Share

Chapter Thirteen

"Tristan, ako na."

Nagpalipat-lipat ng tingin ang lalaki sa kanilang dalawa ni Rafael matapos ng sinabi ng huli, nakapaskil na ang ngiti sa mukha nito. Sinulyapan pa siya ng lalaki at kinindatan bago tinapik qsa balikat si Rafael at umalis na.

"Three thousand five hundred pesos," wala sa sariling nasabi niya nang balingan ng tingin ang lalaki.

Nakita niya ang pagdukot nito ng wallet sa bulsa ng suot nitong black pants, at ang pag-abot sa kaniya ng isang libo.

Halos batukan niya ang sarili nang makita ang panginginig ng kamay niya habang inaabot ang pera. Kahit nahihirapan dahil parang may nakabara sa kaniyang lalamunan, pinilit niyang lumunok habang nakatuon ang atensiyon sa ginagawa.

"Give me your number."

Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. "Huh?"

"I said, give me your cell phone number," ulit nito na parang nauubusan ng pasensiya.

Mariin niyang pinaglapat ang mga labi bago nagbuga ng malalim na hangin. "Wala akong cell phone."

Nagsalubong ang dalawang kilay nito sa sinabi niya. Tinitigan siya na parang tinatantiya kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.

Inirapan naman niya ito. "Naiwan ko iyong cell phone ko sa kotse ni Papa noong araw ng aksidente. Nasira na iyon," pagpapaliwanag niya rito sabay abot ng sukli nito.

Ilang segundo siyang tinitigan nang masama ng lalaki. Nang makuha nito ang pera, walang sabi-sabing tinalikuran siya nito at umalis.

Sinundan niya ito ng tingin. "Walang hiyang lalaki talaga kahit kailan!"

Lumipas pa ang oras na wala siyang ibang ginawa kundi ang isipin si Rafael. Ang hitsura nito nang magtama ang mga mata nila kanina nang pumasok ito sa coffee shop, pakiramdam nga niya, nag-slow-mo ang paligid niya habang nakatitig sa mga mata nito. At nang hawakan siya nito sa braso para hilahin papunta sa labas, kahit kumikirot pa rin ang braso niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito, hindi niya magawang magalit o mainis.

Pakiramdam niya, lahat ng sakit at galit na mayroon siya para sa lalaki, nagagawa nitong pawiin sa simpleng mga titig lang nito.

"Nababaliw ka na, Hannah." Mariin niyang kinagat ang kaniyang ibabang labi.

Paano kaya kung makipag-deal na lang siya rito? Tatanggapin niya ang inaalok nitong pera, at pagkatapos ay aalis na agad siya sa bahay nito. Para matapos na ang paghihirap ng kalooban niya, at para hindi na rin mangyari ulit ang kahibangan niya noo.

Inangat niya ang kaliwang braso upang makita ang oras sa suot niyang wristwatch. Alas-dose na ng tanghali.

Nakipagpalit na sa kaniya ng puwesto si Cassandra. Ganoong oras kasi ang break niya. May tatlumpung minuto siya para kumain at magpahinga.

Matapos nilang mag-usap sandali ni Cassandra, dagli pa siyang napalingon sa labas ng coffee shop, at ganoon na lang ang pag-awang ng bibig niya nang makita ang taong nakatayo sa kabilang bahagi ng kalsada. Nakapamulsa ito habang nakasandal sa kotse nito at nakatingin din sa kaniya.

"Rafael?" Ano na naman kaya ang ginagawa nito rito?

Agad na siyang nagpaalam sa babae at nagmamadaling lumabas. Nang makalabas ng coffee shop, matagal niya rin tinitigan si Rafael mula sa kinatatayuan niya. Baka kasi hindi siya ang pakay nito, mapahiya pa siya kapag nilapitan niya.

Pero ganoon na lang ang pagliliwanag ng mukha niya nang makita itong sumenyas na lapitan niya. Sandali pa siyang nag-isip bago nagsimulang humakbang palapit sa lalaki. Napansin pa niya ang pagkunot ng noo nito nang malapitan niya nang tuluyan.

"Bakit namumula ka?" Mataman siya nitong pinagmasdan sa mukha.

Namimilog ang mga matang nag-iwas siya ng mukha. "W-wala! Bakit ka ba nandito?"

Hindi ito sumagot pero ilan sandali pa siyang tinitigan. Makikita ang pagkalito sa mga mata nito. Maging ang makakapal nitong mga kilay na hanggang ngayon ay magkasalubong pa rin.

"Bakit ka nga nandito?" Umiirap siyang nag-iwas ng mukha. Nahihirapan siyang huminga dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Lumipas pa ang ilang minuto, may kinuha ito sa loob ng kotse nito bago inabot sa kaniya ang maliit at kulay itim na paper bag.

Bumuntong-hininga siya bago iyon tinanggap. Kunot-noong kinapa niya ang laman niyon nang hindi tinitingnan ang loob. Nang tuluyan niya itong mailabas, halos mamilog ang mga mata niya nang makita ang naka-sealed na kahon ng isang cell phone.

"Pumapayag na akong magtrabaho ka rito," mabilis siyang bumaling dito dahil sa sinabi nito. Kumurap-kurap pa siya upang siguraduhing hindi ito imahinasyon.

Bakit parang bumait yata si Rafael?

"Umuwi ka mamaya sa bahay. May sasabihin ako."

May ilang segundo niya pa itong tinitigan. Halata sa mga mata niya ang pagdududa sa ipinapakita nitong kabaitan. "Sabihin mo na ngayon."

O baka naman palabas lang ito? Nagbuga siya ng hangin nang maisip iyon. Ano na naman kaya ang pinaplano ni Rafael? Bakit bigla-bigla na lang itong nagpapakita ng kabaitan sa kaniya?

"Mamaya na sa bahay. I want you home exactly at seven in the evening." Mataman siya nitong tinitigan sa mukha. Walang halong galit o ano pa man ang mukha nito. "Huwag nang matigas ang ulo, Hannah."

Matapos sabihin iyon, sumakay na ito ng kotse nito at umalis na.

Sinundan niya ng tingin ang sasakyan nito hanggang sa tuluyan iyong makalayo. Naiiling siyang bumalik sa coffee shop. Ginugulo na naman ni Rafael ang isip niya . . . at maging ang kaniyang puso.

———

MAHIGPIT niyang hinawakan sa kamay ang babae at nagsusumamong tinitigan ito. "Sam, please . . ."

"No!" sigaw ni Samantha at padabog na ibinaba ang maletang hawak. "Hindi pa ba sapat na pumayag akong pakasal ka sa matabang babae na iyon! Was it still not enough? Do you really need to do this, Rafael!"

Nanlilisik ang mga mata nitong tumitig sa kaniya. Halata sa mukha ang inis na hindi kayang itago.

Naipikit niya ang mga mata. Napaka-ikli ng pasensiya ni Samantha. Ito ang dahilan ng madalas naming pag-aaway noon pa.

"Babe, please, limang buwan na lang at magiging malaya na rin ako." Pilit niya itong pinahaharap sa kaniya ngunit nagmamatigas pa rin ito.

"I said, no! Kaya lumalaki ang ulo ng ambisiyosang baboy na iyon! Masiyado kang mabait sa kaniya!" Marahas nitong itinapon ang hawak na pouch at tinalikuran siya.

Mula nang sabihin niya rito kanina ang binabalak niyang gawin, tila naka-plaster na sa pagmumukha nito ang pandidiri. Nagbuga siya ng hangin bago ito niyakap mula sa likuran nito.

"Samantha, baby, five more months. Just five more months, ang kompanya ng pamilya ko at ako, magiging iyo lang." Kinuha niya ang kamay ng babae at dinala iyon sa mga labi niya.

Narinig niya ang pagpapakawala nito ng buntong-hininga bago siya muling hinarap. Nakangiti at malambing nitong pinasadahan ng palad ang pisngi niya.

"Promise me one thing." Napangiti siya bago ito tinanguan.

"Anything for you, baby," he said as he took her hand to his lips.

Umarko ang mga kilay ni Samantha. "Don't have sex with her."

Natigilan siya bigla sa narinig. Nagtataka niya itong tinitigan sa buong mukha. "Are you serious? Why would I even do that?"

"Because I know you, Rafael! Malambot iyang pesteng puso mo! What if you fall for that pig? I can't even imagine that happening! Nandidiri ako!"

Hindi siya nakasagot sa mga sinabi nito. Magkasalubong ang mga kilay niya sa pagtataka habang tinititigan ang magandang mukha ng babaeng matagal na niyang mahal.

"Oh, bakit natahimik ka? Don't tell me, may balak kang pumatol sa baboy na iyon!"

"Wala!" matigas niyang tugon. Mariin siyang napapikit bago dumistansiya sa babae. "Ano bang pinagsasabi mo, Samantha?" Unti-unti na naman siyang nawawalan ng pasensiya rito.

"Tell me you won't have sex with her, Rafael! tell me!"

"I won't!" mariin niyang tugon. Mataman na nakatitig sa mukha ng dalaga.

Bigla naman nagbago ang ekspresiyon sa mukha ni Samantha. Sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi nito bago umangat ang kamay at marahan siyang hinawakan sa pisngi.

Tila nang-aakit na naglakbay ang mga daliri nito sa braso niya, pababa sa kaniyang katawan hanggang sa maabot ang zipper ng suot niyang pants.

Kumislap ang mga mata ng babae matapos maibaba ang zipper ng suot niya. Saka naman nito isa-isang hinubad ang suot na damit. From her black wrap top branded blouse to her red fitted mini skirt—wala itong itinira ni isang saplot sa katawan.

Pinagmasdan niyang umikot sa harap niya ang babae habang nakahubo't h***d. Mula sa malalaki nitong hinaharap, hanggang sa mabilog na puwet. Nang-aakit itong humiga sa kama at nakatingin sa kaniya na may ngiti sa mga labi.

Napangisi siya sa nakikitang ginagawa nito. Napaka-liberated na babae ni Samantha, iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit niya ito nagustuhan.

Umungol ito nang nang-aakit. Dahan-dahang itinaas ang kamay at iginalaw ang hintuturo na waring sinasabi na lumapit siya.

Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Hinubad niya ang suot na damit at matulin na lumapit dito.

Bumangon ang babae at masuyo siyang hinalikan sa mga labi. "Have s*x with me, Rafael. F*ck me. I want you to f*ck me. Hard. Now."

Siniil niya ito ng halik bilang tugon. Ilang minuto pa ay pareho na silang nakahiga sa ibabaw ng kama habang marahas na gumagalaw.

"Tell me you're mine, Raf," he heard her whisper as he thrust deep into her.

"I'm yours . . . Samantha."

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
landi talaga ni kabit bwesit ka Rafael maabotan na naman kayo ni Hannah
goodnovel comment avatar
Josephine Cabubas Advento
maaabutan na naman cla ni hannah,tsk kainis talandi mo Samantha
goodnovel comment avatar
Ella Jane Olesco
bwisit na samantha!!apakalandi magsama kayo nyang Raf Raf na yan Duh...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status