LOGINNang matiyak na walang masamang balak ang lalaki, bahagyang yumuko si Andrea at mahina siyang bumulong,
“Thank you.” Tuyong-tuyo at makati ang kanyang lalamunan, para bang nag-aapoy iyon. Paos din ang kanyang tinig. Nagbuhos si Alexander ng maligamgam na tubig at inilapag ang baso sa mesa sa tabi ng kama. “Mag-ayos ka muna. Pagkatapos, mag-usap tayo.” Pagkaalis ng lalaki, napatingin si Andrea sa basong tubig. Bahagyang nanginig ang kanyang mahahabang pilikmata, at nakaramdam siya ng paninikip sa mga mata. Hindi man siya napunta sa kama ni Don Ernesto—ang matabang lalaking may malalaking tainga—hindi pa rin niya maiwasang masaktan. Dalawampung taon na siyang nabubuhay, ngunit hindi pa siya nagkaroon ng nobyo. Gayunman, kagabi ay nawala ang kanyang pagkabirhen nang hindi niya lubos na nauunawaan ang nangyayari. Dinampot ni Andrea ang baso at inubos ang tubig sa isang lagok. Nakatulong ang init nito upang maibsan ang hapdi at pangangati ng kanyang lalamunan. Inalis niya ang kumot, bumangon, at dinala ang isang bag patungo sa banyo. Bumuhos ang tubig mula sa shower. Binalot siya ng bahagyang mainit na tubig. Unti-unting nawala ang pananakit ng kanyang katawan. Pagkatapos maligo, tumayo si Andrea sa harap ng salamin. Ang dati niyang maputi at pinong balat ay nagkaroon ng bahagyang pamumula. Sa kanyang leeg may mga halik na nag-iwan ng mga markang iba-iba ang lalim. Kumunot ang noo niya sa pagkainis. Pinunasan niya ang buhok, binuksan ang bag, at inilabas ang isang kahon. Nang buksan niya iyon, natigilan ang kanyang mga daliri. Damit-panloob. Batay sa itsura nito, tila eksakto ang sukat sa kanya. Bahagyang namula ang mga tainga ni Andrea. Nagbihis siya nang mabilis, saka binuksan ang p***o ng banyo at lumabas sa sala. Malamig ang panahon, kaya naghanda si Alexander ng isang sweater na may mataas na kuwelyo. Natakpan nito ang mga marka sa kanyang leeg. Nakatayo si Alexander sa harap ng malaking salamin habang may kausap sa telepono. Matangkad at guwapo siya. Tumama ang sikat ng araw sa kanyang profile, na lalong nagbigay-diin sa matikas niyang noo at maayos na mga guhit ng mukha. “Siguraduhin niyong bumagsak ang kumpanya niya at ipadala siya sa bilangguan.” Pagkababa ng tawag, lumingon si Alexander at nakita si Andrea na nakatayo sa di-kalayuan. Bahagyang namumula ang mga pisngi nito. Malinaw at kaakit-akit ang kanyang mga mata, at lalo siyang naging kaibig-ibig sa suot na malambot na sweater. Sandaling nagtagal ang tingin ni Alexander sa kanya bago ito nag-iwas ng mga mata at naupo sa sofa. Relaks ang kanyang tindig, ngunit taglay pa rin nito ang likas na karangyaan at kapanatagan. Bahagya niyang itinuro ang mesa sa harap niya. May isang basong tubig at ilang tableta roon. “Inumin mo ito para hindi ka mabuntis.” Dalawampung taong gulang pa lamang si Andrea at nag-aaral pa. Mahaba pa ang kanyang tatahakin para sa kanyang kinabukasan at isa pa hindi sila magkakilang dalawa. Ibinaba ni Andrea ang mga mata. Bahagya niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa baso, saka ininom ang gamot kasabay ng tubig. Kung nais siyang saktan ni Alexander, hindi na nito kailangang mag-abala pang maghintay hanggang ngayon. “Sit down,” mahinahon nitong sabi. Umupo si Andrea sa tapat niya. Nakayuko ang kanyang ulo, tuwid ang likod, at maayos na nakapatong ang mga kamay sa kanyang kandungan. Para siyang estudyanteng kaharap ang gurong nakikipagusap sa kanya. Ayon sa mga usap-usapan, malamig, walang-awa, at malupit si Alexander Monteverde. Ang presensya niya raw ay kayang magpanginig kahit ang mga beterano sa mundo ng negosyo. Paano pa kaya si Andrea, isang dalagang bagong dalawampung taong gulang? “Ako si Alexander Monteverde.” Sinikap ng lalaki na gawing mahinahon ang kanyang tinig upang hindi matakot ang dalaga. “Pasensya na sa nangyari kagabi. Pananagutan ko iyon.” “No need.” Nabasag ang tinig ni Andrea. Isang luha ang tahimik na dumaloy sa kanyang pisngi. Nakaramdam ng awa si Alexander. Iniabot nia ang dalawang pirasong tisyu. “Don’t cry, please.” Hindi sumagot si Andrea. Nakabitin ang mga luha sa kanyang mahahabang pilikmata, at namumula ang kanyang mga mata. “Kung may estrangherong lalaki na nakipagtalik sa iyo, hindi ka rin ba iiyak?” “Miss Villanueva, biktima rin ako kagabi. Pareho tayong nalagyan ng gamot. Nang magkita tayo sa pasilyo, ikaw ang unang lumapit sa akin.” Inilapag ni Alexander ang mga tisyu sa mesa. Dalawang beses niyang tinapik ang ibabaw nito gamit ang mga daliri, at nagsalita sa karaniwang kalmadong tono. Bahagyang gumalaw ang kanyang kuwelyo, kaya lumitaw ang malinaw na marka ng kagat sa kanyang balikat. Sa narinig niya, biglang bumalik sa isip ni Andrea ang mga pira-pirasong alaala ng nakaraang gabi. Tahimik ang pasilyo ng mabunggo niya ang lalaki. Nag-aalab ang katawan nito at dahil sa gamot, nawalan siya ng kontrol at ipinalibot ang kanyang mapuputi at payat na mga bisig sa leeg nito. Nanigas ang panga ng lalaki. Namumula ang kanyang mga mata, at ginamit niya ang natitirang lakas ng kanyang isip upang itulak siya palayo. Ngunit mahigpit na kumapit si Andrea sa makitid nitong baywang. Isinandal niya ang ulo sa dibdib nito, at bahagyang dumampi ang kanyang pisngi roon. Umangat-bumaba ang lalamunan ni Alexander. Mainit ang kanyang hininga, at naging paos ang kanyang tinig. “Ikaw ang kusang lumapit sa akin. Sana hindi ka magsisi.” “Hindi ako magsisisi,” sagot ni Andrea, malabo ang mga mata at tila nalulunod sa pagnanasa. Marahas niyang hinila ang kuwelyo ng lalaki at kinagat ang balikat nito. Nanlaki ang mga mata ni Andrea ng malaman niya na siya nga pala ang unang kumilos! Biglang nawala ang kanyang kumpiyansa. Mahina siyang nagbulong, “Sa ganitong sitwasyon, palaging ang babae ang talo.” Napatawa si Alexander, ngunit walang saya sa kanyang tinig. “Kung ganoon, hindi ba’t ako rin ang nawalan ng puri?” Noong una, babalik lamang siya sa kanyang silid upang maligo ngunit nakasalubong niya si Andrea sa pasilyo. Pareho silang nag-aapoy ang katawan dahil sa ilalim ng impluwensiya ng gamot kaya naman naging mapang-akit, mapangahas, at palaban si Andrea. Nang bumangga ito sa kanyang mga bisig, malambot at marupok ang katawan nito. May banayad at kaaya-ayang halimuyak na dumampi sa kanyang pang-amoy. Para iyong pinakamalakas na pang-akit sa mundo—isang bagay na gumulo sa kanyang isip at nagpaalab sa kanyang katawan. Hindi na nakapagsalita si Andrea. “Kung ganoon, ano ang gusto mong gawin natin?” Bumagsak ang madilim na mga mata ni Alexander sa kanya. Maganda ang mukha ng dalaga, maayos ang mga katangian, at makinis ang balat. Bahagyang gumalaw ang kanyang mga kilay. Sa malalim niyang mga mata, may kislap ng interes. “Magpakasal tayo.” Hindi makapaniwalang napatingin si Andrea sa kanya. Nakatitig ang malalaki at mapupungay niyang mga mata sa lalaki. “Bakit mo ako tinitingnan nang ganyan?” tanong ni Alexander. Mahina siyang bumulong, “Kung hindi ko alam na ikaw si Alexander Monteverde, iisipin kong dadalhin mo ako sa kung saan para ibenta.” Napatawa si Alexander. Mukhang kawili-wili ang dalaga. “Do I look like a bad boy?” “Hindi naman.” Sa totoo lang, hindi rin siya sigurado. “Will you marry me?” Taos-puso at matindi ang tingin ni Alexander habang nakatitig kay Andrea. Ang kanyang mga mata ay matalim kapag hindi nakangiti, ngunit kapag ngumiti, bahagyang umaangat ang mga sulok nito at nagiging banayad ang kanyang mukha. May kakaibang lambing sa kanyang ngiti na hindi inaasahang tumatagos sa puso. Bahagyang nanginig ang puso ni Andrea. Hindi niya namalayang napakuyom ang kanyang mga kamay. “Why me?” Wala siyang kahit na ano. Ang tanging mayroon lamang siya ay ang kanyang pinag-aralan. Bahagyang ibinuka ni Alexander ang manipis niyang mga labi. “Matagal na akong kinukulit ng lolo ko na mag-asawa. At dahil may nangyari na sa atin, puwede na rin nating ituloy. Bibigyan kita ng proteksiyon, at tutulungan mo akong harapin ang lolo ko. Pareho tayong makikinabang.” Isang kasal na walang pag-ibig ang alok ng pinakamakapangyarihang lalaki sa buhay ni Andrea—ngunit paano kung ang kasunduang ito ang siya ring magbukas ng panibagong panganib?Napatingin si Mikaela sa lalaking napakaguwapo na halos hindi siya makapaniwala. Sa isip niya, napasigaw siya sa tuwa. Agad niyang hinawakan ang braso ni Andrea at pabulong na nagtanong.“Andrea, sino siya? Ang guwapo niya!”Kinuha ni Andrea ang laptop bag mula sa kamay ni Mikaela. Sandali siyang nag-isip bago sumagot.“Boyfriend ko.”Bahagyang natigilan si Alexander habang isinasara ang trunk. Pagkatapos ay tuluyan niya itong isinara, nanatiling walang pagbabago ang malamig niyang ekspresyon.Sabay na nanlaki ang mga mata nina Mikaela at Samantha. Akala nila, napagkasunduan nilang manatiling single nang magkasama. Pero palihim palang nagkaroon ng boyfriend si Andrea nang hindi man lang nagsasabi!“Ang daya mo! Kailan ka pa nagkaroon ng napakaguwapong boyfriend nang hindi mo sinasabi sa amin?” tanong ni Samantha, pasulyap-sulyap kay Alexander.Parang pamilyar sa kaniya ang lalaki. Pakiramdam niya ay nakita na niya ito sa kung saan, pero hindi niya matandaan kung saan.“Ngayong umaga,”
Noong nakatira pa siya sa pamilyang Villanueva, hindi naman siya sinasaktan o pinapagalitan. Ang mas masakit, halos hindi siya pinapansin. Kaya natutuhan niyang maging maingat sa lahat ng kaniyang ginagawa, laging takot na baka may magawa siyang mali at magalit ang mga ito.Kapag walang nagmamahal sa iyo, nawawalan ka rin ng tiwala sa sarili.Pagdating ni Andrea sa dormitoryo, sinalubong siya ng maluwag at maliwanag na silid na hitik sa sikat ng araw. Kumpleto rin ito sa mga gamit, kabilang ang isang maliit na awtomatikong washing machine. Tatlo lamang silang nakatira sa dormitoryo. Linggo noon, kaya naroon ang dalawa niyang roommate.Si Mikaela Santos, na mahilig manood ng mga drama, ay nakaupo sa harap ng mesa habang nanonood ng palabas sa tablet. May hawak siyang potato chips at abala sa pagnguya.Samantala, nakahiga si Samantha Cruz sa mesa habang naglalaro sa cellphone. Nang mapansin niya si Andrea na kakapasok lamang, agad siyang tumayo. Nang makita ang pamumutla nito, nag-aalal
Pagkagising ni Alexander Monteverde, agad siyang nag-utos na siyasatin ang pagkatao ni Andrea Villanueva.Bagama’t ampon lamang siya ng pamilya Villanueva, kapansin-pansin ang husay niya sa pag-aaral at ang maayos niyang pag-uugali. Noong ikalawang taon niya sa hayskul, sumali siya sa mga competition at pinangunahan ang kaniyang koponan sa sunod-sunod na tagumpay. Nakapag-uwi siya ng apat na gintong medalya. Sa taong iyon, ang paaralan niya ang school na may pinakamaraming gintong medalya sa buong bansa.Personal niyang nakuha ang gintong medalya dahilan upang direkta siyang matanggap sa School of Computer Science ng isang University.Dalawang taon na ang nakalilipas, siya rin ang nanguna sa pambansang pagsusulit sa kolehiyo para sa mga mag-aaral ng agham. Pinili niyang mag-aral ng VLSI Design.Sa unibersidad, nakapasok siya sa laboratoryo ni Christian Santos, direktor ng Institute of Science and Technology, matapos makuha ang pinakamataas na marka sa kaniyang kurso. Wala pang isang t
Nang matiyak na walang masamang balak ang lalaki, bahagyang yumuko si Andrea at mahina siyang bumulong, “Thank you.”Tuyong-tuyo at makati ang kanyang lalamunan, para bang nag-aapoy iyon. Paos din ang kanyang tinig.Nagbuhos si Alexander ng maligamgam na tubig at inilapag ang baso sa mesa sa tabi ng kama. “Mag-ayos ka muna. Pagkatapos, mag-usap tayo.”Pagkaalis ng lalaki, napatingin si Andrea sa basong tubig. Bahagyang nanginig ang kanyang mahahabang pilikmata, at nakaramdam siya ng paninikip sa mga mata.Hindi man siya napunta sa kama ni Don Ernesto—ang matabang lalaking may malalaking tainga—hindi pa rin niya maiwasang masaktan.Dalawampung taon na siyang nabubuhay, ngunit hindi pa siya nagkaroon ng nobyo. Gayunman, kagabi ay nawala ang kanyang pagkabirhen nang hindi niya lubos na nauunawaan ang nangyayari.Dinampot ni Andrea ang baso at inubos ang tubig sa isang lagok. Nakatulong ang init nito upang maibsan ang hapdi at pangangati ng kanyang lalamunan. Inalis niya ang kumot, buma
Sa isang malamig na gabi, nakaharang ang salamin sa malamig na hanging nagmumula sa labas. Sa loob ng silid, ang malambot na dilaw na ilaw ay tumatama sa dalawang pigurang magkalapit sa malaking kama. Nagkahalo ang kanilang mabilis na paghinga, at ang magulong pagnanasa ay lalong nagpainit sa buong silid.“Do you know me?”Nakasandal ang lalaki sa kama. Sa madidilim niyang mga mata ay nagliliyab ang pagnanasang pilit niyang kinokontrol. Umangat-bumaba ang kanyang lalamunan habang nakatingin siya sa babaeng nasa ilalim niya. Paos at malalim ang kanyang tinig dahil sa epekto ng gamot na naipainom sa kanya.Namumula ang mga pisngi ng dalaga. May manipis na pawis sa kanyang noo, at nakayakap sa leeg ng lalaki ang mapuputi niyang mga bisig. Sa malabo niyang paningin, bahagya niyang nakilala ang marangal at guwapong mukha nito.“No… I don’t know you. But… guwapo ka.”Malambing at matamis ang kanyang tinig, para bang pulot na binalutan ng asukal.“Ikaw ang lumapit sa akin. Huwag ka lang sana







