Masuk"Siya po si Ma'am Vanilla Villa Quintana. Binili ni boss Dante," saad niya.
Kumunot ang noo ng doctor saka sinuri ang kabuuan ko na animo'y hinuhusgahan ang buo kong pagkatao. "Hindi ko akalain na hahantong siya sa pagbili ng babae," aniya. Pumorma ng ngisi ang kanyang labi pero nauwi ito sa munting tawa. Kumunot ang noo ko sa kanya. "Ako nga pala si Francis Magalona. A friend of Dante and also a friend— depende na lang kung kaibigan rin ang turing niya sa akin." Aniya, natatawa pa siya. Hindi niya inilahad ang kanyang kamay sa akin. Bahagya lang siyang ngumiti. "Aalis ka na? Puwede mo ba akong isama? Gusto ko nang makaalis dito, tinulungan ko naman na ang kaibigan mo, siguro naman puwede na akong umalis dito." Saad ko sa kanya, hindi pinansin ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili. "Huwag niyo po siyang pakikingan, Sir—" "Yeah I know." Sagot niya sa lalaking nagsalita. "Hindi puwede, wala akong karapatan sayo, Miss. Hindi kita pagmamay-ari. Nakaukit na sa kaluluwa at pagkatao mo ang pangalan ni Dante." "Walang nagmamay ari sa akin." Nangingitngit ang bagang na sabi ko. Hindi porket binili niya ako ay pagmamay-ari niya na ako, o ang kaluluha ko. Hindi naman siya ang lumikha sa akin o ang nagpaanak sa akin kaya wala siyang karapatang angkinin ako. Oo binili niya ako pero pera lang naman ang itinapon niya sa akin, kaya wala pa rin siyang karapatan na angkinin pati ang aking kaluluha. "If that's what you've said." Ani niya. Nag-ayos na siya ng kanyang gamit at handa nang umalis nang pigilan ko siya. "Hindi mo talaga ako isasama?" Tanong ko muli sa kanya pero tawa at paghawi lang ng kamay ko ang aking natanggap mula sa kanya. Wala na lamang akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong hininga at umupo sa gilid. Matalim na pinagmamasdan ang lalaking nakahilata ngayon sa kama. Mukhang nagsisisi na ako kung bakit ginamot ko pa ang lalaking 'to. Dapat ay pinuruhan ko na lang para sa kalayaan ko. Chance ko na yun ih, naging bato pa. Kinuha ko ang pagkain sa may mesa na hindi ko pa nagalaw. Ito yung dinala ng babae kanina na sinapak ko. Nakaramdam na kasi ako ng matinding kagutom. Hindi ko na ito kayang pigilan pa. "Hindi kayo aalis? Wala naman akong gagawin sa boss niyo." Aniya ko sa mga lalaking naka-all black na prenteng nakatayo lang sa bawat sulok ng silid. "Hindi po maari, ma'am." "Wala po kaming tiwala sa inyo at iyun din ang bilin sa amin ni boss na huwag kang pagkatiwalaan." Porma ng isa. Umasim naman ang mukha ko sa isinaad niya. Medyo nakaka-hurt ah. Hindi ba talaga kapani-paniwala ang pagmumukha ko? Oo maganda ako alam ko 'yun, pero hindi naman ako mukhang mamamatay tao noh. Nang matapos kumain ay naglakad lakad muna ako sa silid para matunawan. Habang naglalakad ay tinitignan ko ang mga shorts nila, sinusuri kung sino ang may hawak ng susi o kung sino ang mayroong susi na hawak. Napagod din ako kalaunan, wala naman kasi akong nakita sa mga shorts nila. Humiga na lamang ako sa sofa. "Hindi nangangalay mga paa niyo? Kanina pa kayo nakatayo ih." "Hindi po ma'am." Sabay sabay na sagot nila. Hindi ko na lamang sila pinagtuunan ng pansin. Ipinikit ko na lamang ang pagod kong katawan at natulog. Nagising na lamang ako nang may narinig na dumadaing. "Dali gisingin niyo si, ma'am." "Arghhh!!" "Tawagan niyo na lang ulit si Sir!!' Nagkagulo sa loob ng silid. Nagtaka ako kung bakit sila nagkagulo, ano bang nangyayari? Bumaling ang tingin ko kay Dante na ngayon ay sumisigaw na parang nasasaktan ito. Napatayo ako nang wala sa oras at nilapitan siya. Hinawakan ko ang kanyang noo, napabitaw ako agad ng maramdaman ang sobrang init niya na temperatura. "Bigyan niyo ako ng towel!" Sigaw ko sa kanila. Pati ako ay nataranta na rin. Nang bigyan na nila ako ng panyo ay agad akong tumakbo aa banyo at binasa ito, pinampunas ito sa noo at leeg ni Dante. Nanginginig siya, ramdam ko iyun. "Hinaan niyo ang aircon." "Rose..." Ungol ni Dante. Medyo kumalma na ang katawan niya, kaunti na lang ang kanyang panginginig at ngayon ay natutulog na lang, hindi na sumisigaw. Rose? Sino naman ang Rose na sinasabi niya? Napatitig ako sa kanyang mukha—sa kanyang mask. Ewan ko sa sarili ko pero nanguna ata ang utak ko bago ang galaw ko, itinaas ko ang kamay ko handa na sanang alisin ang mask niya nang sawayin ako ng isa sa mga lalaki. "Huwag niyo po balaking tangalin yan kung ayaw niyong mapugutan ng ulo." Malamig niyang saad, hindi ito tunog impormasyon kundi mas tunog pagbabanta pa ito. Nanindig ang nga balahibo ko sa kanyang sinabi. Inalis ko ang kamay ko sa kanyang mask saka itinago ito sa aking likod. Kunot ang noong pinagmasdan ko lang ang kanyang mukha. Curious kung ano ang nasa ilalim ng maskarang iyan. "Hindi kayo matutulog?" Tanong ko sa mga lalaki. "Para ano makatakas ka po?" Sagot naman nila. Napanguso na lamang ako nang mahihuna nila ang nais kong mangyari. Napatulala ako sa kawalan. Iniisip kung ano na kaya ang ginagawa ni Daddy ngayon. Masaya ba siya? Masaya ba siya na ibinenta niya ang kanyang sariling anak. Siguro kung naririto lang si Mommy hindi siya papayag na itaboy lang ako ng ganun ganun. How I wish she is still here, besides me. Napapikit pikit ako, nakaramdam nanaman ng antok. Kung kanina ay natatakot ako, at kinakabahan, pero bakit ngayon ganito? Tinutulungan ko ang taong sa tingin ko ay mananakit sa akin? Sa sobrang pagpikit pikit ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi niya. Nagising na lamang ako nang may naramdaman kong may tao sa aking ibabaw. Ramdam na ramdam ko ang mainit nitong buga sa aking mukha kaya naalimputagan ako ng gising. Pumikit pikit muna ako, medyo blurred pa kasi ang paningin ko nang buksan ko ito. At nang naging malinaw na ang sight ko ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang may batang nakaupo sa aking tiyan at tinitignan ako sa mukha.Dumako ako sa loob, nauuna si Franz habang ako ay nasalikuran niya lang at sinusundan siya. Damang dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dahil ba sa nandito si Dante? Gusto ko rin siya makita pero hangga’t maaari ay huwag muna silang magkita ng mga anak ko- anak namin.Pumasok na ako sa loob, bumungad sa akin ang naglalarong sila Daniel, Danica at dalawang babae. “Tita Winter kumusta na po si tito Gerlad? Kawawa naman po, sinuntok niyo,” ani ni Danica sa isang morenang babae. Kalaro niya ito ng barbie doll.Ngumuwi ang mukha ng dalaga pero kalaunan ay ibinalik niya ito sa ngiti. “Ewan ko sa tito Gerlad mo, huwag na natin siyang pag-usapan baby naiinis si tita Winter mo,” ani ng babae.Nagtataka siyang tinignan ng bata. “Why?”“Basta.”“Why?”“Gusto mo sumunod sa tito mo, Danica?” Mahinhin na pagbabanta sa kanya ng babae. Tumikhim ako para pukawin ang atensyon nila. Napalingon sila sa akin, at nanlaki ang mga mata ng anak ko n
Nasa kotse ako ngayon. Tinignan ko ang phone ko na dead battery. I-cha-charge ko na lang siguro 'to pagbalik ko sa condo. Nagmamaneho ang isa sa mga kambal na si Richard daw, ayon sa kanya. Ang isa niya namang kakambal ay Recardo. Ang ganda rin ng pagpangalan sa kanila noh, English to Tagalog lang. Sayang at hindi ko 'yun naisip sa kambal ko, maganda sanang ideya 'yun. Binaba niya na ako sa condo ko, kukunin niya raw ako bukas at tatawag sa akin si lolo. Napag-isipan ko na kasi ang desisyon ko. Pumayag ako sa gusto nila. Ang maging leader ng organisasyon. Pero kailangan ko itong ilihim sa mga tao, ako lang dapat ang nakakaalam. At sinisiguro ko na aangat muli ang organisasyon ni lola. Bilang pagbawi na rin sa ilang taon na hindi ko siya nakasama. Binuksan ko ang condo. Walang tao ang naroon, sigurado ay nasa kila Jolly sila. Ini-open ko ang cellphone ko ng ma-charge ko ito saka tinawagan si Jolly. Ilang ring lang naman ang inabot ko bago ito sumagot. "Villa!!" Gulat niyang s
Kumakain ako ngayon kasama ang lolo ko at ang dalawang lalaki na blonde ang buhok. Nasa iisang hapag kami habang maraming mga lalaking nakakulay black na suit sa paligid namin.“Akala ko ba tauhan mo rin tung kambal? Bakit kumakain siya kasama natin?” Tanong ko. Hindi naman sa pigiging rude, nagtataka lang talaga ako. Mahinang tumawa ang lalaki. “Hindi ko lang sila basta mga tauhan, apo. Noong iniwan ako ng mommy mo ay inampon ko silang dalawa para may anak-anakan ako at medyo mawala ang pangungulila ko sa mommy mo.” Saad ng matanda.Napatango-tango ako. Kung sa bagay may point siya. Kung ako iniwan ng anak dahil sa pagiging selflessness. Pero sempre hindi iyun mangyayari sa akin dahil mahal na mahal ko ang anak ko. Hahayaan ko sila kung sino ang mamahalin nila at makasama habang buhay, hindi ako makekealam sa desisyon nila sa pag-ibig.Ayaw ko silang matulad kay mommy o sa akin na naging sawi sa pag-ibig. Speaking of Dante.“Bakit ngayon niyo lang ako nilapitan? Bakit ngayon niyo
Villa P.O.V Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa paligid. Pero ng idilat ko ang mata ko ay wala akong ibang makita kundi kadiliman. Naka-blind fold ata ako. “Bakit may ibang tao kanina? Kilala niyo ba kung sino ang nagpaputok kay Dante?” “Hindi po boss, ang pakay natin ay ang asawa niya lamang. Hindi ko naaninag ang mukha ng lalaki kanina na binaril si Dante.” “Maliban pala sa atin ay may iba pang kaaway ang halimaw na ‘yun kahit na bagsak na ang organisasyon niya.” “Pero boss ano ang gagawin natin sa asawa niya?” Samot saring mga boses ang naririnig ko sa paligid ko. Mga tatlong tao ata ito. Kumabog ang dibdib ko ng mabangit nila si Dante. Nabangit din nila na may nagpaputok kay Dante. “Hello… maayos lang ba si Dante?” Tanong ko sa kanila kahit na hindi ko naman sila kilala. Wala akong pakealam kung kalaban sila o gusto nila akong patayin, ang gusto ko lang ngayon ay malaman kung nasa maayos ba na kalagayan si Dante. “Uy gising na
Nagising ako sa na masakit ang buong katawan, masakit ang ulo at parang sinasaksak ng kutsilyo ang braso ko. Bigla kong naalala si Villa kaya napabangon ako pero maling kilos iyun dahil sumakit lalo ang braso ko."Boss Dante!" tawag ng kung sino. Lumapit ang lalaki sa akin na kulay brown ang buhok saka inalalayan ako muli na humiga. Sino ba siya?"S-si Villa..." Mahinang saad ko. Kailangan kong malaman kung nasa maayos ba na kalagayan ngayon si Villa. Kung nasaan siya, kung ano na ang nangyari sa kanya. "Boss masama pong balita, kinuha po siya ng dati niyong kalaban sa organization. Ang Florence Organization..." Saad ng lalaki. Organization? Florence? Wala akong alam sa mga sinasabi niya saka bakit niya ba ako tinatawag na boss? Umiling ako habang nangingitngit ang bagang. Naalala ko noong nawalan ako ng malay, naalala ko na may sinubukan akong sagipin, hindi ko lang alam kung sino pero habang nakikipaglaban ay nahulog ako sa bangin at nauntog ang ulo ko. Nang magising ay pinil
Akmang hahakbang siya palapit sa akin ng biglang may narinig kaming putok ng baril. Napasigaw ako rito at napatakbo sa kung saan. Ni hindi ko alintana kung saan na ako patutungo. "Villa!" Rinig kong sigaw ni Dante pero habang sumisigaw siya at tumatakbo ako ay nagiging mahina na ang kanyang boses sa pandinig ko. Habang tumatakbo ay bigla akong natisod kapa nadapa ako sa lupa. Napadaing ako sa sakit dahil tumama ang mukha ko sa matigas na lupa at parang nasugatan ata ang tuhod at palad ko. Wala kasi akong ibang nakikita dahil ang dilim ng paligid, gabi na at madilim na ang buong kalangitan, tanging ang ilaw lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag pero hindi ito sapat para makita ko lahat ng nasa paligid ko. Dahil sa sakit ng tuhod ko ay gumapang ako papunta sa ilalim ng malaking puno. Sumandal ako roon at humihingal na umupo. Napatakip ako sa tenga ko ng hindi na isang putok ang naririnig ko kundi marami na. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil







