ログインXavier IglesiasMatapos kong mag-impake ng mga gamit ko ay agad na rin akong lumabas ng kwarto namin ni Naya. Natigil ako sa pagbaba nang matanaw ko mula sa living room si Mattias na abalang nakikipag-usap kina Ares at Vince.Nang tuluyan na akong makarating sa ibaba ay agad akong sinalubong ni Dante at kinuha ang maletang hawak ko. Hindi nagtagal ay napukol ang tingin ko sa vault room kung saan ay nandoon si Lola Erlita at ang ilang sa mga tauhan namin.She's handling them some important things that I need to take with me for my departure."You are really doing this, aren't you?" Maya-maya'y tanong sa akin ni Mom nang lumapit siya sa akin. "Sigurado ka na ba sa plano mong 'to? Hindi naman sa wala akong tiwala sa gagawin mo, I always trust you and your plan. Pero kailangan ba talagang umalis ka? There are still things that you need to fix in here. How about Naya?"Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ko sa sinabi niyang iyon. Kasabay ng pagngiti ko sa kanya ay inakbayan ko s
Mattias Avila"Serafina Nevado. Twenty-two years old. Medicine student." Basa ko sa mga impormasyon tungkol sa bagong pasok na katulong sa loob ng mansiyon. Tumigil ako sa paglalakad at nag-angat ako ng tingin sa kanya mula sa hawak kong tablet. "Suspendido ka dahil nanaksak ka ng kaklase mo at binali mo ang paa ng kaibigan niya." Umangat ang dulo ng labi niya at sinalubong ang mga titig ko. "Yes!" mabilis niyang tugon. "Bakit hindi ko naman gagawin 'yon? Dinipensahan ko lang naman ang sarili ko mula sa kanila dahil may balak silang masama sa 'kin."Tumango lamang ako at muli ay naglakad patungo sa kanyang likuran. Muli ay ibinaba ko ang tingin ko sa hawak kong tablet at binasa ang ilan pang impormasyon tungkol sa kanya. "Wala kang mga magulang. Walong taon ka pa lamang ay namatay na ang mga magulang mo dahil sa car accident," pagpapatuloy ko. "Sa edad na walo ay kinuha ka ng tiyahin mo papuntang probinsya at siya mismo ang nagpalaki sa 'yo."Hindi kalaunan ay in-off ko ang tablet.
Naya Diaz"Gusto kang dukutin nina Neri at Verena. They want to take you away from Xavier. Gusto nilang ilayo ka sa lahat ng hindi parte ng pamilya ninyo. Gusto nilang magsimula kayong muli bilang pamilya na hindi na kasama ang mga taong nasa paligid ninyo ngayon."Napahilamos ako sa mukha ko nang marinig ko ang pahayag na iyon ni Iris. Sa katunayan, dumaan na ang isang oras pagkatapos ang pag-uusap naming iyon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga narinig ko mula sa kanya.Bukod pa roon ay ganoon din ang naging reaksiyon ko sa ilan pang mga impormasyong ibinigay ni Ruan tungkol sa kanila."Pagkatapos ka nilang makuha, balak nilang tugisin ang grupo ng mga Iglesias. Meron silang inatasang tao sa loob ng mansiyon at 'yon ang nagtitiktik sa kanila tungkol sa mga ikinikilos ni Xavier at ng buong pamilya niya. There's going to be a war between Iglesias and your family—and it's not going to be good."Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ko habang nakatu
Third Person's POVHindi lamang ang kanyang mga tauhan kundi pati na rin ang halos lahat ng miyembro ng pamilya Iglesias na nandoon sa loob ng mansiyon ay hindi makaimik sa mga sandaling iyon.Prente lamang silang nakatayo sa kanilang puwesto habang pinagmamasdan si Xavier sa pagwawala nito. Ang iba sa kanila ay napapapikit at napapaatras na lamang habang panay ang paghagis niya ng mga babasaging bagay.Nagkalat ang mga basag na gamit at nagkalat din ang mga lamesang nagtumbahan. Ngunit sa puntong iyon ay wala silang ibang nakikita at pinagtutuunan ng pansin kundi si Xavier at ang reaksiyon nito tungo sa pagdukot sa asawa nito.Ngayon ay napatunayan na ni Mattias na talaga ngang hindi nagbibiro si Yven. Ang buong akala niya ay lubos na ang pagmamahal nito kay Ellisa, ngunit mas masahol pa pala ang nararamdaman nito kay Naya."Where is my wife?" Napapuno ng poot ang kanyang boses na umalingawngaw sa kabuuan ng mansiyon. "Bakit wala man lang sa inyo ang nakakita kung sino ang tumangay s
Naya DiazNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may mahigpit na nakapulupot sa kamay ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko at tinapunan iyon ng tingin—hindi lamang ang mga kamay ko kundi pati na rin ang mga paa ko.Ngunit bago ko pa man tanggalin ang mga lubid na itinali sa akin ay natigilan ako nang mapukol ang tingin ko sa lalaking nagmamaneho ng kotseng pinagsakyan sa akin.Sa puntong iyon ay wala siyang imik at abala lamang na nakatuon ang kanyang atensyon sa daang tinatahak namin. Hanggang sa hindi nagtagal ay natigilan ako nang marinig ko siyang magsalita."Wag mo nang ipilit na kumawala. It's no use," sinsero niyang sambit. "Isa pa, magawa mo mang tanggalin 'yang mga itinali ko sa 'yo, wala pa ring silbi. Nakalayo na tayo sa siyudad at wala ka nang ibang matatakbuhan pa.""Ruan?" kunot-noo kong anas habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig ko sa kanya. "Why did you do this? How did you…Paano ka nakapasok sa mansiyon ng mga Iglesias? At anong pumasok dyan sa kokote m
Xavier IglesiasHalos inabot na yata ako ng ilang minuto sa pagtitig sa mga larawang nasa tablet ni Vince, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko.Kunot-noo kong inilapag ang hawak kong tablet sa coffee table at hindi kalaunan ay pumikit ako kasabay ng pagpisil ko sa nose bridge ko.Ngunit hindi rin naman nagtagal ay muli kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ko ang paglapit at pagtawag sa akin ni Ares."Lumabas na ho ang DNA result," anas niya at iniabot sa akin ang hawak niyang papel. "It seems like, hindi nagkamali si Mr. Avila sa pagtukoy kung sino ang bangkay na 'yon. It's positive. That's Corazon."Hindi ako umimik, bagkus ay nakatuon pa rin ang tingin ko sa hawak kong papel. Ilang saglit pa ay nag-angat ako ng tingin at mabilis pa sa alas kuwatrong nilukot ang papel na iyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinapunan ng tingin si Mattias na nakatalikod sa amin habang nakatanaw sa labas ng bintana.Sa ngayon ay nandito kami sa motel malapit
Naya DiazSampung minuto na ang nagdaan simula nang mahinto kami sa pag-uusap at sa puntong ito ay mahimbing na ring natutulog si Xavier. Sa kabilang banda naman ay gising na gising pa rin ang diwa ko.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko habang
(A few years ago)"Bakit kailangan kong sumama sa inyo?" tanong ni Xavier habang inaayos ang kanyang necktie. "Hindi naman siguro bago sa inyo na meron akong allergy sa mga tao, hindi ba? Do you want me to collapse inside?"Kunot-noo siyang tinapuna
Naya DiazAgad na nabaling ang tingin ko kay Iris matapos kong marinig ang buong pahayag ni Yven sa mga sandaling iyon.Sa puntong iyon ay agad siyang natahimik at hindi kalaunan ay nagbaba ng tingin. Naglaho ang kanina ay matamis na ngiting nakaguhit sa kanyang mga labi at ngayon ay hindi nito mag
Naya DiazHindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko sa mga sandaling iyon.Hindi lamang si Yven kundi maging ako ay takang-taka sa sarili ko kung bakit naisipan kong puntahan si Iris Vega.Yes.Sa puntong ito ay papunta kami sa tinitirahan ng asawa ni Ruan







