LOGIN“Hindi nga, seryoso, Bes. Dapat gumawa ka ng paraan kung ayaw mong ma-depress. Sayang naman ang pag-alay mo ng sarili mo sa kaniya kung wala rin namang patutunguhan, ‘di ba? Ilang taon mo rin kayang pinangarap na mangyari iyan. Tapos ngayong nandiyan na, bibitaw ka at tatalikuran mo, haler? Hindi iyan ang Gabriella’ng kilala ko, ano?”
Natauhan ako sa sinabi ni Leslie. Ilang oras pa siyang nanatili sa loob ng kwarto ko. Marami pa kaming pinag-usapan, hanggang sa naisipan niyang umuwi na. May lakad pa raw sila ng mga magulang niya. Pababa na kami para ihatid siya sa main door nang magkasalubong kami ni Kuya Francis sa pintuan. Kinabahan ako nang malamang umuwi siya. Papasok na siya nang magtama ang aming paningin dalawa. Napasikdo ako. Umiwas siya kaagad ng tingin na ikinalungkot naman ng puso kong pihikan. Sinenyasan agad ako ni Leslie na ngumuso pa sa nakatalikod na si Kuya Francis. Hindi ko na lamang siya hinatid sa kotse niya sa garahe at kaagad na sumunod ng pasok sa kuya ko. Nang marinig ang pagbusina ni Leslie at makita sa bintanang paalis na ang kotse niya ay nagtungo naman ako kaagad sa lanai. Naabutan kong nakaupo si Kuya Francis sa couch. Kaharap niya sina Mommy at Kuya Jordan na seryosong nag-uusap. “Gab, halika,” tawag sa akin ni Mommy na sinunod ko naman kaagad. Tahimik ako nang hawakan ako ni Mommy sa braso at iharap sa dalawa kong kuya. “Guess, what. Pasado si Gab at handa na siyang magtrabaho sa company natin bilang finance manager.” Tinapunan lamang ako ng tingin ni Kuya Francis habang si Kuya Jordan naman ay tumayo at lumapit sa akin. “Congratulations, bunso, you did it. We're so proud of you. Maybe one day, you'll be the next executive director once na tumagal ka sa kompanya. And when it happens, isa ka na sa VIP ng business empire,” natutuwang saad ni Kuya Jordan. Nginitian ko siya. “Thank you, Kuya Jordan.” Ganoon talaga si Kuya Jordan super duper ang pagiging supportive sa akin. Bata siya ng dalawang taon kay Kuya Francis pero magaling din sa usapang negosyo. Sa katunayan, isa siya sa may malawig na connections sa pagpapalawak ng negosyo ng pamilya. “Siya nga pala, may good news din si Francis,” agaw ni Mommy na ikinasabik ko naman kaagad pakinggan. “Matatapos na sa susunod na linggo ang pinagagawa niyang mansion sa Elvis. Although medyo nakalulungkot isipin na hihiwalay na talaga siya ng tirahan sa atin pero masaya pa rin naman ako para sa success niya.” Pakiramdam ko ay tinamaan ako ng mabigat na kulog na may kasama pang kidlat sa binitiwang salita ni Mommy. Hindi ako nakakibo kaagad lalo na nang sulyapan ko si Kuya Francis. Hindi ko pinahalata na nalulungkot ako sa balitang iyon. Nakita ko sa mga mukha nina Mommy at Kuya Jordan ang maluwang na ngiti habang si Kuya Francis naman ay tipid lamang. Seryoso niya akong tiningnan na ikinayuko ko naman. Tumayo siya at nagpaalam na aakyat na sa kaniyang silid. Sinundan ko na lamang siya ng tingin na naglalakad patungo sa hagdan. “Gab, are you okay?” untag sa akin ni Mommy nang mapansin niya ang pagtahimik ko. Ngumiti ako kaagad. “Yeah.” Hindi ko napigilan na mapasulyap muli sa hagdan kahit naglaho na sa paningin ko si Kuya Francis. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Napadaan ako sa kwarto niya nang umakyat ako. Ang totoo, sinadya ko talagang magtungo roon. Malalakas ang kabog sa dibdib ko habang nakatayo sa pintuan niya. Tahimik sa loob ng kaniyang kwarto. Malamig ang palad ko at tila ba pinagpapawisan nang hawakan ko ang doorknob. Napalunok pa ako sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko roon pero parang may nanunulak sa akin na buksan ang pinto. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Leslie kaninang umaga. ‘Seduce him! Don't stop, until he surrender!’ sigaw ng aking isipan. Muli akong napalunok. Hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog sa aking dibdib. Pakiramdam ko nga parang mas lumakas pang lalo iyon na halos nakabibingi na. Humugot ako nang malalim na hininga nang dahan-dahan kong pihitin ang doorknob. Itutulak ko na ang pinto nang kusa iyung bumukas. Nanlaki ang mata ko nang tumambad sa akin ang salubong na kilay na mukha ni Kuya Francis. “What do you want?” Wari'y gusto kong humarurot ng takbo patungo sa kwarto ko. Ngunit, nanigas ang tuhod ko at nanatili sa kinatatayuan matapos masilayan ang seryoso ngunit gwapo niyang pagmumukha. Ang mga mata niya ay naglalagablab sa likod ng mapang-akit niyang titig. Pigil-hininga akong napasunod nang hatakin niya ako papasok. Isinandal niya ako sa pader. Walang lumalabas na boses sa bibig ko, tanging titig lang ang ipinukol ko sa nagnanasa niyang mga mata. Dumadagundong ang tibok ng puso ko nang hagurin niya ako ng tingin mula mata hanggang labi. Wala akong nagawa kung hindi ang mapalunok na lamang sa kakaibang aking nararamdaman. “Ano na namang balak mo?” bulong niya sa tenga ko na nagpakilabot at nagpakiliti sa akin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na gumapang hanggang sa kaibuturan ko. “Are you trying to seduce me again?” Napapikit ako. Pilit na nanghahagilap ng maisasagot. “Tell me, hindi pa ba sapat ang gabing iyon para sa ‘yo?” muli niyang bulong na dahan-dahang nagpasira sa aking katinuan. “Do you want more..?” Ang boses niya'y parang awitin–malamig, malalim at masarap sa pandinig na tila nanghihikayat. Hindi ko alam kung bakit ang akala ko'y ako ang mang-aakit ay tila ba naging kabaligtaran. Unti-unting bumubuhay ng dugo ang mga bulong niyang iyon. Na-hook ako sa mga labi niyang nakapang-aakit nang husto. Bago pa man ako makasagot, nang sunggaban niya ako ng halik na nagpalambot sa akin. Nasabik ako sa bawat galaw niya na unti-unting nagpa-wild sa akin nang labis. “Kuya… nagtungo lang naman ako para–para pag-usapan… ang tungkol sa man–” tuluyan nang naudlot ang sasabihin ko nang kumawala ang isang ungol.“Hindi nga, seryoso, Bes. Dapat gumawa ka ng paraan kung ayaw mong ma-depress. Sayang naman ang pag-alay mo ng sarili mo sa kaniya kung wala rin namang patutunguhan, ‘di ba? Ilang taon mo rin kayang pinangarap na mangyari iyan. Tapos ngayong nandiyan na, bibitaw ka at tatalikuran mo, haler? Hindi iyan ang Gabriella’ng kilala ko, ano?” Natauhan ako sa sinabi ni Leslie. Ilang oras pa siyang nanatili sa loob ng kwarto ko. Marami pa kaming pinag-usapan, hanggang sa naisipan niyang umuwi na. May lakad pa raw sila ng mga magulang niya. Pababa na kami para ihatid siya sa main door nang magkasalubong kami ni Kuya Francis sa pintuan. Kinabahan ako nang malamang umuwi siya. Papasok na siya nang magtama ang aming paningin dalawa. Napasikdo ako. Umiwas siya kaagad ng tingin na ikinalungkot naman ng puso kong pihikan. Sinenyasan agad ako ni Leslie na ngumuso pa sa nakatalikod na si Kuya Francis. Hindi ko na lamang siya hinatid sa kotse niya sa garahe at kaagad na sumunod ng pasok sa kuya ko
Muli akong tumayo at nagtungo sa kusina. Iniligpit ko na lamang at ipinasok sa ref ang mga niluto ko. Baka sakaling kainin niya kapag umuwi siya. Nang lingunin ko ang cake sa center table, hindi iyon nabawasan. Muling bumigat ang pakiramdam ko. Ngumiti na lamang ako at ipinasok rin iyon sa ref. Nalungkot ako sa isiping baka hindi niya iyon kainin dahil hindi nga pala siya mahilig sa matamis. Pero nabuhayan ako ng loob nang maalala ang sinabi niya kagabi na titikman niya iyon para sa ‘kin. Nakauwi na ako sa bahay. Sinalubong ako ni Mommy. Hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti na lamang na parang walang nangyari. “Mukhang napuyat ka, may dark circles ka na. Saan ka ba nanggaling kagabi at hindi ka nakauwi?” tanong niya nang may pag-aalala. Natigilan ako. Gayunpaman, nagsinungaling na lamang ako sa kaniya. “Kay Leslie, Mom. We celebrate her parents' anniversary. Hindi na ako nakapag-text dahil nalasing na ako,” kabado kong paliwanag. “Really? Oh, nakalimutan ko palang bigyan sil
“Lasing ka na,” narinig kong saad ni Kuya Francis. Hindi ako sumagot hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagdikit ng mainit niyang palad sa likod ko. Binuhat niya ako hanggang sa maihiga niya ako sa kaniyang kama. “It's better na dito ka na lang muna magpalipas ng gabi. Magagalit si Mommy kung iuuwi kitang lasing,” wika niya pa sa malamig na boses. Gusto ko ang bawat pagbigkas niya ng mga salita. Ang boses na parati kong inaasam na marinig, ang nami-miss kong tinig sa araw-araw. Hindi ko inalis ang pagkakahawak ko sa kaniyang batok. Ramdam ko ang mainit niyang hininga at kahit medyo may kalabuan, alam ko ang klase ng titig niyang iyon. Natukso akong halikan siya. Hindi ko alam kung bakit may nagtulak sa akin na gawin iyon. Hindi pa man nagtatagal nang ilang segundo ang paglapat ng aming mga labi nang agad siyang dumistansya mula sa ‘kin. Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Uminit ang pisngi ko nang kunut-noo niya akong tinitigan. Biglang nawala ang kalasingan ko.
Dala ng kuryosidad, dahan-dahan kong tinungo at tiningnan kung ano ang ginagawa ng dalawa. Kung bakit panay ang mahinang ungol ng babae. Natuod ako sa aking kinatatayuan nang makita ng dalawa kong mata ang kahalayang ginagawa nina Kuya Francis at ng isang babaeng hindi ko kilala. Hindi ko inaasahan na mapanood ang ganoong palabas. Pinaghalong emosyon ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Kumudlit ang kirot na para bang tinutusok ng matalim na bagay ang aking puso. Nasasaktan ako, naiinggit, nagseselos at nagtatampo. Lalo na nang makita si Kuya Francis na sabik na hinahalikan ang leeg ng babae pababa sa kaniyang nakabukas na dibdib. Halos iluwa na ng kaniyang damit ang kaniyang breasts. Umungol pa ang babae na para bang nasasarapan sa ginagawa ni Kuya Francis sa kaniya. Hindi ko matanggap sa aking sarili na makitang may ibang kalantari ang lalaking gusto ko. Gusto ko silang patigilin pero hindi ko magawa. Unti-unting namuo ang luha sa aking mata. Hindi pa man nila tuluyang nah
“Hay naku, Gabriella Castillo, hanggang love letter ka na lang ba? Kailan mo ba balak dumiskarte sa Kuya Francis mo?” anang kaibigan kong si Leslie na nakapamewang pa habang sinisilip ang sinusulat ko. Sinimangutan ko siya.“Kung bibilangin siguro iyang letters mo, aabutin na iyan ng libo,” dagdag niya pa nang may pang-aasar.“Tumigil ka nga, suportahan mo na lang kasi ako. Akin na nga iyang white envelope ko,” naaalibadbaran kong utos sa kaniya. Naiiling na lamang niyang inabot iyon sa akin. Apat na taong gulang pa lamang ako nang ampunin ako ng pamilya Castillo. Ang pinakamayamang angkan sa Isabela noong panahong iyon. Walang anak na babae si Señora Marianna, tanging dalawang lalaki lamang ang naging anak niya sa kaniyang namayapang asawa. Kaya't nang masilayan niya ako noong musmos pa lamang ako. Hindi siya nagdalawang-isip na ako'y ampunin kaagad. Naging masaya naman ang childhood life ko sa poder nila. Mabubuti silang tao lalung-lalo na si Kuya Francis. Siya ang mas iniidolo







