Ahva POVAng dami ng tao sa Arena 03. May nagsisigawang mga estudyante sa bleachers, may mga official na dumalo mula sa governing council, at kahit ang faculty ay dumalo para panoorin ang match of the week: Rank 9 vs. Rank 10.Ngayon na ang araw na lalaban si Cael Umbra laban kay Nyra Caligra.At sa bawat pag-ikot ng mata ko, damang-dama kong alam ng lahat—ako ang dahilan kung bakit nangyari ang laban na ito.Hindi ito official rank reshuffle match. Ito ay isang hamon, requested duel, approved ng board, dahil parehong pumasok si Nyra at Cael sa top performance metrics sa huling training season.At ang dahilan kung bakit biglang naging confident si Cael para hamunin si Nyra, siyempre, dahil sa akin.“You’re really going through with this?” tanong ko kay Cael habang nasa holding chamber pa lang kami.He gave me a short nod. “I wouldn’t be here without you.”“Still,” sabay cross ng arms ko, “she’s not easy. You know how her mental manipulation works.”“Yeah,” aniya, habang hinahawakan an
Ahva POVPagka-post ng updated rankings sa bulletin board ng main hall, halos tumigil ang mundo ng lahat ng student dito.Wala pang limang segundo, nagsigawan na ang mga estudyante.“Si Peachy?!”“Rank fifteen?! Imposible ‘to, grabe ang bilis niya!”“Siya na ba ang susunod na aakyat sa top ten?!”Tahimik lang ako sa gitna ng kaguluhan. Suot ko pa rin ang hoodie ko, cap, at naka-backpack ng maayos. Tuwang-tuwa ako sa mga naririnig ko sa kanila. I can feel their eyes burning into my back.“You okay?” tanong ni Cael na nasa gilid ko.“I’m used to attention,” sagot ko. “But this is… different.”“Congratulations,” sabay sulyap niya sa bulletin. “You earned it.”Hindi ko alam kung anong mas nakakapanibago, ang katotohanang Rank 15 na ako, o ang tono ng boses ni Cael na parang… may halong paghangang hindi niya maamin. Nagpaalam muna ako sa kaniya kasi gusto kong magpahinga sa dorm, ganoon din siya, matutulog muna kaya naghiwalay kami.Pagbalik ko sa dorm, tahimik lang si Penumbra sa kama niy
Ahva POVMinsan, hindi mo talaga alam kung anong klaseng tao ang mapapalapit sa ‘yo. Dati, si Cael Umbra, cold, brutal, tahimik, parang robot kung makatingin ay inaalipin ko lang bilang parusa sa pagkatalo niya sa knife challenge.Pero ngayon, siya na ang tinutulungan kong umangat. Siya na ang kasama ko sa mga plano kong pinaka-hihintay ko simula pa noong pumasok ako sa paaralang ‘to.At ang plano namin? Simple lang. Ibagsak si Nyra Caligra sa pagka-rank nine, para umakyat siya. Ako, siguro, doon muna sa rank ten kung may pagkakataon. Magtutulungan kaming dalawa para masira ko ang mga grupong nabuo ni Kara.Kapag nakuha na ni Cael ang rank nine,sisipagan ko na ring umakyat nang umakyat sa rank.Pero sa ngayon, hindi ko muna tina-target ang top ten. Pero gusto kong umangat ng paisa-isa. Rank 20. Rank 15. Tapos saka ako babanat sa top ten gaya ng plano ko.“You’re sure this place is yours?” tanong ni Cael habang binubuksan ko ang gate ng lumang villa namin.Tumango ako. “Inherited. Wala
Ahva POVWala na si Tito Eryx, nadala na siya sa dorm niya. Pero hindi ko hinayaang masira ang image niya. Pinagtakpan ko siya sa lahat. Sinabi ko na kaya siya naroon ay dahil nanghingi ako ng tulong. May nakita akong ahas, pero nakalabas na, nakalusot ito sa bintana ng banyo. About naman sa naka-lock na pinto, ginawan ko na lang din ng kuwento, sinabi ko na sira ito at kusang nala-lock kapag nasasarado.About naman sa narinig ni Cael na sigaw ko, dinugtong ko na lang ‘yung scene na nakita ko nga kunyari ‘yung ahas. Ang sabi kasi ni Cael, narinig niyang parang binabastoos ako ni Tito Eryx, sinabi ko na lang na hindi para walang gulo.At mabuti na lang ay naniwala sila. Ang mga student, natakot pa na may ahas daw pala na pagala-gala rito.Habang nakaupo ako sa kama ko, nakatitig ako sa mga staff ng school na ginagawa na ulit ang pinto ng dorm namin ni Penumbra. Wala na rin si Cael, bumalik muna sa dorm niya, nalibagan kasi ang damit niya sa pagbagsak niya sa pinto, napuno siya ng alika
Ahva POVMasarap sa pakiramdam na sa bawat utos ko, unti-unting lumuluwag ang tikas ni Cael Umbra. Hindi naman ako sadista. Minsan lang talaga, may saya sa paniningil ng utang na pagkatalo sa isang hamon na galing mismo sa kanila.Pero today, hindi typical na utos lang ang magaganap. Pagkagising ko kasi kaninang madaling araw ay naalala kong wala nga palang morning class, so bakit hindi ako pumunta sa gun training?Hindi lang para sa skills. Gusto ko ring makita kung paano bumaril si Cael. Gusto kong maikumpara kung gaano kalaki ang agwat namin. Kung talaga bang malayo pa ako sa mga tulad niya.At siyempre, naisip ko rin na baka makuha ko ang loob niya at makipagtulungan siya sa akin para matalo ko si Kara. Sa tingin ko kasi ay takot lang sila dahil kilala si Kara na mayaman at magaling. Pero kung ikukumpara siya sa akin, lalaban ako sa payamanan. Sa skills, titignan ko pa, marami pa kasi akong hindi nakikita sa bruha na ‘yon.“SAAN TAYO PUPUNTA?” tanong ni Cael, habang hawak ang bag
Ahva POVDAY TWO na ngayon nang pagiging alipin ni Cael sa akin. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong iparamdam sa kaniya kung gaano kahirap ang buhay sa ilalim ng palad ko. Literal na pahihirapan ko siya. Nakakatawa nga, kagabi, pumunta si Kara sa dorm ko. Hating gabi, buwisit, nanggising. Inalok niya ako ng malaking halagang pera, tigilan ko lang daw ang pang-aalipin kay Cael, dahil hindi raw ito maganda sa image nilang buong rank ten. Siyempre, hindi ako pumayag. Saka, hello, babayaran ako, marami akong pera. Mayaman ang pamilya ko kaya hindi ko need ng pera niya. Ang sinabi ko, kasalanan nila ‘yun dahil naghamon sila. Sila ang nabiktima sa sarili nilang bitag, kaya tuloy-tuloy lang ng isang linggo ang pagiging alipin ni Cael sa akin.Si Kara, nagtitimpi lang pero gusto na akong saktan. Pero, handa naman ako, hindi niya alam na may patalim ako sa ilalim ng unan ko. Isang maling galaw niya lang ay itatarak ko ‘yun sa leeg niya.NGAYONG UMAGA, pagkalabas ko ng dorm, bitbit ko na an