แชร์

5

ผู้เขียน: Totoy
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-06 07:39:40

"MAHAL, I'm sorry h-hindi ko intensyong sabihin ang mga bagay na nasabi ko," malungkot na sabi ni Mando kay Adrianna habang nakatalikod siya, nakahalukipkip habang nakatingin sa malawak na bukid.

Galit siya sa nobyo dahil sa mga binitawan nitong salita dahil lang tutol ito sa kagustuhan niyang umalis ng probinsiya para maghanap ng ibang oportunidad sa Maynila. Pagod na siya sa buhay na mayroon siya. Hirap na hirap na siyang dumiskarte para lang sa kakarampot na pera para maka-survive sa araw-araw. Pagod na siya sa responsibilidad na hindi naman dapat nakapasan sa kaniya.

Parang sinasabi nito sa kaniya na makasarili siya dahil lang gusto niyang takasan ang buhay niya roon.

Napapikit siya at bumuntong-hininga. "Alam mo ang dahilan kung bakit gusto kong umalis, Mando. Hindi para sa sarili ko, hindi para takasan ang responsibilidad ko sa pamilya ko. Gusto kong umalis para humanap ng ibang oportunidad sa lungsod, kumita ng pera para sa sarili ko at para kay Ralph dahil habang nandito ako, mangkakanda-kuba ako sa kakatrabaho pero hindi pa rin kami nakakaahon sa hirap," hinaing niya. "Hindi ako makasarili, Mando gusto ko lang ng maayos na buhay para sa amin ng kapatid ko."

Tumulo ang luha sa mga mata niya dahil kung pwede lang na takasan niya ang responsibilidad niya, ginawa na niya dahil pagod na pagod na siyang pasanin ang lahat.

Naramdaman niyang hinawakan ni Mando ang balikat niya. Dahan-dahan siya nitong hinarap, malamlam ang mga mata, bakas ang guilt doon.

"Mahal, I'm sorry sa nasabi ko. Nabigla lang ako sa gusto mong mangyari dahil hindi ko nakikita ang sarili ko na malayo ka sa tabi ko. Paano si Ralph? Ang papa mo? Iiwanan mo na lang ba sila rito? Si Ralph? Paano siya kapag wala ka? Alam mong hindi siya kayang alagaan ng papa mo."

"Kaya nga aalis ako, Mando para ayusin ang buhay namin. K-kapag may trabaho na ako, kukunin ko si Ralph at iiwanan namin ang wala kwentang ama namin," giit niya.

"P-paano ako? Iiwanan mo rin ako?" malungkot nitong sabi.

Natigilan siya. Kita niya ang lungkot sa mga mata nito na parang dumudurog sa kaniya. Mahal niya si Mando pero hindi niya pwedeng piliin ang pagmamahal kaysa sa pangarap at ambisyon niya.

"At paano ako, Mando? Paano ang pangarap ko para sa sarili ko at kay Ralph? Pipiliin ko bang manatili sa lugar na ito na walang ibibigay na oportunidad sa amin para lang manatili ako sa tabi mo? Titiisin ko ba lahat ng hirap at bigat? Kapag pinili ba kita, maibibigay mo sa akin ang buhay na pangarap ko? Maiaalis mo ba ako sa lugar na ito?" malumanay pero puno ng hinanakit niyang tanong.

Natigilan si Mando. Bahagya itong kumiling, nadismaya at bumakas ang matinding sakit sa mukha dahil sa tanong niya.

"I'm sorry, Adrianna kung hindi ko kayang ibigay sa iyo ang buhay na pangarap mo pero sana nakikita mo kung paano ako nagsisikap para sa future nating dalawa."

"Hindi ako naghahanap ng kung ano sa iyo, Mando, sa kung anong kaya mong ibigay. Mahal kita at hindi iyon magbabago kahit wala ka ng mga bagay na kailangan ko. Pero alam mo kung anong pinanggalingan ko, kung bakit gusto kong umalis at maghanap ng ibang trabaho. Pareho tayong maghihirap at hindi aasenso kung pareho tayong mananatili sa lugar na ito," patuloy niya.

"Kaya nga nandito ako, 'di ba? Para tulungan ka, para maging katuwang mo sa lahat. Para ibigay sa iyo ang kaya ko para kahit pa paano, gumaan ang buhay mo."

Nasapo niya ang noo at inalis ang pagkakahawak ni Mando sa kaniya. "Gusto mong umasa ako sa iyo? Makihati sa kakarampot na kinikita mo sa bukid? Mando, hindi na nga sapat para sa iyo at sa Nanay mo ang perang kinikita mo, gutso mong makihati pa ako?" Hindi na niya napigilang sabihin iyon at alam niyang nasaktan ito sa mga narinig. "Kung ikaw kuntento sa buhay dito sa probinsiya, na kumikita ng halos sapat lang sa araw-araw at minsan ay kulang pa, ako hindi, Mando. Pagod na ako. Sawa na ako sa ganitong buhay," patuloy na hinaing niya.

Hindi naman siya bulag, alam niya kung paano ginagawa lahat ni Mando para tulungan ang sarili nitong pamilya at siya pero hindi siya makukuntento sa tulong nito, sa ganoong buhay. Hindi rin niya gustong maging pabigat pa rito dahil alam niyang nahihirapan din ito sa buhay na mayroon ang nobyo.

Hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya si Mando. Napakamot ito sa batok at saka umiwas ng tingin.

"Hindi ba talaga sapat sa iyo ang lahat ng ginagawa ko, Adrianna? Sinusubukan ko namang tulungan ka kahit may sarili akong responsibilidad. Hindi naman mananatili lang ako sa ganito, may pangarap din ako para sa pamilya ko at sa future nating dalawa. Iyon ba talaga ang tingin mo sa akin? Na hanggang dito na lang ako? Na hindi kita kayang bigyan ng maayos ng buhay?" Ramdam ang matinding sakit sa sinabi nito. Alam niyang nasaktan niya ang pagkalalaki ni Mando, ang ego nito pero buo na ang desisyon niya. Aalis siya.

Bumuntong-hininga siya. Nakokonsensiya siya, nasasaktan dahil alam niyang nasasaktan niya si Mando. Nanliliit ito sa sarili dahil sa mga sinabi niya.

"M-mahal, A-Adrianna!"

Halos sumubsob na sa lamesa si Mando habang hawak ang isang bote ng beer na halos paubos na rin ang laman. Sa gilid, nagkalat ang mga boteng naubos niya.

"Mando, tama na! Lasing ka na. Ihahatid na kita sa inyo," awat sa kaniya ni Xian, ang matalik niyang kaibigan simula pa noong mga bata sila. Nagtatrabaho din ito sa bukid ng mga Florante.

"A-ayaw ko pa! Gu-gusto ko pang uminom!" tanggi nito at hinawi ang kamay ni Xian na nakahawak sa braso niya. "Hindi ako uuwi hanggat hindi....u-umuuwi si Adrianna." Halos mautal na ito at hindi na mabuhat ang sarili dahil sa kalasingan.

"Pero lasing ka na, Mando! Pasarado na rin ang tindahan ni aling Lena."

"A-alak pa!" Muli niyang tinungga ang bote na hawak hanggang sa maubos iyon.

"Tama na, Mando!" May babaeng humawak sa kamay niya at inalis ang bote roon. "Lasing ka na, ihahatid na kita." Boses iyon ng babae. Binalingan nito si Xian. "Sige na, Xian ako ng bahala kay Mando."

"Sigurado ka, Diana?" nag-aalalangang tanong ni Xian.

"Bakit nagdududa ka ba sa akin? Sa tingin mo may gagawin ako rito kay Mando?" mataray na sagot nito. "Lasing ka na rin, umuwi ka na."

"P-pero—"

"Ako na sabing bahala. Kaya ko na 'to, nakausap ko na si Tita at inutusan niya akong ihatid pauwi si Mando."

Wala ng nagawa si Xian. Napakamot na lang ito sa noo bago tumayo at umalis na. Ayaw pa sana nitong iwan siya kay Diana.

"Mando, let's go home na. Ihahatid na kita."

Inalalayan ni Diana si Mando para makatayo. Mabigat ito kaya nahirapan ang dalaga.

"A-Adrianna?! Mahal!" patuloy niya sa pagtawag sa nobya.

Napairap si Diana. "Iniwan ka na nga ng nobya mo, 'di ba? Wala na siya at sigurado akong napakinabangan na siya ng ibang lalaki." Ngumisi pa ito.

"H-hindi! Babalik si Adrianna, babalik siya! Babalikan niya ako!"

"Ang kulit! Hindi na nga siya babalik. Ako na 'yong nandito, oh? Ako na 'yong nasa tabi mo. Wala na si Adrianna at hindi na siya babalik."

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Seducing My Stepmom   6

    "ANG BRACELET na ito ang tanda ng pagmamahal ko sa iyo, Adrianna. Gusto ko lagi mo itong suot para lagi mong maalala kung gaano kita kamahal," nakangiti usal ni Mando habang sinusuot nito sa kaniya ang isang silver na bracelet na binili nito.Hindi maalis ang masayang ngiti at kilig sa kaniyang mukha dahil sa surprise nito na hindi niya inaasahan. Nasa gitna sila ng bukid, sa ilalim ng malaking puno ng mangga na nagsisilbing lilim nila mula sa sikat ng araw."Bakit gumastos ka pa para rito? Pwede namang 'yong bracelet diyan sa may simbahan sa bayan ang binili mo," aniya. Naisip kasi niyang mahal iyon at gumastos pa si Mando.Tiningnan siya nito habang hawak ang isang kamay niya. "Pinag-ipunan ko talaga 'to para ibigay sa iyo ngayong anniversary natin. Palagi na lang kasing bulaklak na pinitas sa halamanan ni Nanay ang binibigay ko sa iyo." Natawa pa ito. "Gusto ko namang bigyan ka ng bagay na binili ko. Special ka sa akin, mahal kita kaya gusto kong ibigay sa iyo kahit minsan ang mga

  • Seducing My Stepmom   5

    "MAHAL, I'm sorry h-hindi ko intensyong sabihin ang mga bagay na nasabi ko," malungkot na sabi ni Mando kay Adrianna habang nakatalikod siya, nakahalukipkip habang nakatingin sa malawak na bukid.Galit siya sa nobyo dahil sa mga binitawan nitong salita dahil lang tutol ito sa kagustuhan niyang umalis ng probinsiya para maghanap ng ibang oportunidad sa Maynila. Pagod na siya sa buhay na mayroon siya. Hirap na hirap na siyang dumiskarte para lang sa kakarampot na pera para maka-survive sa araw-araw. Pagod na siya sa responsibilidad na hindi naman dapat nakapasan sa kaniya.Parang sinasabi nito sa kaniya na makasarili siya dahil lang gusto niyang takasan ang buhay niya roon.Napapikit siya at bumuntong-hininga. "Alam mo ang dahilan kung bakit gusto kong umalis, Mando. Hindi para sa sarili ko, hindi para takasan ang responsibilidad ko sa pamilya ko. Gusto kong umalis para humanap ng ibang oportunidad sa lungsod, kumita ng pera para sa sarili ko at para kay Ralph dahil habang nandito ako,

  • Seducing My Stepmom   4

    PARANG nalula si Adrianna nang makapasok siya sa isang malaking bahay na pinagdalhan sa kaniya ng lalaking nagligtas sa kaniya sa isang Japanese at nag-alis sa kaniya sa nakakadiring lugar na iyon. Nakakahilo sa laki. Hindi niya alam kung saan titingin dahil sa mga kumikinang na mamahaling gamit sa loob. Bawat sulok ng bahay, may mamahaling bagay. Magagandang furniture, chandelier, mamahaling paintings at sculpture, mga appliances at marami pang iba."D-dito ka nakatira, sir?" hindi makapaniwalang tanong niya habang namamangha pa rin sa nakikita niya. Aramani Rossini ang pakilala sa kaniya ng lalaki. Mas may edad ito sa kaniya pero dahil sa taglay nitong karisma, magandang feature mg mukha, tila ba hindi iyon halata. Gwapo kasi si Armani, may magandang hugis ng katawan at hindi mababakas ang totoong edad.Ngumiti ito habang nakapamulsa. "I live here, Adrianna and from now on, dito ka na rin titira. You want a job? Bibigyan kita ng trabaho at hindi ka na babalik sa lugar na iyon."Masa

  • Seducing My Stepmom   3

    "ANO, tapos na bang make-up-an 'yan?" tila naiinis na tanong ng isang babae na sa tingin ni Adrianna ay nasa-apat napu na ang edad. Madam Hue ang tawag nila rito. Ito ang sumalubong sa kaniya pagdating niya ng Manila at agad siyang dinala sa isang maingay na lugar. Hindi niya alam kung ano iyon dahil wala namang ganoon sa probinsiya na pinanggalingan niya. Hindi siya pamilyar sa paligid, sa mga nangyayari."Girl, what's with that face? Ngumiti ka naman sayang effort kong pagandahin ka kung ganiyan ang hitsura mo," sabi ng balding na nag-make up sa kaniya.Hindi niya alam ang nangyayari. Kinakabahan siya dahil wala siyang ideya kung anong trabaho ang naghihintay sa kaniya sa maingay na lugar na iyon."A-ano po bang gagawin ko—""Ano ba? Akala ko pa gagawin mo lahat para magkatrabaho ka? Ngayon, ito na! Kailangan mo lang galingan para mas malaki ang ibigay nila sa iyo," inis na sabi ni Madam Hue dahil sa pagtatanong niya. Yumuko siya at mahigpit na napakapit sa gilid ng upuan. Tama ba

  • Seducing My Stepmom   2

    DAHAN-DAHAN gumalaw si Mando sa pagkakahiga niya sa matigas na katre ng kubo kung saan pinagsaluhan nila ni Adrianna ang mainit na gabi. Natigilan siya at nagtaka nang wala siyang maramdaman bigat sa kaniyang mga braso. Agad siyang nagmulat at mas nagulat nang ma-realize na wala na siyang katabi.Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga. Kinakabahan siya sa hindi niya alam na dahilan nang magising na wala na sa tabi ang nobya. "Mahal!" tawag niya dito. Iniisip niya na baka nasa labas na ito ng kubo o kaya naman ay nasa maliit na kusina para magpainit ng tubig. Kinuha niya ang damit na nagkalat at agad na nagbihis. Lumabas siya ng kubo pero wala roon si Adrianna. Lumingon siya sa paligid. Nagsisimula nang lumitaw ang haring araw at kumakalat na sa paligid ang liwanag. "Adrianna!" tawag niya rito pero walang sumasagot.Mas kinabahan siya. Kilala niya si Adrianna, hindi siya nito iniiwan pagkatapos nilang angkinin ang isa't isa. "Mahal! Adrianna?!" sigaw niya. Um-echo pa sa paligid ang k

  • Seducing My Stepmom   1

    "AHHH! Sh*t! F*ck!" paulit-ulit na mura at ungol ni Mando habang patuloy itong gumagalaw sa ibabaw ni Adrianna, bakas ang masidhing ligaya at pleasure na nararamdaman nito sa kanilang ginagawa. "A-Adrianna, mahal na mahal kita!" paungol na sabi nito habang nakangiti at nakatingin sa kaniyang mukha na halos pumikit na siya dahil sa bumabalot na ligaya't sarap sa buong sistema niya. Binalingan nito ang mga labi niya, marahan at masuyong hinalikan nito iyon at walang pagtutol na gumanti siya sa bawat masuyo nitong halik dahil baka iyon na ang huling gabing pagsasaluhan nila."I-I love you, Mando!" pabulong niyang sabi habang nakapulupot sa leeg nito ang mga braso niya. Kapwa sila walang saplot at magkadikit ang kanilang katawan, pinagsasaluhan ang init ng gabi sa gitna ng bukid kung saan nagsasaka si Mando. Tila ba naging saksi nila ang bilog na buwan na ang liwanag ay tumatagos sa siwang ng kubo kung saan sila naroon.Tanging banig ang sapin ng katre na sinadya para sa mga magsasakang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status