Se connecterHindi na naiwasan ni Amanda ang makipagtitigan sa kanya dahil sa mga oras na iyon, pareho silang nakatutok sa isa't isa.Maraming alak ang nainom niya ngayong gabi. Ang kanyang mga mata ay tila nababalot ng manipis na ulap, mistulang may kakaibang pang-akit na madaling humihila ng atensyon.Nang magtagpo ang mga mata nila ni Jonathan, biglang lumundag ang tibok ng puso nito. Halos hindi na napigilan ng lalaki ang sarili na humakbang palapit sa kanya. Pero bago pa man siya makagalaw, biglang kumapit si Easter sa braso nito.May halong lambing at paglalambing nitong wika… "Jonathan, nahihilo ako.. Pwede mo ba akong ihatid pauwi ngayong gabi?"Tila mawalan ito ng balanse at pilit na idinidikit ang katawan kay Jonathan. Lahat ng mata sa loob ng silid ay muling napalingon sa kanila. Sa harap ng maraming tao, hindi magawang itaboy agad ni Jonathan ang babae. Pero wala rin naman siyang balak pumayag. Sa halip, dire-diretso siyang tumalikod at lumabas ng private room.Akala ni Easter ay pumaya
Doon lamang napagtanto ni Amanda na darating din pala si Jonathan ngayong gabi."Amanda!"Pagkapasok na pagkapasok ni Easter sa restroom, agad nitong nilapitan si Amanda, kumpleto sa ngiti at mukhang walang bakas ng pagiging lasing.Lumabas si Amanda mula sa cubicle at tipid na tumango…"Ms. Easter! Kayo po pala." Wala siyang balak makipag-plastikan dito.Pero bago pa man siya makatalikod, biglang nagsalita si Easter. "Congratulations pala, balitang-balita na naging official heir na si Warren ng pamilyang Aguirre!"Natigilan ang mga hakbang ni Amanda.Lumingon siya nang may malamig na ekspresyon. "Thank you!"Sa totoo lang, wala na siyang pakialam kung anuman ang marating ni Warren. Kahit pa naging heir na ito, tapos na ang annulment nila, at wala na silang koneksyon sa isa't isa. Tapos na ugnayan nilang dalawa.Pero hindi alam ni Easter ang totoong estado nila. Para sa mga taong tulad nito, si Amanda pa rin ang opisyal na asawa ni Warren."May girlfriend na kaya si Jonathan ngayon?" ta
Sa Golden Bay Entertainment City idinaos ang kanilang team gathering. Naka-reserba na ang private room na inihanda ni Isay. Habang papasok si Amanda kasama ang ilang empleyado mula sa secretariat department, hindi inaasahang nakasalubong nila si Easter.May kasama rin itong mga kaibigan para mag-dinner, at agad na yumuko ang lobby manager sa likuran nito nang may paggalang."Ms. Easter, bakit hindi ninyo sinabi nang maaga na darating kayo rito?"Umiling si Easter… "Nag-iikot lang kami ng ilang kaibigan, huwag na kayong mag-abala."Habang nagsasalita ito, nahagip ng mga mata niya si Amanda na kasabay ni Isay sa pagpasok."Amanda!"Agad na iwinagayway ni Easter ang kanyang kamay at lumapit sa direksyon nila."Ms. Easter!" ani niya. Tumango si Amanda bilang pagbati.Ang mga kasama naman niyang empleyado ay sunud-sunod ding bumati kay Easter. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa nag-iisang heiress ng pamilya Santiago? Isang taong may mataas na estado at hindi basta-bastang kalaban."Dit
Sa pamilyang Fernandez, si Soledad ang pinakamagaspang ang ugali sa kanya. Si Vanessa ay laging nang-aapi sa kanya dahil na rin sa lakas ng impluwensya at suporta ni Soledad. Pero kailanman ay hindi niya inakalang darating ang araw na ililigtas niya ang buhay ni Soledad.At higit sa lahat, binigyan pa niya ito ng sarili niyang dugo. Ang mas nakakagulat pa, pareho pala sila ng blood type—ang bihirang Rh-negative type A.Napakalaking pagkakataon naman nito… Bagamat hindi kasing-bihira ng golden blood o panda blood, ang Rh-negative type A ay napakadalang pa rin makita sa karaniwang tao. Sa lahat ng mga naging kaklase at guro ni Amanda noon, siya lamang ang may ganitong blood type. At ngayon, nalaman niyang maging ang madrasta niyang si Soledad ay mayroon ding ganitong klase ng dugo. Naalala niya noong bata pa siya na minsan niya itong itinanong sa kanyang ina na si Charity, pero sinabi nitong hindi magkapareho ang blood type nila ni Soledad.Niloloko kaya siya ng kanyang ina noon? Pero an
Nawalan ng mukha si Soledad dahil doon, kaya masama niya itong tiningnan."Anong ginagawa mo rito?" hindi mapigilang magtanong ni Soledad.Bago pa man makasagot si Amanda, si Mrs. Alvarez naman ang sumingit… "Isang babae ang lumalabas sa isang hotel, ano pa bang ibang dahilan kaysa roon?"Ang panunuyang tono nito ay halatang nagpapahiwatig na may ginawang masama o kahina-hinala si Amanda.Agad na napatingin ang ibang mga mayayaman kay Amanda, iba-iba ang ekspresyon sa kanilang mga mukha."Kung ano ang ginagawa ninyo rito, iyon din ang ginagawa ko rito," malamig at kalmadong sagot ni Amanda kay Mrs. Alvarez.Noon pa man ay si Mrs. Alvarez ang nag-udyok kay Soledad. Noon ay gusto nito na ipakasal si Warren sa anak nitong si Joanna pero nagbago ang isip dahil nalaman nito na illegitimate son lamang si Warren at walang magiging future ang anak nito kay Warren kaya ang nangyari ay, pinilit nilang ipasalo ito kay Amanda, na may kasabihang "ang anak sa labas ay nababagay sa anak sa labas."H
Marahas na sinunggaban ni Warren ang leeg ni Vanessa at mahigpit na sinakal ito."Sino ang nagbigay sa 'yo nito?!" galit na galit niyang tanong.Tulalang-tulala si Vanessa at hindi makapaniwala sa nangyayari. Wala siyang ideya kung tungkol saan ang panyong tinutukoy nito, at lalong hindi niya alam kung paano napunta sa kanya iyon."H-hindi ko nga alam.. bitawan mo muna ako!" inis na wika ni Vanessa.Nahihirapang nagpumiglas si Vanessa sa pagitan ng paghinga at pagsasalita. Hindi niya matanggap na nagagawa siyang saktan ni Warren nang ganito katindi. Hindi ba't noong mga panahong nagpapacute siya rito, halos sambahin siya nito at ibigay ang lahat?Bakit ngayon ay parang wala na itong pakialam kung masaktan siya? Dati ba ay naging sunud-sunuran lang ito sa kanya dahil sa pera o estado? Ngayon bang naging mataas na ang posisyon nito bilang heir, wala na siyang halaga para rito?Nagngingitngit sa galit at poot ang mga mata ni Warren. Ang pinakamasakit sa lahat ay ang malamang niloko at pi
NAKAKUNOT ang noo ni Amanda. He actually promoted her to executive assistant?Hindi kaya pinapahamak lang siya nito?“Sir… I’ve never worked as an assistant before. Baka hindi ko kayanin…” agad niyang sagot dito bilang pagtanggi sa promotion nito. Sa totoo lang, ang laman ng isip niya…was something
MAHIGPIT siyang tinitigan ni Manager Reyes.“Ano bang kasalanan ang ginawa mo?” tanong pa nito sa kanya.Bigla siyang tinawag ng Big Boss, hindi lang si Amanda ang nagulat, pati ang manager niyang si Reyes.Kumindat si Amanda ng inosente. “I… I don’t know either…”Pinagpapawisan ang palad niya. Ang
HALATANG hindi inaasahan ni Dr. Jonathan Ramirez ang sitwasyon. Pero pareho naman silang adults, some needs don’t need to be said. At alam din niyang may kondisyon si Amanda.“Sir…” ani niyang pabulong. Nanigas si Amanda. Parang nag-hang ang utak niya nang narinig ang boses ng lalaki sa kabilang lin
“Hubarin mo… then lie down!”Kasabay ng isang mababa at malamig na boses ng lalaki. Biglang kumabog ang dibdib ni Amanda sa narinig.. Hindi niya alam kung kailan siya nagkaroon ng ganitong klaseng sakit, something she couldn’t even explain, a kind of shameful condition. Kapag umaatake ito… she just







