Share

11- Horseback riding

"Mia!" Maya't maya ang tawag ni Jacob sa dalaga. Kinakabahan siyang baka lumayo ito. Nagkataon namang nakasalubong niya si Vic. "Nakita n'yo ho ba si Mia?" tanong niya rito.

"Nasa manggahan," tugon ni Vic.

Tinapik niya ito sa balikat. "Salamat ho," tugon niya at saka siya nagmamadaling tumakbo patungo sa manggahan. Napangiti siya nang makita si Mia na nakaupo sa isa sa mga manggang sadyang nakahiga ang katawan. "Alam mo bang iyan ang paboritong pwesto ko rito sa manggahan?" wika niya. Napalingon sa kaniya ang dalaga. "Bakit ka naman biglang umalis? Ang sabi ng Lola, samahan kita, 'di ba?"

"Ba't ka pa pumunta rito? 'Di ba ang sabi ko naman, kaya kong mamasyal mag-isa? Hindi naman ako mawawala rito kahit gaano pa kalawak ang farm na ito."

Lumapit si Jacob sa dalaga at umupo sa tabi nito. "Nagsiselos ka ba?" aniya.

Natawa si Mia. "Okay ka lang ba?" aniya.

"Nagsiselos ka raw, eh. Iyon ang sabi ni Isabel."

"Oh, my God! Where did you get that idea?" tugon niya. "Naaasar lang ako do'n sa ba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status