Share

CHAPTER 18.1: PINK PAPER BAG

*****RAIN*****

NAGING SOBRANG tahimik ang mga unang araw ni Rain matapos ang libing ng kanilang ina. Dahil sa puyat at pagdadalmahati'y hinayaan muna siyang magbakasyon mula sa trabaho, kaya naman sa ilang araw na nagdaa'y nasa bahay lang siya't nagmumuni-muni sa mga bagay-bagay. Madalas ay natutulala siya sa kawalan, na-iiyak pa rin siya pero sinisikap niyang ayusin ang sarili.

Imbes na magmukmok ay inu-ubos niya sa mga gawaing bahay ang kaniyang oras, sa gano'ng paraan ay hindi siya gaanong nakakapag-isip at na-iibsan ang bigat sa kaniyang dibdib kahit na paano...

Hanggang sa isang araw, habang naglilinis siya nang bahay ay aksidente niyang nalingunan ang mga photo album sa divided ng kanilang bahay. Binalak niyang linisin ang mga iyon, subalit isang pamilyar na larawan ang nahulog mula rito na muling nakapagpa-alala sa kaniya kay Art.

The old photograph was Art during his kindergarten days, totoy pa siya roon sa kandungan ng mama ni Rain. Parehong naka-hawak ang dalawa sa award ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status