Masuk"She's a wake!! D-daddy!! The lady is a wake!" Sigaw nang bata.
Napapadaing ako dahil sa tumatalon siya sa ibabaw ko. Tiyansiya ko ay nasa limang taon na ito. Babaeng bata ito, naka-dress pa habang tumatalon sa ibabaw ko, nasapo ko tuloy ang dibdib ko nang muntikan na niya itong matamaan. Lihim naman akong nagpasalamat nang may malaking bulto ang kumuha sa batang nasa ibabaw ko. "Don't jump above her, Molina." Saad nang lalaki. Nang lingunin ko kung sino ito ay napabangon ako kaagad nang makitang si Dante ito. Wala siyang saplot pang itaas, naroon rin ang bandage sa kanyang bewang. "Ibaba mo siya, baka bumuka pa ang sugat mo," mataray na saad ko sa kanya, hindi ko pinahalata ang concern kong sarili. Bakit ba ako concern sa lalaking 'to? Doctor concern lang siguro. Kahit na masamang damo siya, tao pa rin siya at bilang doctor nag-aalala pa rin ako sa kanya. Sinunod niya naman ang utos ko, pinaupo niya ang bata sa kama. Sa tabi ko. Tinignan ko ang bata ng puno nang koryosidad. Pabalik balik ang tingin ko sa batang babae at sa lalaking naka-maskara at hubad baro sa harapan ko. Umiwas tuloy ako nang tingin ng hindi ko mapigilan ang sarili na mapadapo ang tingin sa kanyang katawan. My gosh self! He's a monster remember?! Wala siyang puso para bilhin ka at angkinin. "Anak mo?" Tanong ko. Sa isip ko lang sana 'yun pero mukhang naging traydor ang bibig ko at nabigkas ko ito. "It's none of your business." Malamig na sagot niya sa'kin. Napairap na lamang ako sa naging sagot niya. Saka muling umiwas ng tingin nang mapadako ang mata ko sa mga tattoo niya sa katawan na halos kinain na nito ang lahat nang kanyang balat. Bumaling ako sa bata na ngayon ay malaki ang ngiti sa labi habang nakatingin sa akin. Parang kumikinang pa ang mga mata niya. Nginitian ko rin siya palabik. "Daddy, is she my new mom?" Tanong niya sa lalaki. So tama nga ako, may anak siya. So ibig sabihin may asawa na siya? Pero ang sabi nang bata ay new mommy, naghiwalay ba sila? Nagkibit balikat si Dante. "Yeah, I don't know, ask her." Ang lamig niyang sumagot sa anak niya. Kaya hindi ko mapigilan ang sariling panliksihan siya nang tingin, nang bumaling ang tingin ko sa bata, nakangiti pa rin siya, hindi man lang alintana ang malamig na boses nang kanyang ama kung sumagot sa kanya. "Hi po miss. Can you be my new mommy?" Malaki ang ngiti na tanong sa akin ng bata. Laglag naman ang panga ko sa kanyang isinaad. New mommy? Kaya ba binili ako ng lalaking toh para may mag-alaga sa anak niya? Nang bumaling muli ang tingin ko kay Dante at ngumingiwi ito na sinasapo ang kanyang sugat. "Maupo ka nga! Hindi ka pa magaling pero naglalakad ka na at tumatayo!!" Singhal ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize iyun, umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at itinikom ang bibig. Baka mabaril pa niya ako. Sinunod niya naman ang sinabi ko. Nahiga siya ulit sa kama, sa tabi ko kaya bumagon na ako agad at tumayo. Naglakad naman papalapit sa kanya ang batang babae na si Molina at yumakap sa kanya. "Huwag mong masyadong yakapin ang daddy mo. Medyo malala pa ang sugat niya," paalala ko sa bata. Tumango naman ito saka mahinhin na yumakap sa kanyang ama. Ang cute nilang tignan. Nakapikit ang lalaki, yakap yakap din si Molina. Hindi mo talaga aakalain na isa siyang masamang tao. "You didn't answer my question, miss." Saad nang bata nang akmang tatalikod na ako para pumunta ng banyo. Natigilan ako saka dahan dahan siyang nilingon. Natahimika ko, hindi ko alam kung ano ang isasagot. Kung oo ba o hindi, pero ayaw ko namang umasa ang bata. Nag-iisip na kasi ako ngayon kung paano makatakas at makawala sa kadena ni Dante. Ayaw kong manatili rito, ayaw kong mabulok dito kasama si Dante. At ang pinaka ayaw ko ay ang umasa ang bata. "A—" "Yes, she is your new mother. Molina." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabat ni Dante sa kanyang anak. A monther what?!! "P-pero." "Yey!! I Have a new mom!" Sigaw ng bata at napatalon. Nataranta naman ako dahil baka tumalon ito sa kanyang ama. "Don't jumb, Molina." Natataranta ang boses na saad ko. Hindi ko masabi sa bata na hindi totoo ang sinabi ng kanyang ama sa kanya. Habang nakatingin sa nakangiting labi ni Molina na halatang tuwa tuwa siya sa binalita ng kanyang ama, hindi ko mapigilan ang sarili na manahimik na lamang at huwag ng putulin ang kasiyahan niya. Napabuntong hininga na lamang ako at tumalikod para mag-cr. Pagbalik ko ay magkayakap na ang mag-ama at mahimbing na natutulog sa kama. Kung kanina ay nawala ang mga bodyguards nang gising si Dante, ngayon ay bumalik nanaman sila, nasa sulok sulok lamang sila, nakatayo at nagbabantay. Hindi nanaman ako makakatakas. May nakahain na pagkain sa may maliit na mesa. "Para sa'kin toh?" Tanong ko sa mga lalaking nakatayo. "Yes po ma'am." Sabat ng isa. Umupo ako roon at nagsimula nang kumain. Habang kumakain napapatingin ako sa mag-ama na natutulog sa may kama. Magkamukha ba sila? Katulad ba ng mukha ni Molina, ang mukha ni Dante? Naka-maskara kasi ang lalaki kaya hindi ko alam kung ano ang itsura niya. Bakit ba kasi nagma-maskara siya. Para mysterious ganun? Nang matapos akong kumain ay timing din na nagising ang bata. Namumungay ang mata niyang tumayo sa kama at lumapit sa may mga lalaking nakatayo. "Uncle Drew, pop." Kinarga siya ng lalaki at lumabas sila silid. Nagtaka ako nang lahat ng mga lalaki ay lumabas din, bahagyang nabuhayan ang loob ko. Makakatakas na ako. Pero naglaho iyun nang mapansin kong gising si Dante. Kaya naman pala sila lumabas. "Will be married tomorrow." "Huh?" Kunot ang noong tanong ko sa kanya. "Magpapakasal tayo bukas, sa ayaw at sa gusto mo." Laglag ang panga at hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "You're going to be my wife, soon..."Dumako ako sa loob, nauuna si Franz habang ako ay nasalikuran niya lang at sinusundan siya. Damang dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dahil ba sa nandito si Dante? Gusto ko rin siya makita pero hangga’t maaari ay huwag muna silang magkita ng mga anak ko- anak namin.Pumasok na ako sa loob, bumungad sa akin ang naglalarong sila Daniel, Danica at dalawang babae. “Tita Winter kumusta na po si tito Gerlad? Kawawa naman po, sinuntok niyo,” ani ni Danica sa isang morenang babae. Kalaro niya ito ng barbie doll.Ngumuwi ang mukha ng dalaga pero kalaunan ay ibinalik niya ito sa ngiti. “Ewan ko sa tito Gerlad mo, huwag na natin siyang pag-usapan baby naiinis si tita Winter mo,” ani ng babae.Nagtataka siyang tinignan ng bata. “Why?”“Basta.”“Why?”“Gusto mo sumunod sa tito mo, Danica?” Mahinhin na pagbabanta sa kanya ng babae. Tumikhim ako para pukawin ang atensyon nila. Napalingon sila sa akin, at nanlaki ang mga mata ng anak ko n
Nasa kotse ako ngayon. Tinignan ko ang phone ko na dead battery. I-cha-charge ko na lang siguro 'to pagbalik ko sa condo. Nagmamaneho ang isa sa mga kambal na si Richard daw, ayon sa kanya. Ang isa niya namang kakambal ay Recardo. Ang ganda rin ng pagpangalan sa kanila noh, English to Tagalog lang. Sayang at hindi ko 'yun naisip sa kambal ko, maganda sanang ideya 'yun. Binaba niya na ako sa condo ko, kukunin niya raw ako bukas at tatawag sa akin si lolo. Napag-isipan ko na kasi ang desisyon ko. Pumayag ako sa gusto nila. Ang maging leader ng organisasyon. Pero kailangan ko itong ilihim sa mga tao, ako lang dapat ang nakakaalam. At sinisiguro ko na aangat muli ang organisasyon ni lola. Bilang pagbawi na rin sa ilang taon na hindi ko siya nakasama. Binuksan ko ang condo. Walang tao ang naroon, sigurado ay nasa kila Jolly sila. Ini-open ko ang cellphone ko ng ma-charge ko ito saka tinawagan si Jolly. Ilang ring lang naman ang inabot ko bago ito sumagot. "Villa!!" Gulat niyang s
Kumakain ako ngayon kasama ang lolo ko at ang dalawang lalaki na blonde ang buhok. Nasa iisang hapag kami habang maraming mga lalaking nakakulay black na suit sa paligid namin.“Akala ko ba tauhan mo rin tung kambal? Bakit kumakain siya kasama natin?” Tanong ko. Hindi naman sa pigiging rude, nagtataka lang talaga ako. Mahinang tumawa ang lalaki. “Hindi ko lang sila basta mga tauhan, apo. Noong iniwan ako ng mommy mo ay inampon ko silang dalawa para may anak-anakan ako at medyo mawala ang pangungulila ko sa mommy mo.” Saad ng matanda.Napatango-tango ako. Kung sa bagay may point siya. Kung ako iniwan ng anak dahil sa pagiging selflessness. Pero sempre hindi iyun mangyayari sa akin dahil mahal na mahal ko ang anak ko. Hahayaan ko sila kung sino ang mamahalin nila at makasama habang buhay, hindi ako makekealam sa desisyon nila sa pag-ibig.Ayaw ko silang matulad kay mommy o sa akin na naging sawi sa pag-ibig. Speaking of Dante.“Bakit ngayon niyo lang ako nilapitan? Bakit ngayon niyo
Villa P.O.V Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa paligid. Pero ng idilat ko ang mata ko ay wala akong ibang makita kundi kadiliman. Naka-blind fold ata ako. “Bakit may ibang tao kanina? Kilala niyo ba kung sino ang nagpaputok kay Dante?” “Hindi po boss, ang pakay natin ay ang asawa niya lamang. Hindi ko naaninag ang mukha ng lalaki kanina na binaril si Dante.” “Maliban pala sa atin ay may iba pang kaaway ang halimaw na ‘yun kahit na bagsak na ang organisasyon niya.” “Pero boss ano ang gagawin natin sa asawa niya?” Samot saring mga boses ang naririnig ko sa paligid ko. Mga tatlong tao ata ito. Kumabog ang dibdib ko ng mabangit nila si Dante. Nabangit din nila na may nagpaputok kay Dante. “Hello… maayos lang ba si Dante?” Tanong ko sa kanila kahit na hindi ko naman sila kilala. Wala akong pakealam kung kalaban sila o gusto nila akong patayin, ang gusto ko lang ngayon ay malaman kung nasa maayos ba na kalagayan si Dante. “Uy gising na
Nagising ako sa na masakit ang buong katawan, masakit ang ulo at parang sinasaksak ng kutsilyo ang braso ko. Bigla kong naalala si Villa kaya napabangon ako pero maling kilos iyun dahil sumakit lalo ang braso ko."Boss Dante!" tawag ng kung sino. Lumapit ang lalaki sa akin na kulay brown ang buhok saka inalalayan ako muli na humiga. Sino ba siya?"S-si Villa..." Mahinang saad ko. Kailangan kong malaman kung nasa maayos ba na kalagayan ngayon si Villa. Kung nasaan siya, kung ano na ang nangyari sa kanya. "Boss masama pong balita, kinuha po siya ng dati niyong kalaban sa organization. Ang Florence Organization..." Saad ng lalaki. Organization? Florence? Wala akong alam sa mga sinasabi niya saka bakit niya ba ako tinatawag na boss? Umiling ako habang nangingitngit ang bagang. Naalala ko noong nawalan ako ng malay, naalala ko na may sinubukan akong sagipin, hindi ko lang alam kung sino pero habang nakikipaglaban ay nahulog ako sa bangin at nauntog ang ulo ko. Nang magising ay pinil
Akmang hahakbang siya palapit sa akin ng biglang may narinig kaming putok ng baril. Napasigaw ako rito at napatakbo sa kung saan. Ni hindi ko alintana kung saan na ako patutungo. "Villa!" Rinig kong sigaw ni Dante pero habang sumisigaw siya at tumatakbo ako ay nagiging mahina na ang kanyang boses sa pandinig ko. Habang tumatakbo ay bigla akong natisod kapa nadapa ako sa lupa. Napadaing ako sa sakit dahil tumama ang mukha ko sa matigas na lupa at parang nasugatan ata ang tuhod at palad ko. Wala kasi akong ibang nakikita dahil ang dilim ng paligid, gabi na at madilim na ang buong kalangitan, tanging ang ilaw lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag pero hindi ito sapat para makita ko lahat ng nasa paligid ko. Dahil sa sakit ng tuhod ko ay gumapang ako papunta sa ilalim ng malaking puno. Sumandal ako roon at humihingal na umupo. Napatakip ako sa tenga ko ng hindi na isang putok ang naririnig ko kundi marami na. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil







