Share

Chapter 37

Author: RGA.Write
last update publish date: 2025-08-20 10:00:13

“Hindi mo alam kung anong mga bagay na ginawa ko, lahat ng tiniis ko… para lang makilala ka,” tugon niya na halos pabulong pero matalim ang dating.

Natigilan ako. Hindi ko in-expect na iyon ang isasagot niya. Parang bigla akong kinilabutan, kasi may bigat sa bawat salitang binitawan niya. Bahagya niyang pinisil ang pisngi ko—hindi marahas, pero sapat para magpahinto sa akin. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya, naghahanap ng kasinungalingan, pero ang naki

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Diana May Lavisores
gaga!!sobrang taas ng pride yong girl puro what if!!puro duda!!!nakakapagod basahin tong story natu simula...sayang ang time!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 85

    Kinabukasan ay tuluyan nang bumalik si Terrence sa opisina para magtrabaho.Ayaw pa sana niya akong iwan kasama si Mommy. Ilang beses niya akong tinanong kung sigurado ba ako na kaya ko na siyang alagaan nang ako lang. Sa totoo lang, mas gusto rin niyang manatili sa condo at doon muna magtrabaho, pero ako mismo ang nagpumilit na pumasok siya.Dalawang malalaking kumpanya ang pinapatakbo niya. Ilang araw na niyang halos pinababayaan ang trabaho para lang samahan kami ni Mommy. Bilang asawa niya at bilang executive assistant niya, alam kong hindi puwedeng magpatuloy iyon nang matagal.Ayokong ako ang maging dahilan para magpatong-patong ang mga responsibilidad niya.Bago siya tuluyang umalis, ilang ulit pa niyang inulit ang mga bilin niya."Baby, may mga bodyguard sa labas ng unit at sa lobby. Huwag kang magbubukas ng pinto hangga't hindi muna nila kino-confirm kung sino ang nasa labas. Kahit sabihin pang delivery o maintenance, tawagan mo muna ako."Napangiti ako habang inaayos ang kuw

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 84

    WARNING!!! SPG!!!Pagkasara pa lang ng pinto ng silid namin, parang sabay-sabay na bumigay ang lahat ng lakas na pilit kong kinakapitan buong araw. Napahinto ako at napasandal sa likod ng pinto, sandaling ipinikit ang mga mata ko habang pilit kinokontrol ang paghinga. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi basta nawawala, kahit alam kong nasa loob na kami ng bahay—sa lugar na dapat sana ay ligtas.Pero hindi na ganoon kasimple ngayon.Narinig ko ang marahang paglapit ni Terrence, at bago pa ako tuluyang makabawi, naramdaman ko na ang init ng katawan niya sa harapan ko.“Hey…” mahina niyang tawag, halos pabulong, na parang ayaw akong gulatin.Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at tumingin sa kanya. Kita ko agad ang pag-aalala sa ekspresyon niya, ang paraan ng pagtitig niya sa akin na parang sinusubukan niyang basahin ang bawat iniisip ko.“Okay ka lang?” tanong niya, marahan ang boses pero puno ng sincerity.Napangiti ako nang bahagya, pero hindi ko rin kayang magsinungaling sa kanya.“Hi

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 83

    Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa naging reaksyon ni Mommy matapos ang biro ni Terrence. Sa gitna ng takot at tensyon, nagawa pa rin niyang pagaanin ang sitwasyon, na para bang wala kami sa gitna ng isang delikadong sitwasyon. Nakita ko kung paano bahagyang nag-relax ang mukha ni Mommy, at kahit sandali lang iyon, sapat na para kumalma ang dibdib ko.Hinuli ni Terrence ang kamay ko matapos ko siyang hampasin, saka iyon marahang pinisil. Walang salita, pero malinaw ang mensahe—nandito siya, at hindi niya ako pababayaan.Napailing na lang ako, pero hindi ko maitatanggi na sa kabila ng lahat, mas lumalakas ang loob ko dahil sa kanya.Gayunpaman, hindi pwedeng manatili kami sa ganoong estado. Hindi pwedeng magpaka-komportable sa isang lugar na malinaw nang hindi ligtas.Muling bumalik ang seryosong ekspresyon sa mukha ko habang nakatingin kay Terrence. “We need to move her,” mahinahon kong sabi, pero may bigat ang bawat salita. “As soon as possible.”Hindi siya nag-atubiling

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 82

    Hindi ko gustong umalis.Kahit ilang araw na akong halos hindi natutulog, kahit paulit-ulit na akong kinakausap ni Terrence na magpahinga, may parte sa akin na tumatanggi. Parang may kung anong mali na naghihintay na mangyari sa sandaling iwan ko ang silid ni Mommy.Tahimik siyang natutulog nang mga oras na iyon, payapa ang mukha, malayo sa takot na nakita ko sa kanya ilang araw na ang nakalipas. Pero kahit ganon, hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.“Baby…”Marahan akong napalingon kay Terrence na nakatayo sa likod ko. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay nang ipatong niya iyon sa balikat ko.“Kailangan mong magpahinga,” mahinahon niyang sabi. “Hindi ka na nakakabawi.”Hindi agad ako sumagot, napatingin lang ako ulit kay Mommy.“May mga tao sa labas,” dagdag niya. “Naka-brief na ang lahat. Walang makakalapit sa kanya.”Saglit akong napapikit.Dalawang bodyguard ang nakapwesto sa labas ng silid. May naka-assign din sa hallway. Alam kong hindi siya nagkulang sa pag-iingat.At hi

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 81

    Isang linggo ang lumipas.Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming araw ng kaba at paghihintay, unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Mommy.Hindi pa rin siya ganap na malakas, pero kitang-kita ang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan. Mas malinaw na ang kanyang mga mata, mas maayos na ang kanyang paghinga, at nagagawa na niyang makipag-usap nang hindi agad napapagod.Sa mga nakaraang araw, sinigurado ni Terrence na hindi kami mawawalan ng proteksyon.May dalawang bodyguards na palaging nakapwesto sa labas ng silid. May isa pang nakabantay sa dulo ng hallway. At ayon kay Terrence, may isa pang team na palihim na nagmo-monitor sa paligid ng hospital.Hindi niya sinasabi nang detalyado ang lahat, pero alam kong ginagawa niya ang lahat para sa kaligtasan naming mag-ina.Ngayong gabi, tahimik ang hospital room.Ako ay nakaupo sa tabi ng kama ni Mommy habang hawak ang kanyang kamay. Sa kabilang side naman ng kama ay nakaupo si Terrence, nakasandal nang bahagya sa upuan habang pinag

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 80

    Lumipas ang ilang araw na halos pare-pareho ang takbo.Tahimik. Maingat. At puno ng paghihintay.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napatingin sa pintuan ng hospital room, parang may inaasahang biglang papasok na hindi ko naman alam kung sino.Simula nang sabihin ni Terrence na may posibilidad na may taong gustong patahimikin si Mommy, hindi na nawala sa isip ko ang posibilidad na may nagmamasid sa amin.Kaya naman kahit hindi ko nakikita, alam kong may mga tao sa labas ng silid.Mga bodyguard na ipinadala ni Terrence.Hindi niya iyon ipinagmamalaki, pero nararamdaman ko ang pag-aalala niya sa bawat maliit na detalye. Mula sa pag-check ng CCTV sa hallway hanggang sa pagtiyak na iisa lang ang nurse na papasok sa room ni Mommy.At higit sa lahat, patuloy niyang pinapanatili ang lihim na nagising na si Mommy.Sa lahat ng tao sa hospital, tanging si Dr. Guerrero at ang dalawang nurse na pinagkakatiwalaan nito ang may alam ng totoo.Sa paningin ng lahat ay nasa coma pa rin ang aki

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 75

    Ilang araw pa ang lumipas at hindi pa kami muling nagkausap ni Terrence tungkol sa hiniling ko. Hindi ko na rin siya kinulit, kahit gustong-gusto ko sanang magtanong. Pero alam ko at ramdam ko na hindi niya iyon kakalimutan. I trust him, lalo na at sinabi na rin niyang pati ang mga magulang niya ang

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 74

    “Please, Terrence…” sabi ko, halos pabulong pero may halong pakiusap sa boses. Nakatayo ako sa harap ng office table niya, hawak-hawak pa ang gilid ng mesa na parang ‘yon na lang ang kakapitan ko.Kakasabi ko lang na gusto kong alamin ang totoo tungkol sa nangyari noon—pero heto siya, nakatingin lan

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 63

    Pagbukas pa lang ng elevator doors, parang sumabog sa mukha ko ‘yung init ng inis na kanina ko pa pilit nilulunok. Ugh, nakakairita talaga si Terrence. ‘Yung tipong gusto mong sampalin ng unan at sabay yakapin pagkatapos. Hindi ko alam kung iiyak ba ako, matatawa, o gusto ko na lang siyang itulak pa

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 61

    “Good morning, baby…” nakangiting bati sa akin ni Terrence pagdating niya sa dining area, bitbit pa ang bango ng bagong ligo at amoy ng cologne niya na parang sinadya talagang manggulo ng umaga ko. Ngumiti ako, pilit man, at bumati rin sabay iwas ng tingin.“Good morning, baby.”Nilapag ko ang nilu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status