ログインAkmang tutungo na ako sa sink para sana maghugas ng kamay at mag-retouch nang bigla na lamang may humila sa aking braso. Gulat na gulat akong napatingin kung sino iyon at mabilis na kumunot ang noo ko nang makita na ang babaeng payat na kakapasok lang ang humawak sa akin."Excuse me?" inis kong sambit habang pilit na binabawi ang braso ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak.Pero lalo niya pa iyong hinigpitan at hinila ako sa mas sulok na bahagi malapit sa pintuan ng mga cubicle. At ang sunod niyang sinabi ang nagpaawang nang husto sa bibig ko."Sophia, it's me. Si Mariel ito," bulong niyang sabi habang nanginginig ang mga labi.Namilog ang mga mata ko sa matinding pagkabigla bago ko siya mabilis na pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Tama nga si Tori. Kahit sinong makakakita kay Mariel ngayon at ihahambing sa Mariel noon, hinding-hindi na siya makikilala. Sobrang laki ng ipinayat niya. Ang mga pisngi niya ay hukot na hukot, at ang katawan niya ay parang binalot lamang ng ba
Pagkatapos ng halos apat na oras sa amusement park at matiyak na magiging unforgettable memories talaga ito para kina Snow at Kendra, kumain muna kami ng pasta at pastries doon bago kami tuluyang umalis para ipag-shopping ang dalawa. Alas-dos na rin ng hapon noon. Dalawang oras na lamang ang mayroon kami bago ihatid ni Axel ang mga bata pauwi sa Sta. Fe.Nasa loob kami ngayon ng isang malaki at sikat na department store. Lahat ng mahawakan kong damit ay isinisipat ko sa kanilang dalawa para tingnan kung kasya ba sa mga katawan nila."Sa tingin ko, bagay sa 'yo ito, Kendra," puna ko sa isang dress na may medyo flowy na tela.Kulay sage green iyon, isang kulay na bagay na bagay sa balat niyang morena at mas lalong magpapatingkad sa kaniyang hitsura."Hindi po ba siya sobrang mahal? Nakakahiya naman po," nag-aalangan niyang sabi habang nakatingin nang may takot sa price tag na nakasabit."Bibilhin namin ang lahat ng damit at sapatos na magugustuhan niyo rito. Huwag niyong isipin ang pres
"Malapit na tayo sa park!" hiyaw ni Snow nang bumagal ang takbo ng sasakyan at tuluyang makalapit kami sa tapat ng entrance ng amusement park.Nilingon ko silang dalawa ni Kendra sa backseat. Pareho silang nakadungaw sa bahagyang nakabukas na bintana habang pinapanood ang mga makukulay na ilaw at karatula sa labas."Tingnan mo 'yung ferris wheel, Snow! Ang taas pala talaga niya nang malapitan!" turo ni Kendra habang tuwang-tuwang niyuyugyog si Snow dahil sa sobrang excitement. "Hindi ba't sabi mo gusto mong makasakay riyan dati pa?"Napangiti si Tyler habang pinapanood ang reaksiyon nila mula sa rearview mirror. Pagpasok ng sasakyan sa loob, naghanap si Tyler ng magandang parking lot na pwedeng pagpwestuhan. Mabuti na lang at nakakita kami ng bakanteng espasyo kahit medyo malapit na iyon sa dulo dahil sa dami ng mga sasakyang nakaabang.Araw ng Linggo ngayon kaya naman asahan nang dagsa ang mga pamilya, magkakaibigan, at mga bata na pumunta rito para sulitin ang kanilang weekend. Main
Madaling araw na kami nakauwi ni Tyler sa bahay. Pagkatapos kong maubos ang inis at galit ko kay Tori sa opisina, dumiretso muna kami sa study room para pag-usapan ang mga susunod naming hakbang. Tinawagan namin ang Daddy at Lolo ni Tyler para ibalita ang tungkol sa paglitaw ni Mariel. Agad namang ipinarating ng Lolo ni Tyler ang impormasyon sa Police General para masimulan na ang paghahanap sa kaniya. Pero mahigpit kaming nakiusap na gawin iyon sa tahimik na paraan. Kung si Mariel ay nagpakita matapos ang limang taong pagtatago, malaki ang posibilidad na maging si Rowan ay nagkukubli rin sa paligid. Kailangan naming kumilos nang palihim para hindi sila maalarma. May malakas akong kutob na si Mariel ang magsisilbing susi para mahanap ko si Athena.Ipinagdadasal ko na sana ay muling magpakita si Mariel, o kaya naman ay siya mismo ang kusang lumapit sa akin."You should sleep, love. Nangako tayo sa mga bata na ipapasyal natin sila bukas," bulong ni Tyler habang nakayakap sa akin nang ma
"I need to go back in the company. Nasabi ni Anya na nagpakita doon si Mariel," bulalas ni Tyler nang maibaba ang tawag mula sa kabilang linya."Sasama ako!" mabilis kong sabi at hinawakan ang kamay niya nang mahigpit. "Tyler, sasama ako. Gusto kong malaman agad kung ano man ang sasabihin niya."Tumango si Tyler nang walang pag-aalinlangan at hinila ako palabas ng kusina. Hindi na kami nag-abala pang magpalit ng damit. Nakasuot pa rin si Tyler ng suit nang dumating siya mula sa kaniyang opisina kanina. At ako naman, terno ng pantulog na pajama at sweater na kulay light blue. Halos patakbo ang ginawa naming pag-lakad habang papunta sa aming sasakyan sa garahe.Buhay si Mariel. Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko habang nagmamaneho si Tyler papunta sa The Santibañez Group bandang alas-diyes ng gabi.Parang nabuhay ang lahat ng diwa ko sa mga sandaling iyon. At ang katotohanang nagpunta siya roon para hanapin kami ni Tyler ay iisa lang ang ibig sabihin—gusto niya kaming makita.
"Ma'am, ihahatid ko na po ba ito kina Snow at Kendra?" tanong ni Luningning habang bitbit ang tray na may dalawang baso ng gatas.Sinulyapan ko si Tyler doon sa garden na abala pa rin sa cellphone, kausap si Anya para sa paparating nilang business expansion conference. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko sa countertop. "Ako na ang maghahatid sa kanila niyan," sagot ko at kinuha kay Luningning ang tray.Nagplano talaga kami na mag-stargaze ngayong gabi matapos manood ng pelikula sa labas. Pero dahil namamaga ang tuhod ni Snow at nahihirapan siyang maglakad, pinagpahinga ko na lang silang dalawa. Baka lumala pa iyon kung igagalaw niya nang husto at mapilitan siyang umuwi sa Sta. Fe bukas na pilay pa mandin.Pumanhik ako sa itaas at tinungo ang guest room kung saan sila matutulog. Pagtapat ko sa nakabukas nang bahagya na pintuan, napatigil ako nang marinig ang usapan nila sa loob."Paano kung tumawag na siya kay Father Dan, Snow? Tapos sinabi na ni Ma'am Sophia sa kanila ang ginawa natin di
Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”Nati
"Nahihilo ka ba?" malambing na tanong ng asawa kong si Rowan sa akin.Nakahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Parang umiikot ang mga nasa paligid.Agad akong kumapit sa kanya para hindi matumba. "U-Umuwi na tayo..." pakiusap ko sa kanya."Pero hindi pa t
TYLERKatatapos lang ng meeting ko kay Mr. Saldivar sa isang restaurant. Kaaalis lang din niya, at balak ko na sanang tumayo para bumalik sa opisina nang mahagip ng paningin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto. Isang babaeng nakasuot ng puting bistida, nakayuko ang ulo, at tila nahihiya sa b
"Ma'am Sophia, mas mabuti pa sigurong umuwi ka na muna," singit ni Kevin sabay hawak sa kamay ko para igiya ako palabas."Bitawan mo ako!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napaatras siya at napayuko, hindi makatingin sa akin nang diretso. Muli kong hinarap ang asawa ko at ang kabit







