Share

Chapter Nine

MAHINA siyang napasinghap nang makita ang pagtigil ng sasakyan hindi kalayuan sa kanila. Bakit ngayon lang ito nakauwi? Hindi ba dapat kanina pa ito sa bahay? 

Nakagat niya ibabang labi habang nakatitig pa rin sa kotse ni Rafael. Matapos ng ilang segundo, tuluyan na itong umibis ng sasakyan. Pagkababa na pagkababa pa lang ay matalim na agad ang mga mata nito.

Kahit na nilalamon ng kaba, nakapagpasalamat siya sa lahat ng santo nang mapansin na hindi nito kasama si Samantha. Baka kasi gumawa na naman iyon ng eksena, mahirap na. 

Lumapit sa kanila si Rafael nang hindi inaalis ang matalim pagkatititig sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng paningin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito. 

"Bakit ngayon ka lang?" mahinahon ngunit matigas nitong tanong nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Bullet.

Napalunok siya bago sinulyapan ang lalaking si Bullet. Napansin niya ang pagtataka sa mukha nito habang nagpapalipat-lipat ito ng tingin sa kanila ni Rafael.

Kapansin-pansin ang mala-awtoridad sa boses ni Rafael kaya alam niyang nagdududa na agad si Bullet. Kilala niya ito. Matalino ang lalaki kaya madali nitong mapansin ang mga bagay-bagay kahit gaano pa kaliit.

Napaghandaan na niya ang bagay na ito kanina. Sakaling mag-abot nga silang tatlo, may naiisip na siyang plano.

"S-sir, s-sorry po. May tinapos lang kami sa school." Pilit siyang ngumiti kay Rafael bagay na ikinakunot ng noo nito. "B-Bullet, siya nga pala ang boss ko, si Sir Rafael," baleng niya sa binata.

Hindi na niya sinulyapan pa si Rafael dahil nakappaso ang mga tingin nito. Ayaw rin niyang makita ang reaksiyon nito matapos niyang sabihin na boss niya ang lalaki.

Inilahad naman ni Bullet ang kamay nito kay Rafael, offering him a handshake. Medyo matagal din bago iyon tinanggap ni Rafael, pero nakahinga pa rin siya nang maluwag dahil nakisakay ito sa pagsisinungaling niya.

"I'll go ahead, Han," maya-maya ay paalam ni Bullet bago siya nito hinalikan sa pisngi.

Aaminin niya, she was caught off guard by what he did, kaya naiwan siyang nakatulala roon habang hinahatid ito ng tingin. Hindi na nagpaalam pa si Bullet kay Rafael, dumiretso na ito sa sariling kotse at pinatakbo na iyon nang mabilis.

Nang tuluyan itong mawala sa paningin nila, saka naman niya binalingan ng tingin si Rafael. Napalunok siya nang mabakas sa mukha nito ang pagpipigil ng inis habang nakatitig sa kaniya. Matalim ang mga mata nito, magkasalubong ang dalawang kilay.

Umarko ang isang kilay nito nang humakbang papalapit sa kaniya. "Boss?"

Mariin siyang lumunok. "Bakit? Gusto mo bang malaman niya na kasal ka sa katulad ko? Dapat nga mag-thank you ka pa, I saved you your dignity!" sarcastic niyang wika sabay talikod sa lalaki.

Napasinghap siya nang marahas siya nitong hinatak sa braso paharap dito.

"Kaya ka ba nahuhuli lagi sa pag-uwi, dahil sa lalaking iyon?"

"No!" mabilis niyang sagot.

Gumapang ang takot sa buong katawan niya nang makita ang matatalim nitong mga mata.

Ngumiti ito, iyong ngiting hindi naniniwala. "At sa harap pa mismo ng bahay natin? Seriously, Hannah? Hon?"

Hindi siya nakapagsalita sa nakikitang reaksiyon ng lalaki. Parang nag-aapoy sa galit ang mga mata nito na hindi niya malaman ang dahilan. 

"That's not an endearment." Sa dinami-rami ng naglalaro sa isip niya, iyon lamang ang tanging namutawi sa kaniyang mga labi.

"Talaga?" sarcasm in his voice. Lalong tumaas ang isang kilay nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga mata niya. 

"Pangalan ko iyon. Pinaikli lang. Ano bang ikinagagalit mo riyan?" nakakunot ang noo na tanong niya rito.

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo nito bago binitiwan ang braso niya.

"Hindi ako galit," mariin nitong saad. "Ang akin lang, sa susunod na makikipaglandian ka, huwag mong gagawin sa harap ng bahay."

Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Makikipaglandian?

"Paano kung may makakitang tauhan ni Grandpa? Mawawalan ng saysay ang lahat!" Matalim ang mga matang tinalikuran siya nito at nagsimulang maglakad palayo.

Naiwan naman siyang nakatanga, hindi makapaniwala sa sinabi nito. Siya pa? Siya pa ngayon ang nakikipaglandian?

Mariin niyang kinagat ang ibabang labi niya. "Seryoso ka ba riyan sa sinasabi mo?" inis niyang sigaw kay Rafael na nagpatigil sa paglalakad nito. Humarap ito sa kaniya na halata ang irita sa buong mukha.

"Huwag kang mag-alala, hindi iyon magkakagusto sa akin! At isa pa, ikaw nga itong may dalang babae rito, e!" Pilit niyang kinokontrol ang sarili niya, ngunit hindi niya napigilan ang panginginig ng kaniyang boses.

Naisip niyang bawiin ang mga sinabi, dahil na rin sa nakikita niyang nakatatakot na ekspresiyon sa mukha ni Rafael, pero nandoon na rin lang siya, kaya bahala na, itutuloy na lang niya ito.

"Ikaw itong may ka-sex sa loob ng bahay na iyan! Ikaw ang may kalandian!" nanginginig niyang bulyaw matapos ituro ang bahay sa likuran nito. "Hindi mo man lang inisip na baka makarating sa grandpa mo! Ikaw ang malandi rito, Rafael! Pagkatapos, ipinapasa mo sa akin iyang kalandian mo!"

Hindi na niya napigilan pa ang sarili at napaluha na. Ayaw man niya ngunit hindi niya mapigilan ang iyakan ang lalaking nasa harap niya. Hanggang ilang luha pa ba ang sasayangin niya para sa maling tao?

Mukhang hindi naman nito inaasahan ang mga narinig kaya nanatili itong nakatayo habang nakatitig sa kaniya. Poker face. Hindi mababakasan ng kahit na anong emosiyon ang mukha nito. 

Mapapalampas niya ang mga kawalanghiyaan nito, pero ang akusahan siyang malandi, bagay na hindi niya kailanman magagawa ay kalabisan na.

Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa pisngi niya bago humakbang at nilagpasan ito. Pagbukas na pagbukas pa lamang niya ng pintuan ng bahay, isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa babaeng si Samantha.

Napahawak siya sa pisngi na tinamaan ng kamay nito. Dahil na rin siguro sa labis na gulat ay wala man lang siyang nagawa kundi ang tumunganga roon at titigan ang galit nitong mukha.

"Samantha!" sigaw ni Rafael.

"Ang kapal din naman ng pagmumukha mong ambisiyosa ka!"

"Samantha, stop it!" Mabilis na lumapit sa kanila si Rafael at mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay ng babae nang akmang susugurin siya nito. 

"Why? Totoo naman! How dare this woman! Akala mo ba hindi ko narinig ang mga sinabi mo?" Pinagduduro-duro siya nito at pilit na kumakawala sa mga kamay ni Rafael. "Filthy pig! Baka nalilimutan mo kung ano ka lang dito!"

"Samantha, I said stop it!" Pilit pa rin pinipigilan ni Rafael ang dalaga at hinihila ito palayo sa kaniy pero hindi ito nagpatinag.

"So, you think you're the wife, huh? Aren't you ashamed? My god! You must be delusional!"

"Tumigil ka na!" Tinapunan lamang siya ng sulyap ni Rafael bago nito mahigpit na hinawakan sa isang braso si Samantha at pilit na hinila paakyat.

"Ouch! Rafael, you're hurting me! Hey!"

Rinig pa niyang reklamo ng babae nang mawala ang mga ito sa paningin niya. And then, reality slapped her. Mas masakit kaysa sa sampal na natanggap niya kanina ang mga bagay na sinabi nito sa kaniya.

Naramdaman niya ang pagbagsak ng mga luha sa magkabila niyang pisngi. Marahas niya itong pinahid gamit ng likod ng kamay niya bago huminga nang malalim. Halos patakbo siyang umakyat sa hagdan at may pagmamadaling pumasok sa sariling kuwarto.

Narinig pa niya ang mga boses nina Rafael at Samantha nang madaanan ang silid ng mga ito. Halatang nagtatalo ang dalawa dahil sa taas ng boses ng mga ito.

Pagkahiga niya pa lang sa kama, mas lalong nagbagsakan ang mga luha niya. Tama si Samantha. Dahil sa kapirasong papel, siya ang asawa ni Rafael at si Samantha ang kabit. Pero sa puso ni Rafael... baliktad. Siya ang walang karapatan dito. Siya ang kontrabida sa buhay nila. 

KINAUMAGAHAN, nagising siyang mugto na naman ang mga mata. Kahit ang pagkurap ay nagbibigay lalo ng sakit.

Alas-singko pa lang ng umaga ay nagbihis na siya para umalis. Ayaw niyang mag-abot muli sila ni Rafael sa labas. Hindi niya kayang harapin ito. Nagmamadali siyang lumabas na ng bahay at naglakad palayo.

Oras-oras sa coffee shop ay naghihilamos siya upanh mabawasan ang sakit ng mga mata niya. Nagtatanong na ang kaniyang mga kasamahan, kabilang na si Cassandra at ang boss nilang si Cristy, kung ano ba ang nangyari at mugtong-mugto ang mga mata niya. Pero nagdahilan na lamang siya na wala siyang tulog. Alam niyang hindi naniniwala ang mga ito sa sinabi niya, pero hindi na rin naman sila nagpilit pa na magtanong.

Abala ang lahat sa kani-kaniyang ginagawa dahil kahit papaano ay marami ang customer ngayong araw. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang paligid.

Old style kasi ang dating ng coffee shop. Oo nga't glass door and glass windows ito pero maliban doon, parang panahon ng 80's ang disenyo ng coffee shop nito. Mahilig din sa kulay brown ang babae kaya halos lahat ng gamit sa loob ng coffee shop ay ganoon ang kulay. 

"Oh! Hi fafa pogi!" Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang marinig ang masiglang boses ni Ella—isa sa mga kasama nila ni Cassandra—sa bagong dating na customer. Kahit busy sa isinusulat ay nag-angat siya ng mukha para makita ito.

"Kuya Tristan?" gulat niyang sambit nang makita ang lalaki. Nakasuot ito ng casual clothes at may hawak na cell phone sa isang kamay.

Napatingin ito sa kaniya nang marinig ang boses niya. Si Tristan ang pinsan ni Rafael na dumalo rin noon sa kasal nila.

"Hannah? Ano'ng ginagawa mo rito?" Mababakasan ito ng bahagyang pagkagulat sa mukha, na kalaunan ay napalitan ng pagtataka.

Nakagat niya ang ibabang labi nang walang mahagilap na idadahilan dito. Alam niyang kailangan niyang magpaliwanag sa lalaki kung bakit sa halip na nasa eskuwelahan, ay nandito siya ngayon sa coffee shop at nagtatrabaho.

Tumingin siya sa gawi ni Cassandra na busy rin sa pag-aayos ng mga cupcakes at sliced cake sa display refrigerator. Tinanguan siya nito na parang naiintindihan ang dahilan ng pagsulyap niya. 

Lumapit pa ito sa kaniya at bumulong, "Ang dami naman guwapong bumibisita sa iyo".

Nginitian niya lamang ito bago lumapit sa binatang si Tristan.

"What happened to your eyes? Umiyak ka ba?"

Nagyuko siya ng ulo upang iiwas dito ang mukha. Hindi niya alam kung ano ang ibibigay na rason sa lalaki kaya hindi na lamang siya nagsalita. 

Inaya siya nitong umupo sa isa sa mga table na naroon. Sa pinakadulong bahagi ng coffee shop sila pumuwesto sa tabi ng salamin na pader na malayo sa mga makaririnig.

"Si Rafael ba?" pag-uumpisa nito at mataman siyang tinitigan.

Hindi siya sumagot, nanahimik lamang habang nakatuon ang tingin sa ibabaw ng mesa. Para naman nakuha nito ang hinihinging sagot sa pagtahimik niya.

Tumango-tango ang lalaki pagkatapos tumitig sa labas ng salaming pader. "That asshole," mahina nitong sabi. "And what exactly are you doing here? Aren't you supposed to be in school?"

"I work here," maikli niyang tugon. Nakayuko pa rin at mailap ang mga mata. 

"You what?" Mataman siyang tinitigan ni Tristan. Unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito habang naghihintay sa pagsagot niya.

Sa halip na magsalita, pinili niyang muli ang magbaba ng mukha. Ayaw niyang magsalita dahil baka makarating lahat kay Rafael. Wala pa naman itong alam tungkol sa pagtatrabaho niya roon.

"Alam ba ito ni Rafael?"

Sunod-sunod siyang napailing dito. "Please, Kuya Tristan, don't tell him. B-baka magalit na naman iyon sa akin. Sige na, kuya," she pleaded.

Nakakita naman siya ng kaunting pag-asa nang sumilay ang awa sa mukha nito. Marami na masiyado ang gulo sa pagitan nila ni Rafael. Ayaw niyang dagdagan pa iyon. 

"Umamin ka nga sa akin, Hannah." Natigilan siya nang mapansin na seryoso ito. Nag-angat siya ng mukha at nakita itong mataman na nakatitig sa kaniya. "Are you in love with Rafael?"

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
kabit ka lang naman ikaw pa Ang matapang Samantha kapal ng Mukha
goodnovel comment avatar
Wenda Angco
Sana matauhan na si Rafael.
goodnovel comment avatar
Remy Tolentino
Ang kapal ng Samantha na un. Sana paunti onti pumayat na c Hannah.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status