Share

2

Author: Totoy
last update Huling Na-update: 2025-11-24 02:14:24

DAHAN-DAHAN gumalaw si Mando sa pagkakahiga niya sa matigas na katre ng kubo kung saan pinagsaluhan nila ni Adrianna ang mainit na gabi. Natigilan siya at nagtaka nang wala siyang maramdaman bigat sa kaniyang mga braso. Agad siyang nagmulat at mas nagulat nang ma-realize na wala na siyang katabi.

Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga. Kinakabahan siya sa hindi niya alam na dahilan nang magising na wala na sa tabi ang nobya.

"Mahal!" tawag niya dito. Iniisip niya na baka nasa labas na ito ng kubo o kaya naman ay nasa maliit na kusina para magpainit ng tubig. Kinuha niya ang damit na nagkalat at agad na nagbihis. Lumabas siya ng kubo pero wala roon si Adrianna. Lumingon siya sa paligid. Nagsisimula nang lumitaw ang haring araw at kumakalat na sa paligid ang liwanag. "Adrianna!" tawag niya rito pero walang sumasagot.

Mas kinabahan siya. Kilala niya si Adrianna, hindi siya nito iniiwan pagkatapos nilang angkinin ang isa't isa.

"Mahal! Adrianna?!" sigaw niya. Um-echo pa sa paligid ang kinakabahan niyang boses. Nagtataka at nahihiwagan kung bakit wala sa tabi niya ang babaeng pinakamamahal.

Nilibot na ni Mando ang paligid ng kubo, ang malawak na taniman, ang ilalim mg mga puno, umaasang nagtatago lang si Adrianna at gustong makipaglaro sa kaniya. Pero nadismaya siya dahil wala siyang mahanap. Sana nga'y gusto lang nitong maglaro ng hide and seek dahil handa siyang hanapin ito kahit saang bahagi ng bukid.

"F*ck! Nasaan ka na ba, Adrianna?" mahinang aniya dahil hindi niya mapigil ang sarili na mag-isip ng kung ano-ano. Hindi dahil wala lang, pero dahil may pahiwatig na si Adrianna.

Nitong mga nakaraang araw, mas naging sweet ito kay Mando. Palagi nitong sinasabi na mahal na mahal nito ang nobyo. Na kahit anong mangyari, magkalayo man sila, hindi iyon magbabago.

"Paano kapag nagkalayo tayo? Kaya mo ba akong hintayin?" minsang naitanong ni Adrianna kay Mando.

"Oo naman, maghihintay ako kahit gaano pa katagal. Pero syempre, hindi ko hahayaang magkalayo tayo. Gagawin ko lahat para hindi iyon mangyari," sagot niya.

Niyakap siya nito ng mahigpit at masuyong hinalikan sa mga labi. "I love you, Mando! Mahal na mahal kita!"

Ang mga salitang binitawan ni Adrianna kagabi, na tila ba nagpapaalam sa kaniya ay binalewala niya dahil alam niyang hindi ito aalis at hindi siya nito iiwan.

Bumuntong-hininga siya at marahas na sinabunutan ang sarili. "F*ck!" Frustrated siya at natatakot na baka totoo ang iniisip niya. "Hindi...h-hindi ako papayag!" aniya.

Mabilis siyang tumakbo palayo sa bukid, sa kubo na puno ng mainit at masasayang alaalang pinagsaluhan nilang dalawa. Pupuntahan niya ito sa bahay nito, umaasang nandoon ito at naghihintay lang sa kaniya.

Habang bumibilis ang takbo, mas bumibilis ang tibok ng puso niya na para bang anumang sandali ay sasabog na iyon sa takot at kaba.

"Adrianna! M-mahal!" sigaw niya kahit malayo pa siya sa bahay nito. Napapatingin sa kaniya ang mga kapitbahay at ilang mga tao na nasa kalsada.

Wala siyang pakialam, dire-diretso siya hanggang makarating sa munting tahanan ni Adrianna. Simple, payak at halos pinagtagpi-tagpi ang maliit na bahay ng nobya niya. Walang saya roon, malungkot at parang walang nakatira.

"Adrianna! Nandito—"

Natigilan siya nang makatapak siya sa pinto ng bahay, bumungad sa kaniya ang ama ni Adrianna na si Victor, nakahiga sa kahoy na sofa, bakas ang pagkalasing sa hitsura nito. Umuungol pa ito. Habang mahimbing namang natutulog si Ralph sa matigas na katre tanging manipis na banig ang sapin sa likod. Walang bakas na nandoon si Adrianna.

Pakiramdam niya'y nanghina ang tuhod niya. Napakapit siya ng mahigpit sa hamba ng pinto. Mas natakot siya, binalot ng kaba. Umiling siya ng ilang beses. Ayaw niyang paniwalaan ang iniisip na baka umalis na ito para takasan ang mundo na halos pasan nito.

"Mando, mahal, kahit anong mangyari, tandaan mo na mahal na mahal kita at masaya ako na nakilala at nakasama ka." Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang huling mga sinabi ni Adrianna sa kaniya.

"H-hindi! Hindi mo ako iiwanan, mahal!" mapait niyang bulong habang dahan-dahan bumabagsak ang mga tuhod niya dahil tuluyan iyong tinakasan ng lakas. Hindi alam ni Mando ang iisipin niya.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakaupo sa gilid ng matigas na katre kung saan mahimbing na natutulog si Ralph. Pinagmamasdan niya ito at ang paligid ng munting bahay. Umaasa siyang babalik si Adrianna.

Gumalaw si Ralph mula sa pagkakahiga nito. Uminat pa ito at nagtaka nang siya ang nakita nito. Mabilis itong bumangon. "Kuya Mando?" nagtataka nitong tanong. "Bakit po kayo nandito? May kailangan po ba kayo? Si Ate po?" Luminga ito sa paligid.

Malungkot ang mga mata pero nagawa pa rin niyang ngumiti. "Napadaan lang ako, Ralph," aniya. "Pasensiya na kung naistorbo kita sa pagtulog."

"Wala po ba si Ate, kuya Mando?" Ang nakita lang nito ay ang ama nito na nakahiga sa kahoy na sofa.

Umiwas siya ng tingin. "B-baka may pinuntahan lang ang ate mo." Pilit niyang isinasantabi ang emosyon. Alam niyang masasaktan at malulungkot si Ralph kapag nalaman nitong umalis si Adrianna. "Sige na, matulog ka pa baka inaantok ka pa."

Hindi naman nagtanong pa si Ralph na walang ideyang baka hindi na babalik ang kapatid. Bumalik ito sa pagkakahiga at tumagilid.

Malungkot niya itong pinagmasdan at mas nadurog ang puso niya ng makita ang mga pasa sa braso nito. Tiningnan niya si Victor na may galit sa mga mata. Alam niyang ang mga pasang iyon ay mula sa sariling ama nito. Naikuyom niya ang kamao dahil sa galit. Kung hindi lang ito ama ni Adrianna, matagal na niya itong sinaktan.

Mas binalot siya ng lungkot at ng realidad na ang bahay, ang pamilyang mayroon si Adrianna ang dahilan ng paglisan nito. Maaring pagod na ito sa buhay at sa responsibilidad nito sa pamilya. Na ang dapat tahanan na puno ng pagmamahal at pagkalinga, ay isang impyerno para rito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Seducing My Stepmom   4

    PARANG nalula si Adrianna nang makapasok siya sa isang malaking bahay na pinagdalhan sa kaniya ng lalaking nagligtas sa kaniya sa isang Japanese at nag-alis sa kaniya sa nakakadiring lugar na iyon. Nakakahilo sa laki. Hindi niya alam kung saan titingin dahil sa mga kumikinang na mamahaling gamit sa loob. Bawat sulok ng bahay, may mamahaling bagay. Magagandang furniture, chandelier, mamahaling paintings at sculpture, mga appliances at marami pang iba."D-dito ka nakatira, sir?" hindi makapaniwalang tanong niya habang namamangha pa rin sa nakikita niya. Aramani Rossini ang pakilala sa kaniya ng lalaki. Mas may edad ito sa kaniya pero dahil sa taglay nitong karisma, magandang feature mg mukha, tila ba hindi iyon halata. Gwapo kasi si Armani, may magandang hugis ng katawan at hindi mababakas ang totoong edad.Ngumiti ito habang nakapamulsa. "I live here, Adrianna and from now on, dito ka na rin titira. You want a job? Bibigyan kita ng trabaho at hindi ka na babalik sa lugar na iyon."Masa

  • Seducing My Stepmom   3

    "ANO, tapos na bang make-up-an 'yan?" tila naiinis na tanong ng isang babae na sa tingin ni Adrianna ay nasa-apat napu na ang edad. Madam Hue ang tawag nila rito. Ito ang sumalubong sa kaniya pagdating niya ng Manila at agad siyang dinala sa isang maingay na lugar. Hindi niya alam kung ano iyon dahil wala namang ganoon sa probinsiya na pinanggalingan niya. Hindi siya pamilyar sa paligid, sa mga nangyayari."Girl, what's with that face? Ngumiti ka naman sayang effort kong pagandahin ka kung ganiyan ang hitsura mo," sabi ng balding na nag-make up sa kaniya.Hindi niya alam ang nangyayari. Kinakabahan siya dahil wala siyang ideya kung anong trabaho ang naghihintay sa kaniya sa maingay na lugar na iyon."A-ano po bang gagawin ko—""Ano ba? Akala ko pa gagawin mo lahat para magkatrabaho ka? Ngayon, ito na! Kailangan mo lang galingan para mas malaki ang ibigay nila sa iyo," inis na sabi ni Madam Hue dahil sa pagtatanong niya. Yumuko siya at mahigpit na napakapit sa gilid ng upuan. Tama ba

  • Seducing My Stepmom   2

    DAHAN-DAHAN gumalaw si Mando sa pagkakahiga niya sa matigas na katre ng kubo kung saan pinagsaluhan nila ni Adrianna ang mainit na gabi. Natigilan siya at nagtaka nang wala siyang maramdaman bigat sa kaniyang mga braso. Agad siyang nagmulat at mas nagulat nang ma-realize na wala na siyang katabi.Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga. Kinakabahan siya sa hindi niya alam na dahilan nang magising na wala na sa tabi ang nobya. "Mahal!" tawag niya dito. Iniisip niya na baka nasa labas na ito ng kubo o kaya naman ay nasa maliit na kusina para magpainit ng tubig. Kinuha niya ang damit na nagkalat at agad na nagbihis. Lumabas siya ng kubo pero wala roon si Adrianna. Lumingon siya sa paligid. Nagsisimula nang lumitaw ang haring araw at kumakalat na sa paligid ang liwanag. "Adrianna!" tawag niya rito pero walang sumasagot.Mas kinabahan siya. Kilala niya si Adrianna, hindi siya nito iniiwan pagkatapos nilang angkinin ang isa't isa. "Mahal! Adrianna?!" sigaw niya. Um-echo pa sa paligid ang k

  • Seducing My Stepmom   1

    "AHHH! Sh*t! F*ck!" paulit-ulit na mura at ungol ni Mando habang patuloy itong gumagalaw sa ibabaw ni Adrianna, bakas ang masidhing ligaya at pleasure na nararamdaman nito sa kanilang ginagawa. "A-Adrianna, mahal na mahal kita!" paungol na sabi nito habang nakangiti at nakatingin sa kaniyang mukha na halos pumikit na siya dahil sa bumabalot na ligaya't sarap sa buong sistema niya. Binalingan nito ang mga labi niya, marahan at masuyong hinalikan nito iyon at walang pagtutol na gumanti siya sa bawat masuyo nitong halik dahil baka iyon na ang huling gabing pagsasaluhan nila."I-I love you, Mando!" pabulong niyang sabi habang nakapulupot sa leeg nito ang mga braso niya. Kapwa sila walang saplot at magkadikit ang kanilang katawan, pinagsasaluhan ang init ng gabi sa gitna ng bukid kung saan nagsasaka si Mando. Tila ba naging saksi nila ang bilog na buwan na ang liwanag ay tumatagos sa siwang ng kubo kung saan sila naroon.Tanging banig ang sapin ng katre na sinadya para sa mga magsasakang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status