Share

Kabanata 20

KABANATA 20 :: MOTHER-IN-LAW

Nagkunwari pa din akong tulog. Hindi ako dumilat hangga't hindi ko naririnig ang papalayong mga yabag. Nakarinig ako ng isang malalim na buntong hininga sa aking tabi kaya naman dahan-dahan akong nagmulat ng mata para tingnan kung sino iyon.

Ang madilim na mata ni Kleindro ang sumalubong sa akin. Matigas ang kanyang anyo.

"H-Hi…" sambit ko.

Nanunuyo na naman ang aking lalamunan.

Madali siyang kumilos at walang sabi-sabing inabutan ako ng tubig na isinalin niya mula sa isang pitsel sa lamesa di kalayuan sa hospital bed.

"Uminom ka muna."

Kinuha ko ang baso pero nakaalalay pa rin siya sa bawat galawa ko.

Inubos ko ang isang basong tubig at saka iyon ibinalik sa kanya.

"S-Salamat…"

Kinuha niya ang baso at tumayo para ibalik iyon sa mesa.

"Magpahinga ka muna, Vanilla."

Napanguso ako agad.

"Pero matagal na akong nagpapahinga…"

Ilang araw na ba ako dito at pakiramdam ko'y isang dekada na. Wala akong ginawa kundi matulog, sagutin ang doktor at kumain. Si Kleindr
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status