เข้าสู่ระบบDamn it! Sana talaga ay hindi ako makilala ni Propesor Rivera.
Pagkatapos ng klase namin ay agad akong sumunod kay Prof. Rivera. Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kanyang opisina, tila bawat hakbang ko ay may kaakibat na tanikala. Ang ingay ng mga kapwa ko estudyante sa hallway ay nagiging malabong ugong na lamang sa aking pandinig. Ang tanging malinaw ay ang mabilis na kabog ng aking dibdib na tila gustong kumawala sa aking tadyang. Pinagpapawisan ang aking mga palad, at paulit-ulit kong pinupunasan ang aking puting bistida at sinusubukang pakalmahin ang sarili dahil ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Pagkarating ko sa harap ng pintuan na may nakasulat na "PROF. KAIDEN THRYCE U. RIVERA – CLINICAL ANATOMY," tumigil ang mundo ko. Huminga ako nang malalim at pilit na iniisip na baka nagkakamali lang ako, na baka marami kaming magkakamukha sa mundo. Diba? Dahan-dahan at nanginginig na ang aking mga daliri, kumatok ako. Tok. Tok. Tok. "Okay, come in," ang mautoridad at malalim na boses na iyon ay umalingawngaw mula sa loob. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura. Ang amoy ng sandalwood at bagong giling na kape ay agad na bumalot sa aking pang-amoy—isang pamilyar na halimuyak na nagpabalik sa akin sa mga bisig ng lalaking nakasama ko sa Temple Cove. Nakita ko siyang nakaupo sa kanyang swivel chair. Mukha siyang pagod ngunit napakapropesyonal pa rin, habang umiinom ng tubig mula sa kanyang itim na tumbler. Ang kanyang salamin ay bahagyang nakababa sa kanyang ilong, at ang kanyang mga mata ay nakatitig sa mga dokumentong nasa kanyang mesa. "P-Professor Rivera," pabulong kong bati habang nakayuko. Hindi ko kayang itingin ang aking mga mata sa kanya. Pakiramdam ko ay makikita niya ang bawat kasalanang ginawa ko sa loob lang ng isang sulyap. Ibinaba niya ang kanyang tumbler at itinuon ang kanyang buong atensyon sa akin. Ang titig niya ay tila isang laser na sumusuri sa bawat himaymay ng aking pagkatao. "Go ahead, Ms. Sandoval," simula niya, ang tono ay malamig at walang bahid ng emosyon. "Sabihin mo sa akin kung bakit parang wala ka sa sarili at kung bakit malalim ang iniisip mo kanina sa aking klase?" Napakapit ako nang mahigpit sa strap ng aking bag. Nauutal at kinakabahan, pilit kong hinanap ang aking boses. "Hmm... O-Okay lang po ako, Prof. H-hindi po kasi ako nakatulog nang maayos kagabi. Pasensya na po at sa susunod hindi ko na uulitin." Tumayo siya mula sa kanyang upuan. Ang kanyang tangkad ay lalong nagpaliit sa akin sa loob ng silid na iyon. "Tiyakin mo iyan, Ms. Sandoval, dahil sa kursong ito, ang pagpikit ng mata sa maling sandali ay maaaring mangahulugan ng buhay ng pasyente. I want you to focus, Ms. Sandoval. Wala nang susunod." Lumakad siya patungo sa gilid ng kanyang mesa kung saan nakalatag ang ilang tasa ng kape at isang coffee maker. Kumuha siya ng isang cup at tahimik na nagsalin ng kape at asukal. Ang bawat galaw niya ay kalkulado, parang isang surgeon na naghahanda para sa operasyon. "Kakabalik ko lang galing sa ibang bansa," pagpapatuloy niya habang nagsasalin ng mainit na tubig mula sa heater. Ang usok ng kape ay pumaitaas, bumabalot sa pagitan naming dalawa. "Hindi ko pa masyadong kabisado ang pamamaraan ng pagtuturo rito. If you find my teaching so dull, o hindi mo gusto ang pamamaraan ko, magsabi ka lang." Doon niya ako binalingan at, sa kauna-unahang pagkakataon, isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Isang ngiti na hindi umabot sa kanyang mga mata, ngunit sapat na para manghina ang aking mga tuhod. Ayan na naman! His fucking smiles na nakakalunod. Naiilang ako at hindi makatingin nang diretso. "H-hindi po, Prof. Sa katunayan nga niyan, you're a great teacher. Marami po kaming natututunan." Tumayo siya nang tuwid at inabot sa akin ang cup ng kape. "Okay, great. Another professor gave this to me. Sigurado akong ikaw rin ay mahilig sa kape, lalo na't kailangan mo ng pampagising dahil sa puyat mo." Nag-aalinlangan kong tinanggap ang tasa ng kape. Ang init nito ay lumipat sa aking mga palad. "Thank you, Professor Rivera." Uminom ako ng kaunti, hinahayaan ang mapait na lasa ng kape ang gumising sa aking natutulog na katinuan. Sa loob-loob ko, bahagya akong nakahinga nang maluwag. It seems like hindi niya ako nakilala. Salamat sa Diyos. Ngunit ang katahimikan ay muling bumasag sa aking panandaliang kapayapaan. "Nagkita na ba tayo?" tanong niya bigla, ang boses ay naging mas seryoso. "Was that you that night?" Sa gulat ko ay nabulunan ako sa iniinom na kape. Muntikan ko na itong maibuga nang diretso sa kanyang mukha, mabuti na lang at mabilis akong nakayuko. Napausok ang aking lalamunan at hindi ako makahinga nang maayos sa tindi ng ubo. Agad siyang lumapit at inabutan ako ng tissue. Tinanggap ko ito nang nanginginig at dali-daling pinunasan ang aking mga labi at ang ilang patak ng kape na tumalsik sa aking damit. "Hindi... hindi po ako iyon, Prof!" mabilis kong depensa, ang boses ay mataas dahil sa panic. Natigil ako nang mapagtanto kong nadulas na pala ang aking dila. Masyado akong mabilis tumanggi na tila isang kriminal na agad umamin sa kasalanang ginawa bago pa man tanungin. Bahagyang natawa si Propesor Rivera, isang tunog na mas lalong nagpakaba sa akin. "I didn't even mention about that night, Ms. Sandoval. Ni hindi ko nga sinabi kung aling gabi at kung ano ang nangyari. Bakit ganoon na lamang ang reaksyon mo?" Natulala ako. Ang puso ko ay parang tambol na hindi tumitigil sa pagpalo. "I... I don't know what you're talking about, Prof. I thought you were referring to some... gala or school event. I assumed I wasn't there, kaya I denied it." Huminga ako nang malalim, pilit na ibinabalik ang aking composure, pero huli na. Dahan-dahang umurong si Propesor Kaiden Rivera patungo sa akin. Sa bawat hakbang niya, dahan-dahan din akong umaatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likuran. What is he going to do? Patay! Lupa, lamunin mo na ako ngayon din! Hindi siya tumigil hanggang sa maging ilang pulgada na lang ang distansya namin. Amoy na amoy ko na ang bango niya—ang amoy ng gabing pilit kong kinakalimutan. Bigla niyang hinablot ang aking kaliwang braso. Hindi ito masakit, pero sapat na upang hindi ako makagalaw. Tinitigan niya ang aking kamay nang may matinding pagsusuri. "If I remember correctly," bulong niya, ang boses ay malamig at puno ng kasiguruhan. "May scars ka sa iyong kamay, tama?" Dahan-dahan niyang binuksan ang aking palad at itinuon ang kanyang tingin sa aking gitnang daliri. Doon, nakatago ang maliliit na peklat—mga peklat na nakuha ko noong bata pa ako, na tanging ang taong nakahawak nang husto sa aking kamay ang makakapansin. Ang kanyang malamig na titig ay muling bumalik sa aking mga mata. "Anything you want to say, Ms. Sandoval?" Sa sandaling iyon, alam kong wala na akong matatakbuhan. Ang aking lihim ay tuluyan nang nalantad sa harap ng taong huli kong gustong makaalam nito. The heck! Aurora!Kinagabihan, imbes na umuwi ako sa dormitoryo, ay dumiretso ako sa aming probinsya. Ang bawat pag-ikot ng gulong ng bus ay tila humahatak sa akin pabalik sa realidad na mas masakit pa kaysa sa resulta ng aking pregnancy test.Umuwi ako ng bahay sapagkat wala namang pasok bukas dahil weekend na; umaasa na kahit papaano, sa gitna ng unos na ito, ay makakahanap ako ng kapayapaan sa piling ng pamilya.Ngunit pagbaba ko pa lang sa bus stop, ang pamilyar na bigat sa aking dibdib ay muling nagparamdam. Ang probinsya namin, na dapat sana ay simbolo ng katahimikan, ay tila isang malawak na kulungan para sa akin.Pagkarating ko ng bahay ay naabutan ko sina Mama at Papa na kumakain sa kusina kasama ang kapatid kong lalaki na si Devon. Ang amoy ng adobong niluluto ni Mama ay pumailanlang sa hangin—isang amoy na dati ay nagpapagutom sa akin, ngunit ngayon ay tila nagpapabaliktad ng aking sikmura.Dahan-dahan akong pumasok sa kusina. Nakasuot ako ng blue jeans
"Anything you want to say, Ms. Sandoval?"Ang tanong ni Propesor Rivera ay tila isang matalim na scalpel na humihiwa sa aking huling depensa. Ang boses niya ay walang bahid ng galit, ngunit ang lamig nito ay sapat na upang maging yelo ang dugo sa aking mga ugat.Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tagalan ang mapanuring titig ng kanyang mga mata sa likod ng salaming iyon. Bahagya akong yumuko, hinahayaan ang aking buhok na magsilbing tabing sa aking mukha na ngayon ay namumula sa tindi ng kaba at pagsisisi."Professor Rivera, I'm so sorry. I messed up," panimula ko, at sa sandaling binitiwan ko ang mga salitang iyon, ang pader na pilit kong itinatayo ay tuluyan nang gumuho.Nagsimulang pumatak ang aking mga luha, basang-basa ang aking mga pisngi. Ang bawat hikbi ay parang isang mabigat na pasanin na pilit kong inilalabas."Hindi ko dapat ginawa ang mga bagay na iyon... lalong lalo na sa taong hindi ko man lang kilala. I was desperate, I
Damn it! Sana talaga ay hindi ako makilala ni Propesor Rivera.Pagkatapos ng klase namin ay agad akong sumunod kay Prof. Rivera.Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kanyang opisina, tila bawat hakbang ko ay may kaakibat na tanikala. Ang ingay ng mga kapwa ko estudyante sa hallway ay nagiging malabong ugong na lamang sa aking pandinig. Ang tanging malinaw ay ang mabilis na kabog ng aking dibdib na tila gustong kumawala sa aking tadyang.Pinagpapawisan ang aking mga palad, at paulit-ulit kong pinupunasan ang aking puting bistida at sinusubukang pakalmahin ang sarili dahil ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.Pagkarating ko sa harap ng pintuan na may nakasulat na "PROF. KAIDEN THRYCE U. RIVERA – CLINICAL ANATOMY," tumigil ang mundo ko.Huminga ako nang malalim at pilit na iniisip na baka nagkakamali lang ako, na baka marami kaming magkakamukha sa mundo. Diba?Dahan-dahan at nanginginig na ang aking mga daliri, kumatok ako.
"Good morning, class," ang kanyang boses ay malalim, monotone, at sadyang nakakalunod. "I am Professor Kaiden Thryce Rivera. And I will be your instructor for Clinical Anatomy."Nanatiling nakapako ang aking paningin sa podium, ngunit ang aking isipan ay tila isang sirang plaka na pilit inuulit ang bawat detalye ng gabing iyon sa Temple Cove.Ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay tila isang dagok sa aking katinuan.Ang dating estranghero na naging kasama ko sa dilim ay ang mismong tao na ngayon ay may hawak ng aking academic future.Nagpatuloy lang si Professor Kaiden sa pagpapakilala ng kanyang sarili, ang kanyang bawat galaw ay puno ng kalkuladong eleganya."Wow, my goodness. Ang gwapo! Sobrang gwapo ni Prof. Rivera. Parang mahal ko na ata siya," bulong ni Ashiana sa katabi nitong si Divine.Ang kanilang mga mata ay naglalakbay sa matikas na pangangatawan ni Professor Kaiden, manghang-mangha sa perpektong hubog ng kanyang mukha sa likod ng wire-rimmed glasses na iyon.Nan
Kinaumagahan, sinalubong ako ng isang nakakabinging katahimikan at ang malupit na pintig sa aking sintido. Ang bawat tibok ng dugo sa aking ulo ay tila may kasamang pako na pilit ibinabaon sa aking bungo—isang malupit na paalala ng sobrang kalasingan ko kagabi.Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata, ngunit agad din itong nasingkit dahil sa sikat ng araw na pilit sumisilip sa siwang ng makakapal na kurtina ng kwartong ito."Fuck!" bulong ko sa aking isipan.Unti-unting nagbalik ang mga alaala ko kagabi. Isang gabing puno ng alab, ng pagkasabik, at ng isang desisyong hindi ko pinag-isipan.Oh my goodness, ano ang ginawa ko kagabi?Dali-dali kong tinignan ang aking sarili sa ilalim ng kumot. Ang puso ko ay tila sasabog na sa kaba nang makitang wala akong kahit anong saplot.Fuck! I am still naked.Dahan-dahan kong nilingon ang kabilang bahagi ng kama. Natutulog pa rin ang lalaking nakasama ko kagabi. Kahit sa ilalim ng dim lights, bakas pa rin ang perpekto niyang mukha—ang matango
Narito ako ngayon sa isang sikat na bar ng Temple Cove—ang bar na naging saksi ng mga luha at matinding sakit na nararamdaman ko ngayon.Sa ilalim ng naglalakihang salamin sa kisame na nagpapakita ng madilim na langit at ang tila walang katapusang mga ilaw ng nagtatayugang gusali sa labas, pakiramdam ko ay tila nakalutang ako sa gitna ng kawalan. Pinalilibutan ako ng marangyang katahimikan ng mga dingding na yari sa madilim at makintab na kahoy. Ang malaking karatula ng Temple Cove sa gitna ay nagbibigay ng maputla at misteryosong liwanag, habang ang mga lantiyang papel at amber na ilaw sa ilalim ng bar ay nagpapakita ng bawat patak ng alak na unti-unting nauubos sa aking baso.Mula sa aking kinauupuan sa mataas na upuang kulay itim , tanaw ko sa dambuhalang bintana ang buong siyudad—isang magandang tanawin na kabaligtaran ng gulo, ingay, at pagkawasak sa loob ng aking dibdib.Mag-isa. Lugmok sa kalasingan. Durog. At higit sa lahat, sawi sa pag-ibig na sa loob ng ilang taon kong pinah







