TRISTAN'S question caught Hannah off guard. Aminado siya sa sarili niya noon tungkol sa nararamdaman niya para kay Rafael, pero ngayon, hindi na siya sigurado.
Puro pasakit at luha na lamang ang ibinibigay sa kaniya ng lalaki. Sa tuwing nakikita niya ito, o kahit maisip man lang, lagi siyang nasasaktan. Hindi niya naisip na ang taong minsang minahal niya noon, ay magdudulot sa kaniya ng labis na pasakit ngayon.
Sa pangalawang pagkakataon, tila nakuha ni Tristan ang hinihinging kasagutan nito sa pagtahimik niya.
"That asshole," sambit muli nito at napasandal na sa kinauupuan.
Biglan naman dumating ang dalagang si Ella dala ang order ng lalaki. Muli silang nabalot ng katahimikan matapos ilapag ni Ella ang mga pagkaing in-order nito. Hindi tuloy niya mapigilan ang hindi kabahan. Paano kung ipaalam nito kay Rafael ang tungkol sa trabaho niya?
Makalipas ang ilan pang sandali na puno ng katahimikan, nagsalita uli ang lalaki. "Alam mo na ba ang tungkol kay," sandali itong natigilan sa pagsasalita, tila nagdadalawang-isip kung itutuloy ang sasabihin o hindi. "Ang tungkol kay Samantha?" mahina ang naging pagbanggit nito sa pangalan ng babae.
Nagbuga siya ng hangin bago sumandal sa kinauupuan. Kahit siguro hindi nito isatinig ang pangalan ng babae ay magi-gets pa rin niya ang ibig nitong sabihin.
Nakatulala siya nang ilang minuto at pinag-iisipan mabuti kung dapat bang sagutin ang tanong nito. Magmumukha na namin kasi siyang kawawa, pero makalipas ang ilang minuto ay nagdesisiyon siyang tumango na lang.
Walang punto para itago pa. Kahit naman ang lolo ni Rafael, alam na ang tungkol kina Rafael at Samantha.
"Sa bahay siya nakatira."
Bahagyang natigilan si Tristan kasabay ng pagsalubong ng mga kilay nito. "What? And you agreed to that?"
Mariin siyang lumunok. Aba, alangan naman hindi siya pumayag? E, hindi naman kaniya ang bahay na iyon. Pagmamay-ari iyon ni Rafael. At si Rafael mismo, si Samantha ang nagmamay-ari. Kaya ano'ng magagawa niya?
Malungkot siyang tumango rito at nanatiling walang imik, kahit na ang totoo, sumisigaw ang damdamin niya.
Napapikit ito nang mariin at napailing. "That asshole!"
Napangiti na lamang siya kay Tristan. Napakabait talaga nito kahit noon pa. Bakit kaya hindi rito nagmana si Rafael?
"You really like him that much, huh?" narinig niya komento nito habang mataman siyang tinititigan.
Hindi niya alam kung bakit pero kusang tumango ang ulo niya. Nakakatawa rin siya, e. Sa halip na magalit, tila bumabalik pa ang nararamdaman niya noon para kay Rafael. Siguro nga, masokista talaga siya.
"You know what, Hannah. You remind me so much of someone I know," sabi nito na ikinakunot ng noo niya.
"Sino naman?"
Nakita niya ang pagningning sa mga mata ni Tristan na waring may inaalalang magandang bagay. Kumurba rin sa isang ngiti ang mga labi nito na ikinangiti niya rin. Mukhang alam na niya ang dahilan sa likod ng mga ngiti nito.
Kinuha ng lalaki ang cell phone nito at isandaling may kinalikot doon. Makaraan ang ilang segundo, may ipinakita itong litrato sa kaniya.
Tiningnan ko ang stolen picture ng isang babae sa screen ng cellphone nito. Nakadungaw sa bintana ang dalaga. Bintana iyon ng isang classroom.
Pinakatitigan niyang mabuti ang picture. Maputi ang babae. Hindi sobrang ganda pero sa mga mata niya, maganda ito. Agaw-pansin ang pagiging simple nito na ikinaganda lalo ng dalaga.
"Sino iyan, Kuya Tristan?" nakangiti niyang tanong habang nakatitig pa rin sa litrato sa cell phone nito.
"Her name is Anika. Alam mo bang magkapareho kayo? Ulila na rin siya," pagsasabi nito habang nakangiti.
"Oh?" Nagkainteresado siyang bigla sa babae. Pakiramdam niya kasi, malaki ang parte nito sa buhay ni Tristan.
"Nagkakilala kami nang dahil sa sulat. Just like you, distant din siya sa ibang tao. Mababa ang self-esteem at laging nagdududa sa sarili, but you know what?"
Nagsalubong ang mga kilay niya. "What?"
"Mahal na mahal ko siya."
Bahagyang umawang ang bibig niya sa narinig. Puno ng senseridad ang mga mata nito at para bang naghuhugis-puso ang mga mata.
Itinuro niya ang screen ng cell phone nito. "Kung ganoon, girlfriend mo siya?"
Sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya. Kaya pala punong-puno ng ningning ang mga mata nito habang nagkukuwento tungkol sa babae.
"One day, darating ang lalaking magmamahal sa iyo nang tapat. Ang pag-ibig kasi, Hannah, hindi nakikita gamit ng mga mata. Nahahanap lang iyan sa pamamagitan ng puso natin. Always remember that."
Iyon ang huling sinabi ni Tristan bago ito nagpaalam sa kaniya at umalis na.
Lumipas ang oras nang hindi nawawala sa isip niya ang mga salita ng lalaki. Napakasuwerte ng babaeng iniibig nito. Responsable, mabait, at napakaguwapo ng binata. Kahit sino, magkakagusto rito.
Nagtataka nga siya sa sarili niya, bakit hindi ang tulad ni Tristan ang nagustuhan niya? Bakit kailangan si Rafael pa?
Bago pumasok sa paaralan, nagdesisiyon siyang umuwi muna. Pauwi na siya noong mga sandaling iyon sa bahay ni Rafael. Alas-dos na ng hapon kaya sigurado siyang walang tao sa bahay, maliban na lang siguro kay Aling Myrna.
Dahil sa pagmamadali niya kaninang umaga ay nalimutan niya ang ID at ang school project niya.
"Wala raw sa hitsura ang pag-ibig, e, malaking porsiyento ang mukha para magustuhan ka ng ibang tao," bulong niya habang naglalakad sa gilid ng daan.
Sa panahon ngayon, malaking parte sa pag-ibig ang outer looks. Kapag pangit ang isang tao, dapat maging extra-special ito para magustuhan ng iba. Kapag maganda naman, kahit siguro kaugali ni Samantha, kababaliwan pa rin ng mga lalaki—mga lalaking kagaya ni Rafael.
Napabuga na lang siya ng hangin. Narating niya ang bahay makalipas nang mahabang pagmumuni-muni. Agad na nagtungo siya sa kaniyang kuwarto at kinuha ang ID at ang school projects niya. Kumuha na rin siya ng extrang damit.
Tinablan siya ng hiya sa ginawa at mga sinabi ni Samantha kagabi. Hindi niya kayang humarap kay Rafael matapos ng mga nangyari kaya plano niya sa coffee shop na muna matulog. Alam naman niyang mas ikatutuwa pa iyon ni Rafael, lalo na ng babae nito.
Matapos makuha ang mga kailangan, pababa na siya ng hagdan nang biglang bumukas ang pintuan ng bahay. Akala niya ay ang matandang si Myrna ang dumating, pero laking gulat niya nang makita ang nakangising si Samantha.
"Mabuti naman at nandito ka. Sinadya ko talagang umuwi ng ganitong oras para sa iyo," nakataas ang isang kilay nito habang sinasabi ang mga iyon.
Pinag-cross ng babae ang dalawang braso sa harap ng dibdib at tinitigan siya nang mabuti. Ngumiti ito na parang nang-iinis. Tila siya iniinsulto. Katulad ng dati, may suot na naman itong mamahaling damit na hapit na hapit sa katawan nito.
Nakatayo siya sa unang baytang ng hagdan kaya humakbang pa ito para lalo siyang malapitan.
"Ano bang kailangan mo?" walang gana niyang tanong. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili upang makaiwas sa isa na namang away.
Sumilay ang imnang-uuyam na ngiti sa labi ni Samantha. Naniningkit naman ang mga mata nitong nakukulayan ng black matte na eyeshadow. "Gusto ko lang ipaalam sa iyo na ang kapal ng pagmumukha mo! Slut! Ilusiyunada ka na nga, pangit pa!"
Napapikit siya ng mga mata at huminga nang malalim. "Samantha, ayaw ko ng away."
"You should have thought of that before!"
Ayaw niyang makipagtalo kaya tiniis na lang niya ang inis at nagsimula nang humakbang para lagpasan ito, pero mahigpit siyang hinawakan ng babae sa braso.
"I'm not done talking to you! Wala ka ba talagang kahihiyan? Rafael married you, feed you, paid your parent's debt, at pagkatapos nagyon, pinag-aaral ka rin niya, but the way you speak, you think you're the real wife?"
Sunod-sunod siyang napalunok sa mga sinabi nito. Ilang buwan na lang naman, hindi na niya makikita ang babaeng ito dahil maghihiwalay na rin sila ni Rafael. Sa ngayon, kailangan niya munang magtiis.
Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Samantha sa kaniya. Kung umakto ito, akala mo ay inagawan. Ramdam na ramdam niya ang galit nito.
Kahit gaano pa katalim ng mga salita nito, hindi siya kumibo. Nilunok niya ang lahat ng pang-iinsulto nito dahil alam niyang ito ang may mas karapatan. At saka, hindi naman talaga siya amazona noon pa, hindi kagaya ng babaeng ito.
"Just sign the contract! Huwag ka nang mangarap pa na magugustuhan ka ni Rafael!"
Ilang ulit siyang napalunok nang marinig ang sinabi nito. Kontrata? Ibig sabihin, plano na talaga nila ito. Planado na ang lahat. Naiiling siya sa sarili niya. Hindi niya alam kung magagalit o maaawa sa kaniyang sarili dahil nagmahal siya ng lalaking baliw na baliw sa babaeng demonyo.
"Ako ang mahal ni Rafael. He's just using you to take the company. Huwag mo na siyang landiin! Kahit anong gawin mo, hindi siya magkakagusto sa iyo!"
Bigla siyang natigilan sa narinig. Mula sa harap, umangat ang paningin niya sa mga mata ni Samantha. Pakiramdam niya, tumaas hanggang ulo ang lahat ng dugo niya sa katawan. Kahit sobra pa ang galit na nararamdaman niya para sa isang tao, magpipigil siya hangga't kaya niya, pero ang sabihan siyang malandi? Bahala riyan kahit magsumbong pa ito kay Rafael! Bahala na rin kahit mas lalong magalit sa kaniya si Rafael!
"Bago mo ako sabihan ng lumalandi, isipin mo muna kung sino sa atin dalawa ang handang bumukaka sa harap ng lalaking kasal na, makaraos lang ng kati!"
Tila nagulat ito sa sinabi niya dahil hindi ito nakapagsalita. Tulala lang itong tumitig sa kaniya habang unti-unting nanlalaki ang mga bilugan nitong mga mata. Kinuha niya naman ang pagkakataong iyon para makaalis sa pagkakahawak nito at dali-daling nilisan ang lugar na iyon.
"Modelo pa man din, pero parang walang ka-class-class kung magsalita at kumilos!"
Natigilan siya nang maisip na nagkakaganoon si Samantha dahil sa isang lalaki—at iyon ay si Rafael. Ang parehong lalaki na dahilan kung bakit siya nagdurusa ngayon. Ang dahilan kung bakit gabi-gabi na lang siya kung umiyak.
Huminto siya sa paghakbang bago nilingon ang bahay ni Rafael. "Siguro... oras na para sarili ko naman ang unahin ko."
LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h
"Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba
"Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n
HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha
"Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak
NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K