimidating ang aura nila! Napalunok ako pero hindi ko ipinahalata. I took his hand, the same hand that was cleaning my scratches, and shook it like a total stranger.

"Aria Szarie Zaldivar," pakilala ko, my eyes challenging him. Pinanindigan ko yung titig ko, yung subukan mo akong ilaglag, yari ka sa akin look. "Nice to meet you, Roigie."

"The pleasure is mine, Aria," he replied. And then it happened, his thumb grazed my knuckles for a split second. Tago lang at mabilis na haplos na ako lang ang nakaramdam, pero sapat na para mag-vibrate ang buong pagkatao ko. "Join us?"

Eksakto namang lumapit si Luigi, namumula ang mukha sa selos at galit. Habol ang hininga ng lolo mo, parang sasabog na ang ugat sa leeg. Sana nga, ano? para deserve. "Aria! What are you doing here?! You're with me!"

I leaned closer to Saint King, almost whispering in his ear pero siniguro kong maririnig ni Luigi. Ibinuhos ko na ang lahat ng kamalditahan ko. "Pasensya na, Luigi. But I think I found a better company. I’ll be back... if I feel like it."

Doon ko nakita ang pag-igting ng panga ni Luigi, pero wala siyang magawa. Sino ba naman siyang Monteclaro sa harap ng dalawang Villarreal, 'di ba?

Naupo ako sa gitna ng dalawang Villarreal. meh, feeling ko nasa gitna ako ng dalawang naglalakihang bagyo! Luigi was fuming, his fists clenched as he stood there like an idiot. Samantalang si Roigie? He leaned back, taking a sip of his drink, his gaze fixed on me, yung titig na parang tinatalupan ako ng buhay.

Game on, Roigie Kade, bulong ko sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit mo pinaninindigan ang stranger act na 'to, pero lalaruin ko ang laro mo. Tignan natin kung hanggang saan ang galing mo.

"Excuse us for a moment, Luigi," sabi ni Roigie, a smirk playing on his lips. Yung ngisi niya, parang nanunukso na ewan. Well, at least katapat na ni Luigi. "We have a lot to talk about with Miss Zaldivar."

Doon na umalis si Luigi na parang bulkang sasabog na. Buti naman, ang dumi niya sa paningin ko. Parang garapata, e.

Habang nakaupo ako roon, sa pagitan ng dalawang pinakamakapangyarihang lalaki sa club, ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko sa ilalim ng lamesa. Kahit gaano ako katapang tignan sa labas, deep inside, naglulundagan na ang mga organ ko sa kaba. I was playing with fire.

And based on the way Roigie’s knee brushed against mine under the table, isang sadyang haplos na nagpataas ng lahat ng balahibo ko sa katawan. I knew... hindi lang ang buhay nina Tita Victoria ang masusunog ko tonight. Dahil sa bawat dikit ng balat namin, pakiramdam ko pati ako, unti-unti nang natutupok.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Savage Command    Ch. 45: Mole

    Aria's point of view Bumukas ang pinto ng storage room nang marahas, dahilan para mapatili kaming dalawa ni Ingrid habang hawak pa rin niya ’yung bote ng wine na parang handang makipag-upakan. Pero bago pa man niya maiwasiwas ’to, ang bumungad sa amin ay ang hingal at duguang porma ni Roigie, hawak ang kanyang baril habang sa likod niya ay makikita ang ilang tauhan ni Dax na abalang nagse-secure ng hallway."Labas. Ngayon na," maotoridad at gumaralgal na utos ni Roigie habang hinuhuli ang hininga niya.Hindi na kami nag-dalawang isip. Mabilis kaming tumayo ni Ingrid. Pagkalabas namin ng bodega, muntik na akong masuka sa amoy ng pulbura at kalawang. May ilang tauhan ni Luigi ang nakahandusay na sa sahig ng sala. Binalewala ’yon ni Roigie; hinawakan niya ako sa braso habang ang mga tauhan naman ni Dax ay pumalibot kay Ingrid para protektahan ito habang naglalakad kami patungo sa likod ng villa.Dinala nila kami sa may malawak na garden sa likod na

  • Savage Command    Ch. 44: Storage room

        Aria's point of view Sa gitna ng nakatutulig na putukan sa labas at sa halos kawalan ng hangin dito sa loob ng reinforced storage room, kanina ko pang sinusubukan na pinapakalma ang sarili ko. Niyayakap ko pa rin ang mga tuhod ko habang si Ingrid naman ay panay ang pindot sa screen ng phone niya, nagbabakasakaling bumalik ang signal para matawagan muli ang asawa niya.Bakit ba umabot sa ganito?Sumasakit ang ulo ko kapag naaalala ko ang mga huling piraso ng alaala ko bago ako mapadpad sa sitwasyong ’to. Naalala ko si Tita Victoria. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman kong mag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng aking hita. Naligtas ko pala ’to nung tumakbo kami kanina. Agad ko itong hinugot at nasilaw sa liwanag nito. Isang pamilyar na pangalan ang nag-flash sa screen.Victoria Calling...Napatitig ako sa pangalan niya. Wow. Parang after a decade, nakatawag na rin siya sa wakas. Anong himala at naisipan nung baba

  • Savage Command    Ch. 43: Train

    Aria's point of view Bago pa ako makasagot, naramdaman ko na lang ang malalaki at maiinit niyang kamay na humila sa akin patungo sa mas madilim na bahagi ng villa.Habang naririnig ko ang sunod-sunod na putukan at sigawan sa labas, para akong basang sisiw na sumusunod lang sa hila niya. Dinala niya ako sa isang makipot na daan sa ilalim ng hagdan, para siyang secret pantry o storage area na gawa sa reinforced concrete. Basta 'yun na 'yun. Pagkabukas niya ng pinto, laking gulat ko nang makita kong nandoon na rin si Ingrid, nakaupo sa sahig habang yakap-yakap ang mamahalin niyang unan mula sa guest room."Dito lang kayo. Huwag kayong lalabas kahit anong mangyari," maotoridad na bilin ni Roigie. Tsk. Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay niya sa akin, puno pa 'yun ng warning at hindi madaling basahin ang emosyon, syempre nagiging robot na naman, e. Nag roll eyes na lang ako. 'Yun na ang way ko ng thankyou, sana tanggapin niya, marahas nalang niyang isina

  • Savage Command    Ch. 42: Expect the unexpected

    Aria's point of view Bumagsak ang katahimikan sa sala. Ramdam ko ang biglang pagbaba ng temperatura ng paligid habang unti-unting rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Sinundan sila? At nasa labas pa talaga na? Napatingin ako kay Ingrid na ngayon ay napakapit na rin sa gilid ng sofa, bakas ang labis na pag-aalala sa mukha para sa ari-arian, at higit sa lahat, sa buhay naming lahat na nandito sa loob. Pero bago pa man ako tuluyang lamunin ng panic, isang malalim at sarkastikong tawa ang kumawala sa lalamunan ni Roigie. Inayos niya ang pagkakatayo niya, binalewala ang mga mantsa ng dugo sa kanyang damit, at lumingon sa assistant ni Dax nang may malamig at kalmadong ekspresyon. "Hayaan mo sila," utos niya, ang boses niya ay parang wala manlang bakas ng kahit na anong takot. "Hanggang gate lang sila. Don't underestimate the people of Dax and Leonhardt." Bahagyang natigilan ang assistant, na para bang natauhan sa narinig. "The perimeter of this resort village is heavily fortifie

  • Savage Command    Ch. 41: In love

    Aria's point of view Hindi namin namalayan ang paglipas ng oras. Mula sa mga kwento tungkol sa mga naging escapades namin nung college, hanggang sa kung gaano ka-demanding ang buhay-may-asawa ni Ingrid, nagpatuloy lang ang agos ng usapan namin. Nakatulong din siguro na maliwanag ang paligid ng veranda dahil sa mga aesthetic na lamps na nakapalibot sa villa, kaya feeling namin ay pang-hapon pa lang ang level ng energy namin."Wait, 8:00 PM na?!" bulalas ni Ingrid nang silipin niya ang kanyang mamahaling wristwatch. "My God, Aria! Akala ko ala-singko pa lang. Ang bilis naman ng oras!"Napatingin din ako sa langit. Madilim na nga at ramdam na ramdam na ang malamig na simoy ng hangin galing sa dagat. "Oo nga. Sobrang na-hook na tayo sa kwentuhan, hindi na natin napansin ang paglubog ng araw."Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kawalan. Concern lang daw si Ingrid kaya siya napapunta rito, pinakiusapan daw siya ni Leonhardt na silipin ang vil

  • Savage Command    Ch. 40: Bubbly

    Aria's point of view "Lipat pala tayo sa veranda," aya ni Ingrid sabay tayo mula sa sofa habang bitbit ang kanyang luxury bag. Lumingon siya patungo sa kusina at medyo nilakasan ang boses. "Manang Elena! Padala na lang po ng mga finger foods at refreshments doon sa labas, salamat po!""Sige po, Ma'am Ingrid!" sagot naman agad ni Manang mula sa loob.Sumunod ako sa kanya palabas ng malaking sliding glass door patungo sa malawak na veranda ng villa. Ang ganda ng view dito, tanaw na tanaw ang asul na dagat at dinadaluyan ng malamig na hangin ang buong paligid. Humilig si Ingrid sa mamahaling outdoor chair habang ako naman ay naupo sa tapat niya, niyayakap ang sarili ko dahil medyo malamig ang simoy ng hangin galing sa baybayin."Grabe, Aria. Hindi ko inakalang pagbalik ko rito sa Pilipinas, makikita kita sa ganitong sitwasyon," panimula ni Ingrid, dahan-dahang tinatanggal ang kanyang sapatos para itampisaw ang paa sa hangin. "I mean, noong college,

  • Savage Command    Ch. 7: Home

    Aria's point of view "Nyssa, let's go. Uuwi na tayo," mahinahong sabi ko habang inaalalayan si Nyssa na nanginginig pa rin. Gusto ko nang lumabas sa mausok at magulong lugar na 'to. "I'll take you home," singit ni Roigie. Hindi iyon tanong kundi isang de

  • Savage Command    Ch. 6: Prim

    Aria's point of view Napilitang umurong si Luigi. Kahit gaano pa katapang ang apog niya sa mansyon namin, wala siyang laban sa mga Villarreal. He looked at me with pure hatred, yung tingin na babayaran mo 'to mamaya, bago siya bumalik sa bar area, bagsak ang mga balikat na parang basan

  • Savage Command    Ch. 4: Club

    Aria's point of view "Aria Szarie! My God, look at yourself! You look like you just crawled out of a gutter! Kasama mo na naman ang asal-kalye mong mga kaibigan?" Huminga ako nang malalim at hindi pinansin ang matinis na boses ni Tita Victoria. Oops, no... my guardian. Kahit kailan talaga, ang

  • Savage Command    Ch. 3: Trouble

    Aria's point of view Nanatili akong nakaupo, nakatitig lang sa sahig habang hinihintay siyang bumalik. Nag-iisip ako okay? If may isip pa ba ako. Ano bang pumasok sa utak mo, Aria? sitas ko sa sarili ko. Twelve million? Pwede ka namang mag-beg kay Tita Victoria, eh. At least doon, pamilyar na 'y

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status