Share

Special Chapter 6

Author: London Bridge
last update publish date: 2026-11-15 21:40:54

Binuksan ko ang pintuan sa veranda ng aking kwarto bandang alas-dos ng madaling araw dahil hindi pa rin ako dalawin ng antok. Ayokong magtagal sa ganitong pakiramdam na may naglalarong kabigat-bigat sa dibdib ko. Ayokong may inililihim, pero kahit anong gawin ko ay hindi na iyon mababago pa. Nangyari na ang nangyari. Ang kailangan ko na lang gawin ay panindigan ang lihim na ito kung gusto ko pang matuloy ang kasal namin ni Jeremiah.

Malalim akong napabuntong-hininga at dinama ang malamig na han
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Special Chapter 9

    Pumasok na naman sa maling kwarto?Ano ang ibig niyang sabihin doon? Hindi ito ang unang beses na pumasok ako sa kwarto niya?Salubong na salubong ang mga kilay kong nakatitig sa kanya. Ano ba talaga ang nangyari nang gabing iyon sa Cebu? Pumasok ba ako sa kwarto niya? Paano nangyari iyon?I met him on the dance floor. He flirted with me, at matapos kong itaboy ay bumalik ako sa table namin ng mga kaibigan ko. At pagkatapos noon, blangko na ang lahat. Sa tuwing sinusubukan kong alalahanin, sumasakit lang ang ulo ko. Kung may lumilitaw man sa isip ko, puro sirang-sirang boses at tinig lamang iyon. Ang mga imahe ay masyadong malabo at mabilis dumaan."Paano ako napunta sa kwarto mo nang gabing iyon?" tanong ko sa kanya, halos pabulong na lang dahil sa kaba.Tinaasan niya ako ng kilay bago umangat ang gilid ng kanyang labi. Tumalikod siya at tinungo ang walk-in closet, mga damit na nga niya ang naroon at hindi ang kay Jeremiah."Akala ko ba ayaw mo nang malaman? Hindi ba't sinabi mo ring

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Special Chapter 8

    Inis na inis akong bumaba ng sasakyan ni Iñaki nang hindi man lang siya nililingon o pinagpapasalamatan. Sinuklay ko ang magulo kong buhok at hinimas ang parte ng gilid ng ulo ko na nauntog sa bintana. Parang nagkabukol pa ata ako. Iñaki used full speed while driving. Daig pa niya ang kumakarera! Kahit nakikita niyang nahihirapan na ako ay wala man lang siyang pakialam.Gód. He is getting on my nerves.Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking katulad niya."Good afternoon, Ma'am," bati ni Luningning sa akin nang pagbuksan niya ako ng pintuan.Mula sa kusina ay lumabas si Mommy na nakasuot ng apron at puno ng harina ang mga kamay. Mukhang nagbabake na naman. Nitong mga nakaraang linggo ay kung ano-anong klase ng tinapay ang sinusubukan niyang lutuin para ipamigay sa mga bata sa lansangan."Athena, nakauwi ka na agad?" puna niya at nilapitan ako."Hindi na natapos ni Jeremiah ang food tasting namin, Mom. He had to leave dahil may emergency sa law firm," tugon ko bago siya halikan sa pisng

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Special Chapter 7

    "Jeremiah asked you to drive me home?" pagkukumpirma ko pa habang salubong ang mga kilay. "Bakit ikaw?"Maangas niyang inilagay ang mga kamay sa kanyang bewang at tumunghay sa akin. "Why don't you ask him yourself? I'm just doing a favor."Gaano na ba sila ka-close magkapatid para siya ang utusan ni Jeremiah na maghatid sa akin? Kahapon lang sila nagkausap at nagkita nang maayos, wala pang isang araw. Pero sa kabilang banda, naisip ko na bapor ito sa akin. Kailangan ko siyang makausap nang masinsinan para mawala na ang takot at kaba sa dibdib ko.Humakbang ako papunta sa kotse niya at akmang bubuksan ang backseat door nang hawakan niya ang braso ko. Napakislot ako nang maramdaman ang mainit niyang balat at mabilis na binawi ang braso ko."Ano ba! What's wrong with you?" pagtataray ko sa kanya.Itinuro niya ang passenger seat. "Hindi mo ako driver. Doon ka sa unahan."Hindi na niya ako hinintay na makasagot pa at tinalikuran na ako para pumasok sa driver's seat. I looked at him in disb

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Special Chapter 6

    Binuksan ko ang pintuan sa veranda ng aking kwarto bandang alas-dos ng madaling araw dahil hindi pa rin ako dalawin ng antok. Ayokong magtagal sa ganitong pakiramdam na may naglalarong kabigat-bigat sa dibdib ko. Ayokong may inililihim, pero kahit anong gawin ko ay hindi na iyon mababago pa. Nangyari na ang nangyari. Ang kailangan ko na lang gawin ay panindigan ang lihim na ito kung gusto ko pang matuloy ang kasal namin ni Jeremiah.Malalim akong napabuntong-hininga at dinama ang malamig na hangin sa aking mukha. Kailangan ko munang makausap nang masinsinan si Iñaki. Kung kilala man niya ako o hindi bago ang gabing iyon kaya niya ako nilapitan, hindi na iyon importante sa ngayon. Ang mahalaga ay pareho namin itong kalimutan at ibaon na lamang sa limot kung ano ang nangyari sa amin sa Cebu."Hindi ka makatulog? Ang lalim ng buntong-hininga mo. May problema ba?"Napalingon ako sa katabing veranda nang makita roon si Kendra na nakaupo. Hindi ko siya agad napansin sa sobrang okupado ng is

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Special Chapter 5

    Ngumisi si Iñaki at inalis ang pagkakakrus ng mga braso sa dibdib. Yumuko siya hanggang sa halos dalawang pulgada na lang ang pagitan ng mga mukha namin, kaya namilog ang mga mata ko at mabilis na umatras palayo sa kanya. Pero sa tuwing aatras ako, umaabante naman siya hanggang sa maramdaman ko na lang ang likod kong tumama sa pader."You're so scared, Athena. Ingat ka. Huwag pahalata. Baka sakali pang sa iyo unang malaman ni Jeremiah ang lihim mo," bulong niya sa tabi ng tainga ko.Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa bandang leeg ko dahilan para mag-tayuan ang mga balahibo ko sa braso at muling mapalunok. Buong-lakas ko siyang itinulak palayo."Are you really that clueless kung sino ako, Iñaki?" hamon na tanong ko sa kanya para mapilit siyang umamin. I need a confirmation na hindi niya sinasadyang lapitan ako kagabi."Pinag-iisipan mo bang nilapitan kita kagabi dahil kilala kita? Dahil alam kong ikaw ang fiancée ni Jeremiah? Ganon ba?""Oo!" mabilis kong sagot. "Sabihin mo s

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Special Chapter 4

    Gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa mga sandaling iyon, lalo pa nang titigan ako ni Iñaki ng ilang segundo na para bang pinag-aaralan ang mukha ko, bago siya ngumiti."Nice to meet you," bati niya at pansamantalang inalis ang atensyon sa akin para harapin si Jeremiah. "You got a good taste, brother."Ngumisi si Jeremiah. "Athena is the current President of The Santibañez Group," tunog pagyayabang niya. "We've been together for a long time."Kung sa ibang tao niya lang iyon sinabi ay baka kiligin pa ako, pero hindi ibang tao ang kasama namin ngayon. Malalim akong lumunok. Nararamdaman kong parang nanghihina ang mga tuhod ko at parang may nagtatakbuhang mga kabayo sa loob ng dibdib ko. Nagsasalita ang magkapatid pero parang wala akong naririnig. Pakiramdam ko ay lumipad sa ibang ibayo ang utak at kaluluwa ko."What about you, Iñaki, are you in a relationship right now? Married? Engagement?" si Jeremiah.I'm trying to move on and forget what just happened last night, pero pakiramdam k

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 4

    Nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagtalikod ni Tyler para umalis. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang sikip nito. Unti-unting tumulo ang aking mga luha, halos hindi ko matanggap ang lahat ng nalaman ko. Ayaw kong tanggapin. Ayaw kong paniwalaan na na

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 3

    Tahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na ni

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 2

    Pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong sa akin si Manang. Napakurap siya nang makita ang itsura ko.“Ma’am Sophia?” Hinagod niya pa ako ng tingin kaya napalunok ako.Tumango ako at pilit na inayos ang aking hitsura. “Nasaan ang Sir Rowan mo?”“Ma'am, akala namin kasama niyo kagabi si Sir Rowan?”Nati

  • Sold By My Husband, Pampered By The Billionaire   Chapter 1

    "Nahihilo ka ba?" malambing na tanong ng asawa kong si Rowan sa akin.Nakahawak ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko ay unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Parang umiikot ang mga nasa paligid.Agad akong kumapit sa kanya para hindi matumba. "U-Umuwi na tayo..." pakiusap ko sa kanya."Pero hindi pa t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status