เข้าสู่ระบบ"Good morning, class," ang kanyang boses ay malalim, monotone, at sadyang nakakalunod. "I am Professor Kaiden Thryce Rivera. And I will be your instructor for Clinical Anatomy."
Nanatiling nakapako ang aking paningin sa podium, ngunit ang aking isipan ay tila isang sirang plaka na pilit inuulit ang bawat detalye ng gabing iyon sa Temple Cove. Ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay tila isang dagok sa aking katinuan. Ang dating estranghero na naging kasama ko sa dilim ay ang mismong tao na ngayon ay may hawak ng aking academic future. Nagpatuloy lang si Professor Kaiden sa pagpapakilala ng kanyang sarili, ang kanyang bawat galaw ay puno ng kalkuladong eleganya. "Wow, my goodness. Ang gwapo! Sobrang gwapo ni Prof. Rivera. Parang mahal ko na ata siya," bulong ni Ashiana sa katabi nitong si Divine. Ang kanilang mga mata ay naglalakbay sa matikas na pangangatawan ni Professor Kaiden, manghang-mangha sa perpektong hubog ng kanyang mukha sa likod ng wire-rimmed glasses na iyon. Nanginginig ang aking mga kamay habang dahan-dahang binubuklat ang aking libro sa Human Systematic Anatomy. Sa bawat pagpihit ko ng pahina, tila mas lalong bumibigat ang hangin sa loob ng lecture hall. Itinaas ko ang libro, ginagawa itong pansamantalang pader upang itago ang aking mukha. Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa. Gusto kong maglaho na lang bigla. "Talagang hindi ako nagkakamali. Ang gwapo ni Prof, 'di ba, Adi?" namamanghang bulong ni Sierra, hindi maalis ang tingin sa harap. "Oh my God, I actually slept with my university professor," sigaw ng isip ko. Ang bawat himaymay ng aking katawan ay tila nag-aapoy sa kahihiyan. Paano ko haharapin ang bawat araw ng semestreng ito na alam kong ang taong nagtuturo sa harap ay ang taong nakasama ko sa loob ng isang pribadong silid? Patuloy pa rin si Professor Kaiden sa kanyang ginagawa. Walang emosyon niyang kinuha ang kanyang bitbit na bag at maingat itong itinabi sa podium. Inayos niya ang kanyang salamin, isang galaw na nagpatingkad sa talim ng kanyang mga mata, bago niya sinimulan ang kanyang leksyon. "Anatomy is a branch of morphology that deals with the structure of organisms," panimula niya, ang kanyang boses ay umaalingawngaw sa buong silid, "it is the study of the structure of the human body, mainly through observation..." Bahagyang nagtaka si Sierra sa ikinikilos ko. Napansin niya ang aking paninigas at ang tila desperadong pagtatago ko sa likod ng makapal na libro. Tumingin siya sa akin nang may pagtataka, kaya naman agad ko siyang siniko sa tagiliran. "Sis, tigilan mo nga 'yang pagtingin mo sa akin," pabulong kong banta habang nananatiling nakatago ang mukha. "Adi, nagkaroon ka ba ng hemorrhoids? Bakit ka nagtatago sa likod ng mga pahina ng iyong libro?" natatawang bulong ni Sierra sa akin, ang tono ng kaniyang pananalita ay puno ng panunukso. Para umiwas sa mas marami pang tanong ng kaibigan, dahan-dahan kong ibinaba ang aking libro. Pilit kong pinatatag ang aking sarili at tumingin sa harap. Tanaw ko si Prof. Kaiden na patuloy sa pagdidiscuss, ang kanyang kamay ay may hawak na laser pointer habang itinuturo ang mga bahagi ng katawan sa screen. "Fuck, ang gwapo nga talaga niya! He never changed a bit," bulong ko sa aking isipan. "...position, spatial relationships, and patterns of development," wika niya, ngunit bigla siyang napatigil. Ang kanyang paningin ay direktang dumapo sa akin. Sa sandaling iyon, tila huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Nakita ko ang bahagyang paghigpit ng kanyang hawak sa pointers. Ang kanyang malamig na titig ay tila nanunuot sa aking kaluluwa, binubuhay ang bawat alaala ng gabing pilit kong ibinabaon sa limot. "Oh, crap!" sabi ko sa sarili ko. Agad akong nag-iwas ng tingin, ngunit huli na nakatuon na ang kanyang atensyon sa akin. "Bakit huminto si Professor Kaiden sa pagdidiscuss?" nagtatakang tanong ni Margaret. "Hoy, ano bang nangyayari?" siniko ni Ashiana si Divine, kapwa naguguluhan sa biglaang pagtahimik ng aming bagong propesor. "Okay lang ba si Prof?" bulong naman ng iba. Bahagyang tumawa si Sierra, pagkatapos ay yumuko at bumulong sa akin. "Adi, bakit parang feeling ko nakatingin sa'yo si Prof. Kaiden? May dumi ba sa mukha mo o sadyang nabighani mo na agad ang bagong professor?" No way. Hindi maaari... Did he recognize me? Ang kaba sa dibdib ko ay tila isang tambol na mabilis ang pagpalo. Hindi niya dapat ako makilala. Hindi niya dapat malaman na ako ang babaeng nakasama niya sa gabing iyon. Oh God, if this what you planned? Kunin mo nalang ako o ipalamon sa lupa. Sinubukan kong maging matapang. Tumingin ako nang diretso sa kanyang mga mata, umaasang makakita ng kahit anong senyales ng pagkakakilala o marahil ay pagkalito. Ngunit ang mga mata ni Prof. Kaiden Rivera ay nananatiling blangko, parang isang malalim at madilim na lawa. Agad akong yumuko, hindi kayang tagalan ang tindi ng kanyang awra. "The girl with the jet black hair, who is sitting in the third row, left side, wearing a white dress," wika ni Prof. Kaiden, ang boses ay mas naging malamig pa kaysa kanina. "Please stand up and answer my question." Napatigil ang lahat. Ang katahimikan sa loob ng silid ay nakabibingi. "Adi, sagutin mo raw 'yung tanong ni Prof. Kaiden," siniko ako ni Sierra, ang boses ay puno na ng kaba para sa akin. Dahan-dahan akong tumayo. Ang aking mga tuhod ay nangangatog, at ang aking paningin ay nananatiling nakapako sa desk. "Wh-what's your question, Prof.?" nauutal kong tanong. Narinig ko ang mahinang tawa ni Heart mula sa kabilang bahagi ng silid. "Tss... hindi ba siya matalinong student? Ba't siya nauutal? Not that impressive after all," sarkastiko nitong sabi, sapat na para marinig ng mga nasa paligid. Hindi siya pinansin ni Prof. Kaiden. Nanatili ang kanyang paningin sa akin. "What is the most common method for paraffin sections? I just covered it a few minutes ago." Mabilis na nag-scan ng libro si Sierra, pilit na hinahanap ang sagot upang matulungan ako, ngunit ang utak ko ay blangko. Ang tanging nakikita ko ay ang kanyang mukha sa Temple Cove, ang tanging nararamdaman ko ay ang init ng kanyang mga halik—hindi ang mga leksyon tungkol sa histology. "I... I don't know, Prof," kinakabahan kong sagot, ang boses ay halos pabulong na. "What's your name?" tanong niya, ang boses ay walang pahiwatig ng kahit anong emosyon. "Aurora Dawn Sandoval, Prof," sagot ko, sa wakas ay nag-angat ng tingin. "Spacing out in my first class," mariin niyang sabi, ang bawat salita ay tila isang hatol. "Come to my office after class, Ms. Sandoval." Parang binagsakan ng langit ang aking balikat. Dahan-dahan akong umupo habang ang bulungan sa paligid ay muling nabuhay. Ang kahihiyan ay tila isang makapal na kumot na bumabalot sa akin. Nagpatuloy si Prof. Kaiden na tila walang nangyari. "The common staining method for paraffin sections is Hematoxylin and Eosin staining..." Ngumiti si Sierra sa akin, pilit akong pinapalakas ang loob. "Okay lang 'yan, Adi. Nakakasigurado akong mabait 'yun si Prof. at tiyak akong 'di ka nun pahihirapan. Baka gusto lang niyang magpakilala nang maayos o bigyan ka ng extra pointers." Gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin kay Sierra na ang lalaking iyon ay hindi mabait. Siya ay isang bagyo na pumasok sa buhay ko at ngayon ay tila wawasak sa huling proteksyong mayroon ako. "I'm screwed. Patay ako nito," sabi ko sa isip ko. Walang lakas kong ibinagsak ang aking ulo sa libro kong nakapatong sa desk. Habang naririnig ko ang kanyang boses na nagdidiscuss ng anatomy, isa lang ang sigurado sa isip ko, ang anatomy ng aking buhay ay tuluyan nang nagulo, at si Professor Kaiden Thryce Rivera ang may hawak ng bawat piraso nito.Kinagabihan, imbes na umuwi ako sa dormitoryo, ay dumiretso ako sa aming probinsya. Ang bawat pag-ikot ng gulong ng bus ay tila humahatak sa akin pabalik sa realidad na mas masakit pa kaysa sa resulta ng aking pregnancy test.Umuwi ako ng bahay sapagkat wala namang pasok bukas dahil weekend na; umaasa na kahit papaano, sa gitna ng unos na ito, ay makakahanap ako ng kapayapaan sa piling ng pamilya.Ngunit pagbaba ko pa lang sa bus stop, ang pamilyar na bigat sa aking dibdib ay muling nagparamdam. Ang probinsya namin, na dapat sana ay simbolo ng katahimikan, ay tila isang malawak na kulungan para sa akin.Pagkarating ko ng bahay ay naabutan ko sina Mama at Papa na kumakain sa kusina kasama ang kapatid kong lalaki na si Devon. Ang amoy ng adobong niluluto ni Mama ay pumailanlang sa hangin—isang amoy na dati ay nagpapagutom sa akin, ngunit ngayon ay tila nagpapabaliktad ng aking sikmura.Dahan-dahan akong pumasok sa kusina. Nakasuot ako ng blue jeans
"Anything you want to say, Ms. Sandoval?"Ang tanong ni Propesor Rivera ay tila isang matalim na scalpel na humihiwa sa aking huling depensa. Ang boses niya ay walang bahid ng galit, ngunit ang lamig nito ay sapat na upang maging yelo ang dugo sa aking mga ugat.Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tagalan ang mapanuring titig ng kanyang mga mata sa likod ng salaming iyon. Bahagya akong yumuko, hinahayaan ang aking buhok na magsilbing tabing sa aking mukha na ngayon ay namumula sa tindi ng kaba at pagsisisi."Professor Rivera, I'm so sorry. I messed up," panimula ko, at sa sandaling binitiwan ko ang mga salitang iyon, ang pader na pilit kong itinatayo ay tuluyan nang gumuho.Nagsimulang pumatak ang aking mga luha, basang-basa ang aking mga pisngi. Ang bawat hikbi ay parang isang mabigat na pasanin na pilit kong inilalabas."Hindi ko dapat ginawa ang mga bagay na iyon... lalong lalo na sa taong hindi ko man lang kilala. I was desperate, I
Damn it! Sana talaga ay hindi ako makilala ni Propesor Rivera.Pagkatapos ng klase namin ay agad akong sumunod kay Prof. Rivera.Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kanyang opisina, tila bawat hakbang ko ay may kaakibat na tanikala. Ang ingay ng mga kapwa ko estudyante sa hallway ay nagiging malabong ugong na lamang sa aking pandinig. Ang tanging malinaw ay ang mabilis na kabog ng aking dibdib na tila gustong kumawala sa aking tadyang.Pinagpapawisan ang aking mga palad, at paulit-ulit kong pinupunasan ang aking puting bistida at sinusubukang pakalmahin ang sarili dahil ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.Pagkarating ko sa harap ng pintuan na may nakasulat na "PROF. KAIDEN THRYCE U. RIVERA – CLINICAL ANATOMY," tumigil ang mundo ko.Huminga ako nang malalim at pilit na iniisip na baka nagkakamali lang ako, na baka marami kaming magkakamukha sa mundo. Diba?Dahan-dahan at nanginginig na ang aking mga daliri, kumatok ako.
"Good morning, class," ang kanyang boses ay malalim, monotone, at sadyang nakakalunod. "I am Professor Kaiden Thryce Rivera. And I will be your instructor for Clinical Anatomy."Nanatiling nakapako ang aking paningin sa podium, ngunit ang aking isipan ay tila isang sirang plaka na pilit inuulit ang bawat detalye ng gabing iyon sa Temple Cove.Ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay tila isang dagok sa aking katinuan.Ang dating estranghero na naging kasama ko sa dilim ay ang mismong tao na ngayon ay may hawak ng aking academic future.Nagpatuloy lang si Professor Kaiden sa pagpapakilala ng kanyang sarili, ang kanyang bawat galaw ay puno ng kalkuladong eleganya."Wow, my goodness. Ang gwapo! Sobrang gwapo ni Prof. Rivera. Parang mahal ko na ata siya," bulong ni Ashiana sa katabi nitong si Divine.Ang kanilang mga mata ay naglalakbay sa matikas na pangangatawan ni Professor Kaiden, manghang-mangha sa perpektong hubog ng kanyang mukha sa likod ng wire-rimmed glasses na iyon.Nan
Kinaumagahan, sinalubong ako ng isang nakakabinging katahimikan at ang malupit na pintig sa aking sintido. Ang bawat tibok ng dugo sa aking ulo ay tila may kasamang pako na pilit ibinabaon sa aking bungo—isang malupit na paalala ng sobrang kalasingan ko kagabi.Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata, ngunit agad din itong nasingkit dahil sa sikat ng araw na pilit sumisilip sa siwang ng makakapal na kurtina ng kwartong ito."Fuck!" bulong ko sa aking isipan.Unti-unting nagbalik ang mga alaala ko kagabi. Isang gabing puno ng alab, ng pagkasabik, at ng isang desisyong hindi ko pinag-isipan.Oh my goodness, ano ang ginawa ko kagabi?Dali-dali kong tinignan ang aking sarili sa ilalim ng kumot. Ang puso ko ay tila sasabog na sa kaba nang makitang wala akong kahit anong saplot.Fuck! I am still naked.Dahan-dahan kong nilingon ang kabilang bahagi ng kama. Natutulog pa rin ang lalaking nakasama ko kagabi. Kahit sa ilalim ng dim lights, bakas pa rin ang perpekto niyang mukha—ang matango
Narito ako ngayon sa isang sikat na bar ng Temple Cove—ang bar na naging saksi ng mga luha at matinding sakit na nararamdaman ko ngayon.Sa ilalim ng naglalakihang salamin sa kisame na nagpapakita ng madilim na langit at ang tila walang katapusang mga ilaw ng nagtatayugang gusali sa labas, pakiramdam ko ay tila nakalutang ako sa gitna ng kawalan. Pinalilibutan ako ng marangyang katahimikan ng mga dingding na yari sa madilim at makintab na kahoy. Ang malaking karatula ng Temple Cove sa gitna ay nagbibigay ng maputla at misteryosong liwanag, habang ang mga lantiyang papel at amber na ilaw sa ilalim ng bar ay nagpapakita ng bawat patak ng alak na unti-unting nauubos sa aking baso.Mula sa aking kinauupuan sa mataas na upuang kulay itim , tanaw ko sa dambuhalang bintana ang buong siyudad—isang magandang tanawin na kabaligtaran ng gulo, ingay, at pagkawasak sa loob ng aking dibdib.Mag-isa. Lugmok sa kalasingan. Durog. At higit sa lahat, sawi sa pag-ibig na sa loob ng ilang taon kong pinah







