"RAFAEL!"
Mahigpit siyang hinawakan nito sa braso at pilit na pinatayo. "Excuse us," cold na sabi ni Rafael at pagkatapos ay hinila siya palabas ng coffee shop.Nang dahil sa gulat, hindi na niya nagawang tumutol pa at nagpatianod na lang hanggang sa makalayo sila ng shop.Nararamdaman na niya ang pananakit ng braso niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito. Kaya nang huminto sila sa isang tabi, marahas niyang binawi ang sariling braso."What's this? You're working here?" pabulong ngunit mariin nitong tanong.Napalunok siya nang matitigan ang mga mata ni Rafael. Matalim iyon at tila nag-aapoy sa galit. Mapapansin din ang pagpipigil nito sa sarili. Natakot tuloy siya dahil parang mananakit na ito sa tindi ng inis na makikita sa mukha nito.Dahil sa takot, ilang beses din siyang napaatras mula rito, bagay na napansin ni Rafael kaya muli siya nitong hinawakan sa braso."Dahil ba sa lalaki mo kaya ka hindi umuwi kagabi?" Mariin siya nitong tinitigan bago ngumisi. "Ganiyan ka ba talaga?"Parang umurong naman ang dila niya sa mga narinig na pag-aakusa nito. Nanatili siyang nakatayo roon, hindi nagawang sumagot."Damn it! Answer me, Hannah!""H-hindi! Bakit ka ba nagagalit?" Pakiramdam niya, may naghahabulang mga kabayo sa loob ng dibdib niya dahil sa kaba.Lalong tumalim ang mga mata nito. "Hindi pa ba sapat ang mga perang pinapasok ko sa account mo? Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nakilala ka nilang asawa ko!"Bigla niyang naalala ang bank account na sinasabi nito. Ito mismo ang nagpagawa ng savings account para sa kaniya, upang may maipaglagyan daw siya ng pera—ang perang ibabayad nito sa kaniya kapalit ng pakikisama niya."A-ayokong galawin iyon. Hindi naman akin ang perang nandoon, Rafael.""F*ck! Then, what do you want? Paano kung malaman ito ni Grandpa? Malilintikan tayong dalawa, Hannah! Hindi ka ba nag-iisip?" Makikita ang pamumula ng mukha nito nang bitiwan siya. Napahilot pa ito sa sariling sintido.Siya naman ay ilang beses na napalunok. Inis na inis na rin siya sa nangyayari. Tinitiis niya ito at si Samantha, pero ngayon, pati kalayaan niya, pinapakialaman na nito? Ginagawan na nga niya ng pabor ang dalawa, pero parang ang laki pa ng nagawa niyang kasalanan sa mga ito."Wala ka na ba talagang ibang iisipin kundi ang kompanya ng lolo mo, Rafael!"Nang marinig ang sinabi niya, masama siya nitong tinitigan kaya mabilis din siyang nagbaba ng mukha. Para bang nag-aapoy ang mga mata nito sa galit. Kung kandila lamang siya, kanina pa siya upos."Saan ka natulog kagabi? Sa bahay ng lalaking iyon!" bigla nitong tanong.Nagtaas siya ng mukha upang salubungin ang mga mata nito. "Of course, not! Sa coffee shop ako natulog! Hello? Hinanap pa nga ako ni Bullet sa iyo kagabi!" sigaw niya rito.Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa daan pero parang wala naman pakialam si Rafael. E, `di pakialam niya rin! Buwiset na buwiset na siya sa lalaking itom Ang dumi ng isip! Palibhasa, sariling gawain!Nang dahil sa pagsagot niya, para naman itong nahimasmasan kaya ilang minuto rin itong natahimik.Hindi na siya nag-abalang mag-iwas ng mukha. Matalim niyang tinitigan si Rafael. Kayang-kaya niyang gawin miserable ang buhay nito at ni Samantha. Isang sumbong lang niya, mawawala sa dalawa ang kompanya ng mga Fernando. Kaya hindi na siya natatakot.Maya-maya, hindi na nakatiis si Rafael at ito na mismo ang nagbawi ng paningin. Saka naman siya nag-iwas ng mukha. Ilang minuto pa silang tumayo roon, bago ito muling nagsalita."Mag-resign ka."Mabilis na namilog ang mga mata niya sa narinig. "Ano! Saan? Sa coffee shop? No way! Ayoko, Rafael!"Muling natuon sa kaniya ang atensiyon nito. "Kung ayaw mo kunin ang pera mo sa banko, linggo-linggo na lang kitang bibigyan ng pera. Just quit your job," anito sa mababang tinig, para bang nag-uutos.Talagang pinapainit nito ang ulo niya! Kung kanina, ito ang nag-aapoy sa galit, ngayon, siya naman ang parang pumutok na bulkan. Seriously? Gusto nito ba talagang kontrolin ang buhay niya?Matapos ng mga sinabi ni Samantha kahapon, malamang hindi na siya tatanggap ng perang manggagaling sa kanila. May pride pa naman siyang natitira."Para ano? Para may masumbat na naman kayo ng babae mo? Na kesiyo pinapalamon n'yo ako? Pinag-aaral? Ayaw ko, Rafael! Ayokong tumanggap ng kahit na singkong-duling mula sa iyo!"Natahimik ang lalaki sa mga sinabi niya. Mataman siya nitong tinitigan na para bang hindi inaasahan ang mga salitang lalabas sa bibig niya.Makalipas ang ilan sandali, nagbuga ito ng hangin. "Hannah, don't be so hardheaded. May napag-usapan na tayo. Baka may makakilala sa iyo rito at makarating ito kay—""Ayoko nga! Bahala sa iyo, Rafael! Kapag pinilit mo pa akong mag-resign, hindi ko na pipirmahan ang annulment papers natin! Habang buhay ka nang matatali sa akin! O ano? G-gusto mo iyon?"Hindi niya napigilan ang mapiyok sa bandang huli. Na-realize niyang ayaw nitong mangyari ang bagay na iyon kaya ang mga salitang iyon ang naisip niyang sabihin dito.Nasasaktan na naman siya. Naiinis siya sa sarili niya. Paano niya ba mamahalin ang sarili niya kung sa halip na kainisan, bumabalik lang lalo ang nararamdaman niya noon para sa lalaking nasa harap niya ngayon?Naipikit nito ang mga mata nang mariin at pagkatapos ay napabuntong-hininga. Nagpipigil na naman siguro ito ng galit."Bahala sa iyo! Mamatay ka sa galit!" inis na wika ng isang bahagi ng isip niya.Nang parang wala na itong sasabihin ay nag-umpisa na siyang humakbang at iniwan ito.Pumasok na siya sa loob ng coffee shop at bahagyang natigilan nang mapansin na nasa kaniya ang mga mata ng lahat."Best, anyare? Sino ba iyon?" usisa ni Cassandra nang palitan niya ang boss nila sa pagca-cashier."B-boss ko," naiilang niyang tugon dito."What? Iyon ang boss mo?" Halata ang gulat sa tinig at nakaawang na bibig ni Cassandra.Sakto naman na bumukas muli ang pintuan ng coffee shop at pumasok si Rafael. Nagkatitigan pa silang dalawa nang mabaling dito ang paningin niya, bago ito naglakad pabalik sa table nila ng mga kaibigan nito."Ang guwapo pala ng boss mo! Type ko!"Nahinto siya sa ginagawa at tinitigan nang masama si Cassandra."O, bakit? Type mo rin? Ay, o, sige na, sa uyo na!" natatawa nitong sabi.Napairap siya. Kung alam lang talaga nito. Hindi nagtagal matapos nilang mag-usap, lumapit sa kanila si Bullet para magbayad ng takeout nito.Nagpaalam naman si Cassandra para asikasuhin ang bagong dating na mga customers."Hey, you okay, Han?" tanong ni Bullet nang iabot niya ang sukli nito.Gusto niya sanang sabihin dito na hindi siya okay, pero tinatamad na siyang magpaliwanag. Nasasaktan pa rin ang puso niya mula sa naging usapan nila ni Rafael."Oo naman," sa halip ay sagot na lamang niya."Come here," bulong nito at inilapit ang mukha sa kaniya kaya dumukwang din siya para marinig ang sasabihin nito.Bigla itong may inabot sa kaniya na isang maliit na papel. Nagsalubong naman ang mga kilay niya habang tinitingnan ang papel na ibinibigay nito."Buksan mo iyan kapag nakaalis na ako," muling bulong ni Bullet.Kunot-noong tinanguan niya na lang ito. Hindi niya alam kung ano ang trip ng lalaki, pero hindi na siya magrereklamo. Masiyado siyang pagod para hindi sumabay sa agos ng tubig."Hindi nagbibigay si Mr. Pooh Bear ng honey sa mga babaeng nakasimangot, hindi ba HON-nah?" sabi nito, emphasizing the word hon, habang nakangiti nang malapad.Lalong lumalim ang mga gitla sa noo niya. Ang ipinagtataka niya lang ay ang lakas ng boses nito habang nagsasalita.Bigla niyang naalala noon, sa tuwing may nambu-bully sa kaniya at malungkot siya, iyon ang palagi nitong pinang-aalo sa kaniya. Favorite cartoon character niya kasi si Winnie the Pooh.Ngumiti na lamang siya rito bago nagpasalamat. Parang biglang nawala ang lahat ng galit na nararamdaman niya dahil kay Rafael at sa bedmate nitong si Samantha."Iyan, mas gumaganda ka kapag nakangiti." Kumaway pa ito bago nagtungo sa glass door ng shop kaya kumaway na rin siya rito.Nakangiti pa siya hanggang sa makalabas si Bullet, nang biglang mabaling sa mesa nina Rafael ang paningin niya at makita ito, masama ang mga titig nito sa kaniya na animo'y may nagawa na naman siyang kasalanan. At hindi lang iyon, inirapan pa siya nito bago kinuha ang tasa ng kape at humigop."Aba't, nang-iinis ba talaga ito!" pabulong ngunit nanggigigil niyang saad.Umirap din siya bago nag-iwas ng mukha. Itinuon niya na lamang ang pansin sa papel na iniwan ni Bullet. At nang mabasa iyon, agad siyang natigilan."Did you see his face? LOL He kinda looked like he's jealous."Napabuntong-hininga na lamang siya bago ibinaba ang papel. Kahit kailan talaga hindi pa rin nagbabago si Bullet. Kung alam lang nito na hindi siya ang gusto ni Rafael kundi iyong makukuha nitong kompanya sa tulong niya.Sa paglipas ng maraming minuto, hindi pa rin umaalis sina Rafael sa coffee shop. Hindi niya tuloy alam ang gagawin. Bawat oras na lumipas ay nagiging awkward lalo para sa kaniya. Pakiramdam niya, pinagpapawisan siya nang malamig dahil lang sa simpleng presensiya nito.Kung may magandang dulot lang ang pagtatambay roon ng tatlong lalaki, iyon ay ang parami nang parami ang mga customers na dumarating sa coffee shop nila. Karamihan ay mga babae at highschool students na panay tingin kina Rafael."Hannah!" Nag-angat siya ng mukha nang marinig ang boses ni Tristan. Masigla ito at may malaking ngiti sa mga labi habang naglalakad papalapit counter.Hindi niya tinugunan ang mga ngiti nito, sa halip, sinamaan niya lang ito ng tingin."Hannah naman, huwag mo naman ako tingnan ng ganiyan," nangingiting wika pa nito."Magbabayad ka na ba?" walang gana niyang tanong habang nakaarko ang isang kilay."Oo, magkano—""Tristan, ako na."Pareho silang natigilan at napalingon nang magsalita si Rafael mula sa likuran nito.LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h
"Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba
"Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n
HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha
"Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak
NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K