Share

Chapter 174

Author: London Bridge
last update publish date: 2026-09-28 20:24:50

Anong oras na pero wala pa rin si Rowan. Kanina ko pa siya tinatawagan pero nakapatay lang ang cellphone niya. Maaga pa nang umalis siya kanina. Hindi ko pa nga dapat schedule na ma-discharge, pero pinilit niya lang akong ilabas ng ospital. May ilang test pa sanang gagawin sa akin para matiyak na ligtas at maayos na talaga ang pregnancy ko, pero hindi niya na iyon pinatuloy.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakatitig sa kaniyang numero sa screen ng cellphone ko. Nasaan na ba siya? Impos
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 174

    Anong oras na pero wala pa rin si Rowan. Kanina ko pa siya tinatawagan pero nakapatay lang ang cellphone niya. Maaga pa nang umalis siya kanina. Hindi ko pa nga dapat schedule na ma-discharge, pero pinilit niya lang akong ilabas ng ospital. May ilang test pa sanang gagawin sa akin para matiyak na ligtas at maayos na talaga ang pregnancy ko, pero hindi niya na iyon pinatuloy.Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakatitig sa kaniyang numero sa screen ng cellphone ko. Nasaan na ba siya? Imposible naman na naghahanap pa rin siya kay Sophia sa ganitong oras ng hatinggabi. Halos mag-aalas-dose na. Nangako siya sa akin na kapag hindi pa namin nahanap si Sophia ngayong linggo, uuwi at babalik na kami ng Pilipinas. Sana lang talaga ay totohanin niya iyon. Gustong-gusto ko na ring lumagay kami sa tahimik at bumuo ng sarili naming pamilya nang walang gulo.Napahikab ako nang maramdaman ang matinding antok. Hindi ko na kaya ang maghintay pa kaya humiga na ako sa kama ng inuupahan naming apar

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 173

    Nakatayo kami ni Tyler sa harapan ng mga Swiss police officer habang pabalik-balik ang ilan sa kanila doon sa loob ng aming chalet. Nakabalot ang isang kapal na kumot sa aking nangangatog na katawan para kahit papaano ay maibsan ang matinding lamig, pero walang kumot ang nakapagpainit sa nanlalamig kong puso. Nakayuko lang ako, walang tigil sa pagbagsak ang mga mainit na luha mula sa aking magang-maga at nanhahapding mga mata.Wala nang mas sasakit pa sa isang ina ang maranasan ang ganitong uri ng pagdurusa. Ang pakiramdam na inagawan ka ng buhay, na ang kalahati ng puso mo ay marahas na pinitas mula sa iyong dibdib habang nakatayo kang walang laban.Nakalupot ang bisig ni Tyler sa aking balikat at nakahawak nang mahigpit para hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kaniyang katawan at ang mabigat niyang paghinga.Sa hindi kalayuan, halos durugin ang puso ko nang makitang isinasakay ng mga paramediko ang bangkay ni Nana Selya sa isang itim na body

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 172

    Halos halughugin ko na ang buong kuwarto ni Athena pero wala talaga siya roon. Hindi ko na namalayan ang patuloy na palang bumabagsak ng aking mga luha, nanlalabo na ang aking paningin at parang pinupunit ang dibdib ko sa matinding takot."Athena, anak!" piyok kong sigaw sabay takbo palabas ng silid. "Tyler, si Athena!"Naabutan ko si Tyler na nakatulala kay Nana Selya, halatang hindi pa rin lubos na makapaniwala sa mabilis na pangyayari. Nakapikit na ang matanda at wala nang buhay na nakahandusay sa sahig.Napahagulhol ako nang napakalakas, dahilan para mapabalik sa ulirat si Tyler at napatingin sa akin. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at mabilis na hinawakan ang aking mga braso."Nasaan si Athena?" natatarantang tanong niya habang sinusulyapan ang nakabukas na pintuan ng nursery.Sunod-sunod akong umiling sa kaniya habang patuloy sa pag-iyak. "W-Wala si Athena... Tyler, wala ang anak natin sa loob!"Para akong naubusan ng lakas at tuluyang bumagsak ang aking mga tuhod. Mabuti na la

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 171

    Naalimpungatan ako nang marinig ang pag-iyak ni Athena. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang umiiyak, pero kakaiba ang tono niyon, hindi iyon ang karaniwang iyak niya kapag nagugutom siya. Naisip kong baka kinabag na naman siya dahil napakasensitibo talaga ng tiyan ng batang iyon, lalo pa't matakaw rin. Kung hindi aawatin sa gatas ay hindi titigil.Bahagya akong bumangon para abutin ang cellphone sa bedside table at tingnan ang oras. Alas tres na ng madaling araw. Ganitong oras talaga madalas nagigising si Athena. Akmang bababa na ako ng kama para puntahan siya nang biglang magmulat si Tyler at hawakan ang aking kamay.Napalingon ako sa kaniya."Where are you going?" namumungay pa ang mga matang tanong niya. "Hindi pa umaga, love.""Pupuntahan ko si Athena. Umiiyak siya. Baka masakit ang tiyan niya," sagot ko habang nagmamadaling tatayo sana."Naroon naman si Nana Selya. Alam na niya ang gagawin niya," untag ni Tyler."Pero kahit na... hindi ako mapakali. Gusto ko pa rin siyang p

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 170

    Tumunog ang cellphone ni Tyler sa ibabaw ng bedside table. Kalalabas pa lang niya mula sa bathroom pagkatapos mag-shower habang nagpapagpag naman ako ng kama. Mas malapit ako sa kinaroroonan ng telepono kaya ako na ang kumuha niyon.Nakita ko ang pangalan ni Axel sa screen na tumatawag kaya napahinto ako at mabilis na nilingon si Tyler."It's Axel..." bulalas ko.Dali-daling lumapit si Tyler sa akin at kinuha ang cellphone para sagutin ang tawag. Katulad ng nakasanayan, agad niyang inilagay sa loudspeaker ang telepono para marinig ko rin."Axel, anong balita kay Rowan?" bungad agad ni Tyler."Sir, wala na po si Rowan sa bahay niya," paliwanag ni Axel mula sa kabilang linya. "Nakausap ko ang bagong nakatira roon, halos mag-iisang buwan na raw simula nang lumipat sila. Ibinenta na ni Rowan ang bahay para sumunod sa mga magulang niya sa ibang bansa at doon na manirahan. Kasama raw nito ang asawa niyang buntis. Mukhang si Mariel ang tinutukoy nito."Naningkit ang aking mga mata sa narinig

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 169

    "Tyler... I... I think I saw Rowan in the hospital," sabi ko kay Tyler nang makalabas na kami sa restaurant.Katatapos lang namin mag-lunch at ngayon ay pauwi na kami. Hindi kami nagkasabay kumain kanina dahil ayaw magpababa ni Athena sa kaniyang stroller. Namamaga kasi ang braso nitong tinurukan sa kaniya at mukhang nasaktan siya nang sobra. Kaya naman pinauna muna ako ni Tyler kumain habang karga-karga niya ang bata, bago siya sumunod nang makatapos ako.Napalingon si Tyler sa akin mula sa driver seat. Agad na sumalubong ang kaniyang mga kilay sa sinabi ko, at mabilis niyang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada kung saan pwedeng mag-park. Lumikha ng bahagyang tunog ang gulong bago tuluyang huminto ang sasakyan.Pumihit siya sa akin para harapin ako nang buo, seryoso at bakas ang pag-aalala sa kaniyang mga mata."What did you say?" pag-uulit niya. "What do you mean na nakita mo si Rowan kanina?"Napabuntong-hininga ako habang dahan-dahang hinihili si Athena dahil nagsisimula na n

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 77

    TYLERKatatapos lang ng meeting ko kay Mr. Saldivar sa isang restaurant. Kaaalis lang din niya, at balak ko na sanang tumayo para bumalik sa opisina nang mahagip ng paningin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto. Isang babaeng nakasuot ng puting bistida, nakayuko ang ulo, at tila nahihiya sa b

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 5

    "Ma'am Sophia, mas mabuti pa sigurong umuwi ka na muna," singit ni Kevin sabay hawak sa kamay ko para igiya ako palabas."Bitawan mo ako!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napaatras siya at napayuko, hindi makatingin sa akin nang diretso. Muli kong hinarap ang asawa ko at ang kabit

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 4

    Nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagtalikod ni Tyler para umalis. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang sikip nito. Unti-unting tumulo ang aking mga luha, halos hindi ko matanggap ang lahat ng nalaman ko. Ayaw kong tanggapin. Ayaw kong paniwalaan na na

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 3

    Tahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status