Share

3

Author: Totoy
last update Huling Na-update: 2025-11-24 02:25:10

"ANO, tapos na bang make-up-an 'yan?" tila naiinis na tanong ng isang babae na sa tingin ni Adrianna ay nasa-apat napu na ang edad. Madam Hue ang tawag nila rito. Ito ang sumalubong sa kaniya pagdating niya ng Manila at agad siyang dinala sa isang maingay na lugar. Hindi niya alam kung ano iyon dahil wala namang ganoon sa probinsiya na pinanggalingan niya. Hindi siya pamilyar sa paligid, sa mga nangyayari.

"Girl, what's with that face? Ngumiti ka naman sayang effort kong pagandahin ka kung ganiyan ang hitsura mo," sabi ng balding na nag-make up sa kaniya.

Hindi niya alam ang nangyayari. Kinakabahan siya dahil wala siyang ideya kung anong trabaho ang naghihintay sa kaniya sa maingay na lugar na iyon.

"A-ano po bang gagawin ko—"

"Ano ba? Akala ko pa gagawin mo lahat para magkatrabaho ka? Ngayon, ito na! Kailangan mo lang galingan para mas malaki ang ibigay nila sa iyo," inis na sabi ni Madam Hue dahil sa pagtatanong niya.

Yumuko siya at mahigpit na napakapit sa gilid ng upuan. Tama ba ang naging desisyon niya? Kaya ba niyang harapin kung ano mang trabaho ang ibigay sa kaniya?

"Now, wear this!"

Iniabot sa kaniya ng ni Madam Hue ang isang klase ng damit na hindi pa niya nasuot sa buong buhay niya. Napatitig siya sa iniaabot nito. Manipis na tela iyon, maliit at parang hindi kayang takpan ang buong katawan niya. Gumuhit ang pagtutol sa mukha niya kaya mas nainis ang babae.

"Ano? Titingin ka na lang? Kunin mo ito at isuot mo!" madiing sabi nito. Nakatingin na sa kaniya ang lahat habang pakiramdam niya'y naiiyak na siya. Paano niya isusuot ang kasuotang halos ilabas na ang buong katawan niya? Hindi niya kaya.

"H-hindi po ako nagsusu—"

"Damn, Adrianna!" padabog na inihagis sa kaniya ng babae ang tela. "Masyado kang maarte! Hindi bat nandito ka para sa pera? Hindi ka mapapakain ng hiya at dignidad mo, tandaan mo iyan! Kung gusto mong kumita ng pera, isuot mo yan at sundin mo lahat ng sasabihin ko. Naiintindihan mo ba?"

Para batang pinagagalitan si Adrianna sa hitsura niya. Yumuko siya at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilang umiyak pero tumulo pa rin ang luha sa kaniyang mga mata.

"Adrianna, sige na isuot mo na ang damit na iyan," mahinang sabi ng bading na make up artist. Ramdam niya ang awa nito sa kaniya. Inalalayan siya nito para tumayo at iginiya siya sa dressing room. "Don't cry, girl masisira ang make up mo. Papangit ka," sabi nito ng makarating sila sa silid. Marahan nitong pinahid ang luha sa pisngi niya. Ngayon, may ideya na siya kung anong trabaho ang naghihintay sa kaniya sa lugar na iyon.

Umiling siya. "H-hindi ko kaya! Hind ko kayang gawin ang gusto nila, ang ganitong trabaho," pagtatapat niya. Kinabahan at natatakot.

"Shh! Hindi mo ba alam ang klase ng trabahong pinasok mo? Dito sa lugar na ito, hindi kakayahan, talino at pinag-aralan ang kailangan, kung 'di alindog at katawan." Malungkot itong nakatingin sa kaniya, nakikisimpatiya. "Hindi mo ba talaga kaya? Dahil sa totoo lang, hindi ka na makakawala sa lugar na ito. Malaki ang perang binayad ni Madam Hue sa nag-recruit sa iyo at hindi siya papayag na hindi siya kumita ng pera sa iyo."

Natigilan siya. "P-pera? Anong ibig mong sabihin? A-ang alam ko, katulong ang magiging trabaho ko pagdating ko rito sa Manila dahil iyon ang sinabi ng kaibigan ko."

"Binabayaran ni Madam Hue ang mga recruiter niya ng malaking pera para magdala ng mga babae mula sa probinsiya dahil naniniwala siyang madali niyang mamanipula ang kanilang inosenteng isipan sa ganitong trabaho."

Napaawang ang bibig niya at bahagyang napaatras. Ang sabi ni Diana, katulong ang trabaho niya at wala itong sinabing binayaran ito ng kung sino para magtrabaho siya. Alam ba ng kaibigan niya ang trabahong madadatnan niya sa Manila?

Gusto mang tumakas ni Adrianna, wala siyang magawa dahil tila naibenta na siya sa lugar na iyon. Nasusuka man, nandidiri, nanliliit sa sarili, wala siyang choice kung 'di lunukin ang pride at dignidad para sa kakarampot na halaga. Kailangan niyang maka-survive.

Dahan-dahan ang bawat hakbang niya, halos ayaw umabante ng kaniyang mga paa, mabigat at gustong umatras, tumakbo palayo. Pakiramdam niya'y nakikita na ng lahat ang buong katawan niya dahil sa manipis na telang nakasuot sa kaniya na tanging ang maselang bahagi lamang ng kaniyang katawan ang tinatakluban. Hindi siya comfortable, nakatakip ang mga braso at palad niya sa kaniyang dibdib at sa pagitan ng kaniyang hita. Naiilang at gustong maglaho na lang.

"Ayusin mo ang lakad mo," madiing utos ni Madam Hue ng malapit na sila sa isang table na may lalaking nakaupo roon. May hawak na sigarilyo habang nakasandal sa sofa at nakapatong ang braso roon. "Alisin mo ang kamay mo riyan!" Inis nitong inalis ang mga palad niya sa kaniyang dibdib. "Hindi ba't gusto mo ng pera? Ng trabaho? Huwag kang mag-inarte dahil alam kong kailangan mo ng pera. Huwag kang mag-alala, masasanay ka rin."

Hindi siya sumagot. Napalunok siya. Pakiramdam niya'y nanliliit siya at nagsisimula ng marumihan ang pagkatao niya. Naramdaman niya ang luhang pumatak sa mga mata niya. Pakiramdam niya'y utay-utay nawawala ang dignidad niya. Naaawa siya sa sarili dahil wala siyang magawa para hindi gawin ang nakakadiring trabaho na iyon.

"Good evening, Mr. Yakashi." Yumuko pa si Madam Hue sa lalaki na base sa feature ng mukha nito at sa pangalan, isa itong Japanese. "Here's the woman I offer to you," sabi pa nito.

Tiningnan siya ng Japanese, mula ulo hanggang paa na may bahid ng pagnanasa at paghanga.

"Very good! You know my taste, she's gorgeous, sexy," puri nito sa kaniya.

Ngumiti si Madam Hue. "Then, enjoy the night with her." Binalingan siya nito at tiningnan na para bang sinasabing gawin niya lahat ng gusto ng japanese na iyon. May halong pagbabanta at pananakot. "Gawin mo lahat para matuwa at ma-satisfy mo siya kung gusto mo ng malaking pera," pabulong pa na sabi nito bago siya iniwan sa lalaking hindi naman niya kilala.

Nanginginig ang mga tuhod habang nakayuko at hawak ang sariling mga kamay. Ramdam niya ang mga titig ni Yakashi sa kaniya na para bang n*******d siya sa harapan nito. Mas nailang siya at tinakpan ang katawan gamit ang mga braso.

"Come here!" narinig niyang sabi ni Yakashi, bakas sa accent nito pagiging Japanese. Halos hindi iyon malinaw at halata ding hirap itong magsalita ng English.

Hindi siya lumapit. Natatakot siya. Napalunok siya ng ilang beses.

"Hey! Do you hear me? I said, come here!" bulyaw nito na tila nainis sa kaniya.

Napaigtad siya. Mas natakot siya kaya dahan-dahan siyang lumapit dito. Nang malapit na siya, agad nitong hinawakan ang braso niya at hinila siya sa tabi nito. Agad nitong pinulupot ang braso sa kaniyang baywang at hinapit siya palapit dito.

Nangilabot siya. Pakiramdam niya'y nagsitaasan lahat ng balahibo sa kaniya katawan dahil sa pandidiri. Inamoy-amoy pa nito ang buhok niya at leeg. Pilit siyang lumalayo at iniiwas ang mukha.

"You smell so good!"

"S-Sir, huwag po!" naiiyak niyang sabi habang pilit nitong inaamoy ang leeg niya.

"I pay you a lot of money, just come with me."

Hindi siya nakapag-aral ng kolehiyo pero nakakaintindi naman siya ng basic English.

"A-ayaw ko po!" aniya at sinubukan itong itulak palayo na mas kinainis ng japanese.

"F*ck! Don't act like you don't want me! You want money, right? I'll give you money!" Saka hinapit pa siya nito at sinubukang halikan pero agad niyang naiiwas ang mukha. Hindi niya kaya. Nandidiri siya.

"Please! Stop! Don't..."

"Have you heard what she said? She said, stop! So stop what you're doing to her!"

Natigilan ang Japanese ng biglang may lalaking humawak sa braso nito at madiin iyong pinisil. Napangiwi si Yakashi at gulat na napatingin sa lalaking dumating. Nagulat ito. Agad siya nitong binitawan at lumayo sa kaniya. Napatingin din siya sa lalaki. Napakunot ang noo niya dahil parang nakita na niya ito pero hindi niya alam kung saan?

"I-I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit nitong sabi habang nakayuko, na tila ba biglang natakot sa lalaking nasa harap nila. Nagtaka siya. Sino ba ang lalaking iyon at bakit takot na takot si Yakashi?

"Leave her alone," madiin pa nitong sabi at padabog na binitawan ang kamay ng Japanese, saka mabilis itong umalis.

"Are you ok?" tanong nito sa kaniya, bakas ang concern.

Dahan-dahan siyang tumango. Halata ang takot at kaba sa kaniya. "S-salamat po!"

"Bago ka rito, 'di ba? Kung hindi mo pala kayang magtrabaho rito, bakit nandito ka?" Umupo ito sa sofa habang nakatingin sa kaniya. "Hindi mo ba alam ang trabaho ng babae sa ganitong lugar? You are supposed to satisfy man's lust, iyon ang trabaho ng mga babae rito," paliwanang nito sa kaniya.

Umiling siya. "H-hindi ko po alam! Hindi ko alam na ganitong trabaho pala ang dadatnan ko sa Maynila," pagtatapat niya.

Ngumisi ang lalaki. "Isang probinsiyana na naman ang naloku ng mga ganid na recruiter," pabulong nitong sabi. "Well, kung ganoon you want my help? I will offer you a job."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Seducing My Stepmom   4

    PARANG nalula si Adrianna nang makapasok siya sa isang malaking bahay na pinagdalhan sa kaniya ng lalaking nagligtas sa kaniya sa isang Japanese at nag-alis sa kaniya sa nakakadiring lugar na iyon. Nakakahilo sa laki. Hindi niya alam kung saan titingin dahil sa mga kumikinang na mamahaling gamit sa loob. Bawat sulok ng bahay, may mamahaling bagay. Magagandang furniture, chandelier, mamahaling paintings at sculpture, mga appliances at marami pang iba."D-dito ka nakatira, sir?" hindi makapaniwalang tanong niya habang namamangha pa rin sa nakikita niya. Aramani Rossini ang pakilala sa kaniya ng lalaki. Mas may edad ito sa kaniya pero dahil sa taglay nitong karisma, magandang feature mg mukha, tila ba hindi iyon halata. Gwapo kasi si Armani, may magandang hugis ng katawan at hindi mababakas ang totoong edad.Ngumiti ito habang nakapamulsa. "I live here, Adrianna and from now on, dito ka na rin titira. You want a job? Bibigyan kita ng trabaho at hindi ka na babalik sa lugar na iyon."Masa

  • Seducing My Stepmom   3

    "ANO, tapos na bang make-up-an 'yan?" tila naiinis na tanong ng isang babae na sa tingin ni Adrianna ay nasa-apat napu na ang edad. Madam Hue ang tawag nila rito. Ito ang sumalubong sa kaniya pagdating niya ng Manila at agad siyang dinala sa isang maingay na lugar. Hindi niya alam kung ano iyon dahil wala namang ganoon sa probinsiya na pinanggalingan niya. Hindi siya pamilyar sa paligid, sa mga nangyayari."Girl, what's with that face? Ngumiti ka naman sayang effort kong pagandahin ka kung ganiyan ang hitsura mo," sabi ng balding na nag-make up sa kaniya.Hindi niya alam ang nangyayari. Kinakabahan siya dahil wala siyang ideya kung anong trabaho ang naghihintay sa kaniya sa maingay na lugar na iyon."A-ano po bang gagawin ko—""Ano ba? Akala ko pa gagawin mo lahat para magkatrabaho ka? Ngayon, ito na! Kailangan mo lang galingan para mas malaki ang ibigay nila sa iyo," inis na sabi ni Madam Hue dahil sa pagtatanong niya. Yumuko siya at mahigpit na napakapit sa gilid ng upuan. Tama ba

  • Seducing My Stepmom   2

    DAHAN-DAHAN gumalaw si Mando sa pagkakahiga niya sa matigas na katre ng kubo kung saan pinagsaluhan nila ni Adrianna ang mainit na gabi. Natigilan siya at nagtaka nang wala siyang maramdaman bigat sa kaniyang mga braso. Agad siyang nagmulat at mas nagulat nang ma-realize na wala na siyang katabi.Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga. Kinakabahan siya sa hindi niya alam na dahilan nang magising na wala na sa tabi ang nobya. "Mahal!" tawag niya dito. Iniisip niya na baka nasa labas na ito ng kubo o kaya naman ay nasa maliit na kusina para magpainit ng tubig. Kinuha niya ang damit na nagkalat at agad na nagbihis. Lumabas siya ng kubo pero wala roon si Adrianna. Lumingon siya sa paligid. Nagsisimula nang lumitaw ang haring araw at kumakalat na sa paligid ang liwanag. "Adrianna!" tawag niya rito pero walang sumasagot.Mas kinabahan siya. Kilala niya si Adrianna, hindi siya nito iniiwan pagkatapos nilang angkinin ang isa't isa. "Mahal! Adrianna?!" sigaw niya. Um-echo pa sa paligid ang k

  • Seducing My Stepmom   1

    "AHHH! Sh*t! F*ck!" paulit-ulit na mura at ungol ni Mando habang patuloy itong gumagalaw sa ibabaw ni Adrianna, bakas ang masidhing ligaya at pleasure na nararamdaman nito sa kanilang ginagawa. "A-Adrianna, mahal na mahal kita!" paungol na sabi nito habang nakangiti at nakatingin sa kaniyang mukha na halos pumikit na siya dahil sa bumabalot na ligaya't sarap sa buong sistema niya. Binalingan nito ang mga labi niya, marahan at masuyong hinalikan nito iyon at walang pagtutol na gumanti siya sa bawat masuyo nitong halik dahil baka iyon na ang huling gabing pagsasaluhan nila."I-I love you, Mando!" pabulong niyang sabi habang nakapulupot sa leeg nito ang mga braso niya. Kapwa sila walang saplot at magkadikit ang kanilang katawan, pinagsasaluhan ang init ng gabi sa gitna ng bukid kung saan nagsasaka si Mando. Tila ba naging saksi nila ang bilog na buwan na ang liwanag ay tumatagos sa siwang ng kubo kung saan sila naroon.Tanging banig ang sapin ng katre na sinadya para sa mga magsasakang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status