แชร์

Chapter 5 - I’m Pregnant

ผู้เขียน: marxiewrites
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-25 00:00:00

"Anything you want to say, Ms. Sandoval?"

Ang tanong ni Propesor Rivera ay tila isang matalim na scalpel na humihiwa sa aking huling depensa. Ang boses niya ay walang bahid ng galit, ngunit ang lamig nito ay sapat na upang maging yelo ang dugo sa aking mga ugat.

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tagalan ang mapanuring titig ng kanyang mga mata sa likod ng salaming iyon. Bahagya akong yumuko, hinahayaan ang aking buhok na magsilbing tabing sa aking mukha na ngayon ay namumula sa tindi ng kaba at pagsisisi.

"Professor Rivera, I'm so sorry. I messed up," panimula ko, at sa sandaling binitiwan ko ang mga salitang iyon, ang pader na pilit kong itinatayo ay tuluyan nang gumuho.

Nagsimulang pumatak ang aking mga luha, basang-basa ang aking mga pisngi. Ang bawat hikbi ay parang isang mabigat na pasanin na pilit kong inilalabas.

"Hindi ko dapat ginawa ang mga bagay na iyon... lalong lalo na sa taong hindi ko man lang kilala. I was desperate, I was hurt, and I was drunk... but that's not an excuse."

Tumigil ang mundo ko nang mapansin kong tinitigan ako ni Prof. Rivera. Ang kanyang mga mata, na kanina ay malamig at tila walang pakialam, ay bahagyang lumambot. May bakas ng pag-aalala, marahil ay pagkalito, sa kung paano ako mag-react. Ngunit sa halip na maghintay ng kanyang hatol, pinilit kong patatagin ang aking sarili.

Tumingin ako nang diretso sa kanyang mga mata, kahit pa malabo ang aking paningin dahil sa luha.

"Prof., pakiusap... just pretend na walang nangyari sa atin. Kalimutan na natin ang gabing iyon. Sisiguraduhin kong hinding-hindi na mauulit ang mga nangyari! I will be the best student you've ever had, just please... don't let this ruin everything."

Bago pa man siya makabigkas ng kahit isang salita, bago pa man niya mahawakan ang aking braso o muling magsalita sa kanyang mautoridad na tono, ay dinala na ako ng aking mga paa papalayo.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng kanyang opisina, hindi pinapansin ang mga estudyanteng nakatingin sa akin sa hallway. Iniwan ko si Propesor Kaiden Thryce Rivera na nakatayo lang doon, tila nabigla sa aking biglaang pag-alis.

Ang bawat hakbang ko palayo sa Alfonso Medical School ay puno ng bigat. Ang hangin ay tila nanunuyo sa aking lalamunan, at ang ingay ng siyudad ay nagiging isang malabong ugong na lamang.

Dumiretso ako sa The Revelry Café, ang aking munting kanlungan at takbuhan sa iisang pagkakataon. Isa itong sikat na coffee shop kung saan ako nagtatrabaho bilang part-time bartender para tustusan ang aking matrikula at ang mga pangangailangan ng pamilya ko.

Pagkarating ko ay agad akong pumasok sa staff room. Ang pamilyar na amoy ng giling na kape at asukal ay hindi nakatulong upang pakalmahin ako.

Nagpalit ako ng suot—isang malinis na puting blouse na ipinares sa isang itim na apron. Sa harap ng salamin, tinignan ko ang aking sarili. Maputla. Tuyot ang mga labi. At ang mga mata ay namumula pa rin.

"Kaya mo 'to, Aurora," bulong ko sa sarili ko bago lumabas sa counter.

Habang nagtitimpla ako ng kape para sa isang customer, ang aking isipan ay tila isang bagyong hindi humuhupa.

Nalaman din ni Professor Rivera na ako yung babaeng nakasama niya sa gabing iyon. Oh, fuck! Paano na ito ngayon? Ang bawat paggalaw ng aking mga kamay ay mekanikal.

What if my parents find out? Sigurado akong babalian ako ng mga buto n'on. Ang tanging pangarap nila para sa akin ay ang magpadala ng pera, at ang pangarap ko para sa sarili ko ay ang maging doktor. Paano kung mawala lahat 'yun?

"Adi."

Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Sierra. Nakatayo siya sa gilid ko, may hawak na tray, at ang kanyang mga mata ay nanunuot sa aking katauhan.

"Ano?" maikli kong sagot, pilit na itinatago ang aking pagkalutang.

"Napansin ko lang lately, aside sa palagi ka na lang lutang at tulala... Adi, bakit ang putla-putla mo ngayon? Masama ba ang pakiramdam mo? May sakit ka ba?" usisa niya. Ang kanyang tinig ay puno ng tunay na pag-aalala, ang uri ng pag-aalala na mahirap iwasan.

Umiling ako nang mabilis at pinilit ang isang ngiti.

"Ayos lang ako, Sis. No worries, I'll be fine. Kulang lang siguro sa tulog at sobrang pag-aaral para sa Anatomy."

Sierra sighed, but she didn't look convinced.

"Adi, naiintindihan ko yung sitwasyon mo. Araw-araw kang pumapasok sa school, nakikipagbakbakan sa mga komplikadong lessons, tapos after ay diretso ka na rito para magtrabaho. Since freshman year, ganito na talaga ang ginagawa mo. Alam mong wala ka nang sapat na panahon para mag-aral sa gabi dahil sa pagod, pero kahit ganoon... ikaw pa rin ang nangunguna sa klase natin. Kaya nga I really admire you, Adi. You're my idol, you know."

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. "Wala naman akong choice, Sis. Alam mo naman, 'di ba? Kailangan kong kumayod para kumita ng pera. Hindi sapat ang scholarship para sa mga gastusin ko sa araw-araw at para na rin sa pamilya ko sa probinsya."

Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng kape, inilalagay ito sa isang bote na katulad ng sa mga milk tea bago ko ito tinakpan nang mahigpit.

"Alam mo, Adi? Hindi ako makapaniwalang ginaganyan ka ng mga magulang mo," patuloy ni Sierra, ang tono ay naging dismayado at puno ng galit para sa akin. "I mean, pinapabayaan ka nila. Imbes na ikaw ang suportahan nila dahil ikaw ang masipag at may pangarap, hinahayaan nilang ikaw ang magkandarapa sa trabaho. At ang mas masakit? Ang perang pinaghihirapan mo, hinahayaan nilang lustayin ng wala mong kwentang kapatid na lalaki. Siya yung lalaki na dapat sana ay tumutulong, pero—"

Natahimik ako. Ang bawat salita ni Sierra ay parang sampal ng katotohanan na pilit kong iniiwasan. Masakit marinig ang realidad ng buhay ko mula sa ibang tao.

"Pasensya ka na, Adi," huminahon si Sierra nang mapansin ang aking pananahimik. "Hindi ko lang talaga matanggap ang kawalang-hiyaan nila sa'yo. I—I didn't mean to overstep."

Kumuha ako ng straw sa lagayan at iniabot iyon sa kanya kasama ang kape. "Sis, okay lang 'yon. Sanay na ako. Oh, heto na ang kape mo. Inumin mo na bago lumamig."

Ngumiti si Sierra at tinanggap ang kape. "Thank you, Adi. Magpahinga ka naman pag may oras, ha?"

Paalis na sana siya nang bigla akong makaramdam ng isang matinding pagbaliktad ng sikmura. Hindi ko ito mapigilan. Ang amoy ng kape na dati ay paborito ko ay biglang naging dahilan ng aking pagsusuka. Mabilis akong tumalikod at napahawak sa lababo, pilit na inilalabas ang wala namang laman kong tiyan.

"Adi! Anong nangyayari? May problema ba? May sakit ka ba talaga?" nagmamadaling lumapit sa akin si Sierra, hinahaplos ang aking likod.

Umiling ako, nanghihina. Huminga ako nang malalim, sinusubukang pakalmahin ang nagwawalang sistema ng aking katawan. "Hindi ko rin alam, Sis. Pero bigla na lang akong nasusuka na para bang... na para bang may mali."

Isang nakakatakot na hinala ang pumasok sa aking isipan. Isang hinala na pilit kong itinutulak palayo sa loob ng ilang linggo. Ang pagkahilo tuwing umaga, ang pagiging sensitibo sa amoy, ang pagka-delay ng aking regla na inakala ko ay dahil lang sa stress ng med school.

Am I... could I be?

Hindi ko na hinintay na makasagot pa si Sierra. Agad akong kumuha ng bag at nagmamadaling lumabas ng coffee shop. Naririnig ko ang pagsigaw ni Sierra sa likod ko, tinatanong kung saan ako pupunta, pero tila nabingi na ako. Ang tanging naririnig ko ay ang mabilis na tibok ng aking puso.

Tumakbo ako patungo sa pinakamalapit na botika. Sa bawat hakbang, ang dasal ko ay sana ay mali ako. Pagkarating ko sa counter, nanginginig ang aking boses habang humihingi ng pregnancy test. Pagkakuha ng gamit, naghanap ako ng pinakamalapit na restroom.

Pumasok ako sa isang cubicle at nanginginig na nilabas ang kit. "Lord, pakiusap. Tulungan mo ako. Heaven, please. Fingers crossed... please, ayaw ko pang mabuntis. Dalawampu't isang taon pa lang ako. May mga pangarap ako. I can't be a mother now. Please don't do this to me," pabulong kong pagsusumamo habang isinasagawa ang test.

Ang limang minuto ng paghihintay ay tila naging limang taon. Nakaupo lang ako sa saradong inidoro, nakapikit, at pilit na pinapakalma ang aking paghinga. Nang sa wakas ay dumating ang oras, dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata upang tignan ang maliit na plastik na hawak ko.

Tinitigan ko ang resulta. Nanigas ang buong katawan ko.

Two lines.

Malinaw. Mapula. Hindi matatawaran.

"Positive... buntis ako!" Halos mawalan ako ng lakas. Ang plastik ay nalaglag mula sa aking kamay at gumulong sa sahig ng banyo.

Ang lahat ng plano ko, ang pagiging cardiac surgeon, ang pag-ahon sa hirap, lahat ng pinaghirapan ko ay tila gumuho sa harap ng dalawang guhit na iyon.

"Oh, crap! Patay... I'm totally screwed."

Ang aking boses ay naglaho sa isang hikbi, habang ang mundo ko ay tuluyan nang dumilim. Sa loob ng isang sandali, alam kong ang buhay na sinimulan ko ay hinding-hindi na magiging katulad ng dati. Ang ama ng dinadala ko ay ang lalaking kailangan kong harapin araw-araw sa klase—ang aking propesor.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Secretly Married to My Professor   Chapter 6 - My Family

    Kinagabihan, imbes na umuwi ako sa dormitoryo, ay dumiretso ako sa aming probinsya. Ang bawat pag-ikot ng gulong ng bus ay tila humahatak sa akin pabalik sa realidad na mas masakit pa kaysa sa resulta ng aking pregnancy test.Umuwi ako ng bahay sapagkat wala namang pasok bukas dahil weekend na; umaasa na kahit papaano, sa gitna ng unos na ito, ay makakahanap ako ng kapayapaan sa piling ng pamilya.Ngunit pagbaba ko pa lang sa bus stop, ang pamilyar na bigat sa aking dibdib ay muling nagparamdam. Ang probinsya namin, na dapat sana ay simbolo ng katahimikan, ay tila isang malawak na kulungan para sa akin.Pagkarating ko ng bahay ay naabutan ko sina Mama at Papa na kumakain sa kusina kasama ang kapatid kong lalaki na si Devon. Ang amoy ng adobong niluluto ni Mama ay pumailanlang sa hangin—isang amoy na dati ay nagpapagutom sa akin, ngunit ngayon ay tila nagpapabaliktad ng aking sikmura.Dahan-dahan akong pumasok sa kusina. Nakasuot ako ng blue jeans

  • Secretly Married to My Professor   Chapter 5 - I’m Pregnant

    "Anything you want to say, Ms. Sandoval?"Ang tanong ni Propesor Rivera ay tila isang matalim na scalpel na humihiwa sa aking huling depensa. Ang boses niya ay walang bahid ng galit, ngunit ang lamig nito ay sapat na upang maging yelo ang dugo sa aking mga ugat.Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tagalan ang mapanuring titig ng kanyang mga mata sa likod ng salaming iyon. Bahagya akong yumuko, hinahayaan ang aking buhok na magsilbing tabing sa aking mukha na ngayon ay namumula sa tindi ng kaba at pagsisisi."Professor Rivera, I'm so sorry. I messed up," panimula ko, at sa sandaling binitiwan ko ang mga salitang iyon, ang pader na pilit kong itinatayo ay tuluyan nang gumuho.Nagsimulang pumatak ang aking mga luha, basang-basa ang aking mga pisngi. Ang bawat hikbi ay parang isang mabigat na pasanin na pilit kong inilalabas."Hindi ko dapat ginawa ang mga bagay na iyon... lalong lalo na sa taong hindi ko man lang kilala. I was desperate, I

  • Secretly Married to My Professor   Chapter 4 - Scars on My Finger

    Damn it! Sana talaga ay hindi ako makilala ni Propesor Rivera.Pagkatapos ng klase namin ay agad akong sumunod kay Prof. Rivera.Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kanyang opisina, tila bawat hakbang ko ay may kaakibat na tanikala. Ang ingay ng mga kapwa ko estudyante sa hallway ay nagiging malabong ugong na lamang sa aking pandinig. Ang tanging malinaw ay ang mabilis na kabog ng aking dibdib na tila gustong kumawala sa aking tadyang.Pinagpapawisan ang aking mga palad, at paulit-ulit kong pinupunasan ang aking puting bistida at sinusubukang pakalmahin ang sarili dahil ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.Pagkarating ko sa harap ng pintuan na may nakasulat na "PROF. KAIDEN THRYCE U. RIVERA – CLINICAL ANATOMY," tumigil ang mundo ko.Huminga ako nang malalim at pilit na iniisip na baka nagkakamali lang ako, na baka marami kaming magkakamukha sa mundo. Diba?Dahan-dahan at nanginginig na ang aking mga daliri, kumatok ako.

  • Secretly Married to My Professor   Chapter 3 - Spacing Out

    "Good morning, class," ang kanyang boses ay malalim, monotone, at sadyang nakakalunod. "I am Professor Kaiden Thryce Rivera. And I will be your instructor for Clinical Anatomy."Nanatiling nakapako ang aking paningin sa podium, ngunit ang aking isipan ay tila isang sirang plaka na pilit inuulit ang bawat detalye ng gabing iyon sa Temple Cove.Ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay tila isang dagok sa aking katinuan.Ang dating estranghero na naging kasama ko sa dilim ay ang mismong tao na ngayon ay may hawak ng aking academic future.Nagpatuloy lang si Professor Kaiden sa pagpapakilala ng kanyang sarili, ang kanyang bawat galaw ay puno ng kalkuladong eleganya."Wow, my goodness. Ang gwapo! Sobrang gwapo ni Prof. Rivera. Parang mahal ko na ata siya," bulong ni Ashiana sa katabi nitong si Divine.Ang kanilang mga mata ay naglalakbay sa matikas na pangangatawan ni Professor Kaiden, manghang-mangha sa perpektong hubog ng kanyang mukha sa likod ng wire-rimmed glasses na iyon.Nan

  • Secretly Married to My Professor   Chapter 2 - It’s Him

    Kinaumagahan, sinalubong ako ng isang nakakabinging katahimikan at ang malupit na pintig sa aking sintido. Ang bawat tibok ng dugo sa aking ulo ay tila may kasamang pako na pilit ibinabaon sa aking bungo—isang malupit na paalala ng sobrang kalasingan ko kagabi.Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata, ngunit agad din itong nasingkit dahil sa sikat ng araw na pilit sumisilip sa siwang ng makakapal na kurtina ng kwartong ito."Fuck!" bulong ko sa aking isipan.Unti-unting nagbalik ang mga alaala ko kagabi. Isang gabing puno ng alab, ng pagkasabik, at ng isang desisyong hindi ko pinag-isipan.Oh my goodness, ano ang ginawa ko kagabi?Dali-dali kong tinignan ang aking sarili sa ilalim ng kumot. Ang puso ko ay tila sasabog na sa kaba nang makitang wala akong kahit anong saplot.Fuck! I am still naked.Dahan-dahan kong nilingon ang kabilang bahagi ng kama. Natutulog pa rin ang lalaking nakasama ko kagabi. Kahit sa ilalim ng dim lights, bakas pa rin ang perpekto niyang mukha—ang matango

  • Secretly Married to My Professor   Chapter 1 - One Night Stand

    Narito ako ngayon sa isang sikat na bar ng Temple Cove—ang bar na naging saksi ng mga luha at matinding sakit na nararamdaman ko ngayon.Sa ilalim ng naglalakihang salamin sa kisame na nagpapakita ng madilim na langit at ang tila walang katapusang mga ilaw ng nagtatayugang gusali sa labas, pakiramdam ko ay tila nakalutang ako sa gitna ng kawalan. Pinalilibutan ako ng marangyang katahimikan ng mga dingding na yari sa madilim at makintab na kahoy. Ang malaking karatula ng Temple Cove sa gitna ay nagbibigay ng maputla at misteryosong liwanag, habang ang mga lantiyang papel at amber na ilaw sa ilalim ng bar ay nagpapakita ng bawat patak ng alak na unti-unting nauubos sa aking baso.Mula sa aking kinauupuan sa mataas na upuang kulay itim , tanaw ko sa dambuhalang bintana ang buong siyudad—isang magandang tanawin na kabaligtaran ng gulo, ingay, at pagkawasak sa loob ng aking dibdib.Mag-isa. Lugmok sa kalasingan. Durog. At higit sa lahat, sawi sa pag-ibig na sa loob ng ilang taon kong pinah

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status