Se connecterHabang nagbibihis si Tyler at abalang nagbubutones ng kaniyang long-sleeve shirt sa gilid ng kama, biglang tumunog ang cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng bedside table.Nilingon niya iyon bago sagutin ang tawag. "Hello?"Habang abala ako sa pag-aayos ng sarili at nagsusuot ng hikaw sa harap ng salamin, napansin ko ang biglang pagtigil ni Tyler sa pagbubutones. Napahinto siya, nanigas ang katawan, at maya-maya ay gulat na gulat na lumabas. "A-Ano?"Nang ibaba niya ang tawag, agad akong lumingon sa kaniya habang inaayos ang buhok ko. "Sino 'yon? Mula pa sa presinto? Bakit daw tumawag?" tanong ko.Humarap sa akin si Tyler, at sa isang iglap ay biglang sumeryoso nang husto ang kaniyang mukha. Nawala ang ngiti sa mga labi niya, kaya agad akong nakaramdam ng kaba."Tyler, what is going on?" nag-aalalang tanong ko.Huminga nang malalim si Tyler bago sumagot. "Si Rowan... patay na raw."Nanlaki ang mga mata ko. "P-Patay na?" Paano siyang namatay? Hindi ba dapat ay ililipat na siya ng ku
"Mr. and Mrs. Santibañez," bati ng investigating officer habang inaayos ang ilang papeles sa ibabaw ng lamesa. "Bukas ng umaga ay ililipat na si Rowan Trajano mula rito patungong Manila City Jail habang hinihintay natin ang kautusan ng korte para sa paglilipat niya sa piitang pambansa."Tumango si Tyler habang nakatayo sa tabi ko. "Mabuti naman kung ganoon. Mas magiging panatag kami kung nasa mas secured na pasilidad na siya.""Huwag kayong mag-alala, sir, ma'am. Malakas ang laban natin at walang takas si Rowan sa mga kasong isinampa laban sa kaniya. Dahil sa mga ebidensya at sa mga bagong supplementary report na inihanda natin kasama na ang nangyari sa pier, siguradong habambuhay na siyang mabubulok sa kulungan at hinding-hindi na kailanman makakalabas pa. May gusto pa ba kayong idagdag sa supplemental report para sa mga kaso niya? Papunta rin kami ngayon sa ospital para kunin ang kasong isasampa ni Mariel Ramos sa kanya," tanong ulit ng officer habang inaabot ang panulat."Naibigay
Dahil sa malubhang kalagayan ng karamdaman ni Mariel ay hindi muna siya ikinulong ng mga pulis. Gayunpaman, mahigpit pa rin siyang pinababantay-sarado sa ospital upang matiyak na hindi siya makakatakas. Habang si Clinton naman ay kusang sumama sa mga awtoridad dahil mayroon din siyang kakaharaping mga kaso sa pagtatago kay Rowan at sa pagkakaroon ng direktang koneksyon dito habang matagal itong wanted sa batas.Hindi lamang simpleng kidnapping ang kasong kinakaharap ni Rowan ngayon. Dahil sa pagpatay nito kay Nana Selya noon, habambuhay na pagkakakulong ang naghihintay sa kaniya, lalo pa at iyon mismo ang mariing hinihiling ng pamahalaan ng Switzerland. Bagamat Pilipino si Nana Selya, isa na siyang ganap na Swiss citizen noon kasama ang kaniyang pamilya.Matapos umalis ng mga pulis at ng pamilya ni Tyler ay nag-almusal na muna kami bago tuluyang pumanhik sa aming silid. Wala pa kaming maayos na tulog buong araw, at ganoon din si Athena na labis na napagod sa mga nangyari. Magkakatabi
Mag-alas-kuwatro na ng umaga kami nakarating sa bahay. Hindi pa man kami tuluyang nakakarating sa tapat ng gate ay natanaw ko na agad ang apat na iba't ibang uri ng mga sasakyang nakaparada roon. Sa katapat nun ay ang isang police mobile.Sinulyapan ko si Athena sa tabi ko na tahimik na pinaglalaruan ang mga daliri niya. Ang sabi ko sa kaniya kanina ay matulog muna habang nasa biyahe para may lakas siya pagdating namin, at gigisingin na lamang namin kapag malapit na. Pero ayaw niya. Bagamat nakilala na niya ang mga magulang at Lolo ni Tyler noong dumalaw kami sa bahay-ampunan, halatang excited pa rin siyang mas makilala ang mga ito nang lubusan ngayong kasama na namin siya nang tuluyan."We're here," anunsyo ni Tyler kay Athena habang pinapatay ang makina ng sasakyan.Ngumiti siya at nilingon kami rito ni Athena sa backseat. Mabilis namang bumangon si Athena mula sa pagkakasandal sa akin, napaayos ng upo, at isinuklay pa ang mga daliri sa buhok para ayusin iyon."Anong ginagawa mo?" n
ELODE"Nanay, sige na po, please? Tawagan ulit natin si Tatay baka sumagot na siya," pagkukulit sa akin ng anak kong si Camilla.Dalawang araw na kasi naming hindi matawagan si Gabo. Hindi naman niya ugali ang ganito. Mabilis siyang sumagot sa mga text at kailanman ay hindi pa siya pumulyang sagutin ang mga tawag namin. Kahapon at ngayon lang. Hindi ko tuloy maiwasan ang mabahala at kabahan, lalo na sa tuwing naiisip na baka magtagpo ang landas nila ng ex nitong nagngangalang Sophia.Kung mawawala sa akin si Gabo ay hindi ko iyon kakayanin. Hindi namin kakayanin ni Camilla. Mahal na mahal ko siya. At mas lalo ko pa siyang minamahal sa tuwing pinatutunayan niyang tama lang ang ginawa kong bigyan siya ng pagkakataong pumasok sa buhay namin ng anak ko. Noong walang-wala akong masasandalan at para akong basang-sisiw na pinabayaan ng ama ng dinadala ko, si Gabo ang dumating.Hindi lang ako ang inalagaan at minahal niya. Tinanggap niya rin ang anak ko at minahal na parang tunay na pag-aari
Napakurap si Athena habang patuloy pa ring umaagos ang mga luha sa kaniyang pisngi, saka muling tumitig sa akin na parang sinusuri ang bawat detalye ng mukha ko bago tuluyang nagsalita."T-Totoo po ba na kayo... ang magulang ko?" sa wakas ay tanong niya matapos ang ilang minutong pag-iyak na puno ng pagkalito.Sunod-sunod akong tumango sa kaniya habang pilit nginingitian ang anak ko kahit basang-basa na ng luha ang mukha ko. "Kami nga. Kami ang mga magulang mo."Sinulyapan niya si Tyler na nakaluhod din sa tabi ko, bago muling ibinalik ang tingin sa akin."Limang taon kaming hindi tumigil sa paghahanap sa 'yo, anak. Limang taon kaming nangulila sa pagkawala mo. Pakiramdam namin, noong kinuha ka sa akin, may parte sa puso namin na nakasama sa 'yo," makabagbag-damdamin kong litanya.Napakarami ko pang gustong sabihin sa kaniya. Kung gaano namin siya araw-araw inaalala at iniisip tuwing sasapit ang gabi. Kung gaano kami halos magmakaawa sa Diyos para lang makasama siyang muli. Halos hind
Nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagtalikod ni Tyler para umalis. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang sikip nito. Unti-unting tumulo ang aking mga luha, halos hindi ko matanggap ang lahat ng nalaman ko. Ayaw kong tanggapin. Ayaw kong paniwalaan na na
Tahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na ni
Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”Nati
"Nahihilo ka ba?" malambing na tanong ng asawa kong si Rowan sa akin.Nakahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Parang umiikot ang mga nasa paligid.Agad akong kumapit sa kanya para hindi matumba. "U-Umuwi na tayo..." pakiusap ko sa kanya."Pero hindi pa t







