Share

Chapter Twenty-five

UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.

Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.

Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages.

"Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya.

"Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya.

"Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.

Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siyang uminom ng alak ng mga magulang niya noon. Kahit tikim, hindi pa nasasayaran ang lalamunan niya.

"Alam mo kasi, first time kong uminom ng alak, e," sabi niya bago tuluyang tumikik mula sa baso, pero ang excitement na nararamdaman niya, napalitan ng pag-asim ng mukha. "Ang pait."

Mahinang natawa si Rafae. "Ginusto mo iyan."

Tinitigan niya ang baso sa kamay niya. Buong akala niya, matamis ang alak dahil sa mga nababasa at napapanood niya. Iyon pala, tutunawin lang ng tunay na lasa nito ang pananabik niya.

"May gusto ka bang gawin? Maaga pa at medyo boring."

Umangat sa mukha ni Rafael ang paningin niya. Nabo-bored na ito. Hindi nito mararamdaman iyon kung si Samantha lang ang kasama nito.

"Sorry, Rafael, ah?"

Natigil sa pag-inom ng alak ang lalaki. Nagtatakang tinitigan siya. "Sorry for what?"

"Kasi, sa halip na si Samantha, ako ang kasama mo. Nabo-bore ka tuloy." Wala sa sariling napainom siya muli ng alak.

Ang lasa nito at ang nararamdaman niya, tunay na magkatulad. Mapait.

Banayad na ngumiti si Rafael. "You're so cute, Hannah. Do you know that?" Tumikhim ito bago nilapag ang baso ng alak sa ibabaw ng mesa. "Hindi laging si Samantha ang dapat kong kasama. Ngayon na kasal na tayo, masanay ka nang laging nasa tabi ko. Aayusin natin ito."

Nagbuga siya ng hangin bago tumango. "Ay! Alam ko na, Rafael! Kung nabo-bored ka talaga, magtanungan na lang tayo!"

Pakiramdam niya tinablan agad siya ng patikin-tikim ng alak. Feeling close na kasi siya kay Rafael.

"Magtanungan?" Sumilay ang ilang gitla sa noo nito.

Tumango siya nang sunod-sunod, pero nang mapansin na tila ayaw ni Rafael, nakanguso siyang umiling. "Ayaw mo? Para bang pambata?"

"Hindi naman." Ngumiti ito pagkatapos ubusin ang laman ng baso. "Sige, gawin natin."

Pakiramdam niya, tuwang-tuwa ang puso niya nang ngitian siya ni Rafael habang tila excited rin itong mag-umpisa.

"Iyong mga, 'How does it feel' na tanong, ha? Ano, payag ka? Huwag kang KJ diyan, Rafael!" sita niya pa bago tinungga ang natitirang laman ng alak. Mariin siyang napapikit nang malasahan ang pait nito.

Buong oras ay pinagmamasdan lamang siya ni Rafael habang may ngiti ito sa mga labi. Ilan sandali pa, tumango na rin ito bago inabot mula sa kaniya ang hawak niyang baso.

"Rafael, how does it feel to be the so-called famous womanizer CEO of the well-known airline company? Matagal ko nang gustong malaman iyon, e. Parang fairytale ang buhay mo. Nasa iyo na lahat."

Ilang segundo rin itong nakipagtitigan sa kaniya bago tumatawang napakamot sa noo.

"Fairytale? Uh, yeah. Okay naman. Medyo nakakapagod lang paminsan."

"Nakakapagod rin pala ang pagiging sikat at mayaman?" tila hindi makapaniwala niyang tanong.

"You know, Hannah, we can do something more exciting than this, if you want." Kumindat pa ito habang may pilyong ngiti sa mga labi.

"Hoy! Ang pervert-pervert mo! Pervert ka! Tumigil ka nga!" bulalas naman niya bago dahan-dahang pinagapang ang kaliwang kamay sa gawi ng pinaglalagyan ng mga alak.

"Put your hands in your pocket." Hinuli ni Rafael ang dalawang kamay niya saka dumukwang para ipatong iyon sa suot niyang black pants. Napangisi siya rito. "I guess it's my turn to ask a question. How does it feel to have a complete family, Hannah?"

Kumunot ang noo niya sa naging tanong nito. Bakit naman nagtatanong nang ganito si Rafael? E, kompleto rin naman ang pamilya nito. Siya nga itong wala nang pamilya maliban sa lalaki.

"Normal lang pero masaya. Pamilya kasi ang kumukompleto sa buhay natin, hindi ba?" nakangisi niyang saad. Nagkibit-balikat lamang ito.

Napahawak siya sa magkabilang pisngi nang maramdaman ang pag-iinit niyon. Mukhang tinablan siya ng isang baso ng alak.

"Rafael, h-how does it feel to be . . . u-uhm . . . you know, i-iyon?"

Kumunot ang noo nito. Nakatitig sa kaniya nang may pagtataka sa mga mata. "Iyon?"

"I-iyong hindi na virgin?"

Natigilan ito sa narinig. Siniyasat siya nito ng tingin na para bang kinakabisa ang bawat parte ng kaniyang mukha. Maya-maya pa'y sumilay na ang ngiti sa mukha nito.

"Masarap."

Namilog bigla ang mga mata niya sa narinig. Anong klaseng sagot iyon? Manyak naman talaga!

"Ang honest mo naman, Rafael Alejandro Fernando," natawa ito sa sinabi niya.

"So, how does it feel to be a virgin, Hannah?"

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Sus! Para ka naman hindi naging virgin!"

Pareho silang natawa sa sinabi niya. Inabot niya ang isang piraso ng chicken wing saka sumubo. "Nakaka-proud. Well, wala naman kasi nagtangkang kumuha ng virginity ko. At kahit mayroon, hinding- hindi ko ibibigay!"

Kitang-kita ang pagmamalaki sa buong mukha niya. Sa buhay niyang iyon, iyon lang naman talaga kasi ang maipagmamalaki niya, ang pagiging pure niya.

"Gusto ko kasing ibigay iyon sa lalaking pakakasalan ko . . . ibig ko sabihin, sa susunod kong pakakasalan."

Nang mag-angat siya ng mukha, nagtaka pa siya nang makitang nakataas na ang isang kilay ni Rafael. Pagkuwa'y umiling ito habang nakangiti. "Such a surprise to hear those words from a lesbian. I'm amazed, Hannah," sarcasm in his voice.

Naglaho ang ngiti sa mga labi niya. Bigla niyang naalala ang mga pinagsasabi niya rito noong nasa kuweba sila.

"Alam mo, nagugustuhan ko na itong ginagawa natin." Pilyo siya nitong nginitian.

"M-matulog na kaya—"

"Your turn," putol agad nito sa sinasabi niya bago sumubo ng isang tart.

Nagbuga siya ng hangin. Nandoon na rin lang sila, mag-e-enjoy na siya.

Bumaling siya sa malayo bago ngumiti. May isang bagay ang laman ng isip niya. "Ano ba ang feeling ng first time mong makipag-ano . . . "

Nakagat niya ang ibabang labi habang iniisip ang tamang salitang dapat gamitin. Tingin niya kasi, kung hindi dahil sa alak, hindi kakapal nang ganoon ang mukha niya.

"I-iyong first time mong makipag-jugjugan?" Muli niyang nginisian si Rafael nang ibaling niya rito ang paningin.

Matagal naman siya nitong tinitigan. Hindi niya mabasa ang nakikitang emosiyon sa mukha nito kaya sinalubong na lang niya ang mga mata nito. Makalipas ang ilang segundo, nagpakawala ito ng buntong-hininga bago lumabi. Nakangiti itong nagsalin ng alak saka iyon inubos.

Buong oras ay pinanood niya lamang ito. Hindi niya alam pero pansin niyang parang hindi ito makapakali sa kinauupuan. At saka, kanina pa nito ginagalaw ang isang paa.

"Want me to tell you a story about me, Hannah?"

Natigilan siya sa tono ng boses nito. Mukhang seryoso si Rafael kaya huminto siya sa pagkain saka um-oo. Tumango-tango pa siya nang ilang beses.

Kahit ano naman basta tungkol kay Rafael, gusto niyang marinig.

"It was in a cold room inside a motel. I won't tell you my age at that time, but the woman I had my first with is thrice my age. Hindi magandang karanasan iyon kaya hindi ko masasabing masarap." Tumawa pa ito nang mapakla. Halata sa mga mata nito na ayaw nitong balikan ang parteng iyon ng buhay nito. "May mga nagawa akong mali noon, Hannah. Mga bagay na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko."

Mariin siyang lumunok. Halata ang lungkot sa boses ni Rafael. Ang biglang pagkawala ng kislap sa mga mata nito ang nagsasabi sa kaniyang nahihirapan ang kalooban ng lalaking ito, subalit pilit na nagkukuwento sa kaniya kahit hindi niya alam ang dahilan.

"Taga-maneho ng pamilya Fernando ang papa ko, Hannah. Si Tatay and mama had an affair. Nabuntis ni Tatay si Mama nang hindi sinasadya. Galit na galit si Grandpa at buong pamilya nila kay mama noon, kaya nang isilang niya ako, ibinigay niya ako kay tatay at pinalayas nila kami. Si Tatay na ang nagpalaki sa akin."

Kusang huminto si Rafael sa pagsasalita. Kitang-kitang niya sa mukha nito kung gaano kahirap para sa lalaki ang balikan ang nakaraan.

"When I was fourteen, my father died because of an accident. Walang-wala kami noon kaya hindi ko man lang siya nagawang dalhin sa hospital. Kaya namatay siya, namatay siya dahil sa kahirapan namin. Mula nang mamatay si Itay, nagpalaboy-laboy na ako sa lansangan, pinalayas na ako sa inuupuhan namin noon dahil wala naman akong maipambayad. Akala ko mamamatay na ako dahil sa gutom, dalawang linggo rin akong nasa lansangan noon. Hanggang sa makilala ko si Elly. Matandang dalaga siya. Mayaman. She offered me a place to stay. Pagkain, mga maisusuot, at pag-aaralin niya rin daw ako."

Muling itong huminto sa pagsasalita. Sa pagkakataon na iyon, sumilay ang mapait na ngiti sa mga labi nito. Nailing ito habang nakatingin sa kawalan.

"Hindi ko alam na lahat ng iyon ay mayroon pa lang kapalit. She wanted me as her lover. I became her bed satisfier."

Natutop ang bibig niya sa narinig. Napatakip siya ng bibig habang patuloy sa pagkukuwento ang lalaki.

"Alam kong mali, pero . . . wala akong nagawa. Natakot akong bumalik sa kalye kaya napilitan akong sundin ang mga gusto niya. Kadalasan sa ginagawa namin, humihindi ako. Tumatanggi pero pinapamukha niya sa akin ang mga bagay na ibinigay niya. I was her sex slave. The thing we had, it lasts for a year."

"I-Im sorry . . . " wala sa sariling naibulong niya.

Natigilan naman si Rafael. Tinitigan siya nito nang matagal bago ngumiti. Pinatong nito ang isang kamay sa ulo niya at ginulo kaniyang buhok.

"Natigil lang iyon nang mahanap ako ni Mama. Kaya ko ginagawa ang lahat ngayon para sa kompanya, Hannah. Dahil natatakot akong bumalik sa dati. Natatakot akong mawala lahat ng tinatamasa ko ngayon. Naipangako ko na gagawin ko ang lahat, maging mayaman lang. And I'm sorry. I'm so sorry, dahil sa takot kong mawala sa akin ang lahat ng mayroon ako ngayon . . . hindi ko napansin na nakakasakit na pala ako. Na nasasaktan na kita."

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Kaya pala Ganon SI Rafael dahil sa kanyang mapait na karanasan
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Ang sakit pala ng pinagdaan mo Rafael grabe Rin Ang tumulong sa iyo eh may kapalit
goodnovel comment avatar
Josephine Cabubas Advento
thankyou po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status