Share

Ika-pitong Kabanata

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami ni Maxwell sa hospital kaya naman ay agad kaming pumasok sa kwarto ni daddy.

“Daddy?” saad ko pagkabukas ko pa lamang ng pinto. Agad naman akong niyakap ni mommy kaya hinagod ko muna ang likod niya bago ako tumungo kay daddy na tahimik na nakahiga sa kaniyang kama.

“A-Anak! Ang sabi ng doctor hindi na raw nila alam ang kanilang gagawin at kailangan na nating maghanap ng espesyalista sa ibang bansa.” Napasapo si mommy sa kaniyang noo habang sinasabi sa akin ang balita.

“Saan tayo hahanap ng espesyalista sa ibang bansa mommy? May kakilala ka ba roon?” tanong ko kay mommy at hinawakan ko nang maigi ang kamay niya.

“W-Wala anak, paano na ito?” tanong niya rin sa akin at napahawak na lamang siya sa kaniyang bewang.

Napaupo ako sa sofa at kinalikot ko muna ang aking cellphone dahil baka may makita akong pwede naming hingan ng tulong.

“Anak, may binigay pala sa akin ang doktor kanina a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status