Share

Chapter 172

Author: London Bridge
last update publish date: 2026-09-28 19:30:13

Halos halughugin ko na ang buong kuwarto ni Athena pero wala talaga siya roon. Hindi ko na namalayan ang patuloy na palang bumabagsak ng aking mga luha, nanlalabo na ang aking paningin at parang pinupunit ang dibdib ko sa matinding takot.

"Athena, anak!" piyok kong sigaw sabay takbo palabas ng silid. "Tyler, si Athena!"

Naabutan ko si Tyler na nakatulala kay Nana Selya, halatang hindi pa rin lubos na makapaniwala sa mabilis na pangyayari. Nakapikit na ang matanda at wala nang buhay na nakahandu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 176

    ROWANInis kong binalingan ang walang tigil sa kakaiyak na sanggol habang balisa itong hinihili ni Mariel sa sala. Tatlong oras na kaming nakalapag sa Maynila at nakalipat sa bago at tago naming rented apartment, pero ang boses pa rin ng batang iyon ang lumalason sa katahimikan ng buong lugar.Mabilis na nagdilim ang paningin ko. Napakuyom ang mga kamay ko sa galit bago ako marahas na bumangon mula sa sofa."Putàngina naman, Mariel! Hindi mo ba kaya patahanin ang batang 'yan?!" sigaw ko habang nanlilisik ang mga mata sa kaniya. "Simpleng pagpapatahan lang ng sanggol, hindi mo pa magawa? Paano ka magiging ina sa anak natin kung d'yan pa lang sa batang 'yan ay sumusuko ka na?!""Bakit ba sa akin ka nagagalit?!" balik na sigaw ni Mariel, sinulyapan ako habang humihigpit ang hawak sa batang nanginginig sa pag-iyak. "Stress na stress na rin ako, Rowan! Baka naman kasi gutom na ang bata! Wala tayong dalang gatas niya mula nang kuhanin mo siya sa Switzerland! Anong inaasahan mong gawin ko?!"

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 175

    Isang araw na ang nakalipas pero wala pa rin kaming maayos na tulog ni Tyler. Sa kabila nito, ni hindi man lang kami makaramdam ng antok o kahit kaunting gutom. Paano ako makakatulog kung sa tuwing ipinapikit ko ang aking mga mata ay ang iyak ng aking anak ang naririnig ko? Paano ako makakakain kung naiisip ko na baka nagugutom si Athena, na baka umiiyak siya habang hawak ng taong walang awa? Ang bawat segundong lumilipas ay parang unt-unting pumapatay sa akin.Kasama namin ni Tyler ngayon ang dalawang detective ng Swiss police nang marating namin ang Zurich Airport. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng sarili. Simpleng jacket at trouser lang na nahabblot ko sa cabinet ang suot ko ngayon, gulo-gulo ang buhok na hindi man lang magawang makapagsuklay, at nakatulala sa paligid. Pakiramdam ko ay lumalutang ang kaluluwa ko sa labas ng aking katawan. Ang tangi ko lang gustong maramdaman at makita ngayon ay ang aking anak. Ang muli siyang mayakap, maamoy, at masigurong ligtas siya.Habang

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 174

    Anong oras na pero wala pa rin si Rowan. Kanina ko pa siya tinatawagan pero nakapatay lang ang cellphone niya. Maaga pa nang umalis siya kanina. Hindi ko pa nga dapat schedule na ma-discharge, pero pinilit niya lang akong ilabas ng ospital. May ilang test pa sanang gagawin sa akin para matiyak na ligtas at maayos na talaga ang pregnancy ko, pero hindi niya na iyon pinatuloy.Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakatitig sa kaniyang numero sa screen ng cellphone ko. Nasaan na ba siya? Imposible naman na naghahanap pa rin siya kay Sophia sa ganitong oras ng hatinggabi. Halos mag-aalas-dose na. Nangako siya sa akin na kapag hindi pa namin nahanap si Sophia ngayong linggo, uuwi at babalik na kami ng Pilipinas. Sana lang talaga ay totohanin niya iyon. Gustong-gusto ko na ring lumagay kami sa tahimik at bumuo ng sarili naming pamilya nang walang gulo.Napahikab ako nang maramdaman ang matinding antok. Hindi ko na kaya ang maghintay pa kaya humiga na ako sa kama ng inuupahan naming apar

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 173

    Nakatayo kami ni Tyler sa harapan ng mga Swiss police officer habang pabalik-balik ang ilan sa kanila doon sa loob ng aming chalet. Nakabalot ang isang kapal na kumot sa aking nangangatog na katawan para kahit papaano ay maibsan ang matinding lamig, pero walang kumot ang nakapagpainit sa nanlalamig kong puso. Nakayuko lang ako, walang tigil sa pagbagsak ang mga mainit na luha mula sa aking magang-maga at nanhahapding mga mata.Wala nang mas sasakit pa sa isang ina ang maranasan ang ganitong uri ng pagdurusa. Ang pakiramdam na inagawan ka ng buhay, na ang kalahati ng puso mo ay marahas na pinitas mula sa iyong dibdib habang nakatayo kang walang laban.Nakalupot ang bisig ni Tyler sa aking balikat at nakahawak nang mahigpit para hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kaniyang katawan at ang mabigat niyang paghinga.Sa hindi kalayuan, halos durugin ang puso ko nang makitang isinasakay ng mga paramediko ang bangkay ni Nana Selya sa isang itim na body

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 172

    Halos halughugin ko na ang buong kuwarto ni Athena pero wala talaga siya roon. Hindi ko na namalayan ang patuloy na palang bumabagsak ng aking mga luha, nanlalabo na ang aking paningin at parang pinupunit ang dibdib ko sa matinding takot."Athena, anak!" piyok kong sigaw sabay takbo palabas ng silid. "Tyler, si Athena!"Naabutan ko si Tyler na nakatulala kay Nana Selya, halatang hindi pa rin lubos na makapaniwala sa mabilis na pangyayari. Nakapikit na ang matanda at wala nang buhay na nakahandusay sa sahig.Napahagulhol ako nang napakalakas, dahilan para mapabalik sa ulirat si Tyler at napatingin sa akin. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at mabilis na hinawakan ang aking mga braso."Nasaan si Athena?" natatarantang tanong niya habang sinusulyapan ang nakabukas na pintuan ng nursery.Sunod-sunod akong umiling sa kaniya habang patuloy sa pag-iyak. "W-Wala si Athena... Tyler, wala ang anak natin sa loob!"Para akong naubusan ng lakas at tuluyang bumagsak ang aking mga tuhod. Mabuti na la

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 171

    Naalimpungatan ako nang marinig ang pag-iyak ni Athena. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang umiiyak, pero kakaiba ang tono niyon, hindi iyon ang karaniwang iyak niya kapag nagugutom siya. Naisip kong baka kinabag na naman siya dahil napakasensitibo talaga ng tiyan ng batang iyon, lalo pa't matakaw rin. Kung hindi aawatin sa gatas ay hindi titigil.Bahagya akong bumangon para abutin ang cellphone sa bedside table at tingnan ang oras. Alas tres na ng madaling araw. Ganitong oras talaga madalas nagigising si Athena. Akmang bababa na ako ng kama para puntahan siya nang biglang magmulat si Tyler at hawakan ang aking kamay.Napalingon ako sa kaniya."Where are you going?" namumungay pa ang mga matang tanong niya. "Hindi pa umaga, love.""Pupuntahan ko si Athena. Umiiyak siya. Baka masakit ang tiyan niya," sagot ko habang nagmamadaling tatayo sana."Naroon naman si Nana Selya. Alam na niya ang gagawin niya," untag ni Tyler."Pero kahit na... hindi ako mapakali. Gusto ko pa rin siyang p

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 77

    TYLERKatatapos lang ng meeting ko kay Mr. Saldivar sa isang restaurant. Kaaalis lang din niya, at balak ko na sanang tumayo para bumalik sa opisina nang mahagip ng paningin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto. Isang babaeng nakasuot ng puting bistida, nakayuko ang ulo, at tila nahihiya sa b

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 5

    "Ma'am Sophia, mas mabuti pa sigurong umuwi ka na muna," singit ni Kevin sabay hawak sa kamay ko para igiya ako palabas."Bitawan mo ako!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napaatras siya at napayuko, hindi makatingin sa akin nang diretso. Muli kong hinarap ang asawa ko at ang kabit

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 4

    Nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagtalikod ni Tyler para umalis. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang sikip nito. Unti-unting tumulo ang aking mga luha, halos hindi ko matanggap ang lahat ng nalaman ko. Ayaw kong tanggapin. Ayaw kong paniwalaan na na

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 3

    Tahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status