LOGINAlas onse ng gabi nang maramdaman kong mahimbing na ang tulog ni Tyler mula sa sofa. Dahan-dahan akong bumangon at iniiwasan ang anumang ingay habang inaalis ang kumot para makababa sa kama."Tyler," mahina kong tawag.Hindi siya gumalaw. Ngayon lang kasi siya nakatulog nang maayos simula nang makabalik kami sa Pilipinas kaya bagsak na bagsak ang katawan niya sa matinding pagod at pag-iisip.Mabilis akong lumapit sa duffle bag na naglalaman ng mga damit ko na dinala kanina ng ina ni Tyler. Kumuha ako roon ng simpleng paitaas at pantalon bago pumasok sa banyo para magpalit. Nang makapagbihis, lumabas na ako ng VIP room. Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway para maiwasang mapansin ang mukha ko. Sumakay ako ng elevator pababa at mabilis na nagpara ng taxi sa lobby.Hindi ko dinala ang cellphone ko. Binura ko na rin ang text ni Rowan doon kagaya ng utos niya. Anuman ang mangyari ngayong gabi, kailangang mabawi ko si Athena. Kahit pa ako ang maging kapalit niyon, mas gugustuhin kong a
Pagkalabas na pagkalabas ni Tyler ng kwarto, mabilis akong bumangon mula sa kama at kinuha ang cellphone sa tabi ko.Palipat-lipat ang tingin ng mga mata ko sa screen ng cellphone at sa pintuan ng kwarto. Sumasakit ang dibdib ko sa matinding kaba at takot na baka biglang magbago ang isip ni Tyler at agad na bumalik. Baka mahuli niya akong may inililihim na naman sa kanya. Nanginginig ang mga daliri ko habang itina-type ang numero ni Rowan. Kagat-kagat ko ang kuko sa kabilang kamay habang itinatapat ang cellphone sa tainga ko.Sa unang ring pa lang, agad nang may sumagot sa kabilang linya, para bang nakahawak na talaga ang kamay nito sa cellphone at hinihintay lang ang pagtawag ko."Sophia," pang-uuyam na boses ni Rowan mula sa kabilang linya.Marinig ko pa lang ang tinig niya ay nasusuklam na agad ang buong katawan ko. Naikuyom ko nang mahigpit ang kamay ko habang pilit na pinipigilan ang sariling sumigaw."Rowan, nasaan ang anak ko?" mariin kong tanong sa mababang boses. "Nasaan si A
Pumasok muli si Tyler sa silid dala ang isang tray ng mga binili niyang pagkain. Bahagya niyang inilipat ang bedtable patungo sa ibabaw ng kama ko at maingat na inihanay roon ang sabaw ng baka, dalawang plato ng kanin, at iba pang ulam."Kumain ka ng marami," bilin niya habang nilalagyan ng sabaw at karne ang plato ko.Nakatitig lang ako sa dami ng pagkaing inihain niya. "Saluhan mo ako. Hindi ko naman mauubos lahat ito."Tumango si Tyler. Kumuha siya ng sarili niyang plato at umupo sa gilid ng kama para sabayan ako. Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang araw, naramdaman ko ang gutom kaya dahan-dahan akong nagsimulang kumain."Every checkpoint has installed police to check every vehicle passing by the South," pag-update sa akin ni Tyler ng sitwasyon. "Nararamdaman kong malapit na natin makasama ang anak natin."Sinusubukan niyang palakasin ang loob ko. Gusto kong hawakan ang bawat salitang sinasabi niya para hindi ako tuluyang mawasak."Sana nga, Tyler," pabulong kong sagot bago umino
Nang imulat ko ang mga mata ko, napatingin ako sa kisame ng kwarto. Doon ko lang narealize na nasa ospital ako. Mabilis kong naalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay.Bahagyang nakabukas ang pinto at nakita ko si Tyler sa labas na kausap ang doktor. Inalis ko ang tape at swero sa kamay ko para makaupo sa kama. Ilang sandali pa’y tinapik ng doktor ang balikat ni Tyler at naglakad na palayo.Nang humarap si Tyler patungo sa pinto, nagtama ang mga paningin namin. Mabilis siyang pumasok at lumapit sa akin."Sophia," bungad niya sabay hawak sa mga kamay ko. "Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa 'yo?""I... I passed out?"Tumango siya. "You were unconscious for two days."Napatitig ako sa kaniya. Dalawang araw? Mabilis kong kinapitan ang braso niya, kasabay ng biglang pagbilis ng tibok ng dibdib ko."Kung ganon, anong nangyari sa loob ng dalawang araw na narito ako? May balita na ba? Natunton na ba si Rowan? Nasaan na ang anak ko?" sunod-sunod kong tanong.Bumuntong-hininga
Nakahain sa mahabang hapagkainan ang iba't ibang uri ng masasarap na pagkain, ngunit walang gustong kumain sa amin. Nakatingin lang kami sa kani-kanilang plato. Ni walang gustong humawak ng kubyertos.Nilagyan ni Tyler ng beef backribs ang plato ko at maingat akong tinabihan. "Kahit kaunti lang, Sophia. Kailangan mong kumain.""Tama si Tyler, Sophia. Kumain ka. Hindi makakabuti sa kalusugan mo ang pagpalipas ng kain. Baka mabinat ka niyan at magkasakit," segunda naman ng ina ni Tyler.Hindi ko ginawad ang tingin ko sa plato. Nakatulala lang ako sa baso ng tubig sa aking harapan. Ilang minuto akong walang kaimik-imik bago kusang patak ng patak ang luha ko. Akala ko noong manganganak ako, iyon na ang pinakamasakit na pakiramdam. Hindi pala. Mas masakit palang mawalay sa sarili mong anak nang hindi mo man lang alam kung nakakakain ba siya, kung umiiyak siya, o kung ligtas pa ba siya sa kamay ng isang baliw.Hindi ko alam kung bakit ipinaparanas ng Diyos sa akin ang ganitong pagdurusa. Ga
Kalalabas lang namin mula sa tanggapan ng dating modeling agency ni Mariel. Ayon sa agency head na nakausap ng mga pulis, halos anim na buwan na raw na walang paramdam si Mariel sa kanila mula nang tuluyan itong huminto sa mga shoots. Ibinigay ng management ang huling aktibong numero ng cellphone ni Mariel sa amin. Mabilis ko iyong tinawagan habang nasa loob kami ng sasakyan, ngunit gaya ng inaasahan, out of coverage area na ito at mukhang hindi na talaga ginagamit.Ilang minutong biyahe pa ang lumipas at malapit na kami sa bahay ni Clinton. Paghinto ng aming SUV sa gilid ng kalsada, ibinaba ni Tyler ang bintana ng sasakyan at sinulyapan ang dalawang palapag na bahay sa aming harapan."He lives here?" tanong ni Tyler habang nakatitig sa mataas na gate.Tumango ako. "Oo. Noong nagkakasama pa kami ni Rowan, madalas siya rito at ilang beses na rin akong nakapasok sa loob."Bahagya kong idinalangin na sana ay hindi pa lumilipat ng tirahan si Clinton. Bumaba kami ng sasakyan kasunod ang d
TYLERKatatapos lang ng meeting ko kay Mr. Saldivar sa isang restaurant. Kaaalis lang din niya, at balak ko na sanang tumayo para bumalik sa opisina nang mahagip ng paningin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto. Isang babaeng nakasuot ng puting bistida, nakayuko ang ulo, at tila nahihiya sa b
"Ma'am Sophia, mas mabuti pa sigurong umuwi ka na muna," singit ni Kevin sabay hawak sa kamay ko para igiya ako palabas."Bitawan mo ako!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napaatras siya at napayuko, hindi makatingin sa akin nang diretso. Muli kong hinarap ang asawa ko at ang kabit
Nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagtalikod ni Tyler para umalis. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang sikip nito. Unti-unting tumulo ang aking mga luha, halos hindi ko matanggap ang lahat ng nalaman ko. Ayaw kong tanggapin. Ayaw kong paniwalaan na na
Tahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na ni







