Share

Chapter Twenty-four

HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.

Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.

Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.

Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.

Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.

Nang makalapit siya nang tuluyan kay Rafael, nag-aalala nitong hinawakan siya sa braso.

"Bakit ka umiiyak?"

Mariin siyang lumunok at umiling. Narinig niya ang pag-ihip ng malakas na hangin, maging ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan ay rinig niya.

"Hannah . . . "

Ngumiti siya sa lalaki. Ang mga mata at maging ang tinig nito, sinasabing pag-aalala ang nararamdaman ng lalaki para sa kaniya.

Wala na yata siyang mahihiling pa.

Umangat ang mga kamay nito sa magkabilang pisngi niya, saka marahang pinahid ang kaniyang mga luha.

"You're supposed to be happy. I didn't do this to see you crying."

Marahan niyang pinalis ang mga kamay nito bago nakangiting umiling. Akala niya, wala nang ibabaha ang mga luha niya, pero nagkamali siya. Mas lalong bumuhos ang luha sa kaniyang pisngi nang marinig ang sinabi nito.

"Hindi ko man maibigay sa iyo ang pangarap mo, hayaan mong kahit sa ganitong paraan, makabawi ako sa iyo."

Ngumiti ito bago kinuha ang kamay niya at ipinulupot iyon sa sarili nitong braso.

"Ito ang kasal na hindi ko naibigay sa iyo, Hannah."

Muli nitong pinahid ang mga luha niya sa pisngi bago sila tuluyang humarap sa pari.

Malaking ngiti ang ibinigay sa kanila ng pari bago nito sinimulan ang seremonya. Buong oras ay nakatutok sa kanila ang paningin at atensiyon ng mga tao sa paligid.

May ilang kinukunan sila ng larawan, ang iba naman ay binibidyohan sila. Hindi niya alam kung bakit, pero malayong-malayo nga ito sa kasal nila noon sa simbahan.

"Do you, Rafael Fernando, take Hannah Perez to be your lawfully wedded wife from this day forward, to have and to hold, in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, as long as you both shall live?"

"I do," narinig niyang sagot ni Rafael matapos siya nitong sulyapan. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi nito.

Kung panaginip man iyon, hindi na niya nanaisin na magising pa.

"And do you, Hannah Perez, take Rafael Fernando to be your lawfully wedded husband, from this day forward, to have and to hold, in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, as long as you both shall live?"

"I do," sagot niya sa pari at bumaling kay Rafael.

Sa paglingon niya rito ay nakatingin na ito sa kaniya. Payapa ang mga mata at buong mukha habang banayad na nakangiti.

"Thank you," bulong ng lalaki.

"By the power vested in me, I now pronounce you man and wife." Malapad na ngumiti ang pari. "Iho, you may now kiss your bride."

Nakagat niya ang ibabang labi matapos ng narinig. Oo nga pala, kailangan pa nilang gawin ang parteng iyon ng seremonya ng kasal.

Wala na sana siyang balak gawin iyon pero hinawakan siya ni Rafael sa magkabilang balikat, at marahang pinahaharap dito.

Nakangiti itong nakatingin sa kaniya kaya ngumiti na rin siya, lalo pa nang magsimulang umugong ang boses ng mga tao sa paligid nila. Paulit-ulit sinasabi ang salitang, kiss.

Lumakas ang tambol ng dibdib niya nang marahang hawakan ni Rafael ang magkabila niyang pisngi. Lumapad ang ngiti sa mga labi nito bago dahan-dahang bumaba ang mukha at ginawaran siya ng isang halik sa mga labi.

———

Nasa bukad siya ng pintuan habang pinagmamasdan si Rafael na makipag-usap sa pari na nagkasal sa kanila kanina. Hawak niya ang mga labing hinalikan ng lalaki at tila siya wala sa sarili kung pagmamasdan.

Narinig niyang lahat ng nakasaksi, mga staff, mga naka-check-in sa resort, lalo na iyong mga bata sa labas, paghahandaan ng masarap na pagkain at breakfast para bukas. Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap sa pari, ipinahatid niya ito sa isang staff ng resort.

Malapad ang mga ngiti nang maglakad si Rafael pabalik sa kanilang cottage. Mabilis naman niyang ibinaba ang kamay at pilit na ngumiti rito.

"So, Mrs. Fernando," panimula nito saka siya inakbayan. Sabay silang pumasok sa loob. "What should we do now?"

May pilyong ngiti ito sa mga labi habang itinatanong iyon. Nangunot naman ang noo niya, lalo na sa itinawag nito sa kaniya. Mrs. Fernando?

"U-uhm, e-ewan. Ikaw ba, ano'ng gusto mong gawin?"

Kinagat nito ang ibabang labi bago siya sinandal sa pinto ng kuwarto nila. "We got married two times already, Hannah. What do you think we should do?"

Tumaas ang isang kilay nito habang hinihintay ang sagot niya. Kinalas na nito ang brasong nakaakbay pero gumapang naman iyon sa baywang niya.

Umihip ang malakas na hangin kaya natuon ang atensyon niya sa labas ng bintana. Hindi siya makasagot dito, hindi niya kasi alam kung seryoso ba ito o pinaglalaruan na naman siya.

"K-kumain?" out of no where ay bigla niyang nasabi. Naglaho ang ngiting makikita sa mukha nito at bahagyang kumunot ang noo.

"Gusto mong kumain?"

Mariin siyang lumunok. "Oo, `di ba, pagkatapos ng kasal ay kainan?" nauutal niyang tanong sabay tungo sa ref at kumuha ng isang coke in can.

"Sigurado kang ayaw mong ikaw ang kainin?" Gumapang ang mga daliri nito sa sinturon ng suot nitong pantalon.

Mabilis na namilog ang mga mata niya. "Bastos!"

Itinuon na lamang niya ang atensiyon sa mga pagkain na makikita sa loob ng fridge.

"Kakain ako. Bahala ka diyan."

"Ah-huh. Smart girl." Tumawa ito bago marahang naglakad palapit sa kaniya habang matuling hinuhubad ang suot na puting coat.

"You sure you don't want to . . . " May pilyong ngiti ito sa mga labi nang sadyang huminto sa pagsasalita.

Nang-aakit nitong inilagay ang hinlalaki sa ibabang labi saka mas lalong lumapit sa kaniya. Sa labis na kaba ay agad niyang hinablot ang kutsilyo sa lagayan nito at itinutok sa lalaki.

"Jesus! Hannah, what are you doing!" Nahinto ito sa ginagawa at mabilis na napaataras. "Are you out of your mind? Put that down!"

Ngumuso siya saka umiling. "Ang bastos-bastos mo kasi! Samantha's not here, Rafael! Huwag ka nang lumandi riyan!" asik niya habang nanginginig ang dalawang kamay na nakahawak sa kutsilyo.

Muli itong umatras at itinaas pa ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Okay, fine! Fine! Just put that knife down! Baka masugatan ka pa!"

Tinalikuran siya nito nang walang salita.

"S-sandali! Saan ang punta mo?" tawag naman niya.

"Restaurant. I'll get us something to eat. Baka bigla kang magutom diyan, at hotdog ko pa ang mapagbalingan mo."

Pigil ang sariling natawa siya sa sinabi nito. Ang bastos talaga kahit kailan!

Hindi niya mapigilang hindi isipin na kaya siguro baliw rin si Samantha kay Rafael dahil magkasundong-magkasundo ang dalawa, lalo na sa usaping sex. Parehong mataas ang libido ng mga ito.

———

LATAG na ang dilim sa buong paligid nang bumalik si Rafael dala ang mga pagkain. Apat na paper bags ang bitbit nito at lahat ng iyon, puno ng makakain. May iba't ibang ulam, seafoods, BBQ, at iba-ibang klase ng desserts. Siyempre, hindi mawawala ang alak.

"Ang dami naman nito," aniya bago kumuha ng isang brownies sabay subo niyon.

"Well, I want us to celebrate our second wedding. Saka, hindi mo naman sinabi kung ano ang gusto mo, so . . . "

Nilingon niya si Rafael bago nginitian. Bumalik siya sa kusina at kumuha ng mga plato. Dinala niya iyon pabalik sa balkonahe. Gusto kasi kumain at mag-inuman ni Rafael doon.

Magkatapat silang naupo sa harap ng coffee table, subo siya nang subo ng fries at BBQ, habang si Rafael naman ay tuloy-tuloy sa pag-inom.

Sa tuwing nag-aangat siya ng paningin dito at nahuhuli itong nakatitig sa kaniya, kung hindi mag-iiwas ng tingin ay ngumingiti ito para agad rin ibinabaling sa iniinom ang paningin.

Sa loob ng isang buwan at ilang araw ng pagiging mag-asawa nila ni Rafael, ngayon lang niya ito nakasabay na kumain.

"Dudukutin ko na talaga iyang mata mo," pagbabanta niya nang muli itong mahuling nakatingin sa kaniya habang kumakain siya ng cupcake.

Natawa ito sa sinabi niya pero hindi rin nagsalita. Bumaling siya sa paligid at pinagmasdan ang natatanaw niyang puno ng niyog. Tinatangay ng hangin ang mahahabang dahon niyon.

"Inaantok ka na ba?"

Muling nakuha ni Rafael ang atensiyon niya sa sinabi nito. "Sa dami ng kinain ko, pakiramdam ko hindi ako makakatulog agad. Bakit?"

Matagal niya itong tinitigan sa mukha dahil napansin niyang tila tinatablan na ito ng alak. Unti-unti nang namumula ang pisngi nito at namumungay na ang mga mata. Mas malapot na rin ang titig nito sa kaniya.

"Gusto ko pang makipag-inuman kasama ka." Itinuon na nito ang pansin sa dagat.

Ngumuso siya bago mabilis na ibinaba ang kinakaing cupcake, saka nilahad ang dalawang palad rito. "Kung gusto mong makipag-inuman, bigyan mo ako ng alak!"

Natawa ito sa sinabi niya. "You're still too young for alcohols."

"Young? Nineteen na ako. At saka, ikinasal nga tayo, e."

Nginitian lang siya nito, pero hindi man lang pinansin ang sinabi niya. Ipinagpatuloy nito ang pag-inom habang nakatanaw pa rin sa dagat.

Bakit ba pakiramdam niya, ayaw siya nitong kausap? lagi kasing ngiti lang ang itinutugon nito sa kaniya at pagkatapos ay mag-iiwas na ng paningin. Marahas siyang nagbuga ng hangin bago ipinagpatuloy ang pagkain at pinabayaan na lang ito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
naku Hannah wag Kang masyadong magpaka lasing mamaya niyan gapangin ka ni Rafael
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status