Teilen

Chapter 2

last update Veröffentlichungsdatum: 24.04.2026 11:18:02

Naging usap-usapan sa buong Salcedo ang nangyari sa kasal namin ni Victor. Halo-halo ang kanilang mga opinyon. 

Mayroong mga naawa sa akin. Mayroon namang mga ako pa ang sinisi. 

Masyado raw kasing mataas ang pangarap ko sa buhay. Alam ko naman daw na napakalayo ng agwat namin ni Victor, pero talagang umasa pa ako na mamahalin niya ako nang totoo. 

Oo na. Siguro ay umasa talaga ako. Pero ramdam ko. Alam ko na minahal talaga ako ni Victor. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pero hindi ako nawawalan nang pag-asa na babalik siya at kakausapin ako. 

Hindi ako lumabas ng bahay ng ilang araw. Puro ako iyak. Ilang beses ko ring sinubukang tawagan si Victor pero hindi ko na talaga ito na contact. 

Paminsan-minsan ay nalabas ako para dumalaw sa mansyon nila. Umaasa na baka bumalik na ito. 

Pero wala talaga. 

Lumipas ang mga araw. Ang mga araw na naging linggo. Ang linggo ay naging buwan. Hanggang sa lumipas ang tatlong taon. 

Tuluyan na akong nawalan nang pag-asa ata pilit na inayos muli ang buhay ko. 

Nagtrabaho akong muli upang may maipangtustos sa pamilya ko. Matatanda na sila Inay at Itay. Nag-aaral pa si Junjun. Ako na lang ang inaasahan nila. Kaya kahit masakit pa rin ang aking puso at gustong-gusto ko nang bumitaw ay kinailangan ko na ulit magtrabaho. 

“Bel! Naku! Nandiyan na naman si Sir Mike!” 

Napatingin ako kay Andrea, ang best friend ko. Parehas kaming nagtratabaho ngayon sa kompanya ng mga Benitez. 

Oo, dito pa rin ako nagtrabaho dahil halos lahat naman ng kompanya dito sa Salcedo ay ang mga Benitez ang may-ari. 

Naiikot ko ang aking mga mata. “Ano ka ba, Andeng? Trabaho ang asikasuhin mo!” saway ko sa kaniya. 

Napalabi si Andrea. “Ano ka ba? Three years ka nang single. Tsaka si Sir Mike na ‘yan, oh? Ayaw mo pa ba?” 

Napailing na lang ako habang nakangisi nang kaunti. 

Si Sir Mike, ang manager namin. Matagal na kasi itong nagbabalak na manligaw sa akin. 

Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang umoo sa kaniya. Gwapo naman si Sir Mike. Matipuno rin ang katawan at may matangos na ilong. Higit sa lahat ay mabait ito. 

Pero hindi pa talaga handa ang puso ko. 

“Sabi ko naman sa ‘yo na ang focus ko ngayon ay ang magpayaman! Saka na ‘yang mga lalakeng ‘yan!” sabi ko na lang. 

“May lalake ka na?" 

Natigilan ako noong marinig ko ang boses ng isang lalake. Pag-angat kong muli ay nakita ko ang gwapong mukha ni Sir Mike. 

Napakurap-kurap ako. Nakita ko pa si Andrea na nakangisi nang malapad sa likuran ni Sir Mike. 

‘Itong babaeng ‘to talaga!’

Nag-aalinlangang ngumiti ako. 

"Huh? Wala, Sir! Itong si Andrea kasi. Pinagti-trip-an ako.” 

Natawa si Sir Mike. “Here." 

May inilapag itong cup ng kape na nabili niya sa labas. Naamoy ko agad ang aroma ng paborito kong flavor. Mocha coffee. 

Pero hindi ko agad iyon hinawakan kasi nahiya ako kay Sir. Palagi niya kasi ako dinadalhan nito tuwing umaga kahit sinasabihan ko nang hindi na kailangan. 

“Naku, Sir! Bakit nag-abala ka pa? Okay na naman po ako.” 

Umiling si Sir Mike. “It’s okay. Tsaka binigyan ko rin ang lahat. Today is a special day.” 

Napatingin ako sa ibang mga kasama ko. May isa kaming katrabaho na naglalapag ng kape sa lamesa ng teammates namin. 

Napangiwi ako nang kaunti. Masyado ata akong nagi-expect palagi. 

“Special day? Bakit po, Sir? Tambak na naman ba ang trabaho namin?" pabirong tanong ko. 

"Hindi naman. Pero dadating kasi ang bagong CEO ng company ngayon. So, we need to impress him. And I am expecting that you all will do good, okay?” 

Inilibot ni Sir ang paningin niya sa amin. 

“Yes, Sir!" sabi ng isa naming team. 

Nagpalakpakan pa ang iba. 

"Team Mike all the way!” sigaw ng isa. 

Napuno saglit nang tawanan ang silid namin. Itinaas ni Sir Mike ang kamay niya at unti-unting humupa ang ingay. 

Ako naman ay napapangiting kinuha ang kape na ibinigay ni Sir. Deserve naman niya ang recognition. 

Mabait  na boss at may care sa kaniyang mga tao. Kahit pressured sa trabaho ay never pa kaming nakarinig ng mga masasakit na salita. 

“And you, my best employee.” 

Tumingin sa akin si Sir Mike. Napaupo agad ako nang maayos. 

“Ikaw ang magto-tour kay Mr. Benitez sa buong company. Okay lang ba?” 

Bigla akong natigilan noong marinig ko ang binanggit niyang pangalan. 

“B-Benitez? Isa sa mga Benitez ang bagong CEO?” tanong ko. 

Bahagyang nangunot ang noo ni Sir. “Well… I’m not sure. Hindi ko pa siya nakikita, actually. So, it’s okay?” 

Pinilit ko na lang ngumiti at marahang tumango. 

“O-Of course, Sir.” 

Bakit bigla akong kinabahan?

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • Second Change With Mr. Billionaire   Chapter 9

    Galit na itinulak ko siya. Halos matumba pa siya dahil nga sa posisyon naming dalawa. Mabuti na lang at nakatayo siya agad napaatras. Tiningnan ko siya nang masama. “Ano bang problema mo, Victor? Natutuwa ka ba, huh? Masaya ka na pinaglalaruan mo ako?” inis na tanong ko. Natawa si Victor. “Why not? Hindi ba ito rin ang gusto mong mangyari? Ang paglaruan ako? To make a fool of me?!” Napaawang ang bibig ko. Muli ay nakita ko ang galit sa mga mata niya. Galit na para bang matagal na nito kinikimkim. “What did I even do to you at ganito na lang ang galit mo sa akin? Hindi ba ikaw ang nang-iwan noon? Hindi ba ikaw ang nagloko?!” galit na tanong ko. Nangunot ang noo niya. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa na para bang sinisigurado kung tama ang mga sinabi ko. “What did you say? Ako? Nang-iwan?” “Yes! Matapos mo akong lokohin. Matapos mong makipagsiping sa ibang babae! Talagang sinend mo pa sa akin sa araw mismo ng kasal natin?!” Natawa si Victor. Iyong tawa na para bang

  • Second Change With Mr. Billionaire   Chapter 8

    “Palabasin mo ako!” Pilit kong binuksan ang pinto sa tabi ko. Pero kahit na anong galaw ko door handle ay hindi ko iyon mabuksan dahil naka-lock iyon. Tumingin ako sa unahan sa driver ni Victor. “Kuya, please! Buksan mo po ang pinto!” pakiusap ko. Pero umiwas lang ng tingin ang driver. Napahikbi na ako. Pakiramdam ko bigla ay nawalan ako nang kakampi. Tumingin ako kay Victor na nasa tabi ko at para bang wala lang nangyari. Na para bang hindi niya ako pwersahang kinuha at ipinasok sa loob ng sasakyan niya. “Let’s go,” sabi pa nito. Napaawang ang bibig ko. “Ano ba ang problema mo, Victor?!” Hindi siya sumagot. Nanatili lamang itong nakatingin sa unahan habang salubong ang mga kilay. Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ko. “B-Bakit mo ba ito ginagawa sa akin?” tanong ko. “A-Akala ko ba ayaw mo na sa akin? Kung wala na talaga tayo, pwede bang hayaan mo na ako? Bakit ba pilit mo pa rin akong giinugulo?” galit na tanong ko. Habang pilit na pinipigilan ang sarili na humikbi. H

  • Second Change With Mr. Billionaire   Chapter 7

    “What the hell is going on here?!” Napaigtad ako nang marinig ko ang galit at malalim na boses ni Victor. Awtomatiko akong napalayo kay Sir Mike at napalingon sa aking likuran. Doon ay nakita ko ang nanlilisik na mga mata ni Victor habang palipat-lipat ang mga tingin sa amin ni Sir Mike. “V-Victor…” Nangunot ang noo ko. Bakit siya nagagalit? Hindi sumagot si Victor. Bigla na lamang itong lumapit sa amin. Bago pa man kami makapag-react ay bigla nitong sinuntok si Sir Mike sa mukha. “Victor!” sigaw ko. “Stop it!” Mabilis kong hinawakan sa braso si Victor at sinubukan itong hilain. Pero itinulak lamang niya ako kaya natumba ako sa lapag. Nakita ko na lang na pinatungan ni VIctor si Sir Mike at pinagsusuntok pa ito. Pinilit kong tumayo at pinaghahampas ang likod ni Victor. “Stop it! Victor! Ano bang problema mo?!” “You! How dare you touch her, huh?! She’s—” Natigilan bigla si Victor. Naiwan sa ere ang isa nitong kamay na nakaamba pa rin kay Sir Mike. Para itong biglang natau

  • Second Change With Mr. Billionaire   Chapter 6

    Victor’s POVI stared at Belinda while she was lying on my bed. Bakit pakiramdam ko parang may mali? Bakit parang imbes na matakot kanina ay parang nasasaktan pa siya? Parang may kakaiba sa kaniya. Hindi ba dapat ay humingi na siya ng tawad sa akin? Bakit parang wala siyang ideya sa nagawa niyang kasalanan sa akin? Mabilis akong umiling at nag-iwas ng tingin. Mali. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko. Belinda fooled me once. Hindi ako papayag na magawa niya pa ito ulit sa akin. Tumayo na ako at iniwan siya sa silid. Paglabas ko ay sinalubong ako agad ni Matthew, my right-hand man. “Boss, what should we do now? Mukhang masyado siyang natakot sa ‘yo kanina. Hinimatay siya.”Nagsalubong ang mga kilay ko. “Why do you care? Dapat lang na matakot siya. This is just the beginning.” Nag-iwas ng tingin si Matthew. I could see the hesitation in his eyes. “May gusto ka bang sabihin?” Napangiwi si Matthew at bahagyang napakamot sa likod ng kaniyang ulo. “Ahm, Boss. What if… we ar

  • Second Change With Mr. Billionaire   Chapter 5

    Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Victor. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa kaniyang ginawa. “Ano?” Hindi pa naman ako lasing dahil hindi pa ako nakakainom. Kararating ko nga lang sa hotel. Kaya malinaw kong narinig ang sinabi niya. Pinaghuhubad niya ako. Nagsalubong ang mga kilay ni Victor. Tiningnan lang niya ako na para bang normal lang sa kaniya ang lahat. Hindi ko nga makitaan nang pag-aalinlangan ang mga mata niya. “Are you deaf? I told you to undress now.” Napakurap-kurap ako. Sinubukan ko pang hanapin sa mga mata niya na nagbibiro lang siya. Baka lang naman ay pina-prang niya ako. Kaso wala. Seryoso siya sa gusto niya. “D-Dito? Victor—” “You don’t call me by my name!” biglang nagtaas ng boses si Victor. Napaatras pa ako dahil nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Nangilid na ang mga luha ko. Bakit pakiramdam ko ay galit na galit siya sa akin? Hindi ba siya ang nagloko at nang-iwan sa ere? Bakit ngayon ay parang ako pa ang may kasalanan

  • Second Change With Mr. Billionaire   Chapter 4

    Victor’s POVThere she was. Akala ko ay never ko na siyang makikita. Mabuti na lang at nagawa ko nang makaalis sa pagpipigil sa akin ni Mommy. I came back to Salcedo just for her. I know that she was waiting for me. Pero bumalik ako hindi para makipag-ayos sa kaniya. Bumalik ako para pagbayarin siya sa pananakit niya sa akin. Who does she think she was?I am Victor Benitez. The only heir of the Benitez Corporation. And she dared to make a fool of me?The moment I saw her again, kitang-kita ko agad ang labis na gulat sa mga mata niya. Lalo na noong magkaharap kaming muli. “S-Seryoso ka, Sir? You want me as your secretary?” naninigurado pang tanong ni Belinda. I smirked. What? Was she tense now because I’m here? Dahil akala niya malalaman ko na ang mga panggagago niya sa akin?Well, sorry for her. Dahil matagal ko na iyong alam. “Yes. Okay lang naman, right?” She blinked. Those eyes. I won't fall for it this time. Mabilis na tumango si Belinda. “O-Of course, Sir! It's my ho

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status