LOGINMuli akong tumayo at nagtungo sa kusina. Iniligpit ko na lamang at ipinasok sa ref ang mga niluto ko. Baka sakaling kainin niya kapag umuwi siya.
Nang lingunin ko ang cake sa center table, hindi iyon nabawasan. Muling bumigat ang pakiramdam ko. Ngumiti na lamang ako at ipinasok rin iyon sa ref. Nalungkot ako sa isiping baka hindi niya iyon kainin dahil hindi nga pala siya mahilig sa matamis. Pero nabuhayan ako ng loob nang maalala ang sinabi niya kagabi na titikman niya iyon para sa ‘kin. Nakauwi na ako sa bahay. Sinalubong ako ni Mommy. Hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti na lamang na parang walang nangyari. “Mukhang napuyat ka, may dark circles ka na. Saan ka ba nanggaling kagabi at hindi ka nakauwi?” tanong niya nang may pag-aalala. Natigilan ako. Gayunpaman, nagsinungaling na lamang ako sa kaniya. “Kay Leslie, Mom. We celebrate her parents' anniversary. Hindi na ako nakapag-text dahil nalasing na ako,” kabado kong paliwanag. “Really? Oh, nakalimutan ko palang bigyan sila ng present,” balisa niyang turan. “I was so busy yesterday.” “Ayos lang po iyon, Mom.” Ipinaramdam ko sa kaniya na medyo pagod ako upang makatakas sa mga itatanong niya pa. “Akyat po muna ako sa kwarto ko, Mom. I felt so dizzy.” “Gano’n ba, sige. Magpahinga ka na at magpapaakyat na lamang ako ng food mo sa itaas.” Tumango ako at muling humalik sa kaniya. “Thank you, Mom.” Mabigat ang katawan kong nahiga sa kama. Feel ko lalagnatin ako. Nagtungo ako sa banyo at naligo. Gusto kong malamigan at maglinis ng katawan. Habang tumatama sa hubad kong katawan ang lagaslas ng tubig mula sa shower, napahaplos ako sa aking balat. Ramdam ko pa rin ang haplos ni Kuya Francis sa ‘kin, na tila ba sariwang-sariwa pa rin. Nalungkot ako nang maalala na para bang iniiwasan niya ako kanina. Ayaw niya akong kausapin nang maayos–ni hindi siya makatingin sa ‘kin. Mariin akong napapikit. Muling nag-flash sa alaala ko ang ginawa namin ni Kuya. Hanggang sa napasandal na lamang ako sa tiles naming pader at yakap-yakap ang sarili. Wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko lalung-lalo na sa ginawa naming dalawa. Kagustuhan ko iyon at kagustuhan naming pareho ang lahat ng iyon. Alam ko kung gaanong nabaliw si Kuya Francis sa akin kagabi. Kitang-kita ko iyon sa kaniyang mga mata. Alam kong may nararamdaman din siya na ayaw niya lang tanggapin. Ang gabing iyon ay hindi maipagkakaila. Kahit pareho naming alam na bawal ay naisakatuparan pa rin namin ang nais ng aming mga katawan. Napasikdo ako at marahang napapikit. Lumipas pa ang mga araw. Muling nanumbalik ang lakas ko matapos akong lagnatin. Handa na akong muli para magpunta at magpakita sa kaniya sa kompanya. “Bes, ano bang problema mo at hindi ka na nakabalik sa bahay?” nakasimangot na tanong sa akin ni Leslie nang bisitahin niya ako isang umaga. Nangako kasi ako na babalik ako agad sa kanila kinabukasan para sa update ng ginawa kong love letter para kay Francis sa birthday niya. Subalit hindi na natuloy sapagkat ganoon na nga ang nangyari. “Ano, sasagutin mo ang tanong ko o huhulaan ko na naman?” taas-kilay niyang dagdag nang ilang segundo akong hindi sumagot. Napalunok ako. “Nilagnat ako,” saad ko pa nang umiwas ng tingin sa kaniya. “Hindi mo sinabi sa akin ‘yan, bakit biglaan naman? Anong dahilan, nagka-flu ka nang makita mo siya?” “May nangyari kasi sa amin ni Kuya Francis nang gabing iyon,” pabulong kong wika na ikinalunok ko matapos kong mahirapang umamin. “What?!” Nanlaki ang mata niya. Sabi ko nga ba’t iyon ang magiging reaksyon niya. Napakurap ako nang sa isang iglap, nasa tabi ko na agad siya. “As in?” hindi makapaniwalang tanong niya na halos alugin ako habang sabik at tuwang-tuwa sa narinig. “Oo..” kumpirma ko nang bawiin ko ang aking kamay dahil nasasaktan na sa ginagawa niyang pagkurot. “Hala, nagkatotoo na ang wish mo! Bilib na talaga ‘ko sa ‘yo, Bes. Pero, bakit malungkot ka? Hindi ba dapat masaya ka dahil sa wakas nakatanggap ka ng isang answered prayer sa mga hiling at dasal mo?! E, bakit parang nagluluksa ka riyan?” Humugot ako nang malalim na hininga. “Iniiwasan niya yata ako, hindi niya yata nagustuhan ang nangyari sa ‘min.” “Nge, may ganon?” Umarko ang labi niya at napaekis ng mga braso. Tumango ako na ramdam ang panlulumo. “Aba, grabe naman siya kung gano’n,” inis na wika nito. “Hindi niya ba inisip na maswerte nga siya dahil ibinigay at isinuko mo sa kaniya ang virginity mo? Naku, kung ako sa ‘yo binalian ko na siya. Kapal naman niya!” Napangiti ako nang mapait sa palaban na reaksyon niya. Maya-maya pa’y mas lumapit pa siya nang husto sa ‘kin at sinuri ako kung nagsasabi ba ako ng totoo. Pagkatapos ay pabulong na nagwika, “Hindi mo ga siya ni-rape?” Naitulak ko nang bahagya ang kaniyang noo na ikinakunot-noo niya. “Loka ka talaga, hindi ako ganyan. Grabe ka naman sa rape.” Tumawa siya na ikinainis ko naman. May halong pang-aasar kasi ang mga tawa niya. Nag-peace sign naman siya kaagad. “E, pa’no ‘yun, ganun-ganon na lang ‘yon? Naku, Bes, kung ako nasa sitwasyon mo, aba'y malaking ekis ‘yon sa akin. Hindi pwede sa akin ‘yon. Itatali ko talaga siya nang patiwarik.” Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Ilang saglit pa'y tumahimik siya at seryosong nagtanong, “Nagkita na ba ga kayo ulit?” Umiling ako. Napabuntong hininga siya. Maya-maya pa'y hinakop niya ang mga kamay ko. “Eto ang advice ko sa ‘yo, Frenny, ha. If ever man na magkita kayong muli ni Francis or kapag umuwi siya rito, huwag kang mangamba. Seduce him! Don't stop, until he surrender. Ikaw yata si Gabriella Castillo, ang hinahabol-habol ng mga kalalakihan. Ipakita mo sa kaniya na iba ka sa mga babaeng nakilala o natikman niya. Huwag kang panghinaan ng loob, maging matapang ka! Lalo na ngayon na may nawala na sa ‘yo, ang unfair kaya no’n. Ngayong alam mo na ang kahinaan niya, pursue yourself. Banatan mo, sus,” mahaba niyang litanya. Nabuhayan ako sa sinabi niya. May punto siya. Kailangan kong sundin at gawin ang mga itinuro niya. “Ganito ako sa uncle ng ex ko,” pagpapatuloy ni Leslie. “Hindi porke’t naging kami ng pamangkin niya, e, hindi na pwedeng maging kami ni Tito Marcus. Kulang ka lang sa fighting spirit. Sumanawa ang espiritong meron ka–” Mabilis kong tinanggal ang palad niya sa ulo ko at iwinasiwas ang mahaba at wavy kong buhok. “Puro ka talaga kalokohan.” Ngumisi ito. “Ikaw na nga itong tinutulungan!” “Ihh,” naaalibadbaran kong tugon. “Bahala ka nga r’yan.” Tinalikuran niya ako habang krus ang mga brasong naiiritang wika nito. Para kaming mga batang nag-irapan. Sa huli ay nagtawanan rin kaming pareho.Malalim na ang gabi, ngunit hanggang ngayon tulala pa rin si Gabriella habang nakatitig sa kisame. Hindi siya makatulog sapagkat naglalaro pa rin sa utak niya ang katanungan na nais niyang masagot. Kasalukuyan siyang nasa guest room, gising ang diwa. Kanina pang tulog si Leslie. Nais niya sana itong makausap, kaso gabing-gabi na. Naisip niyang bukas na lamang. Humugot siya ng malalim na hininga. Masyadong tahimik ang paligid. Tanging tiktak lamang ng orasan na nakasabit sa dingding ang maririnig. Bumangon siya, naupo at sumandal habang yakap ang unan.‘Mildred, Norma.. sino nga ba sila?’ Nilingon niya ang cellphone. Wala ni isang tawag o text ang natanggap niya mula kay Francis. Sinubukan niyang tawagan ang binata ngunit hindi nito sinasagot. Muli niya iyong inilapag sa mesa. Bakit kaya hindi ito sumasagot? Nakalimutan na nga ba siya ng binata? Nag-enjoy nga ba ito nang sobra, rason para hindi na siya nito maalala? Sunud-sunod na katanungan ang namuo sa isipan ni Gabriella. Walang
“Good luck,” pahabol na wika ni Leslie nang silipin siya nito sa bintana ng kaniyang kotse matapos niyang maibaba ang kaibigan sa bahay nito. Makalipas ang ilang oras sa pagsa-shopping kasama si Leslie, magdidilim na rin nang makauwi si Gabriella sa mansion ni Francis.“Guard, si Sir Francis ba nakauwi na?” tanong niya rito nang huminto at sumilip matapos siya nitong pagbuksan ng gate. Umiling ang binatang security guard at marahang sumagot, “Wala pa ho, ma'am pero si madam po ang dumating kanina.”“Ano?” Natigilan siya at tila nabinging bigla sa narinig. “Madam ba kamo?” ulit niya nang may paninigurado.“Yes ma'am,” muli nitong sagot. Hindi na niya naiabante pa ang sasakyan nang mabilis siyang napalingon sa second floor ng bahay. Distansya mula sa kinaroroonan niya. Mukhang napansin niya ang tila imahe ni Marianna, ang ina ni Francis na minsan na niyang tinawag na mommy noon, ngunit hindi na ngayon. Napalunok siya nang wala sa oras at dahan-dahang lumakas ang pintig ng kaniyang
“Masyado kang marupok,” natatawa ngunit naiiling na wika ni Leslie. Kasalukuyan silang nasa mall–gumagala. Niyaya niya ito para makapag-shopping na rin at magpa-spa. Sagot ni Francis ang lahat ng gastusin niya dahil binigyan siya nito ng card.“Wala akong choice, mahal ko siya, e..” walang kiming tugon niya sa komento nito matapos ikwento ang kasalukuyang estado nila ni Francis.“Hmm, ang sabihin mo yummy siya..” panunudyo ni Leslie nang pasimpleng kurutin siya sa tagiliran.“Tumigil ka nga, nasa public tayo..” saway niya rito sabay irap sa kaibigan habang pilit na pinipigil ang ngiti.“Sus, aminin mo na kasi..” nakangising wika nito. “Na-na yummy siya..”“Ewan ko sa ‘yo,” turan niya nang itutulak na sana ang glass door ng Thai Massage and Spa ngunit napahinto sila nang marinig niyang may tila tumawag sa pangalan niya.“Gabriella!” Sabay silang napalingon ni Leslie. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ito. Napatingin siya sa kaibigan.“Buti nakita kita, nag-alala ako sa ‘yo, a,
Napakunot ng noo si Gabriella matapos niyang imulat ang kaniyang mga mata. Isinandal niya ang kaniyang likod sa headboard at napahawak sa ulo dahil sa bigat nito. “Ganyan na ba ang gawain mo ngayon?” Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. ‘Francis?’ Kaagad siyang umiwas ng tingin nang makilala ito. Tumayo ito mula sa sofa at lumapit sa kaniya. “Ganyan ka na ba kadesperada at hinahayaan mo na lang na bastusin ka ng mga kalalakihan sa bar?” Muling nanumbalik sa alaala niya ang nangyari kagabi. Lasing na siya pero alam niya ang kaniyang ginagawa. Dahil sa hilo ay hindi na niya namukhaan ang lalaking humapit sa kaniyang bewang at nagbuhat sa kaniya palabas, pero malakas ang pakiramdam niyang pamilyar ang amoy nito at anyo. Ngayon niya napagtanto na si Francis ang lalaking iyon. Nagbaba siya ng tingin ngunit agad rin namang inangat ang mukha at matapang na nagwika, “Hindi ko kailangan ng komento mo. Bakit mo ako dinala rito, hindi ba’t–” “Hindi ko gusto ang ginagawa mo,”
“I like your body shape, your beautiful innocent face and that angelic eyes.. perfect na perfect ka para sa ‘kin,” wika nito nang mapanlarong ngumiti. “Ho?” “Ah, mamayang 3pm sisimulan na natin ang training,” sabat ng bakla. “Para mas makapaghanda ka pa dahil hindi madali ang modelling.” Marahan siyang napangiti. “Ah, tama. S-Sige, salamat..” Sinulyapan niya ang matandang lalaki bago siya tumalikod. May naramdaman siyang hindi maganda nang mga oras na iyon–instinct na tila nasa panganib siya. Napalunok siya nang bumugso ang kaba sa kaniyang dibdib at nang makalayo sa kanila ay nagmadali siya sa paglakad. Sa garahe, nilingon niya muna ang studio bago sumakay ng sasakyan. Inatras niya ang kotse at nang umabante ay may babaeng muntik na niyang masagasaan. “Jusko!” Kaagad siyang bumaba. “I’m sorry hindi kita nakita. Ayos ka lang?” nag-aalala niyang tanong ngunit nang aalalayan na niya ang babae, napangiwi ito. Doon niya nakita na mayroon pala itong sugat. “Naku, dadalhin na k
Sakay ng kotse, huminto si Gabriella sa tabi ng daan. Binilang niya ang natitira niyang pera na nakasiksik sa kaniyang wallet. Ilang libo na lang ang dala niya. Lahat ng credit cards niya ay naka-block na simula pa nung nakaraang linggo, kaya't ang natatanging naiwang cash na lang niya ang pinagkakasya niyang gastusin sa loob ng ilang araw. Napabuntong-hininga siya. Iniisip niya kung ano ang magandang solusyon sa kasalukuyan niyang problema. Hindi naman pwede na umasa na lang siya lagi kay Leslie. Ang kaibigan ang naging takbuhan niya nung mangailangan siya ng matutuluyan matapos niyang umalis sa bahay sa real estates. Muli niyang izinipper ang wallet. Inisip niya na kailangan niyang kumilos. Kailangan niyang maghanap ng trabaho. Tama na ang tatlong araw na ini-spend niya sa bahay ng kaibigan. Nakakahiya nang masyado sa parents ni Leslie kung doon pa rin siya matutulog mamayang gabi. Huminto siya sa isang apartment. May kamurahan ito kumpara sa condominium building. Sinilip niya







