Mag-log inPARANG nalula si Adrianna nang makapasok siya sa isang malaking bahay na pinagdalhan sa kaniya ng lalaking nagligtas sa kaniya sa isang Japanese at nag-alis sa kaniya sa nakakadiring lugar na iyon. Nakakahilo sa laki. Hindi niya alam kung saan titingin dahil sa mga kumikinang na mamahaling gamit sa loob. Bawat sulok ng bahay, may mamahaling bagay. Magagandang furniture, chandelier, mamahaling paintings at sculpture, mga appliances at marami pang iba.
"D-dito ka nakatira, sir?" hindi makapaniwalang tanong niya habang namamangha pa rin sa nakikita niya. Aramani Rossini ang pakilala sa kaniya ng lalaki. Mas may edad ito sa kaniya pero dahil sa taglay nitong karisma, magandang feature mg mukha, tila ba hindi iyon halata. Gwapo kasi si Armani, may magandang hugis ng katawan at hindi mababakas ang totoong edad. Ngumiti ito habang nakapamulsa. "I live here, Adrianna and from now on, dito ka na rin titira. You want a job? Bibigyan kita ng trabaho at hindi ka na babalik sa lugar na iyon." Masaya siyang ngumiti bago lumingon kay Armani. "Salamat po talaga, Sir sa tulong ninyo sa akin. Kung hindi po kayo dumating, baka kung saan na ako dinala ng lalaking iyon." "Hindi ba't sabi ko sa iyo huwag mo na akong tawaging Sir. Just call me Armani," sabi nito. "Nakakahiya po. Isa pa kapag nagtrabaho na ako rito sa bahay ninyo, magiging amo ko na kayo." "Ok, fine kung saan ka comfortable," pagsuko nito. "Sir, saan ko po idadala ang mga gamit ni Adrianna?" kapagkuwa'y sabi ng lalaking pumasok sa bahay bitbit ang mga gamit niya. "Sa taas, sa tabi ng silid ko," utos nito. Natigilan ang lalaki na wari'y nagtaka sa sinabi ni Armani pero hindi na ito umimik at sinunod na lang ang sinabi nito. "Sumunod ka sa akin." Naglakad ito at kusa siyang sumunod, namamangha pa rin sa nakikita. Kung mas malaki ang mansyon ng mga Florante sa probinsiya, 'di hamak na mas malaki ang mansyon ni Armani. Nang makarating sila sa second floor ng mansyon, binuksan ni Armani ang isang silid at ganoon na lang ang pagkamangha niya at pagtataka. Hindi ba't katulong siya pero bakit sa isang magarbong silid siya titira? "This will be your room from now on, Adrianna." "P-po?" hindi makapaniwalang tanong niya. Paanong ang isang katulong ay titira sa isang maganda at malaking silid? "You heard it right, Adrianna ito ang magiging silid mo habang nandito ka sa bahay ko. Just make it yours. Feel at home," nakangiting sabi ni Armani. Kapag ngumingiti ito, mas lumalabas ang charisma nito. Napaka-gentle ng aura. "P-pero bakit po dito? Hindi po ba't katulong ako? Nakakahiya naman po kung dito ako titira. Mas malaki pa nga po ito sa buong bahay namin sa probinsiya." Alangan pa siyang napatawa. "I want you to live comfortably in my house, Adrianna," simple lang nitong sagot. "Well, masyadong ng gabi at alam kong pagod ka, sige na magpahinga ka na muna at bukas na natin pag-usapan ang offer na iaalok ko sa iyo." Pagkasabi niyo'y tumalikod na ito at lumabas ng silid. Naiwan siyang nakatulala at hindi alam ang iisipin at mararamdaman. Habang tinitingnan niya ang paligid, para siyang nahihilo. Di hamak na mas malaki pa iyon ng doble o triple sa bahay nila sa probinsiya. May malaking kama, may TV at sofa sa loob. May sariling CR din at may balcony sa labas ng bintana. Ramdam din niya ang lamig ng Aircon ng silid na hindi niya naranasan sa probinsiya. Nananaginip ba si Adrianna? Dahil kanina lang ay nasa maingay siyang lugar, natatakot at kinabahan at sa isang iglap, nasa isang tahimik na lugar na siya. Magarbo, maganda at malamig. "Ouch!" daing niya nang kurutin ang sarili. Napangiwi pa siya at natawa sa sarili. "Totoo nga, hindi ako nananaginip," aniya sa sarili. Hindi niya napigilan ang sarili na tumalon sa tuwa. Pangarap lang kasi niya ang ganoong silid pero ngayon, nandoon na siya. Kinikilig siya sa tuwa at saya. Mabilis siyang tumakbo sa may kama at binagsak ang sarili. Humagikhik siya ng mag-bounce sa malambot na kama. Inulit-ulit niya iyon. — KINAUMAGAHAN, nandoon pa rin ang masasayang ngiti sa labi ni Adrianna nang magising siya sa malambot na kama. Napasarap ang tulog niya dahil dati lang ay sa matigas na katre lang nakalapat ang likod niya. Mayamaya'y natigilan siya at agad napabalikwas ng maalala kung bakit siya nasa lugar na iyon. Mabilis siyang bumangon at bumaba ng kama. "Hala! Lagot na!" kinakabahan at nababahalang sabi niya. "Masyado mo naman kasing in-enjoy ang malambot na kama, Adrianna. Anong tingin mo, bisita ka rito? Tandaan mo, katulong ka rito?" sermon niya sa sarili. Nandoon nga pala siya para magtrabaho at hindi para magpahinga sa magarbong silid. Hindi na siya naligo, nagbihis lang siya at agad lumabas ng silid. Halos malito pa siya kung saan dadaan dahil sa malaking hallway. Mabuti na lang at nakita niya ang hagdan pababa. Natigilan siya at mas nagtaka nang madatnan niya sa malawak na living room ang mga katulong na nakatayo. Nakasuot ang mga babae ng uniform na navy blue, bale lima sila. Habang ang mga lalaki ay naka-short lang. Nailang siya dahil nakatingin sa kaniya ang lahat. Si Armani ay nakatayo sa unahan nila. "P-pasensiya na po, Sir na-late ako ng gising," agad na paghingi niya ng paumanhin at agad yumuko. Nakagat niya ang pang-ibabang labi, kinakabahan na baka pagalitan siya ni Armani. "It's ok, Adrianna," sabi nito na walang bakas ng inis o galit. Binalingan nito ang mag katulong. "Pinatawag ko kayong lahat para ipakilala sa inyo si Adrianna, ang magiging bagong katulong sa bahay ko," pakilala nito sa kaniya. "At gusto kong itrato ninyo siya hindi bilang katulong but as my guest." Nagtaka ang ilan pero walang gustong magsalita. Kahit siya ay napakunot ang noo sa sinabi ni Armani. Paanong katulong siyang pinakilala pero guest siya nito? "O-ok lang sa akin, Sir kahit paano nila ako itrato. Trabaho lang naman po ang kailangan ko," pagtutol niya. "No, Adrianna hindi ka lang magiging katulong sa bahay ko. You're my guest." "P-pero—" "No buts, Adrianna," putol nito sa kaniya. "Any violent reaction?" baling nito sa mga katulong. Wala namang nagsalita. "Ate Lou, I want you to take care of her. Ikaw ng bahala kay Adrianna." "Opo, Sir!" sagot ng katulong na base sa mukha ay tila siya ang may pinakamatanda sa kanila. "Sige na bumalik na kayo sa trabaho ninyo." Tiningnan siya nito. "Adrianna, sumunod ka sa akin." Tumalikod ito at naglakad patungo sa isang silid. Nagtataka man pero sumunod siya. Nakita pa niyang nagbulungan ang ilang mga katulong habang nakatingin sa kaniya. Nagtataka at tila ba hindi nila gusto kung paano siya pinakilala ni Armani. Pumasok siya sa isang silid, puno ng mga libro na nakalagay sa mga shelves. May study table at may office table din sa loob. Nadatnan niyang nakaupo sa swivel chair si Armani sa may table nito. "Have a seat," alok nito sa kaniya na agad niyang sinunod. Nahihiwagahan siya sa pagkatao ni Armani. Ngayon lang niya naisip na bakit nga ba agad siyang sumama sa lalaki o dahil wala lang siyang choice at gustong makalayo sa lugar na iyon? Bukod doon, magaan ang aura nito at hindi nakakatakot. Mukha siyang matino at hindi gagawa ng masama sa kaniya. "Hindi po ba dapat katulong ako sa bahay ninyo at hindi isang guest niyo lang?" nagtatakang tanong niya. Sapo nito ang baba habang hinihimas iyon. "Well, may iba akong offer sa iyo, hindi isang katulong." Napakunot ang noo niya. Offer? "P-po? May iba pa po ba kayong trabaho na iaalok sa akin? Ok lang po sa akin kahit anong trabaho, basta kikita ako ng pera," sabi niya. Ngumiti pa siya dahil totoo naman, kahit anong trabaho papasukin na niya. Ngumiti ito at pinagmasdan siya kaya agad siyang sumeryoso at bahagyang nailang. Ngumisi pa ito. "You're too naive, Adrianna. Maganda ka at maraming katulad ni Madam Hue ang gusto ang katulad mo, para ibenta at pagkakitaan. Gaano mo ba kailangan ng pera?" "G-gusto ko po ng trabaho at kumita ng pera, Sir para sa kapatid ko, para mapag-aral ko po siya. Gusto kong iaahon ang sarili ko, kasama ang kapatid ko sa hirap ng buhay namin sa probinsiya kaya handa po akong gawin lahat ng iaalok ninyong trabaho sa akin," puno ng determinasyong sagot niya. "Well, kung ganoon bibigyan kita ng pera. I'll give everything you want. Money? Jewelries? Bags? Anything you want." Seryosong tumingin sa kaniya si Armani. "Just be my wife, Adrianna. Marry me!"PARANG nalula si Adrianna nang makapasok siya sa isang malaking bahay na pinagdalhan sa kaniya ng lalaking nagligtas sa kaniya sa isang Japanese at nag-alis sa kaniya sa nakakadiring lugar na iyon. Nakakahilo sa laki. Hindi niya alam kung saan titingin dahil sa mga kumikinang na mamahaling gamit sa loob. Bawat sulok ng bahay, may mamahaling bagay. Magagandang furniture, chandelier, mamahaling paintings at sculpture, mga appliances at marami pang iba."D-dito ka nakatira, sir?" hindi makapaniwalang tanong niya habang namamangha pa rin sa nakikita niya. Aramani Rossini ang pakilala sa kaniya ng lalaki. Mas may edad ito sa kaniya pero dahil sa taglay nitong karisma, magandang feature mg mukha, tila ba hindi iyon halata. Gwapo kasi si Armani, may magandang hugis ng katawan at hindi mababakas ang totoong edad.Ngumiti ito habang nakapamulsa. "I live here, Adrianna and from now on, dito ka na rin titira. You want a job? Bibigyan kita ng trabaho at hindi ka na babalik sa lugar na iyon."Masa
"ANO, tapos na bang make-up-an 'yan?" tila naiinis na tanong ng isang babae na sa tingin ni Adrianna ay nasa-apat napu na ang edad. Madam Hue ang tawag nila rito. Ito ang sumalubong sa kaniya pagdating niya ng Manila at agad siyang dinala sa isang maingay na lugar. Hindi niya alam kung ano iyon dahil wala namang ganoon sa probinsiya na pinanggalingan niya. Hindi siya pamilyar sa paligid, sa mga nangyayari."Girl, what's with that face? Ngumiti ka naman sayang effort kong pagandahin ka kung ganiyan ang hitsura mo," sabi ng balding na nag-make up sa kaniya.Hindi niya alam ang nangyayari. Kinakabahan siya dahil wala siyang ideya kung anong trabaho ang naghihintay sa kaniya sa maingay na lugar na iyon."A-ano po bang gagawin ko—""Ano ba? Akala ko pa gagawin mo lahat para magkatrabaho ka? Ngayon, ito na! Kailangan mo lang galingan para mas malaki ang ibigay nila sa iyo," inis na sabi ni Madam Hue dahil sa pagtatanong niya. Yumuko siya at mahigpit na napakapit sa gilid ng upuan. Tama ba
DAHAN-DAHAN gumalaw si Mando sa pagkakahiga niya sa matigas na katre ng kubo kung saan pinagsaluhan nila ni Adrianna ang mainit na gabi. Natigilan siya at nagtaka nang wala siyang maramdaman bigat sa kaniyang mga braso. Agad siyang nagmulat at mas nagulat nang ma-realize na wala na siyang katabi.Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga. Kinakabahan siya sa hindi niya alam na dahilan nang magising na wala na sa tabi ang nobya. "Mahal!" tawag niya dito. Iniisip niya na baka nasa labas na ito ng kubo o kaya naman ay nasa maliit na kusina para magpainit ng tubig. Kinuha niya ang damit na nagkalat at agad na nagbihis. Lumabas siya ng kubo pero wala roon si Adrianna. Lumingon siya sa paligid. Nagsisimula nang lumitaw ang haring araw at kumakalat na sa paligid ang liwanag. "Adrianna!" tawag niya rito pero walang sumasagot.Mas kinabahan siya. Kilala niya si Adrianna, hindi siya nito iniiwan pagkatapos nilang angkinin ang isa't isa. "Mahal! Adrianna?!" sigaw niya. Um-echo pa sa paligid ang k
"AHHH! Sh*t! F*ck!" paulit-ulit na mura at ungol ni Mando habang patuloy itong gumagalaw sa ibabaw ni Adrianna, bakas ang masidhing ligaya at pleasure na nararamdaman nito sa kanilang ginagawa. "A-Adrianna, mahal na mahal kita!" paungol na sabi nito habang nakangiti at nakatingin sa kaniyang mukha na halos pumikit na siya dahil sa bumabalot na ligaya't sarap sa buong sistema niya. Binalingan nito ang mga labi niya, marahan at masuyong hinalikan nito iyon at walang pagtutol na gumanti siya sa bawat masuyo nitong halik dahil baka iyon na ang huling gabing pagsasaluhan nila."I-I love you, Mando!" pabulong niyang sabi habang nakapulupot sa leeg nito ang mga braso niya. Kapwa sila walang saplot at magkadikit ang kanilang katawan, pinagsasaluhan ang init ng gabi sa gitna ng bukid kung saan nagsasaka si Mando. Tila ba naging saksi nila ang bilog na buwan na ang liwanag ay tumatagos sa siwang ng kubo kung saan sila naroon.Tanging banig ang sapin ng katre na sinadya para sa mga magsasakang







