INICIAR SESIÓN"ANG BRACELET na ito ang tanda ng pagmamahal ko sa iyo, Adrianna. Gusto ko lagi mo itong suot para lagi mong maalala kung gaano kita kamahal," nakangiti usal ni Mando habang sinusuot nito sa kaniya ang isang silver na bracelet na binili nito.
Hindi maalis ang masayang ngiti at kilig sa kaniyang mukha dahil sa surprise nito na hindi niya inaasahan. Nasa gitna sila ng bukid, sa ilalim ng malaking puno ng mangga na nagsisilbing lilim nila mula sa sikat ng araw. "Bakit gumastos ka pa para rito? Pwede namang 'yong bracelet diyan sa may simbahan sa bayan ang binili mo," aniya. Naisip kasi niyang mahal iyon at gumastos pa si Mando. Tiningnan siya nito habang hawak ang isang kamay niya. "Pinag-ipunan ko talaga 'to para ibigay sa iyo ngayong anniversary natin. Palagi na lang kasing bulaklak na pinitas sa halamanan ni Nanay ang binibigay ko sa iyo." Natawa pa ito. "Gusto ko namang bigyan ka ng bagay na binili ko. Special ka sa akin, mahal kita kaya gusto kong ibigay sa iyo kahit minsan ang mga bagay na wala ka." Hinapit siya nito sa baywang at inalis sa mukha ang hibla ng buhok na humaharang doon dahil sa hangin. "Huwag mo ng isipin kung magkano o kung saan ako kumuha ng perang pinambili niyan. Minsan lang kita bigyan ng ganitong regalo at sana nagustuhan mo." Bahagya siyang yumuko, nagpipigil ng kilig pero sa loob niya, may lungkot. "Pasensiya ka na, Mando wala akong dala o kahit anong maibigay sa iyo bilang regalo sa anniversary natin. Palagi na lang ikaw ang—" "Shhh! Ok lang, Mahal. Ok lang sa akin kahit wala kang ibigay, sapat na sa akin na nandito ka sa tabi ko, na kasama kita," putol nito sa sasabihin niya. Marahang hinaplos ni Mando ang pisngi niya at ngumiti ito. "Sapat na sa akin ikaw, Adrianna," masuyong sabi pa nito habang papalapit ang mukha sa kaniya at marahan siyang h******n sa labi. Dama ang pagmamahal, pag-iingat at pagpapahalaga nito sa kaniya bilang babae. Namalayan na lang ni Adrianna na tumutulo na ang luha sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa bracelet na suot niya. Marahan niya iyong sinapo at hinaplos ang bawat bahagi niyon kasabay ang mga alaalang nagpi-play sa isip niya kasama si Mando, ang lalaking minamahal niya. Kaya niya nga bang kalimutan ang nararamdaman para rito kapalit ng pangarap at ambisyon niya? Nakagat niya ang pang-ibabang labi at bahagyang napatingala habang nakaupo siya sa gilid ng malaki at malambot na kama kung saan makakatulog siya ng komportable, malayo sa nakasanayan niya. Nilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa harap na niya ang buhay na gusto at pangarap niya at isang desisyon lang ang gagawin niya para maranasan iyon. Ang pumayag siyang maging asawa ni Armani Rossini. Pero kaya niya bang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal kapalit ng karangyaan? — LUMABAS SI Adrianna ng silid pagkatapos niyang maligo at magbihis. Hindi pwedeng nandoon lang siya at walang gawin. Dumeretso siya sa living room at nadatnan niya roon ang dalawang katulong na abala sa paglilinis. "Tutulungan ko na kayo," alok niya at masiglang ngumiti sa dalawang katulong. "Naku, huwag na po, Ma'am kaya na po namin," agad na tutol ng isang babae na may maikling buhok. Base sa mukha nito hindi nalalayo ang edad nito sa kaniya. "Naku, huwag po ninyong ako tawaging Ma'am," nahihiyang tutol niya. "Bakit nga ba hindi, 'di ba? Sabi naman naman ni Sir Aramani, katulong siya rito kaya bakit kailangan natin siyang itratong special?" Nakahalukipkip na sabi ng isa pang katulong na mahaba ang buhok. Umirap pa ito sa kaniya na halatang hindi gusto ang pagdating niya. "Mercedes, ano ba? Huwag mo siyang kausapin ng ganiyan, hindi siya katulong dito," saway ng babae. Tiningnan siya nito na may pagpapaumanhin. Alangan pa itong ngumiti. "Pagpasensiyahan niyo na po si Mercedes, hindi lang po talaga niya alam kung paano kayo tatanggapin." Ngumiti siya at umiling. "A-ayos lang, tama naman siya. Katulong ako rito sa bahay ni Sir Armani at hindi ako dapat itratong special. Kaya hindi ninyo kailangang mailang sa akin o igalang ako na para bang may ari ako ng bahay." "Pero sabi po kasi sa amin ni Ate Lou hindi kayo katulong sa bahay ni Sir Armani kaya hindi namin kayo pwedeng patulungin sa mga gawaing bahay," nagtatakang ani ng babae. "Ano ka ba, Fariya tingnan mo nga ang hitsura ng babaeng iyan, mukha ba siyang babae ni Sir Armani? Halatang nanggaling pa siya sa malayong probinsiya. Di hamak na mas maganda pa ako sa kaniya," mataray na sabi nito. Pinalo ito ni Fariya sa braso. "Mercedes, pigilan mo nga ang bibig mo. Nakakahiya ka! Malalagot ka kapag narinig ni ate Lou ang mga pinagsasabi mo." "O-ok lang po sa akin." Alangan siyang ngumiti. "Hindi po ako babae ni Sir Armani, nandito po talaga ako para magtrabaho sa bahay niya." Ngumisi si Mercedes. "Alam ko na ang mga ganiyan, marami na akong narinig na mga babaeng gold digger na sinabi rin iyan pero sa huli, ayon pumatol sa mayaman." Natigilan siya. "Mercedes, ano ba? Tama na kung gusto mo pang magtagal sa trabaho mo. Narinig mo naman 'di ba ang sinabi ni Sir Armani? Guest siya ni Sir at itrato natin siyang guest," giit ni Fariya. Marahas na umiling si Mercedes. "No! Hindi ko siya itatratong special dahil lang dinala siya ni Sir Armani sa bahay niya. Hindi hamak na mas bagay ako para kay Sir kaysa sa kaniya." Umirap pa ito bago siya tinapunan ng madilim na tingin at naglakad palayo. Alangang ngumiti sa kaniya si Fariya. "Pasensiya na po kayo, Ma'am Adrianna sa inasal ni Mercedes hindi lang po kasi niya matanggap na may babaeng inuwi si Sir Armani sa bahay niya. Matagal na po kasi niyang pantasya si Sir," paghingi nito ng paumanhin. "Huwag niyo na lang po siyang pansinin medyo masungit po talaga siya." Ngumiti siya. "Ayos lang, Fariya naiintindihan ko. Isa pa tama rin naman siya na hindi ako dapat itratong guest ni Sir Armani dahil katulong naman ang trabaho ko rito. Kaya hindi mo rin kailangan maging masyadong nagalang sa akin, Fariya. Mukha ngang hindi nagkakalayo ang edad natin." "Utos pa kasi samin ni ate Lou na pagsilbihan kayo dahil iyon daw ang gusto ni Sir Armani." Kapagkuwa'y lumapit ito sa kaniya. "Mukha nga pong tama kayo dahil sa hitsura ninyo, parang hindi nalalayo ang edad natin. Twenty five na po ako, kayo po ba?" Ngumiti siya. "Twenty six na ako." Nagulat si Fariya. "Kaya po pala ang ganda ninyo at mukhang bata pa talaga," puri nito. "Salamat," masayang sabi niya. Kapagkuwa'y sumeryoso din siya. "Pwede ba magtanong, Fariya?" "Sige lang po, ano po bang itatanong ninyo?" "Wala bang asawa't anak si Sir Armani? Anong klaseng tao siya?" Kumunot ang noo ni Fariya, nahihiwagahan sa tanong niya."ANG BRACELET na ito ang tanda ng pagmamahal ko sa iyo, Adrianna. Gusto ko lagi mo itong suot para lagi mong maalala kung gaano kita kamahal," nakangiti usal ni Mando habang sinusuot nito sa kaniya ang isang silver na bracelet na binili nito.Hindi maalis ang masayang ngiti at kilig sa kaniyang mukha dahil sa surprise nito na hindi niya inaasahan. Nasa gitna sila ng bukid, sa ilalim ng malaking puno ng mangga na nagsisilbing lilim nila mula sa sikat ng araw."Bakit gumastos ka pa para rito? Pwede namang 'yong bracelet diyan sa may simbahan sa bayan ang binili mo," aniya. Naisip kasi niyang mahal iyon at gumastos pa si Mando.Tiningnan siya nito habang hawak ang isang kamay niya. "Pinag-ipunan ko talaga 'to para ibigay sa iyo ngayong anniversary natin. Palagi na lang kasing bulaklak na pinitas sa halamanan ni Nanay ang binibigay ko sa iyo." Natawa pa ito. "Gusto ko namang bigyan ka ng bagay na binili ko. Special ka sa akin, mahal kita kaya gusto kong ibigay sa iyo kahit minsan ang mga
"MAHAL, I'm sorry h-hindi ko intensyong sabihin ang mga bagay na nasabi ko," malungkot na sabi ni Mando kay Adrianna habang nakatalikod siya, nakahalukipkip habang nakatingin sa malawak na bukid.Galit siya sa nobyo dahil sa mga binitawan nitong salita dahil lang tutol ito sa kagustuhan niyang umalis ng probinsiya para maghanap ng ibang oportunidad sa Maynila. Pagod na siya sa buhay na mayroon siya. Hirap na hirap na siyang dumiskarte para lang sa kakarampot na pera para maka-survive sa araw-araw. Pagod na siya sa responsibilidad na hindi naman dapat nakapasan sa kaniya.Parang sinasabi nito sa kaniya na makasarili siya dahil lang gusto niyang takasan ang buhay niya roon.Napapikit siya at bumuntong-hininga. "Alam mo ang dahilan kung bakit gusto kong umalis, Mando. Hindi para sa sarili ko, hindi para takasan ang responsibilidad ko sa pamilya ko. Gusto kong umalis para humanap ng ibang oportunidad sa lungsod, kumita ng pera para sa sarili ko at para kay Ralph dahil habang nandito ako,
PARANG nalula si Adrianna nang makapasok siya sa isang malaking bahay na pinagdalhan sa kaniya ng lalaking nagligtas sa kaniya sa isang Japanese at nag-alis sa kaniya sa nakakadiring lugar na iyon. Nakakahilo sa laki. Hindi niya alam kung saan titingin dahil sa mga kumikinang na mamahaling gamit sa loob. Bawat sulok ng bahay, may mamahaling bagay. Magagandang furniture, chandelier, mamahaling paintings at sculpture, mga appliances at marami pang iba."D-dito ka nakatira, sir?" hindi makapaniwalang tanong niya habang namamangha pa rin sa nakikita niya. Aramani Rossini ang pakilala sa kaniya ng lalaki. Mas may edad ito sa kaniya pero dahil sa taglay nitong karisma, magandang feature mg mukha, tila ba hindi iyon halata. Gwapo kasi si Armani, may magandang hugis ng katawan at hindi mababakas ang totoong edad.Ngumiti ito habang nakapamulsa. "I live here, Adrianna and from now on, dito ka na rin titira. You want a job? Bibigyan kita ng trabaho at hindi ka na babalik sa lugar na iyon."Masa
"ANO, tapos na bang make-up-an 'yan?" tila naiinis na tanong ng isang babae na sa tingin ni Adrianna ay nasa-apat napu na ang edad. Madam Hue ang tawag nila rito. Ito ang sumalubong sa kaniya pagdating niya ng Manila at agad siyang dinala sa isang maingay na lugar. Hindi niya alam kung ano iyon dahil wala namang ganoon sa probinsiya na pinanggalingan niya. Hindi siya pamilyar sa paligid, sa mga nangyayari."Girl, what's with that face? Ngumiti ka naman sayang effort kong pagandahin ka kung ganiyan ang hitsura mo," sabi ng balding na nag-make up sa kaniya.Hindi niya alam ang nangyayari. Kinakabahan siya dahil wala siyang ideya kung anong trabaho ang naghihintay sa kaniya sa maingay na lugar na iyon."A-ano po bang gagawin ko—""Ano ba? Akala ko pa gagawin mo lahat para magkatrabaho ka? Ngayon, ito na! Kailangan mo lang galingan para mas malaki ang ibigay nila sa iyo," inis na sabi ni Madam Hue dahil sa pagtatanong niya. Yumuko siya at mahigpit na napakapit sa gilid ng upuan. Tama ba
DAHAN-DAHAN gumalaw si Mando sa pagkakahiga niya sa matigas na katre ng kubo kung saan pinagsaluhan nila ni Adrianna ang mainit na gabi. Natigilan siya at nagtaka nang wala siyang maramdaman bigat sa kaniyang mga braso. Agad siyang nagmulat at mas nagulat nang ma-realize na wala na siyang katabi.Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga. Kinakabahan siya sa hindi niya alam na dahilan nang magising na wala na sa tabi ang nobya. "Mahal!" tawag niya dito. Iniisip niya na baka nasa labas na ito ng kubo o kaya naman ay nasa maliit na kusina para magpainit ng tubig. Kinuha niya ang damit na nagkalat at agad na nagbihis. Lumabas siya ng kubo pero wala roon si Adrianna. Lumingon siya sa paligid. Nagsisimula nang lumitaw ang haring araw at kumakalat na sa paligid ang liwanag. "Adrianna!" tawag niya rito pero walang sumasagot.Mas kinabahan siya. Kilala niya si Adrianna, hindi siya nito iniiwan pagkatapos nilang angkinin ang isa't isa. "Mahal! Adrianna?!" sigaw niya. Um-echo pa sa paligid ang k
"AHHH! Sh*t! F*ck!" paulit-ulit na mura at ungol ni Mando habang patuloy itong gumagalaw sa ibabaw ni Adrianna, bakas ang masidhing ligaya at pleasure na nararamdaman nito sa kanilang ginagawa. "A-Adrianna, mahal na mahal kita!" paungol na sabi nito habang nakangiti at nakatingin sa kaniyang mukha na halos pumikit na siya dahil sa bumabalot na ligaya't sarap sa buong sistema niya. Binalingan nito ang mga labi niya, marahan at masuyong hinalikan nito iyon at walang pagtutol na gumanti siya sa bawat masuyo nitong halik dahil baka iyon na ang huling gabing pagsasaluhan nila."I-I love you, Mando!" pabulong niyang sabi habang nakapulupot sa leeg nito ang mga braso niya. Kapwa sila walang saplot at magkadikit ang kanilang katawan, pinagsasaluhan ang init ng gabi sa gitna ng bukid kung saan nagsasaka si Mando. Tila ba naging saksi nila ang bilog na buwan na ang liwanag ay tumatagos sa siwang ng kubo kung saan sila naroon.Tanging banig ang sapin ng katre na sinadya para sa mga magsasakang







