MasukAng puting kisame ang unang bumungad sa akin nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata. Napapikit ako nang mariin habang pilit na kinikilala ang paligid. Hindi ito ang kwarto namin ni Tyler.Nasa ospital na naman ako.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko ibinaling ang aking tingin sa may pintuan. Bahagya itong nakasiwang, sapat para matanaw ko ang likod doon. Nakatalikod si Tyler sa pinto, at mula sa labas ng kwarto ay may kausap siya. Dahil sa katahimikan ng paligid, malinaw na umabot sa aking pandinig ang bawat salitang binibitawan ng kaniyang kausap."Goodness, Tyler. Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag na huwag mo siyang bibigyan ng stress?" pangaral ni Chloe. Kahit mahina lang ang kaniyang boses. "Kung noong mga nakaraang buwan ay malakas pa ang kapit ng bata, ngayon ay hindi na. I can barely hear the heartbeat. Humihina ang kapit ng bata."Hindi sumagot si Tyler. Mula sa puwesto ko, nakita ko ang bahagyang pagbaba ng kaniyang mga balikat."Hindi ko a
MARIELNatuptop ko ang aking bibig gamit ang dalawang palad. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakadikit ang mukha ko sa salamin ng kotse ni Rowan. Mula sa madilim na sulok ng parking lot kung saan kami nakapark, kitang-kita ko kung paano dumanak ang dugo. Kitang-kita ko kung paano bumagsak si Glory sa semento matapos barilin ng pulis nang akma nitong babarilin si Tyler mula sa likod.Napakurkrap ako, pilit na inaalis ang imahe ng duguang katawan ni Glory sa isip ko. Dahan-dahan kong nilingon si Rowan na nasa driver's seat.Walang emosyon ang kaniyang mukha. Para sa kaniya, ang karahasang katatapos lang naming masaksihan ay parang isang normal na palabas lang sa telebisyon."Did you... do this on purpose?" hindi ko napigilang itanong, halos mapiat ang boses ko sa pinaghalong takot at pagtataka. "Dinala mo ba siya doon sa bahay nina Sophia dahil alam mong mahuhuli siya ng mga pulis? Dahil alam mong ganito ang mangyayari sa kaniya?"Hindi sumagot si Rowan. Sa halip, marii
Nakaupo ako sa passenger seat habang mariing nakahawak ang mga kamay ko sa seatbelt. Sa harap namin, natatanaw ko ang unt-unting pag-usad ng mobile patrol ng mga pulis, kung saan lulan si Glory.Nang sa wakas ay makarating kami sa tapat ng police headquarters, ipinarada ni Tyler ang sasakyan sa gilid. Sabay kaming bumaba. Pagkabukas ko ng pinto, agad na sumalubong sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin ng gabing iyon. Dahil manipis lang ang suot kong dress na inilaan ko pa naman para sa naudlot naming dinner date, hindi ko napigilang yakapin ang sarili ko at bahagyang haplusin ang aking mga braso.Napansin agad iyon ni Tyler. Lumapit siya sa akin, ang mga mata ay puno ng lambing at pag-aalala. "Are you cold, love?"Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Agad niyang hinubad ang kaniyang suit jacket at maingat iyong ipinatong sa mga balikat ko.Tumingala ako sa kaniya at ngumiti. "Thank you."Lumingon ako sa direksyon ng mobile patrol na huminto hindi kalayuan sa amin. Binubuksan na n
Nakaupo kami sa gilid ng kama ni Tyler. Katatapos ko lang gamutin ang sugat na sintido ni Tyler. Habang si Glory naman ay nananatiling walang malay sa sahig, mukhang matindi ang nabitawang suntok ni Tyler sa mukha nito.May hawak na cold compress si Tyler, dahan-dahang itinatapat sa namamagang bahagi ng mukha ko. Bakas sa mga mata niya ang labis na pag-aalala, na para bang kahit anong oras ay mababasag ako sa harap niya."Aray!" Napakagat-labi ako nang medyo madiin ang pagkakalapat niya sa sugat ko.Agad na napaatras ang kamay ni Tyler, gulat at natatarantang tumingin sa akin. "I'm sorry... napalakas, love.""O-Okay lang," bulong ko, kahit ang totoo ay kumikirot talaga ang buong mukha ko.Hinawakan niya nang banayad ang panga ko, bahagyang iniharap ang mukha ko sa kaniya. Lumapit siya nang kaunti at marahang hinihipan ang namumulang pisngi ko. Ang mainit na hininga niya na humahaplos sa nasaktang balat ko ay tila sandaling nagpatahimik sa magulong paligid. For a moment, it was just hi
Mabilis na tumayo si Tyler. Lumapit siya sa may veranda at marahas na hinila ang mahaba at makapal na kurtina doon. Pinunit niya iyon nang pahaba, bago hinati sa apat na piraso daily wala siyang makitang lubit dito sa loob ng kwarto.Lumapit siya sa walang malay na katawan ni Glory na nakasubsob pa rin sa sahig. Pinigilan niya ang mga kamay nito sa likod bago sinimulang itali nang mahigpit."Higpitan mo pa... maging ang mga paa niya," pabulong kong paalala. "Napakalakas niya. Daig pa niya ang lalaki. Huwag mo siyang bibigyan ng pagkakataon na makawala o makasipa kapag nagising siya.""I know. She was a former Taekwondo player," seryosong sagot ni Tyler habang marahas na hinahatak ang buhol ng kurtina sa mga pulso ni Glory. "Kahit sakal-sakal ko na siya kanina bago ako mawalan ng malay, nagawa pa rin niya akong siko-sikuhin at makawala sa akin. Mabilis siyang nakatakbo sa gilid at nakuha pa niya ang binili mong flower vase. Iyon ang ipinamalo sa ulo ko. She’s very capable of harming an
Agad na ipinatong ni Glory ang kanyang palad upang takpan ang aking bibig, binubura ang anumang tunog na lumalabas sa aking lalamunan."Tumahimik ka!" gigil niyang singhal bago itinaas ang kanyang kamao at walang awa na isinapak diretso sa gilid ng aking ulo.Nanghina ang buo kong katawan at tila ba unt-unti nang umiikot ang aking paningin sa tindi ng sakit at sa dami ng sapok at sampal na natamo ko mula sa kanya. Subalit sa halip na maawa, isang nakalolokong tawa lang ang pinakawalan ni Glory habang nakapatong pa rin sa ibabaw ko."I'm going to give you an option, Sophia. Ayaw ko naman na ang tingin mo sa akin ay napakasalbahe kong tao," may panunuya sa kanyang boses habang dahan-dahang inilalapit ang kanyang mukha sa akin. "Hahayaan kitang mabuhay ngayon... kung aalis ka, magpapakalayo-layo, at hinding-hindi ka na muling babalik pa sa buhay ni Tyler kailanman. Iiwan mo sa akin ang lahat."Nanlilisik ang aking mga mata sa tindi ng galit habang nakatitig sa kanya. Sobra-sobra na ang k
"Nakabalik ka na pala," marahang sambit ng ina ni Tyler nang maalimpungatan ito mula sa sofa.Sabay kaming napalingon ni Tyler sa gawi niya. Mukhang nagising siya sa pagtatawanan namin. Bahagya siyang bumangon, inayos ang kumot na nakatalukbong sa kanya, at naupo nang tuwid habang pinapasadahan ng
"Dalhin niyo siya sa Emergency OB Suite," maawtoridad na utos ni Chloe sa mga staff.Nang marating namin ang pinto ng tanging mga doktor lang ang pwede, hinarang na ng mga nurse si Tyler. "Sir, hanggang dito na lang po kayo. Kami na pong bahala sa kanya.""T-Tyler!" umiiyak kong tawag sa kanya haba
"Fuck..."Maging si Tyler ay tuluyan na ring binalot ng matinding taranta. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura bago niya ako binuhat bridal-style."T-Tyler... ang baby natin... Baka kung ano na ang mangyari sa kanya..." tuluyan na akong napahagulgol sa iyak, sunod-sunod ang pag-iling ko habang n
"My God! May ganyan na palang nangyayari sa inyo, tapos wala pa rin akong kaalam-alam?" patutsada ng ina ni Tyler matapos makaalis ng mga pulis. Halatang mataas ang tensyon sa loob ng sala nang malaman niya ang buong katotohanan sa likod ng pagbisita ng mga otoridad.Galit niyang binalingan si Ames







